DAHLIA'S POV
❦❦❦
Minulat ko ang mata ko at na kita ang maganda silid ko, dinama ko ang kama at naghikab ng walang pasabi, hindi inaakala na may katabi pala akong bata na mahimbing pa rin ang pagkakatulog.
Hindi ko namalayan na nasa kwarto na pala ako at nakatulog sa panood namin ng bituin kagabi.
Kinapa ko ang buong katawan ko at mukhang kumpleto pa naman ito at walang bakas na kagat mula sa bansot na ito.
"Mahal na hari, gising na umaga na." Inalog-alog ko siya at minulat niya ang mata niya saka iritadong tumingin sa'kin.
"Ano ba! Ginigising ba kita pag natutulog ka?" Iritado niyang sagot sabay talikod sa'kin kaya ginantihan ko siya ng irap saka tumayo.
"Bahala ka diyan, simula na ng paghahanda. Alam mo naman siguro na mamayang gabi na ang alis na'tin." Totoo, magsisimula na ang paghahanap namin ng sagot sa sumpa ng katawan niya.
"Kaya nga natutulog ako hindi ba? Kasi kailangan ko ito para mamayang gabi," sabi niya at tinakpan ang mukha ng unan.
Pumamewang na lang ako sa harap niya at hinayaan na siyang matulog pa, mukhang na puyat siya kakaensayo namin sa pagsayaw at panonood ng bituin.
Pero kung tutuosin sobrang saya ng gabing iyon para sa'kin, pakiramdam ko mas napalapit ako sa kaniya at madami akong natutunan tungkol sa kaniya.
Naging madaldal siya kagabi at unang beses ko siyang nakausap na para bang walang iniisip na estado saming dalawa.
Pumunta ako ng banyo at naghilamos ng mukha saka inayos ang sarili ko para kumain ng umagahan. Lalabas na sana ako ng pinto nang bigla niyang pinatunog ang maliit na kampana sa tabi ng kama.
At ilang minuto pa ay kumatok na ang mga kasambahay at binuksan ang pintuan na may dalang umagahan.
"Dito ka kakain?" Tanong ko at kinusot niya ang mata niya saka humilata ulit sa kama.
"Ikaw ang kumain matutulog lang ako," tumingin ako kay Carol na hinahanda ang mga pagkain.
"Sinabihan niya kami kahapon pa lang na ipaghanda kayo ng makakain sa kwarto niyo mahal na Reyna." Banggit nito at ngumiti sa'kin.
Medyo na gulat naman ako dahil na sanay akong kumakain sa lamesa at may tamang etiketa.
"Pwede mong kainin lahat 'yan kung gusto mo, matutulog lang ako kaya kahit kamayin mo ayos lang," Sabi niya at tumaas ang mga kilay ko sa sinabi niya sabay hagikhik ni Carol at labas ng pinto.
Umupo ako sa harap ng hapag-kainan at nilantakan ang mga pagkain sa harap ko, para akong baboy na kakatayin na sa dami ng pagkain inihanda nila sa'kin.
"Huling kain ko na ba ito?" Tanong ko at bumangon siya sabay hikab.
"Siguro," at agad akong na patayo sa kinauupuan ko.
"Papatayin na ba ako mamaya?" Umiling siya at tumawa.
"Huling kain mo na ng masasarap na pagkain dahil sigurado ako na mahirap ang paglalakbay na gagawin na'tin." Napayuko ako at binitawan ang manok na hawak ko.
"Kung natatakot ka, pwede naman kitang ipaiwan sa kaharian kasama ng Heneral," sabi niya at umiling ako.
"Edi ikaw naman ang walang kasama sa paglalakbay mo." Tumingin siya ng daretsyo sa'kin at hinila ang buhok ko para mapalapit sa kaniya.
"Aray!" Tinignan niya ko ng seryoso at sinabing, "minamaliit mo ba ko?" Ah, oo nga pala itong bata na ito ang Demon King.
Umiling ako at ngumiti sa kaniya sabay bitaw niya sa buhok ko.
"Siguro na sanay lang akong makita 'yung mga anggulo mo na hindi ko inaasahan. Hindi naman sa tinuturing kitang mahina, siguro nag-aalala lang?" Umupo siya sa harap ko at kumuha rin ng pagkain sa mesa.
"Masyado ka na atang na dadala sa pagiging asawa mo?" At sa mga salitang iyon, para akong tinusok ng kung ano sa puso ko.
Ah tama, bakit nga ba ganito ako ngayon?
"Pasensya na mahal na hari, para ka na kasing kapatid sa'kin." Pagsagot ko na hindi ko naman ginusto.
'Yung mukha niya parang na bigla at sabay iling.
"Mukha lang akong bata pero ako pa rin ang una sa ranggo ng lahat ng Loki sa buong kontinenteng ito." Tumango ako at pinagpatuloy na lang ang pagkain sa mga nakahanda sa mesa.
Parang na sira tuloy ang magandang umaga ko, parang kagabi lang ay kilalang kilala ko na siya pero ngayon parang lumalayo na naman siya.
Siguro nga dapat hindi ko na iniisip na magiging malapit pa kami sa isa't isa. Magiging isa na lang kami pagkinain niya na ang laman ko at matamo ang imortalidad na gusto ng lahat.
❦❦❦
Naglakad lakad ako sa palasyo habang abala ang mga katulong sa paghahanda ng mga gamit namin.
Ngunit dahil kailangan maging tago ang pagkawala ng hari sa palasyo ay kakaunti lang ang kailangan namin dalhin at sa kabayo lang kami sasakay at hindi karwahe.
Abala na rin ang hari sa trabaho niya sa huling araw niya sa palasyo, at si Anubis naman ay dumoble ang ginagawang preperasyon dahil siya muna ang tutugon sa pagkawala ng hari.
Medyo kinakabahan ako sa mga mangyayari at nais ko muna magpaalam sa mga magulang ko bago umalis, dahil hindi ko alam kung kailan ako makakabalik o kung makakabalik pa ba ako pagtapos nito.
Ngunit hindi ko sila pwedeng daanan dahil sa delikado at baka may makakita pa sa amin na baka pagmula ng hinala mula sa mamamayan.
Pumasok ako sa maliit na tambayan sa gitna ng hardin, panahon ngayon ng tagsibol kaya kitang kita ko ang bagong usbong na mga bulaklak.
Napasalumbaba ako at buntong hininga, iniisip na ayos na ba ang lahat sa mga magulang ko bago ko sila iwan?
"Aba-aba ang Thysia," napalingon ako sa batang babae na may mataras na tingin at malaking sumblerong suot.
"Kayo pala binibining Charlotte," bati ko at umupo siya sa tabing upuan ko.
"Umupo na ko dito hindi para saluhan ka sa pagda-drama mo pero para humingi ng paumanhin." Sabi niya at halata sa kilos niya na nahihiya at pinipilit niya lang ang sarili niya.
"Hindi ko sinasadyang sundan kayo kagabi sa taas ngunit!" Tumayo siya at humarap sa'kin.
"Alagaan mo siya! Tandaan mo! Dapat sa kaniya ka lang na iintindihan mo ba ko?" Sabi niya at na kita ko ang pagtakas ng mga luha niya sa kanyang mata.
"Kagabi ko lang siya na kitang nakangiti ng ganoon sa buong buhay kong nakasama siya, mga bagay na hindi ko alam sa kaniya ay sayo niya lang na sasabi ng may ngiti sa mukha. Bakit? Dahil ba sa Thysia ka? O dahil sa may nararamdaman kayong dalawa sa isa't isa?" Hindi ako makapagsalita at para bang na tulala sa mga sinasabi niya.
"Lahat ng mga bulungan nila na bagay daw kaming dalawa ay bali wala sa nakita kong kasiyahan pagkasama ka niya," umiyak siya ng umiyak sa harap ko, ngayon alam ko ng bata ang nasa harap ko.
Batang babae na nagmamahal lang ng todo-todo.
"Hayaan mo, sa kaniya ko lang ibibigay ang buong buhay ko. Itong laman at kaluluwang ito ay para sa kaniya, para sa imortalidad na parangarap niya." Tumingin siya sa'kin at hinawakan ko ang kamay niya na kinagulat niya.
"Sana maging magkaibigan din tayo, kahit na kung iisipin ay maaring ito na ang huling pagkikita na'tin. Pagtapos nun pag wala na ako, ikaw naman ang mag-alaga sa kaniya." Umiyak siya ng umiyak sa harap ko at niyakap ko lang siya.
"Sira ulo ka ba? Alam kong mahal mo siya. Bago mo isakripisyo ang buhay mo sa kaniya sana magawa mo munang sabihin sa kaniya ang na raramdaman mo. Kung hindi hahayaan ko siyang tumandang binata at lahat ng pipiliin niyang maging reyna ay ipapakulam ko!" Na tawa naman ako at humiwalay na ng yakap sa kaniya.
"Sige sasabihin ko sa kaniya iyon pag sigurado na talaga ako sa na raramdaman ko." Inirapan niya ko at tumayo sa kinauupuan niya.
"Kung ako sayo, aaminin ko na sa sarili ko 'yung na raramdaman ko bago mahuli ang lahat." At naglakad siya papalayo sa'kin, iniwan akong blangko at iniisip ang mga huling katagang sinabi niya.
At na tapos ang araw na iyon, sumakay ako sa likod ng kabayo at nasa unahan ko naman si Keegan. "Ayos na ba ang lahat?" Tanong ni heneral Cerberus at tumango kami.
"Kumapit kang maigi mahal na Reyna," sabi ni Keegan at hinawakan ko ang bewang niya na kinataas ng mga tainga at buntot niya.
"Hawak hindi yakap!" Sigaw ng hari at na unang pinatakbo ang kabayo niya.
Ano na naman kaya ang problema ng isang 'yun?
❦❦❦
Huminto ang kabayo sa tapat ng isang palengke, tumigil muna kami sa isang maliit na bayan malapit sa Demon kingdom.
Hindi ko alam kung anong lugar ito o anong tawag dito ngunit napakadaming iba't ibang uri ng halimaw at Loki na namimili sa palengkeng ito.
"Dito muna tayo papalipas ng gabi," sabi ng hari at tumango na lang kami sa kaniya habang tinuturo ang di kalayuan na panuluyan para sa mga bisit ng nasyon na ito.
"Nakahanap na ba kayo ng ibang mga gamit na kailangan sa paglalakbay na'tin at para matago ang katauhan ng Thysia?" bulong ng hari sa heneral at tumango lang ito bilang sagot sa kaniya.
"Nakahanap na rin kami ng tutuluyan para ngayong gabi," sagot naman ni Keegan sa heneral at muli itong tumango at inaya na kami magtungo sa panuluyan.
"Mabuti naman, kailangan na na'tin umalis dito dahil mukhang na wawala na ang amoy na tumatakip kay binibining Dhalia." Tama si heneral dahil may nilagay kaming pabango sa katawan ko na tumatakip sa amoy ko mula sa malakas na pang-amoy ng mga Loki, ngunit na wawala ang bisa nito pag umabot na ng anim na oras o higit pa.
"Mabuti pa nga," sumunod kami ni Keegan sa kanila at pumunta sa isang maliit na bahay panuluyan sa loob ng bayan.
"Dalawang kwarto na lang po ang bakante rito," banggit ng babae at bumulong ang Heneral.
"Ayos na ba iyon?" Tumango ang hari at binayaran na ng heneral ang kwarto na tutuluyan namin para ngayong gabi, buong araw kami nag-ikot sa bayan at na mili ng mga babaunin namin para sa paglalakbay at inabot na kami ng gabi kaya naman na pagpasyahan namin na dito na rin magpahinga.
Pagtapos maayos ang kagamitan namin sa loob ng kwarto ay muli akong naglagay ng pabango sa katawan, sa maliit na tainga at buntot upang pagkamalan nila akong Loki.
"Kulayan mo nga ang buhok ko," tawag niya sa'kin na kakalabas lang ng paliguan. Nais niyang pakulayan ang itim na itim niyang buhok upang hindi ito makatawag ng gaanong pansin mula sa iba dahil tanging mga Hayes lamang ang may ganitong kulay itim na buhok.
"Hindi tayo nakabili ng pangkulay sa buhok mo at tingin ko ay hindi rin naman tatalab sa itim mong buhok ang ano mang pangkulay mahal na hari," tugon ko at hinawakan niya ito saka nasapo ang noo.
"Tingin mo? Katawag tawag ba talaga ang kulay nito?" umiling ako pero hindi ko naman talaga napapansin ang pagkakaiba ng kulay ng buhok niya masyado lang itong itim kumpara sa iba ngunit kung palagi naman siya nakatakip ng balabal ay hindi ito pansinin.
Umupo siya sa kama at naghikab, hihilata na sana siya ng hilahin ko siya at takpan ang ulo niya ng tuwalya. "Basang basa pa ang buhok mo," sabi ko at hindi siya umimik. Hinayaan niyang punasan ko ang mahaba niyang itim na buhok na basa pa dahil sa pagkakaligo.
"Magkakasakit ka sa ginagawa mo," sabi ko at bigla siyang humagikhik.
"Loki ako hindi ako mortal, sa lason lang ako pwede magkasakit hindi dahil sa lamig." Banggit niya at napatigil ako sa pagpupunas ng buhok niya.
"Oh— ba't mo tinigil," hinawakan niya ang kamay ko at nilagay ulit sa ulo niya. Niyakap niya ang bewang ko na kinagulat ko.
Habang nakaupo siya at nakatayo naman ako ay abot na abot ng mukha niya ang tiyan ko. "Teka mahal na hari ano bang ginagawa mo?" Tanong ko at sinubdob niya ang mukha niya rito kaya na patawa ako sa kiliti.
"Teka! Wag 'yung ilong mo nakakakiliti!" Tumigil siya at tumingala sabay bigay ng ngiti na madalang ko makita.
"Ngayon lang ako nakaranas ng may nag-aalaga sa'kin, 'yung pupunasan 'yung buhok ko at mag-aalala kasi baka magkasakit ako." Inayos ko ang tuwalya at umupo sa tabi niya, nabanggit sa'kin ni Anubis na hindi niya nakilala ang ina niya at maaga naman namatay ang ama niya.
Ngumiti na lang ako at pinunasan ang kakaunting butil ng tubig sa noo niya.
"Pag nakahanap ka ng totoong Reyna mo, piliin mo 'yung mahal ka talaga hindi 'yung dahil hari ka." Tinapik ko ang ulo niya at kumuha ng pang-ipit sa buhok niya. Tinirintas ko ito at itinago sa suot niyang kapote.
Hindi siya umiimik at mukhang malalim ang iniisip kaya naman hinawakan ko ang kamay niya at inaya siyang lumabas ng kwarto.
"Tara na mahal na hari, kumain na tayo ng hapunan." Tumango siya at hinayaan akong hilahin ang kamay niya.
Paglabas namin sa koridor ng bahay panuluyan ay kakalabas lang din nila Keegan at ng Heneral.
Kaniya-kaniya kami ng tago sa totoo naming mga itsura, ang heneral ay nakasumblero at makapal na balabal ngunit si Keegan ay parang wala lang.
Hindi ko alam bakit ngunit ang sabi niya ay hindi naman daw siya kilala para magtago sa mga tao.
Umupo kami sa isang pabilog na lamesa at nakihalubilo sa mga tao sa balwarte, lahat sila mukhang masaya at nag iinuman. Karamihan ay mga manggagawa at mga guwardiya nakakagaling lang sa trabaho.
Binigyan kami ng alak ng may ari ng panuluyan, mukhang nagkakasiyahan na rin ang mga kasama ko at ako panay kain lang ng mga inihanda sa lamesa.
Lumipas ang ilang oras at halos mapuno na ang tiyan ko sa kakain samantalang ang mga kasama ko naman ay pawang wala na sa katinuan.
"Alam niyo ba nung bata ako, habulin na ako ng mga Loki?" Kwento ng hari sa dalawa na halos magpauto naman sa hari.
"Hindi ko alam bakit pero mukhang malakas talaga ang karisma ko." Sumang-ayon naman ang dalawa sa kaniya.
"Ako nung bata ako matigas na ang ulo ko, paghinampas mo ko ng bato hahampasin kita ng ulo." Ano daw? Tinitigan ko silang tatlo at mukhang mga lasing na ang mga ito kaya naman umakyat na ko papuntang kwarto.
Ngunit na agaw ng pansin ko ang isang balkunahe, kitang kita mo ang dagat mula dito at ang mga bituin sa langit.
"Ang ganda," bangit ko at biglang may umubo, paglingon ko ay may isang lalaking nakaupo sa sulok habang na ninigarilyo.
"Magandang gabi," bati niya at tumango ako sa kaniya.
"Dayo?" Tanong niya at tumango ulit ako.
"Manlalakbay po," sabi ko at tumango rin siya sabay ihip sa sigarilyo niya.
"Saan kayo pupunta? Maari bang malaman?" Umupo ako sa isang upuan medyo malayo sa kaniya.
"Hindi po namin alam sa totoo lang, hinahanap namin ang misteryosong guro o ang uwak ng kaalaman." Hinithit niya ang sigarilyo niya at muli itong bumuga ng usok.
"May narinig ako na umalis ito at wala sa tribo nila ngayon. Hindi naman daw pumipirmi ang Loki na iyon." Sabi niya at napatayo ako.
"Alam niyo ba kung asan siya?" Tanong ko at tumingin siya sa malayo.
"Hindi ako sigurado ngunit tingin ko papunta siya sa sa Ophidian Kingdom." Ophidian? Kala haring Basil?
"Pano niyo naman na laman?" Tanong ko at tumayo na siya.
"May mahalagang gamot na matatagpuan sa lugar na iyon, alam ko ay nagkakaubusan na kaya kung ako siya doon ako unang pupunta," tumingin ulit siya sa'kin habang naglalakad paalis.
"Clow ang pangalan niya tama? Manggagamot ang lalaking iyon. Osige sana nakatulong ako sayo," at kumaway na siya saka ako tumango at yumuko upang magpasalamat.
"Kala haring Basil?" Tumingin ako sa dagat at nakita ang napakadaming barko na nakadaong doon.
Mukhang ilang oras na lang ay aalis na ang isa, papunta ba ang mga iyon sa kaharian ng haring Basil?
Kung ganoon, kailangan ko agad ito masabi sa haring Troian.
TO BE CONTINUED