Nabagot si Clara sa kuwarto niya kaya kahit alas sais na ng gabi ay bumaba pa siya para magpahangin sa garden. Sinabi naman ni Bernard na safe ang buong paligid ng mansiyon kahit mag-isa lang siya. At napansin din naman iyon ni Clara. Paano kasi siya hindi maiinip, eh, kaninang tanghali pa umalis sina Bernard. Baka raw mamayang gabi o bukas na ang uwi ng mga ito. Todo nga ang pag-alala ni Clara dahil baka bakbakan ang puntahan ng nobyo. O baka mapalaban ito sa mga alagad ng batas. Pero nangako naman si Bernard na uuwi ito ng buhay. Sinubukan niyang pigilan ang nobyo pero tumuloy pa rin ito. Handa raw itong magbago para sa kaniya pero may mga importanteng bagay lang ito na kailangang tapusin. Alam din naman ni Clara na hindi niya basta-basta maitutuwid ang landas ni Bernard. Na kailangan