DAHLIA'S POV
❦❦❦
Sumalampak ako ng upo sa harap ng mesa at kinuha ang kutsara at tinidor saka kumain sa harap ng hari at ng binibining Charlotte.
"Magandang umaga Thysia," bati niya sa'kin at sarkastiko akong ngumiti sa kaniya.
"Magandang umaga rin po binibining Charlotte," ngumiti ako ng pinakaplastik kong ngiti at biglang tumawa ang hari.
"Bakit ganyan ang itsura mo?" Sabi niya at umirap lang ako sa harap niya.
Eh, ikaw bakit bansot ka na naman.
"Ah— hindi kasi ako nakatulog ng ayos," sagot ko pero tumawa si Charlotte sabay takip ng bibig niya.
"Ow? Akala ko ganiyan na talaga ang itsura mo? May igaganda pa pala 'yan?" Nagpintig ang tenga ko at nakita kong tumawa ang haring Troian kaya lalo akong ng gigil sa kanilang dalawa.
Kulang na lang ay ibato ko sa kanila ang tinidor na hawak ko at ipanalangin na tumama ito sa ulo nila.
"Wala na po akong igaganda pa, pagpasensiyahan niyo na po binibining Charlotte." Tumayo ako at nakita ko ang mukha ni Anubis na mukhang nag-aalala kaya naman nginitian ko siya at inaya.
"Tara na Anubis." Naglakad ako papalayo sa kanila ngunit pinigilan ako ni Anubis.
"Ngunit hindi niyo pa na gagalaw ang mga pagkain inihain sa inyo mahal na Reyna." Nagbuntong hininga ako at pabulong na sinabi.
"Na walan ako ng gana." Hindi na siya na kaimik at sinamahan ako pumunta sa unang klase ko ngayong araw.
Ang pag-aayos ng mga bulaklak.
Araw-araw ay iba-iba ang mga leksyon na binibigay sa'kin upang maging ganap na Reyna, hindi ko nga alam bakit ko pa ito ginagawa kung sa huli naman ay magiging alay pa rin ako, at isa pa, kung sa umpisa naman ay talagang hindi naman sa'kin ang trono. Hindi ako bagay sa posisyon na 'to kahit sabihin pa na'ting palabas lang ang lahat.
"Aba! mahal na Reyna gumaganda at nagiging makahulugan ang mga bulaklak na nilalagay mo. Ngunit bakit parang puro tungkol ang mga ito sa pangungulila." Tinutukoy niya ba ang mga pink carnation na bulaklak?
"Ah— baka po na ngungulila lang ako sa magulang ko." Ngumiti ako at nakarinig ako ng tawa mula sa likod ko.
"Hindi mahal na Reyna, ang ibig sabihin pagkulay pink ang carnation flower ay nangungulila ka sa mahal mo. Mahal mo o sa iniibig mo." Pumalakpak si Madam Roset at pinuri si Charlotte.
"Walang kupas ka talaga binibining Charlotte, sa murang edad mo ay napakadami mo ng alam sa mga etiketa sa pagiging Reyna." Tumawa siya habang tinatakpan ang bibig niya.
"Kailangan po kasi bilang isang dugong bughaw." Umupo ako at hindi na inintindi ang mga usapan nila.
Puro papuri ang natatamo niya sa guro ko ngayon at isa pa ano bang ginagawa niya sa oras ng leksyon ko?
"Mahal na Reyna, tapos na po ang oras niyo kay Madam Roset," tawag ni Anubis sa'kin at tumayo na ko saka yumuko si Madam Roset sa'kin.
Lumabas kaming dalawa sa pinto at nakita kong sinusundan ako ng tingin ni Charlotte.
Ano na naman kaya ang binabalak ng batang ito.
"Teka lang mahal na Reyna," tawag niya kaya lumingon kaming dalawa.
"Pwede ba akong sumama sa mga leksyon mo ngayong araw?" Tanong niya at napatingin na lang ako kay Anubis sabay kamot niya sa batok.
Wala akong na gawa at pinayagan siya sa mga gusto niya kaya naman buong oras ng pag-aaral ko ay kasama siya. Hindi lang iyon, sa lahat ng leksyon ko ay para bang kinukuha niya lahat ng atensyon at papuri ng mga guro ko. Parang ipinamumukha niyang mas bagay siya sa pagiging Reyna.
Ngunit hindi ako susuko. Hahayaan ko siya sa mga gusto niyang gawin at ako, patuloy lang sa mga pag-aaral na kailangan kong intindihin.
"Sa wakas nasa huling leksyon na tayo," pagod na pagod akong umupo at tumabi sa'kin si Anubis.
Napatingin kaming dalawa sa masayang si Charlotte na nag-iintay sa magiging guro ko ngayon.
"Hanggang kailan ba siya sasama sa'tin?" Bulong ni Anubis at mukhang hindi lang ako ang na pagod sa kasusunod ni Charlotte kundi pati si Anubis.
"Hindi ko rin alam, hindi pa ba siya uuwi sa kanila?" Nagbikit balikat si Anubis at nagbuntong hininga.
"Matalik din kasi siyang kaibigan ng hari kaya wala tayong magagawa." Tumango na lang ako at tumayo saka nagbanat-banat ng buto.
"Hayaan mo na, huling leksyon na naman ito." Sabay kindat kay Anubis at ngumiti siya sa'kin sabay tayo na rin.
Dumating ang tiga pagturo ko at ang pianista na tutugtog para sa ensayo ko sa pagsasayaw.
"Paumanhin mahal na Reyna ngunit masama ang pakiramdam ng magiging kasayaw mo ngayon, maari bang pumili tayo ng iba?" Oh, siguro masama ang pakiramdam niya dahil sa ilang beses kong tinapakan ang mga paa niya.
"Ayos lang naman sa'kin." Sabi ko at nakita namin ang haring Troain na pumasok ng kwarto.
Ano naman kaya ang ginagawa ng isang ito dito.
"Ako, pwede mo kong makasayaw," sabi niya at lahat ng mga nakarinig ay nasabik dahil hindi pa ko na sasayaw ng hari sa tinagal tagal ko sa loob ng palasyo.
"Talaga? Papayag ka?" Tanong ko at mayabang siyang humarap sa'kin sabay lahad ng kamay niya.
"Syempre naman," ngumiti ako dahil sa sobrang saya at tumugtog ang masayang musika kasabay ng mga unang baitang ng sayaw namin.
"Nakakatuwa naman sila tignan," rinig kong sabi ng mga katulong na nanonood saming dalawa.
Sa totoo lang nakakatawa nga kaming tignan dahil sa hindi niya ko gaano maabot at imbis na balikat ang hawakan ko sa kaniya ay kulang na lang na sa ulo niya ipatong ang mga kamay ko.
"Para silang magkapatid tignan dahil sa anyo ng hari ngayon at dahil matangkad ang Reyna." Napatingin ako sa kaniya at seryoso lang siya sa ginagawa naming pagsasayaw ng matapakan ko ang paa niya.
Napahinto ako sa pagsasayaw at pumamewang siya sa harap ko.
Mukhang na galit siya at hindi na muling hinawakan ang mga kamay ko.
"Ayos na iyon." Sabi niya at nagsipalakpakan ang mga katulong na nakapanood ng sayaw namin.
"Teka lang mahal na hari! Pwede mo ba rin akong paunlakan ng isang sayaw?" Masigla niyang tanong sa hari at nagbikit balikat 'to hudyat na pumayag siya kaya naman masayang kinuha ni Charlotte ang kamay niya at nagsimula tumugtog ang musika.
Lahat kami ay namangha sa ganda ng pagsasayaw nilang dalawa, saktong sakto sa ritmo at bagay na bagay silang tignan.
"Ngayon ko lang nakita sumayaw ng ganito ang hari,"
"Siguro dahil ang binibining Charlotte ang nagdadala sa kaniya."
"Dahil sa mas matangkad ang hari sa kaniya ay bagay na bagay silang tignan."
"Hinding hindi magagawa iyan ng Reyna dahil kung titignan mo ay mas bagay ang binibini sa hari pag ganito ang itsura ng hari." Napalingon ako sa isang katulong na nag sabi nun.
"Sshh— maririnig ka ng Reyna."
Paglingon niya ay nagtama ang mga mata namin at napatakip siya sa bibig. Napayuko ako dahil sa katotohanan na narinig ko.
Pareho silang itsurang bata, angkop na angkop sila para sa isa't isa. Totoo naman na hindi ko mapapantayan ang isang bughaw na dugo katulad ni Charlotte.
Isa lang akong Thysia na binigyan ng gampanin bilang maging Reyna.
Napangiti ako ng mapait saka nilisan ang loob ng kwarto.
❦❦❦
Mabilis kong tinahak ang pasilyo patungo sa aking kwarto, hinabol ako ng tawag ni Anubis ngunit hindi ko siya magawang lingunin.
Pakiramdam ko pagnakarinig ako ng salitang 'ayos ka lang ba?' Ay iiyak na ko at hindi mapipigilan ang paglabas ng mga luha ko.
Hindi ko alam bakit nasasaktan ako sa mga bagay na ito? Dahil ba sa pinapamukha nilang hindi ako bagay sa posisyon o talagang mas maganda lang silang tignan?
'Yung para bang ginawa silang dalawa para sa isa't isa at ako 'tong nakikisali at sumisira sa dapat naman talagang magkasama.
Siguro pagtapos ng misyon, pag naging ganap na Loki na ang hari ay pipiliin niya ang Binibini.
Bakit ba ko nag-iisip ng ganito? Kung sa una't sapul naman ay iyon talaga ang kapalaran ko.
Napatawa ako nang makarating ako sa loob ng kwarto ko.
"Mahal na Reyna?" tawag ni Anubis mula sa labas ng pinto.
"Binibining Dahlia?" Muling niyang tawag at lumapit ako sa pintuan ngunit hindi ito binuksan.
"Ayos ka lang ba?" At iyon nga, 'yung pakiramdam na may nag-aalala sayo ay talaga naman nakakaantig ng puso kaya bumuhos na ang luha ko sa'king mga mata ngunit pigil ang mga hikbing aking ginagawa.
"Ayos lang ako Anubis," banggit ko habang pinipigil ang mga luha ko sa pagkawala nito.
"Gusto mo ba ng makakain?" Na pangiti ako dahil alam niya kung saan ang kahinaan ko ngunit bakit ganoon? Miske tiyan ko ay hindi sumasang-ayon.
"Wala akong gana Anubis, ayos lang ako matutulog na lang ako." Banggit ko at ilang segundong katahimik ang bumalot saming dalawa.
"Kung iyan ang nais mo binibining Dahlia, ngunit magpapahatid pa rin ako ng makakain mo dahil hindi ka rin kumain kaninang umagahan," banggit niya at narinig ko na ang paglalakad niya palayo ng silid ko.
Ganun din ako, naglakad ako pabalik sa kama ko at inalis ang tali sa buhok ko, hinubad ko ang sapatos ko na nagbibigay ng paltos sa paa ko.
Ilalis ko rin ang ilang sapin ng damit ko, napaka kapal ng mga damit na suot ko na halos nakakalimang patong na ito, kaya naman bigat na bigat ako lagi sa katawan ko.
At ngayon na pakiramdam ko ay malaya na ko at normal na tao ulit ay hindi ko na pinigilan ang sarili ko mahimlay sa malambot na kama na 'to.
Ngunit na pukaw ng pansin ko ang isang pendat na mukhang sa hari, lagi kasi siyang nahihimlay sa kama ko at madalas nakakaiwan ng mga ganitong bagay na inaalis niya sa damit niya.
Kinuha ko 'to at tinignan maigi, isang kumikinang na kulay pulang dyamante ang nasa gitna ng palamuting ito.
"Pulang pula katulad ng mga mata niya tuwing gabi," nagbuntong hininga ako at dumapa sa kama ko.
Na amoy ko ang pamilyar na amoy na dumikit na sa kobre ng kama ko, 'yung amoy na panglalaki ngunit hindi ganoon katapang.
Pabangong paborito niyang gamitin at tanging nilalagay niya lamang sa likod ng mga tainga niya at leeg.
Hinagkan ko ang kama ko at pumikit, bakit ba tila nahuhumaling ako sa pagkatao mo? Kahit balang araw ay magiging pagkain mo lang ako?
Muli na naman tumulo ang mga luha ko sa mata at pinaghahampas ang kama ko.
"Kasalanan mo ito! Anong ginagawa mo sa'kin bakit ganito ako mag-isip at umakto ngayon!" Pinagsusuntok ko ang kama ko at iniisip na siya iyon dahil sa amoy na niyang kumapit na dito.
"Mahal na Reyna! Ayos lang ba kayo?" Mabilis akong napabangon at inayos ang sarili ko.
Pinunasan ko ang mga mata ko at lumapit sa pinto saka pinihit ang seredula nito.
"Ahaha, oo naman ayos lang ako hahaha," sabi ko sa katulong na dala-dala ang masasarap na putahe ng palasyo.
"May narinig po kasi akong sumisigaw," tanong niya at nagkamot ako ng ulo ko.
"Ah, kasi nagkagulo-gulo 'yung damit ko hehehe, tignan mo mukha akong bruha." Sabi ko sa kaniya at muntikan na siyang mapatawa sabay iling at malambing na ngumiti sa'kin.
"Para sa'kin mahal na Reyna, maganda ka pa rin kahit kaninong Reyna. Dahil mas maganda 'yung saloobin mo kesa sa ganda nila." Napangiti ako ng malapad sabay sundot sa tagiliran niya.
"Uy, ikaw ah! Tara nga sabayan mo kong kumain." Nanlaki ang mata niya at umiling nang umiling.
"Nako po! Hindi po iyon ang ibig kong sabihin. Saka po nakakahiya." Napatawa ako at inaya siyang ipasok ang pagkain sa loob.
"Alam ko namang hindi mo ko inuuto Carol, sa lahat ng katulong ko ay lagi mo kong binubola." Lalo siyang na taranta at patuloy na tinatanggi ang mga sinabi ko.
"Hindi po mahal na Reyna, hindi po pang bobola iyon." Tumango-tango ako at kinuha ang isang plato sabay bigay sa kaniya.
"Osige papatawarin kita basta samahan mo kong kumain dahil nalulungkot ako ngayon." Ngumiti ako at wala na siyang na gawa. Nagkwentuhan kaming dalawa hanggang sa tawagin na siya at sumapit na ang gabi.
Napanguso ako dahil hindi man lang ako hinanap ng bansot na hari, siguro ay abala na siya ulit sa trabaho niya o hindi kaya ay kasama niya ang binibining Charlotte.
Iniling ko na lang ang ulo ko at sinuot ang kimono ko, naglakad ako sa pasilyo at pumunta sa toktok ng palasyo kung saan una kaming nagkita.
Umupo ako sa gilid at pinagmasdan ang mga bituin sa langit ngayon gabi, madami sila dahil walang ulap at kitang kita ang bilong na buwan.
"Ang sakit ng batok ko ah," sumakit ito kakatingala kaya naman nilatag ko ang kimono ko sa lapag at humiga dito para mas makita ko ang langit.
"Ginagawa mo diyan? Gusto mo bang magkasakit?" Tanong niya at bigla akong napabangon.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at tumaas ang isang kilay niya.
"Hinahanap ang asawa kong wala sa kwarto?" Sabi niya ng sarkastiko at patuloy na naglakad papalapit sa'kin.
"Asawa mo? O nag papanggap na asawa mo?" Seryoso siyang tumingin sa'kin gamit ang mga pula niyang mata.
Ganap na Loki siya ngayon at 'yung mahaba niyang buhok ay nakatali at tinatangay ng hangin.
"Halika nga dito," utos niya kaya wala akong nagawa at lumapit sa kaniya.
Hinubad niya ang coat niyang suot at ipinatong sa mga balikat ko. Nakatingin lang siya sa'kin habang ako ay nakatingala sa kaniya.
"Oh, ngayon mas matangkad na ko sayo. Pwede na ba kitang isayaw ng hindi na tatapakan ang paa ko?" Tanong niya sabay lahad ng kamay niya sa'kin at malambing na ngumiti.
Hindi ko alam bakit biglang tumakas ang mga luha ko sa mata at mabilis na tumibok ang puso ko sa kaniya.
"Oy! Teka bakit ka umiiyak! Masyado ba kong masama sayo? Anong ginawa ko?" Tanong niya at umiling ako.
Kinuha ko ang kamay niya at inilagay bawat daliri ko sa bawat pagitan ng kaniya.
Tumingala ako at tumingin sa kaniya.
"Ayos ka na ba? Alam mo parang nakababatang kapatid ko lang si Charlotte. Malapit sa'kin ang batang iyon dahil siya lang ang kaisa isang batang kalaro ko noon na hindi iniisip ang stado namin. Masaya lang ako na meron akong babaeng kapatid na tinuturing." Sabi niya nang hindi tumitingin sa'kin.
Nag simula kaming dalawa sumayaw sa ihip ng malamig na hangin at sa ilalim ng kalangitan na puno ng bituin.
"Hindi ko alam bakit ako nagpapaliwanag! Pakiramdam ko malungkot ka at hindi ako mapakali. Kanina pa kita gusto puntahan pero ngayon lang ako nagka-oras na tumakas sa batang 'yon. Sana magustuhan mo rin siya Dahlia, alam kong maintindihin ka at mauunawaan mo 'yung gusto kong ipahiwatig sayo," sabi niya sa'kin at tumango ako sabay yakap sa kaniya habang patuloy kaming sumasayaw.
"Te-teka! Anong ginagawa mo?" Tanong niya at umiling ako.
"Wala lang masaya lang ako," at kasabay noon ay ang hindi ko sinasadyang pag-apak sa paa niya na kinaimpit niya.
"Dahlia!"
TO BE CONTINUED