CHAPTER 12

2501 Words
DAHLIA'S POV ❦❦❦ Pumasok kami sa loob ng kaharian at mukhang mangha na mangha ang bagong Heneral ko. Parang 'yung unang beses ko pumasok sa magarbo at pabolosong lugar na ito, kasama namin siya at ang anak ng Heneral na si Zelda. Papunta kami sa harap ng hari para ipakilala ang bagong halal na Heneral, lahat ng kawal ay nakapalibot sa hari at nakalatag ang mahabang pulang alpombra sa harap naming apat. Humiwalay kami kay Keegan at naglakad ako papunta sa tabi ng hari. Siya ay na iwan sa pintuan at inaantay ang pagtawag sa kaniya ng mahal na hari. Inalalayan ako ni Heneral Cerberus papunta sa trono ko at umupo dito, tumingin ako sa hari at tinaasan niya lang ako ng kilay. "Nakahanap ako ng Heneral ko mahal na hari, hindi mo ba ko ipagmamalaki?" Na bigla siya sa sinabi ko at pinigilan ang pagtawa niya. "Sige nga patingin ng Heneral mo," pagsabi niya noon ay tinaas niya ang scepter na hawak niya sabay sabing, "Keegan ng Demon Clan, anak ni Heneral Cerberus ng Hartford, ako ang haring Troian ay pinapatawag ka sa aking harapan," lahat kami ay tumingin pwesto niya ngunit na bigla kami ng wala na siya sa tapat ng pinto kundi nasa harap na ng hari at nakayuko sa harap nito. Lahat kami ay na gulat sa taglay niyang bilis at liksi ng katawan, miske ang hari ay na gulat sa pinakita niya at ngumisi. "Aba nagpapakitang gilas ka kaagad sa harap ko." Sabi niya habang nakadekwatro at nakasalumbaba sa kaniyang upuan." Hindi nagsalita si Keegan bagkos na natili siyang nakayuko sa harap ng hari. "Hindi ba siya ang natitirang angkan ng mga Hyena?" Bulong bulungan sa loob ng balwarte. "'Yung mga tainga at buntot na iyon, isa nga siyang Hyena." "Hindi ba inubos na ng pumanaw na hari ang mga kalahi niya dahil sa pag aaklas?" "Edi isa rin siyang kriminal at taksil laban sa kaharian," umalingawngaw ang mga bulungan sa loob ng kaharian at nakita ko ang pag ngiti ng bawat isang opisyales sa loob. "Heneral siya ng Thysia?" Bulong ng isang kawal sa gilid ko na halos dinig na dinig ko naman. "Sshh— Reyna na ang tinutukoy mo," bulong naman ng isa at sabay silang napatingin sa akin at malakas na tunoon ng hari ang hawak niyang tungkod sa sahig na kinatahimik ng lahat. "Itaas mo ang mukha mo Hyena." Sabi ng hari at mukhang na inis siya sa mga narinig niya. Tumayo naman siya gaya ng sabi ng hari at tumingin ng daretsyo sa kaniya. "Alam kong bastardong anak ka ng Heneral, pero mapapangako mo ba sa'kin ang kaligtasan ng Reyna?" Tumingin siya sa'kin sabay sagot sa harap ng lahat. "Oo naman basta sa pera," umalingawngaw na naman ang bulungan sa buong balwarte at hindi maitago ang mga ngiti ng mga opisyales. "Hindi ba nakakatakot kung ipag-papaubaya na'tin ang buhay ng Reyna sa isang kriminal at kaaway ng kaharian? Bakit ba inampon pa ng Heneral Cerberus ang isang ito? At ngayon ay inihalal pa siya bilang Heneral ng Thysia? Ang kaharian ay na pupuno na ng mga hindi naman dapat nasa loob nito," nag init ang ulo ko sa pagsasalita ng matandang opisyal na iyon. Gusto ko sumabat ngunit malakas ang ugong ng mga usapan tungkol sa'kin. "Thysia na naging Reyna at ngayon kriminal na naging Heneral?" Iyan ang mga tanong ng mga Loking na nonood ng seremonya. "Baka pati ang Heneral Cerberus ay may binabalak," lalong nag pintig ang tainga ko sa mga narinig ko. "Hindi kaya siya ang nagplano ng lahat? Ginawa niya ang sarili niyang familiar ng Thysia para maging Reyna ito, at ngayon ay ipinasok niya ang bastardo niyang anak sa pagiging Heneral, hindi ako magtataka kung pati ang hari ay matanggal sa kinauupuan niya." Nakayuko lang ang Heneral sa tabi ko at nakayukom ang mga kamao nito sa inis. Gusto ko magsalita ngunit masyadong mahina ang loob ko para pakinggan nila ang mga sasabihin ko. Nakita ko si Zelda na anak ni Heneral Cerberus na nasa sulok at mukhang papaiyak na dahil sa pag-aakusa sa kaniyang ama. "Teka nga!" Sigaw ni Keegan na tamad na tamad na humarap sa madla. "Ako ang kriminal na tinuturing niyo hindi ba? Bakit pati ang taong tumulong at kumupkop sa'kin ay isasali niyo sa galit niyo sa angkan ko? Isa pa pala, bata pa ko nang ubusin ng Demon Clan ang lahi naming mga Hyena kaya nakapagtataka naman bakit pati ako ay pinaghihinalaan niyo na agad sa mga akusasyon niyo." Tamad na tamad siyang nagsalita pero sapat na iyon para tumigil sila sa pagsasalita. "Tunay na kayaman lang ang habol ko sa kaharian, pero malay niyo naman nakuha rin ng Thysia ang tiwala ko dahil nagtiwala siya sa isang anak ng rebelde na katulad ko." Yumuko siya sa harap namin ng hari at sa iba pang mga opisyales. "Kung wala na kayong iba pang sasabihin, aalis na ang Heneral ng Reyna," mayabang siyang ngumiti sa harap ng mga opisyales at lumakad paalis ng balwarte. Ngunit agad na tumayo ang hari at tinawag ulit siya. "Hindi ka pa Heneral," banggit nito at napatigil sa paglalakad si Keegan. "Mahal na hari," banggit ko at tawag sa kaniya pero hindi niya ko inintindi. "Kailangan mo muna ng kalaban at manalo dito bago ka maging Heneral ng Reyna," banggit niya. Lumingon sa kaniya si Keegan at mukhang nagtaka sa balak ng hari. Bumulong ako sa hari at nagtanong. "Pero walang gusto maging heneral ko kung hindi siya lang Mahal na hari, wala siyang pwedeng makalaban." Tumingin siya sa'kin at bumulong din. "Ako ang bahala," nagtaka naman ako dahil ang pilyo ng ngiti ng haring bansot na ito. Ano na naman bang tumatakbo sa isip niya? Nagtaka ako at hindi mapakali sa mga iniisip niya. Umupo siya at sumenyas kay Keegan na lumapit siya at bumalik sa pwesto nito. "Tatanggapin mo ba ang hamon?" Tanong niya at ngumiti lang din ito ng nakakaloko. "Pag nanalo ba ko sa magiging kalaban ko ay do-doblehin niyo ang perang suswelduhun ko?" Tanong niya at tinaas ng mahal na hari ang kamay niya. "Ikaw magpresyo ng gusto mo," abot tenga ang ngiti na binigay ni Keegan sa mahal na hari at halos mataranta ang mga opisyales sa sinabi ng hari. "Osige, triple ng halaga ni Heneral Cerberus." Lahat ng Loki sa loob ay na gimbal sa laki ng halaga na nais niya, pang apat sa rango ang Heneral Cerberus at kumikita ito ng libo libong ginto sa isang buwan na pagbabantay nito sa hari at gusto niyang triplehin iyon? Maaari na siyang bumili ng sarili niyang bayan kung gugustuhin niya sa halaga na iyon. "Osige papayag ako," lahat sila ay na gulat sa pag sang-ayon ng hari kay Keegan, at halos tumalon sa tuwa si Keegan sa narinig. "Sabi mo 'yan mahal na hari, kung ganoon sino ang makakalaban ko?" Tanong niya at ngumisi ng mayabang ang bansot na hari, mga ngising hindi mo gugustuhin makita. "Syempre, ako." ❦❦❦ Sinilip ko ang mga taong pumapasok sa loob ng kaharian, iba't ibang ranggo. May mga mayayaman at mahihirap. Lahat sila ay manonood ng nalalapit na laban, laban nila Keegan at ng mahal na hari na gaganapin ngayong gabi. Palubog na ang araw at mapupuno na ang battle arena ng mga taong nag aabang ng laban nila. Lahat sila ay hindi na makapag-intay dahil sa unang beses ang hari mismo ang haharap sa magiging Heneral ng Reyna. Madaming nagpupustahan dahil sa laban, karamihan ay nasa hari ang taya pero may iba rin na tumaya sa bagong pangalan na narinig nila. *tok tok* "Mahal na Reyna, si Anubis po ito," sabi niya at humarap ako sa pinto. "Pasok." Bumukas ang pinto at niluwa nito si Anubis sabay ngiti sa'kin, mukha siyang pagod at nakasuot ngayon ng salamin sa mata. "Kamusta na mahal na Reyna? Handa ka na ba sa gaganapin na laban?" Umiling ako at lumapit sa kaniya. "Kinakabahan ako para sa kanilang dalawa." Ngumiti lang siya sa harap ko at tumingin sa paligid sabay tanong ng— "Bakit naman Binibining Dahlia?" Napangiti ako dahil pag walang ibang tao ay normal niya akong kinakausap. "Syempre isipin mo pag ang isa sa kanila nanalo at natalo, kung si Keegan ang mananalo ay malaking kahihiyan sa hari at kung ang hari naman ang mananalo ay mawawala ang Heneral ko." Ngumuso ako at umupo sa kama ko. "Hindi naman sa gusto kong manalo si Keegan para maging Heneral ko pero kung iisipin mapapahiya pa rin ang hari kung matalo niya si Keegan. Kasi siya lang naman ang nag iisang may gustong maging Heneral ko. Alam mo naman ang iisipin ng mga tao, kahihiyan sa hari na walang may nais maglingkod sa Reyna niya dahil isa lang akong Thysia." Umiling siya. "Magtiwala ka sa hari, malay mo naman ay may nais siyang gawin at may baraha siya sa likuran niya." Ngumiti ako. "May tiwala ako kay Troian alam kong may gagawin siya para labanan ang mga nais mangyari ng mga opisyales, pero hindi mo maalis sa'kin na mag-alala para sa kaniya." Nagbuntong hininga ako at sumalumbaba. Nakita ko naman siyang ngiting ngiti sa harap ko. "Oh, bakit ngiting ngiti ka?" Tanong ko at umupo siya sa upuan na nasa gilid ko. "Nakakatuwa lang na nag-aalala kayo para sa hari," bigla akong na mula dahil sa sinabi niya, hindi ko na mamalayan na nasabi ko na ang mga bagay na iyon. "Hindi mo naman maaalis sa'kin iyon di ba hahaha," nahihiya kong tugon sa kaniya. "Sa totoo lang binibining Dahlia, sa tagal ng hari sa palasyo na ito ngayon lang ako nakakilala ng taong totoong nag aalala sa kaniya bilang siya. Alam kong and'yan si Heneral Cerberus, hindi makakaila na talagang itinuturing niyang anak ang mahal na hari. Pero bukod doon karamihan ay inaalagaan lang siya dahil sa posisyon niya." Napayuko ako. "Pero andyan ka rin naman hindi ba?" Napalingon siya sa'kin at mukhang na gulat sa sinabi ko. "Sa totoo lang ay ayoko ng posisyon ko, ngunit trabaho na ng angkan namin ang maging kanang kamay ng hari," tumingin siya sa'kin ng malungkot at huminga nang malalim sabay ngiti. "Sige na nga, iku-kwento ko sayo ang unang pagkikita namin ng hari." Umayos siya ng upo para humarap sa'kin at ganoon din ako sa kaniya. "Kinse anyos ako nang una kong makita ang mahal na hari, batang bata pa siya noon. Naglalaro siya sa hardin ng palasyo at mag-isa. Noon pa man ay alam ko na, na paglumaki ang batang nasa harap ko ay siya ang paglilingkuran ko. Matatali ako sa trono at hindi magagawa ang mga nais ko sa buhay. Ngunit nang makita ko siya ng araw na iyon ay parang dinurog ang puso ko." Patuloy lang akong nakikinig sa mga kwento niya. "Isang bata na hindi hawak ang buhay niya, dahil simula ng ipanganak siya ay nakalaan na ang buhay niya sa pagiging hari niya. Parang nakita ko 'yung sarili ko sa kaniya pero na isip ko na mas maswerte ako dahil ako lumaki na kasama ang pamilya ko ngunit siya bata pa lang ay wala na ang ina niya at ang hari naman ay laging nasa digmaan." Napahawak ako sa bibig ko, wala akong alam tungkol sa hari simula ng mapunta ako dito at ngayon ko lang narinig ang kwento na ito. "Hindi niya nakilala ang ina niya?" Tanong ko at tumango si Anubis. "Sa katunayan ay bigla na lang sumulpot ang hari sa palasyo, na gulat ang lahat dahil ang Reyna naman ay hindi buntis ng mga panahon na iyon at agad na tinala na isang bastardo ang haring Troian mula sa hindi kilalang angkan dahil hindi namin alam sino ba ang tunay na ina ng hari noon." Hindi ko alam kung pano tatanggapin ng utak ko ang mga narinig ko mula sa kaniya. "At dahil sa kumusyon ay na wala sa katinuan ang Reyna at nilason nito ang hari pagtapos ay kinitil niya rin ang sarili niyang buhay, siguro tatlong taon lang ang haring Troian nang mamatay ang kaniyang ama." Napayuko ako, at sa murang edad naging hari na siya ng palasyong ito? "Hindi ba kinuwesyon ang pagkatao ng hari?" Tanong ko at umiling siya. "Hindi dahil halos makuha niya lahat ng aspeto ng namatay na hari, ang itim na itim na buhok nito at ang asul na mata nito tuwing umaga. Ngunit lahat kami ay nagtaka nang tumigil siya sa paglaki, nagiging bata siya tuwing umaga at doon na nagkaroon ng problema dahil hindi malaman kung bakit siya nagkaroon ng ganoong pangangatawan." Kaya hanggang ngayon ay umaasa siya na kung makakain niya ako o ang Thysia ay magiging ganap na siyang Loki. "Maraming kumakalat na espekulasyon tungkol sa tunay na pagkatao ng hari, sabi nila baka kalahating mortal siya kaya ganoon. Itinuturing bastardo rin siya ng iba kaya naman sa murang edad ay na nagpursigi siyang maging pinakamalakas na hari para malagpasan ang mga tingin sa kaniya ng mga Loki." Hindi ko maiwasan malungkot para sa hari, ganoon pala ang dinanas niya sa kamay ng sariling nasasakupan niya. Kung iisipin mo, sa murang edad ay napakabigat na ng dalahin niya. Hindi niya man lang naranasan maging bata o maging masaya. Hindi niya man lang nakita ang kanyang ina at lumaki kasama ang kanyang ama, wala siyang memorya mula sa pagkabata niya kundi ang mga libro at pag-aaral bilang hari. "Oh, bakit mukhang iiyak kana?" Tanong sa'kin ni Anubis at ngumiti siya ng malungkot sa harap ko. "Anubis, ngayon ba ay gusto mo na ang hari paglingkuran?" Tumango siya. "Oo naman, simula nang makita ko siya at malaman ang pagkatao niya ay tinuring ko na siyang sarili kong kapatid, kaya kung iiwan niya sa'kin ang trono. Mangangako akong ibabalik ko rin sa kaniya ito." Ngumiti ako at napaluha sa sinabi niya. "Hindi ko tuloy alam kung gusto ko ng ialay ang sarili ko sa kaniya o mabuhay pa ng matagal," tumawa siya at umiling. "Sa totoo lang, ngayon ko lang nakita na ganito ang hari, 'yung ugali niya sa harap mo ay sobrang natural. Lahat ng bagay ay parang magaan niyang pinapakita at pinaparamdam sayo." Tinapik niya ang ulo ko na kinagulat ko dahil isa si Anubis sa mga taong masyadong mahigpit sa batas. "Kaya kung maari, magtagal at wag kana umalis sa tabi niya. Gabayan mo siya sa mga desisyon niya dahil baka balang araw ay magsisi siya at maging marahas na hari na kaiinisan at kamumuhian ng lahat." Tumango ako at pinunasan ang tumulong luha sa mata ko sabay tayo sa kinauupuan ko. "Hanggat hindi niya ko pinapaluto sa kusinera niya ay asahan mong nasa tabi niya lang ako," Ngumiti siya at tumayo na rin. "Tara na at panoorin na na'tin silang dalawa." Naglakad kami palabas ng kwarto ko ngunit bago kami lumabas ng pinto ay tumingin siya sa'kin sabay lagay ng hintuturo niya sa labi niya. "Ssshhh— Atin-atin lang itong na kwento ko ah," na tawa ako dahil ngayon ko lang din nakita ang parte na ganito ni Anubis. "Makakaasa ka." TO BE CONTINUED 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD