"You have your own rules, too, Lord Hare." Matigas ang mukhang isinandal ni Tio Jose ang sarili sa malawak na sofa, at isinampay ang dalawang braso sa sandalan. Pagkatapos ay nakade-kwatrong humarap sa kanila. Sa malawak na sala ng mansiyon nito ay nakapalibot ang kani-kanilang matatapat na tauhan. "Gan'on ka rin naman, Lord Raccoon. At may sarili din akong rules, siyempre. Hindi naman siguro sekreto sa inyo na pinakaayaw kong pinapakialaman ang mga pag-aari ko. Mine is always mine," matatag na saad ni Tio Jose, sa salitang Espanyol. "At kung talagang gusto mong saluhin, si Miss Leafy Sea Dragon, maghintay ka ng one week. Kapag hindi ko na siya pag-aari." Inaasahan na ni Bernard ang ganitong reaksiyon ni Tio Jose. Kung ano-anong deal na ang inoffer nila rito ni Lord Raccoon pero tinanggih