DAHLIA'S POV
❦❦❦
Umupo ako sa trono kung saan makikita ko ang buong battle arena, ako at ang heneral Cerberus lang ang nasa taas kasama ang ibang kawal na bantay sa aming dalawa.
Tumunog ang malakas na ugong ng trumpeta at bumukas ang dalawang malalaking pinto sa magkabilaang dulo ng labanan.
Unang lumabas si Keegan dala-dala ang maangas niyang ngiti sabay pag-uunat ng kanyang buto para sa nalalapit na laban.
Sumunod na lumabas ay ang haring Troian na walang ano mang panangga sa katawan o hawak na ispada.
Tanging matatalas na kuko at ang itim na itim niyang pakpak ang pinakita niya sa aming lahat.
Lahat ng tao sa buong paligid ay nagsigawan, mapa-loki man ito o mortal ay nasa hari ang suporta nilang lahat.
Kumaway siya sa mga tao at naglakad ng walang yapak sa paa papunta sa gitna ng arena.
"Ganito ba talaga siya pagsusugod sa digmaan?" Pabulong kong tanong sa heneral at yumuko lang siya sabay iling.
"Pag nakikipaglaban ang hari ay dala-dala niya ang ispada niya at nakasuot ng armor na damit, ngunit minsan lang, mas nais niyang nakakagalaw siya ng magaan," Tumango-tango ako sa heneral habang hindi inaalis ang mga mata ko sa hari.
Ngayon ko lang siya makikita makipaglaban, hindi ko alam kung bakit parang ninenerbyos at nananabik ako sa masasaksihan ko.
'Yung malalaki niyang pakpak, mahaba at itim niyang buhok, at ang matutulis niyang sungay ay talaga naman nakakamangha.
Noong una kong nakita iyon ay takot ang naramdaman ko, ngunit habang tumatagal na nakikita ko siya at natititigan ay humahanga na ako sa mga bagay na iyon.
"Magsisimula na ang laban!" Sigaw ni Anubis at lahat ng tao ay nagsigawan na sa pananabik.
Tumunog ng dalawang beses ang trumpeta at pagtapos nito umalingawngaw ay biglang sumugod si Keegan sa hari.
Parang tumigil ako sa paghinga dahil sa kaba at bilis gumalaw ni Keegan, bigla siyang na wala sa pwesto niya at inatake ang hari na mabilis din naman nakalipad papalayo.
Nakita kong ngumisi siya at mukhang natutuwa sa kalaban niya.
"Kakalmutin mo lang ba ako?" Tanong niya at pang-aasar kay Keegan na parang walang naririnig at panay ang sugod sa hari.
Paulit-ulit niyang sinubukang mahagip ng kamay niya ang hari ngunit mabilis itong nakakalipad papalayo sa kaniya.
"Kung tatakas ka lang gamit ang pakpak mo mabuti pang putulin na'tin 'yan." May kinuha siya sa bulsa niya at mabilis na hinagis ito sa mahal na hari, na gulat ang lahat at dahil sa pagkabigla ay hindi niya ito na iwasan at tumama ang matalim na kutsilyo sa kanang pakpak niya.
"Maaari ba iyon? Pwede ba sila gumamit ng sandata?" Tanong ko kay heneral Cerberus at tumango siya.
"Kanina pa gamit ng hari ang sandata niya," sabi niya at tinuro ang pakpak ng hari na ngayon ay nagdudugo na.
"Ginulat mo naman ako doon," sabi niya kay Keegan at ngumisi ng nakakaloko.
Halatang na pikon siya at muling sumugod sa hari na ngayon ay nakalapag na sa lupa.
Nagpalitan sila ng mga suntok na agad din naman na sasalag ng bawat isa sa kanila, gumamit ng patalim si Keegan at ang hari naman ay gamit ang mahahaba at matutulis niyang kuko.
"Tsk, iyan lang ba kaya mo mahal na hari? Wag mo kong maliitin, ibigay mo ang lahat mo," sabi niya at biglang umikot sa hari at tumama ang mahabang buntot nito sa braso ng hari na ngayon ay hindi na salag ang galaw na iyon.
"Ito pa!" Sabay bunot niya ng mga maliliit na bilog na bagay sa bulsa niya.
Hindi ko alam kung ano ang mga iyon ngunit ng ihagis niya iyon sa hari ay mabilis 'tong sumabog at na puno ng usok ang buong Arena.
Miske kaming na nonood ay hindi makita ang nangyayari dahil sa makapal na usok, bumilis ang tibog ng dibdib ko dahil sa hindi ko na siya makita pa.
Malalakas na tunog ang umalingawngaw sa buong paligid, tunog mula sa mga matatalas na kuko at ispada ng dalawang naglalaban.
Nag biglang may sumabog ulit at lumabas si Keegan na duguan ang braso, nakita ko ang ngiti sa mukha niya.
Ngiting panalo at nasiyahan sa mga kaganapan, hindi ko alam bakit nanlalambot ang mga tuhod ko. Hindi ko alam bakit pigil na pigil ang mga hininga ko.
Wag mong sabihin na natalo niya na agad ang hari? Tumagal lang ang laban nila ng kalahating oras at ang unang rango sa buong nasyon ay natalo ni Keegan?
Napahawak ako sa bibig ko at napatayo, pilit na lumapit sa tarangkahan at tinignan maigi ang paligid na puno ng usok.
May na aninag akong imahe ng nakaluhod at halos madurog ang puso ko dahil doon, bakit kasi hindi niya ginamit ang ispada niya?
Bakit kasi masyado siyang mayabang at pakitang gilas? Iyan tuloy talo pa siya dahil sa pagmamaliit niya kay Keegan.
Nanginginig ang boses ko sa kaba at galit, huminga ako ng malalim at sumigaw nang malakas.
"Troian! Ang hina-hina mo naman!" Halos lahat ng tao at loki ay tumingin sa'kin at pati ang heneral ay kinabahan sa ginawa ko.
Agad niya kong kinalma ngunit na iiyak na ko sa inis dahil sa katangahan ng hari na ito.
"Tumayo ka d'yan! Unang ranggo ka pa naman!" Sabi ko at pagsusumigaw sa inis.
"Troian! Bansot! Tayo na dali!" Sigaw ko at halos lahat sila ay natahimik sa ginawa kong iskandalo ngunit hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak at magalit sa lalaking iyon.
"Sinong bansot?" Nanlaki ang mata ko ng makitang nasa harap ko na siya at nakangiti sabay halik sa noo ko na kinagulat ko at pinanlambot ko.
"Tsk, hindi ako matatalo ng ganito lang kadali!" Sabi niya sabay lipad pabalik sa battle arena.
Lahat ng mga manonood ay muling nagsigawan dahil sa pagbabalik ng kanilang hari sa laban. Ni katiting na galos at sugat ay walang na tamo ang hari.
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Keegan at napaluhod ito sa panglalambot. Tumawa siyang mapait at tinaas ang kamay sa ere, hudyat na suko na siya sa laban.
"Talo na ko, lahat na ng alas ko ay naibigay ko sa laban na ito," sabi niya at malungkot na ngumiti sa harap namin ng Heneral.
Hindi ko alam pero masaya na rin ako sa kinalabasan ng laban, ayos na siguro na mawalan ang ng heneral kesa makitang duguan ang hari.
Lumapit ang hari sa harap niya at inilahad ang kamay niya dito, agad naman nagtaka si Keegan ngunit paulit-ulit niyang nilahad ito sa harap niya.
Kaya naman kinuha niya ito at inalalayan siyang tumayo ng hari, agad naman na tinaas ng hari ang kamay ni Keegan at malakas na sumigaw.
"Mabuhay ang bagong Heneral!" Lahat kami ay na gulat sa sinabi niya, lahat ng manonood ay nagsigawan at nagbunyi.
Napatingin na lang samin si Keegan at mabilis na tumakas ang mga luha niya sa kaniyang mata dulot ng kasiyahan. Napatakip na lang ako sa bibig ko na ngayon ay nakanganga sa gulat dahil sa mga pangyayari.
Nakita kong napatayo ang heneral Cerberus sa kinauupuan niya at sumaludo sa bastardo niyang anak na may luha sa mata.
Bastardong anak na gumawa ng sarili niyang pangalan, siya na ngayon si heneral Keegan ng Hartford.
❦❦❦
Humilata siya sa kama ko at inalis ang polo niyang suot, hindi ko alam bakit siya dumaretsyo sa kwarto ko pagtapos ng nakakapagod na kaganapan ngayong araw.
"Gusto mo magpadala ako ng makakain mo mahal na hari?" Tanong ko ngunit sumalumbaba lang siya habang nakahiga at bukas ang ilang butones ng damit niya.
Hindi tuloy ako makatingin ng daretsyo sa kaniya dahil sa itsura niya ngayon, sanay akong makita siya sa anyo niya tuwing umaga at hindi ngayon na mukha siyang binata na sobrang gwapo sa paningin ko.
Mukha siyang normal kung wala lang ang mga sungay niya at kung hindi mahaba ang buhok niya. Para lang siyang mortal na binata katulad ng iba.
"Tara dito," sabi niya at tumaas ang isang kilay ko bilang pagtatanong.
"Ayaw mo kumain? O kaya matulog ka na sa kwarto mo mahal na hari," sabi ko at hindi umaalis sa pwesto ko, kinakabahan kasi ako sa maari niyang gawin lalo na't ganap siyang Loki ngayon.
"Ayoko, at isa pa bakit ayaw mo lumapit sa'kin?" Tanong niya at patuloy lang akong binibigyan ng matatalas na tingin.
"Pano 'yung suot niyo kasi," turo ko sa dibdib niyang kitang kita ko sabay iwas ng tingin.
Narinig ko siyang tumawa at tumayo sa kama saka lumapit sa'kin.
"Nahihiya ka? Bakit naman? At saka ngayon lang ulit tayo makakapag-usap ng matagal na hindi tungkol sa kaharian. Hindi mo ba ko na iisip?" Tanong niya at agad akong tumingin sa kaniya ngunit na bigla ako ng makita kong sobrang lapit ng mukha niya sa'kin.
Agad ko muling binawi ang mga tingin ko sa kaniya ngunit hinawakan niya ang braso ko at hinila papuntang kama.
"Hoy! Ano bang gusto mo?" Tanong ko at tumawa siya nang malakas.
"Wag kang mag-alala wala akong gagawin sayo, bilang Thysia gampanin mong pagaanin ang pakiramdam ko, kaya bilisan mo na at hilutin mo ang likod ko." Sumama ang tingin ko sa kaniya ngunit wala siyang pakialam at humilata sa kama ng nakadapa.
"Thysia ako hindi manghihilot," sabi ko at tumingin lang siya ng masama sa'kin.
"Baka gusto mong bawiin ko ang heneral mo?" Tanong niya at inis akong ngumiti sa kaniya.
"Ay biro lang naman mahal na hari, ito naman oh!" Sarkastiko akong tumawa at mariin na dinaganan ang likod niya.
"Aray! Itong amasona na 'to! Dahan-dahanin mo naman!" Sabi niya at humarap sa'kin sabay hawak at hila sa braso ko na nagdulot ng pagkabagsak ko sa dibdib niya.
Nagkatinginan kaming dalawa at parang napukaw ang mga mata namin sa kaniyang-kaniyang labi nang biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito ang isang batang babae na may dilaw at mahabang buhok.
"Troian mahal ko!" Sigaw niya at tumakbo papalapit samin sabay tulak sa'kin at yakap sa hari.
Aba! Sino ba 'tong isa pang bubwit na ito? At teka! Sinong mahal mo? Tama ba ang narinig ko? Tinignan ko sila maigi at pinakinggan bawat pag-uusap nila.
"Charlotte? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa batang babae at mabilis siyang hinalikan nito sa labi na kinabigla naming dalawa.
Oh! Mahabaging langit!
"Binibining Charlotte! Nagpapahinga po ang hari at Reyna—" napatingin ako kay Anubis na gulat na gulat din sa nakita niya.
Bumitaw siya ng halik sa hari at mataras akong tinignan mula ulo hanggang paa. Tumayo siya at iniwan ang hari na tulala at hindi makagalaw.
Inayos niya ang magarbo niyang damit at tumayo sa harap ko.
"Paumanhin Thysia. Ako nga pala si Lady Charlotte ng Avorsettie anak ng ika-anim na Ranggo ng heneral na si Lucas Avorsettie, at ang Fiancee ng haring Troian Hayes. Ikinagagalak kitang makilala." Yumuko siya sa'kin at pag-angat ng ulo niya ay ngumisi siya sa harap ko sabay takbo na naman sa tabi ng haring Troian.
Napanganga ako at tumingin kay Anubis at balik ulit ng tingin sa kanilang dalawa.
Ano daw? Fiancee siya ng haring Troian? Akala ko ba pinalabas nilang kasal kami at ako ang asawa niya? Bakit hindi ko alam ito?
"Pwede ba Charlotte, pagod ako iwan mo muna kami ni Dahlia." Sabi ng hari ngunit umiling siya.
"Alam ko, kaya nga nandito ako at bumibisita sa magiging asawa ko! Ah— alam mo bang pinanood kita kanina at lalo akong na hulog sayo mahal na hari." Niyakap niya ang hari na hindi makapalag sa mga kilos niya.
Sinenyasan ako ni Anubis at bumulong kung ayos lang ba ako at tumango ako sabay lakad palabas ng sarili kong kwarto.
"Paumanhin po mahal na hari, lalabas muna kami upang makapag-usap kayong dalawa ng fiancee mo," sabi ko sabay irap sa kaniya at mabilis akong naglakad palabas ng kwarto, hindi ko na inantay ang mga susunod na sasabihin ng hari.
Wala akong narinig na kahit ako sa kaniya, miske tawagin ang pangalan ko o hindi kaya pigilan ako ay hindi niya ginawa.
Tanging naririnig ko lang ay ang tawa nung batang babae at ang mabilis na paglakad ko papalayo sa kaniya.
Rinig na rinig sa buong pasilyo ang tunog ng takong ng sapatos ko at ang pagtawag sa'kin ni Anubis.
"Mahal na Reyna, saglit lang po! Saan po kayo pupunta?" Tanong niya at bigla akong na patigil sa paglalakad at humarap sa kaniya.
"Hindi ko rin alam Anubis," mabilis kong sagot at para bang ang bilis din ng t***k ng puso ko.
Hindi ko alam bakit sumisikip ito at para ba kong natapakan ng ilang beses at sobra akong nanliliit sa sarili ko.
"Gusto niyo kumain? May mga kyokolate akong tinabi sa kusina," sabi niya sabay ngiti sa'kin.
Hindi ko alam pero tumango ako at sumama sa kaniya. Pareho kaming umupo sa lamesa at wala na ni isang katulong na nasa loob ng palasyo.
Gabi na rin kasi at halos lahat ay pagod dahil sa kasiyahan at labanan kanina. Kaya nga nagtataka rin ako bakit may batang babae sa loob ng kaharian sa dis oras na ng gabi.
"Binibining Dahlia, hinay-hinay sa pagkain at baka mabulunan ka." Sabi niya at inilapag ko ang hawak kong kyokolate na mukhang espisyal ngunit hindi ko alam pero hindi ko malasahan ang tamis.
"Siya si binibining Charlotte, isa sa mga nakakaalam ng sumpa ng hari. Bata pa lang siya ng nakilala niya ang hari sa edad na siyam at siya sana ang magiging Reyna ng kaharian kung hindi sinilang ang susunod na Thysia sa Demon Kingdom." Napayuko ako. Siya pala talaga ang dapat na Reyna.
"Ngunit kung makikita mo bata pa ang binibini, anim na taon ang tanda sa kaniya ng hari at Reyna kana ng kaharian kaya naman pinutol na ang kasunduan na iyon matagal na." Ngunit hanggang ngayon ay mukhang mahal niya ang hari.
"Wag kana masyadong mag-isip binibining Dahlia, bumibisita lang siya at kaibigan lang ang turing ng hari sa kaniya." Kumindat siya sa'kin at para bang natauhan ako.
"Ha? Pakialam ko naman sa kanila!" Sabi ko sabay subo ng mga kyokolate sa bibig ko.
"Hinay-hinay po binibini!" Hindi ko siya pinakinggan at patuloy na nginuya ang kyokolate sa bibig ko.
Hindi ko alam kung ano itong na raramdaman ko pero isa lang ang malinaw sa'kin.
Naiinis ako sa haring Troian.
TO BE CONTINUED