Kunot-noo na sinalubong ni Bernard sina A na kadarating lang galing Australia. "Bakit hindi n'yo sinasagot ang mga tawag ko, A? Kahapon ko pa inaantay ang follow up n'yo tungkol sa anak ko." Napakamot sa ulo si A. "Pasensiya na, Boss, medyo nahirapan kasi akong bumuwelo kung paano sabihin sa'yo na-" "Namatay si Joanna, Boss-" "What did you say?!" kasabay nang pag-echo ng boses ni Bernard sa buong mansiyon, ay ang pagkabog ng kaniyang puso nang marinig ang sinabi ni B. "Ulitin mo ang sinabi mo kung ayaw mong tumumba ka diyan." "Namatay nga si Joanna, Boss, pero nabuhay," singit naman ni D. "Pinagloloko n'yo ba ako?" May C siya tumingin. Sa lima, ito ang bihirang magbiro. "Say it! Damn it!" "Totoo, Boss," seryosong sagot ni C. "Pinatay siya ni Gemaima. Pero biglang nabuhay. Naghimala r