DAHLIA'S POV
❦❦❦
"Magandang araw po mahal na Reyna," bati sa'kin ng mga katulong na nakasalubong ko sa pasilyo ng palasyo.
"Magandang araw po mahal na Reyna," napalingon ako at tumungo rin sa pagbati niya.
"Mag iingat po kayo sa paglalakad mahal na Reyna." Ngumiti siya sa'kin at bumati rin ako sa kaniya ng nakangiti.
Pero nakakapagtaka dahil bakit tila lahat sila ay naging magalang at binabati ako. Simula ng mangyari ang paghatol ay parang nag iba rin ang turing sa'kin ng mga Loki sa palasyo.
Iyong malamig na tingin at pagtrato nila sa'kin ay na palitan ng mainit na pagsalubong at pagbati sa'kin tuwing makakasalubong nila o makakausap nila ako.
"Mukhang bumaliktad ang baraha mo mahal na Reyna," sabi ni Heneral Cerberus na kasama ko papunta sa kwarto ng hari.
"Hindi ko nga rin inaasahan ito Heneral," bangit ko. Tumawa lang siya nang malakas at ngumiti sa'kin.
"Magkaroon ka ng tiwala sa sarili mo Reyna Dahlia," sabi niya at ngumiti na lang ako bilang tugon.
Siya ngayon ang sumasama sa'kin dahil sa abala si Anubis sa mga leksyon na kailangan niya tandaan.
Ilang araw ko na rin siya hindi nakikita dahil sa pag-aaral niya ng pamamalakad ng buong palasyo, paghahanda sa nalalapit namin pag-alis.
"Tingin niyo Heneral bakit ako pinatawag ng hari?" Tanong ko dahil sa loob ng ilang linggo ay ngayon niya lang ulit ako pinatawag sa isang pagpupulong na kasama ang sangunihan ng buong Demon Kingdom.
"Malalaman mo iyan pagtapos ng pagpupulong." Binuksan niya ang pinto at pumasok kami sa loob ng silid kung saan halos lahat ng mga Heneral at sangunihan ng kaharian ay nakapila at nakaupo sa kani-kanilang upuan.
Matatanda na ang mga ito at mukhang matagal na naglilingkod sa buong kaharian. Inaya ako ng Heneral na umupo at nanatili siyang nakatayo sa likuran ko.
"Dahil na andirito na ang Thysia, maari na tayong magsimula." Nakita ko si Anubis na kakapasok lang ng pinto at ngumiti sa akin, ngayon ko lang ulit siya nakita.
"Binuo ang pagpupulong na ito dahil sa kagustuhan ng mga opisyal na isagawa pa rin ang tradisyonal na pagpili sa gagawing Heneral ng Reyna, kahit panandaliang Reyna lamang siya." Napatungo ako, anong ibig niyang sabihin doon? Salitang panandalian, halatang halataa na ayaw pa rin sa'kin ng mga loki na 'to.
"Hindi ba sayang lang sa panahon at oras kung pagtutuunan pa ng pansin ang sekyuridad ng Thysia kung kakainin din naman siya at iaalay sa hari?" Tugon ng isang opisyal.
Bakit pa nila ako sinama sa ganitong usapan? Hindi ba nila na iisip na nasa harap nila ako at naririnig lahat ng mga pinagsasabi nila?
"Tradisyon na iyon ng kaharian, kahit hindi siya ang totoong Reyna ay kailangan na'tin gawin iyon para sa kapakanan ng hari." Tumingin ako sa haring Troian at naghikab lamang ito.
"Anong masasabi niyo mahal na hari, tutal kasabay ng paglalakbay niyo ay kailangan niya ng Heneral na magbabantay sa kaniya kasama niyo." Nagkamot ng ulo ang hari at sumalumbaba sa mahabang mesa.
Tumingin siya sa'kin at tumaas ang isang kilay ko.
"Gusto mo ba ng Heneral?" Tanong niya sa'kin at tumingin ako sa Heneral Cerberus, kung ako ang papapiliin ay gusto ko na ang Heneral Cerberus na lang ang maging bantay ko.
"Hindi ba't Heneral ko si Heneral Cerberus?" Tanong ko at halos lahat sila ay lumingon sa'kin, nakita ko ang mainit na tingin nila sa'kin at ang panghuhusga sa mga mata nila.
"Thysia, ang Heneral Cerberus ay Heneral lamang ng hari, kahit na sayo ang marka ng Heneral ay hindi ka niya pu-pwedeng unahin kung sakaling papapiliin siya kung sino sa inyo ng hari ang una niyang ililigtas." Tumingin ako sa Heneral na nasa likod ko at kita ko ang seryosong mukha niya.
Kung ganoon na hindi naman talaga ako ang prayoridad nila ay ayos lang naman sa'kin kung wala o meron akong Heneral.
"Dahil gumaganap kang Reyna ng kaharian ngayon, kailangan pa rin na'tin isagawa ang tradisyonal na paghahanap ng Heneral ng Reyna." Sabi ng isang matanda at lahat sila ay sumang-ayon dito.
"Magpapalaganap kami ng kasulatan para anyayahin lahat ng magagaling na Heneral at manlalaban sa buong kaharian. Saka isasagawa ang unang labanan sa pwesto ng magiging Heneral mo." Tumango ang lahat ngunit ang hari ay nananatiling tahimik, miske sila Anubis at Heneral Cerberus ay hindi umiimik.
Bakit parang tingin ko hindi magiging maganda ang ninanais mangyari ng mga opisyal na ito?
"Pano kung walang pumunta sa gaganapin na labanan?" Tumahimik ang lahat ng magsalita ang hari sa harap naming lahat.
"Hahaha, maari ba iyon mahal na hari? Hindi ba't maraming nagkakandarapa maging Heneral ng mga naging Reyna." ng mga naging Reyna, papaano kung ayaw nila maging Heneral sa katulad kong Thysia?
"Mayroong malaking pera at gantimpala ang matatamo nila kung manalo sila sa labanan para maging Heneral. Sino ba ang hindi masisilaw doon?" Tumayo ang hari at sinalampak ang maliit niyang kamay sa lamesa.
Kahit bata ang anyo niya, pag na galit siya ay kakabahan ka talaga at hindi mo maiisip na umimik.
"Gusto niyo bang mapahiya ang Thysia? Paniguradong puro mortal ang pupunta sa labanan? Hindi angkop iyon para sa tindi ng kalaban sa labas ng kaharian." Nagbulungan sila at isa ang na ngibabaw sa mga opinyo ng matatanda sa loob ng kwarto.
"Bakit hindi ka ba naniniwala sa kakayahan ng Thysia na makakakuha siya ng Heneral niya na Loki?" Tumingin sila lahat sa'kin at ramdam ko ang mga ngisi at pagtawa nila sa harap ko.
Parang kinukutya nila ako maigi sa loob ng kwarto na ito.
"Ikaw ba Thysia, wala ka bang tiwala sa sarili mo na may mag na nais na paglingkuran ka bilang Heneral mo?" Tumingin ako sa hari at nakita ko ang mga tingin niya sa'kin.
Hindi ko alam ang mga pinapahiwatig noon, para bang gusto niyang sumagot ako pero parang ayaw niya rin ituloy ang nais mangyari ng mga opisyal niya.
Huminga ako nang malalim at tumayo sa upuan ko.
"Bigyan niyo ako ng tatlong araw, kung walang gusto maging Heneral ko ay hayaan niyo na lang ako na walang bantay, tutal mamatay lang naman din ako tama ba ko?" Ngumiti ako sa harap nila at inis na inis nila akong tinitigan.
"Tatlong araw? Hindi ba masyado iyong matagal para lang sa paghahanap mo ng Heneral! Thysia ka lang at hindi ka talaga Reyna. Hindi mo kailangan paglaanan ng ganoong katagal na oras!" Sigaw ng isang opisyal at malakas na hampas muli sa lamesa ang na rinig namin mula sa hari.
Tinaas ko ang kamay ko para makuha ang atensyon nilang lahat sa'kin, pati ang hari ay na tigil sa dapat niyang sasabihin.
"Hindi niyo naman kailangan paglaanan ng oras ang mga araw na iyon, hayaan niyo ako mismo ang maghanap sa Heneral ko. Tutal inaasahan niyo naman na walang pupunta hindi ba? Hindi naman siguro ako mapapagod sa pag-upo at pag-iintay sa taong hindi naman darating." Tumingin ako nang seryoso sa kanila at nakita ko ngumisi ang hari.
"Oh, na rinig niyo na ang Thysia, isasagawa na'tin ang gusto niyong mangyari at hayaan niyo siya ang mag-intindi ng kaganapan na iyon." Tumango ang mga opsiyal at nakangiting tumayo.
Isa-isa silang lumabas ng pinto at bago sila tuluyan lumabas ay bumulong ang isa sa akin.
"Hahayaan ka namin mapahiya." Daretsyo akong nakatingin sa hari at hindi siya nilingon.
Kahit mapahiya ako, ayos lang. Basta lumaban ako sa mga pangmamata niyo ay panalo na ko.
❦❦❦
Dalawang araw na ang lumipas at pangatlong araw na ito ng paghahanap ko sa magiging Heneral ko.
Halos mapuno ng alikabok ang battle ground dahil ni isa walang lumahok sa labanan sa mga na unang araw.
Bawal sumali ang mga mortal kaya kahit isang tao at wala talagang pumunta para magpalista.
Nagbuntong hininga ako at inikot-ikot ang panulat sa mga kamay ko.
"Mukhang mapapahiya ang Reyna," na palingon ako at nakita ko ang tatlong opisyales na nagmamasid sa akin.
Binaling ko ang pansin ko sa araw na palubog na, ilang araw at ilang oras akong nakaupo dito at nag-iintay ngunit mukhang wala talagang nag na nais na sumali bilang Heneral ko.
"Mayroon ka na lang anim na minuto para tumunganga d'yan mahal na Reyna." Sarkastikong sabi ng isa sa kanila at tumingin lang ako kay Heneral Cerberus na mukhang na iinis na rin.
"Pasensya kana binibining Dahlia, miske mga kawal ko ay takot maging Heneral mo." Nagtaka naman ako.
"Bakit sila natatakot?" Bumulong siya sa akin.
"Bilang Thysia, maraming mag-aagawan sayo paglumabas kana ng kaharian, iba't ibang halimaw na hindi na'tin alam kung gano kalalakas." Sabi niya saka dumaretsyo ng tayo.
"Takot silang sagupain ang mga iyon, at sa totoo lang nang hihinayang sila sa buhay nila." Hindi siya tumingin sa'kin habang sinasabi niya iyon.
Para akong sinaksak sa likod dahil sa mga sinabi ng Heneral, alam ko naman na mamatay din ako pagtapos ng lahat ng ito.
Pero ganoon ba talaga ang tingin nila sa'kin? Isang pagkain na hindi kailangan pahalagahan?
Sabagay, kung mamatay din naman ako siguro mabuting ng kainin na nga lang ako ng hari, kesa sa masayang ang mga buhay nila sa pagprotekta sa'kin.
"Dalawang minuto," sabi ng opisyales at tumingin sa hawak niyang relo.
Napayuko ako at napangiti.
Mapait na ngiti dahil alam kong talo ako, ayos lang kesa sa wala akong ginawa habang tinatapakan ako ng mga opsiyales na ito.
"Nakakahiya, ano na lang masasabi ng mga nasasakupan ng hari? Ni isa walang may gustong protektahan ang Reyna." Nakita kong umamba ang Heneral kaya na patayo ako para pigilan siya.
"Ayos lang Heneral Cerberus, tara na." Tumingin lang siya sa'kin at ngumiti ako bilang ganti.
Lumakad ako papalayo nang biglang may lumuhod sa harapan ko, na gulat kaming lahat dahil hindi namin alam saan siya galing o ang presensya niya ay hindi kapansinpansin.
Isang lalaking may mahabang buntot at tainga sa buhok niya. Yumuko siya at sinabing.
"Mahal na Reyna, ako po si Keegan mula sa Hyena Clan, bastardong anak ng Heneral na si Heneral Cerberus. Nais ko pong maging Heneral niyo." Tumingin siya sa'kin at nakita ko ang mukha niya.
May pilat siya sa pisnge at may matatapang na mata na kulay ginto. Kulay abo naman ang kulay ng makapal niyang buhok na halos humarang na sa isang bahagi ng kaniyang mata.
Hindi ako makapagsalita sa bilis ng pangyayari. Tumayo siya at agad na lumapit ang Heneral saming dalawa.
"Keegan, anong kaguluhan ito?" Tanong ng Heneral na kabadong kabado.
Nagkamot siya ng ulo niya at nilagay ang mga kamay niya sa bulsya niya. Parehos na tumaas ang mga balikat niya sabay sabing.
"Wala lang, gusto ko lang ng malaking pabuya." Halos lahat ng opisyales ay na gulat.
"Teka lang! Ako rin hahabol!" Lahat kami na palingon sa isang babaeng may maikling buhok at mahabang pangil na nakalabas sa bibig niya.
"Zelda!" Sabay na banggit nila Herenal at nung lalaking kakadating lang.
"Nais ko rin pong maging Heneral niyo mahal na Reyna," malambing itong ngumiti sa'kin at nakita ko ang panlalambot ng Heneral.
"Anong ginagawa niyong dalawa dito!" Miske ako ay na guguluhan. Sino ba ang babaeng ito at itong lalaking nais maging Heneral ko.
"Ah, mahal na Reyna ako nga po pala ang nag-iisang anak ng Heneral." Yumuko siya sa harap ko.
"Ako po si Zelda Hartford," bati niya sa'kin sabay ngiti ng malapad.
Tumingin ako sa Heneral at naghahanap ng sagot sa kaniya pero wala siyang maibigay at parang kunsumidong kunsumido sa dalawa.
"Teka, puputulin ko lang ang pag-uusap niyo, Lady Zelda. Paumanhin ngunit hindi kayo umabot sa oras ng paghahanap namin ng Heneral." Sabi niya at ngumuso lang ang anak ng Heneral.
"Aww, bakit si Keegan!" Tumingin naman ang tatlong opisyales sa Keegan na tinatawag nila.
"Galing ka sa Hyena Clan? Alam mo ba ang angkan mo ang kauna-unahang angkan na nag-alsa laban sa kaharian, tingin mo ay magtitiwala kami para ipahawak sayo ang buhay ng Thysia?" Ano daw? Ngayon ay parang may pakialam sila sa'kin at ayaw tanggapin ang nag-iisang taong nag nais na maging Heneral ko.
"Angkan ko sila pero hindi ibig sabihin noon ay ako sila, baka nga hindi pa ko buhay ng ginawala nila ang pag-aaklas." Sarkastiko nitong sabi at nilinis ang tainga niya na parang walang pakialam.
"Hindi ka pu-pwedeng maging Heneral ng Reyna, bawal ang mga traydor dito." Bulyaw ng isang opisyales.
Kaya humarang na agad ako sa usapan nila at tumingin ng darestsyo kay Keegan na kinagulat niya.
Mata sa mata, hinarap ko siya at nakita ko ang pagkabigla niya.
"Nais mo bang kainin ako?" Daretsyo kong tanong at umiling siya sabay tawa.
"Hindi ko ninais maging malakas, ang gusto ko lang ay ang kayamanan niyo." Ngumisi siya sa harap ko at nilahad ang kamay ko sa kaniya.
"Osige, kasunduan na na'tin iyan, kayamanan kapalit ng paglilingkod mo." Nagulat siya dahil inilahad ko ang kamay ko pero seryoso akong tumitig sa kaniya at nakita ko na naman ang pilyong pagngiti niya.
"Osige, usapan iyan," kinuha niya ang kamay ko at nakipagkamay sa'kin na kinagulat at kinagalit ng matatandang opisyales.
"Mahal na Reyna hindi ka pwedeng hawakan ng iba!" Sigaw nito at pumamewang ako sa harap nila.
"Pano kung na hulog ako? Hindi niya ko maaring saluhin dahil hindi niya ko pu-pwedeng hawakan? Ano pang silbi?" Tanong ko at nanahimik sila sa harap ko, halatang galit na galit sa mga pagsagot ko sa kanila.
"Bilang Heneral ng hari, ako si Heneral Cerberus ng Demon kingdom ay inaatasan at pinapangalanan si Keegan Hartford ng Hyena Clan at ng Demon Clan bilang Heneral ng Mahal na Reyna." Tinaas niya ang ispada niya at ipinataw ito sa harapan ng bagong magiging Heneral ko.
"Maraming salamat sa pag nanais mong maging Heneral ko." Ngumiti ako sa kaniya at umiwas lang siya ng tingin sabay yuko.
"Gusto ko rin maging Heneral papa," napatingin kami sa babaeng anak ni Heneral Cerberus na nagtatago sa likod niya.
Sabay-sabay na lang kaming napatawa kasabay ng pag-alis ng mga opisyales.
Kahit sabihin pang traydor ang turing nila sa magiging Heneral ko ay pagkakatiwala ko pa rin ang buhay ko sa kaniya.
Katulad ng ibibigay niyang paglilingkod sa akin kapalit ng buhay niya.
TO BE CONTINUED