CHAPTER 17

2115 Words
DAHLIA'S POV ❦❦❦ Nakaramdam ako ng p*******t sa aking ulo, kamay at paa. Pawang may kung anong bagay na nakatali dito ng sobrang higpit na kahit unting galaw ay makakaramdam ka ng sakit. Marahan kong binuksan ang aking mata saka tumambad sa akin ang iba pang kababaihan katulad ko na nakatali at may takip sa bibig. Inikot ko ang aking paningin, mukhang wala na ako sa barkong sinasakyan namin, agad kong pinikit ang aking mata nang makarinig ng mga hakdang papalapit sa loob ng kwarto kung na saan ako. Nakarinig ako ng pagpihit ng seredula ng pinto at mga tawanan mula sa mga kalalakihan. "Tiba-tiba tayo nito! Madaming magagandang loki ang nakuha na'tin ngayon na pwedeng ibenta sa mahaharlika." Kumabog ng mabilis ang aking dibdib. Kung tama ang narinig ko ay isa itong uri ng pandurukot sa mga kababaihan upang ibenta. Lalo akong kinabahan dahil kapag nalaman nilang isa akong Thysia ay hindi ko alam kung aabot pa ko sa bentahan. 'Yung buhay ko na mas mapapadali pa dahil sa paglalakbay na ginagawa namin ngayon, alam ko namang kakainin din ako ng hari ngunit kung mamatay din naman ako ay maaring para na rin sa hari namin na po-protekta sa kaharian. Mariin kong pinikit ang aking mga mata, pigil sa paghinga at hindi gumagawa ng kahit anong kilos. "Itong isang ito ang pinakakakaiba, ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang babae, mukhang S class ang isang ito sa merkado." Bangiit ng isang lalaki at hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nila sa dami namin na nasa loob ng kwarto. "Kakaiba rin ang mga tainga niya at buntot, anong tribo kaya siya kabilang?" Nakarinig ako ng mga yapak papalapit sa'kin at doon na ko kinabahan. Napalunok ako sa kaba ngunit pigil pa rin ang paghinga. Naramdaman ko ang paghawak ng isa sa kanila sa aking buhok sabay amoy nito. "Pero hindi ba kakaiba ang amoy niya? Parang amoy Tigre na may halong Hyena." Lumapit ang isa at inamoy din ang buhok ko. "Mukhang galing pa nga siya sa Demon Kingdom dahil nakadikit sa kaniya ang amoy ng mga Loki doon," halos tumulo na ang pawis ko dahil sa kaba sa kanilang dalawa. Binitawan nila ang buhok ko at patuloy na nag-usap upang suriin ang ibang babae nang makarinig kami ng malakas na sigaw, mukhang isa sa mga babae ay na gising na rin. "Anong ginagawa ko dito!" Sigaw niya at binuksan ko na ang mga mata ko. Lahat ng kababaihan sa loob ay nagising dahil sa kumosyon at isa-isa silang naghesterikal sa takot. "Wag kayo mainip malapit na tayo sa daong hehehe," sumama ang tingin ko sa kaniya at ngumisi lang ito sa harap namin. "Kailangan niyo na ulit matulog ng mahimbing," at isang pitik niya lang sa kaniyang kamay ay para bang may lumabas na mga usok sa loob ng manggas ng damit niya. Sinakop nito ang loob ng kwarto at ito na naman ang ulo kong hilong-hilo sa amoy ng usok na iyon. Muli na lang akong nagising ng maramdaman kong may humuhubad ng damit ko na kinagulat ko. Pagtingin ko dito ay isa itong babaeng Loki, may suot itong kadena sa paa at may hawak na sabon sa kaniyang kamay. "Anong ginagawa mo? Asan ako?" Tanong ko sa kaniya at tahimik niya lang hinubad ang damit ko na pinigilan ko. "Teka nga! Bakit mo hinuhubad ang damit ko?" Tinuro niya ang isang malaking liguan sa gitna ng malaking kwarto, karamihan ng mga babaeng kasama ko sa loob ng barko ay pinapaliguan na doon. Parang lahat sila ay sumuko na dahil sa hindi na sila umiimik pa at tahimik na lang umiiyak. "Kailangan mo ng maligo, magsisimula na ang bentahan mga dalawang oras bago nito." Umiling ako at tumayo, mabilis akong tumakbo sa pinto na nakabukas ngunit nagtataka ako bakit parang hindi nila ako hinahabol. Nilingon ko ang babae na nakausap ko kanina, may babae sa likod niya na sobrang garbo ng damit at may hawak na bagay na hindi ko alam. Para itong may pindutan at nang makita kong pindutin niya ito ay agad na nakuryente ang buong katawan ko. Pilit kong hinanap kung saan nang gagaling ang kuryente na iyon at nang makita ko ang bagay sa leeg ko ay agad ko itong pilit na tinggal ngunit hindi ito maalis at sobrang higpit. Bumagsak ako sa sahig habang hawak-hawak aking leeg at pilit na gumagapang sa isa pang pinto sa harap ko. "Alam mo ayoko saktan ka dahil maganda ang balat at mukha mo, pero kung papalag ka pwede siguro kung mawalan ka ng isang daliri?" Na blangko ako, agad siyang sumipol at may mga lalaking bumuhat sa'kin papasok ulit ng kwarto. "Ingatan niyo 'yan S class ang isang 'yan," sabi nito at hindi na ko nakapalag dahil sa panghihina, katulad ng ibang babae sa loob ng kwartong ito ay tahimik na lang din akong umiyak at pabulong na tinatawag ang pangalan ng hari. "Dalian mo at hubarin mo na ang damit mo," sabi nung babae at tinulungan niya kong maghubad dahil sa panlalambot ko. Hiyang-hiya ako dahil sobrang daming babae sa loob ng kwarto ngunit na isip ko na hindi na nila maiisip ang bagay na ito dahil sa kakaiyak at takot sa mga kaganapan. Saka sumagi sa'kin ang balat ko sa likod na tanda bilang Thysia ako, mabilis na kumabog ang puso ko at hinila ang damit ko sa babaeng nasa harap ko. "Wag kana lumaban kung gusto mo pang mabuhay, ipanalangin mo na lang na mabait ang makabili sayo, na may himala pa sa mga hayop na 'yun," hindi ako umimik at tumango na lang sa kaniya. "Ako na lang maghuhubad ng damit ko," tumango siya at hinayaan akong hubarin ang damit ko saka ako tumakbo sa tubig at na ligo, kabadong-kabado akong baka maamoy nila ako ngunit hinalo ko na sa tubig ang pabango na binigay sa'kin ng hari at ipinaligo ito. Hiwalay ang paliguan ko sa iba kaya naman kampante ako, hindi ko alam bakit ganoon ngunit sabi nila S class daw ako kaya nais nilang pinakamagandang paraan nila ituturing ang balat at katawan ko. Hinawakan ko ang pekeng tenga ko na basang basa na, nilublob kong maigi ang katawan ko sa tubig. "Apat na oras lang ang itatagal nito," tumingin ako sa marka na nasa daliri ko na dulot ng Heneral, hinalikan ko ito at maiyak-iyak na tinatawag ang pangalan nilang tatlo. Sana mahanap na nila ako dahil takot na takot na ko sa mga oras na ito. ❦❦❦ Wala akong makita dahil sa piring sa'king mata, ang huling natatandaan ko ay pinagbihis nila ako ng isang magarbong damit at tinaliian ang aking dalawang kamay. Nang mapiringan na nila ang aking mata ay ipinasok nila ako sa isang hawla na ngayon ay hila-hila nila kung saan. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin o kung ano ang gagawin nila sa'kin. Ang alam ko lang ay hindi maganda ito at kung ano man ang kahinatnan ko ay siguradong patay ako pagnalaman nilang isa akong Thysia. Tanging panginginig na lang ng aking katawan ang nararamdaman ko kasama ng kaba at takot sa mangyayari sa'kin. Gusto ko sumigaw ngunit bali wala lang din dahil alam kong walang tutulong sa'kin. Mukhang malayo ang tatlo kung na saan ako ngayon, humihiling na lang ako na sana ay mahanap nila agad ako bago pa may mangyaring masama sa'kin. Dahil kung mamamatay man ako, nais kong sa kamay na lang din ng haring Troian kesa naman sa iba pa ang makinabang sa pagiging Thysia ko. Marahan na tumulo ang mga luha sa'king mata, tanda ng takot at kaba na hindi ko mapigilan maramdaman. ❦❦❦ Abala ang tatlo sa paghahanap kay Dahlia at na pag-alaman nila na isa itong modus ng mga tiga black market kung saan ay kukuha sila ng mga babae sa bawat barkong pumapalaot at saka ibebenta sa mga maharlika. Ilang buwan na daw ito problema sa Ophidian Sea dahil sa lumalaganap na mga pirata sa karagatan. Nakatunog na agad ang hari kung saan niya pu-pwede mahanap ang Thysia. "Sigurado ba kayo Mahal na hari? Gusto niyong pumasok sa black market upang bilhin siya?" Nagkamot lang ng ulo ang hari sabay buntong hininga. "Ano pa bang magagawa ko? Kasalanan ito ni Basil! Aba hindi niya alam na pinamumugaran na ang karagatan niya ng mga pirata!" Inis na inis siyang nagpabalik-balik sa paglalakad. "Kasalanan ko ito bilang heneral niya, hindi ko agad natunugan ang mangyayari," banggit naman ni Keegan na aligaga kung saan hahanapin ang Reyna. Unang paglalakbay niya pa lang ito bilang heneral at sa unang pagsabak niya ay pumalpak na agad siya. "Wag mong sisihin ang sarili mo Keegan, hindi mo naman siya pwedeng samahan papuntang banyo hindi ba?" Sumimangot ito at na inis na lang. "Hindi! Sa susunod kahit na nasa loob siya ng banyo ay babantayan ko siya!" Tumaas ang kilay ng hari at minata ang bagong Heneral. "Gusto mong mapugutan ng ulo ha, Keegan?" Natawa na lang si heneral Cerberus habang nag-aaway ang dalawa. Alam niyang hindi ito panahon upang tumawa ngunit kampante siya na magiging ayos ang lahat. Para sa kaniya ay simpleng misyon lang ang isang katulad nito, madalas niya nang nararanasan ang mga ganitong eksena kaya naman alam na nila ang susunod na hakbang. Iyon ay ang intayin ang bentahan mamayang gabi, pupunta sila doon upang bilhin at tignan kung andoon nga talaga si Dahlia ngunit kung wala siya doon ay saka na lang sila matataranta. "Dalian niyo, humanap na tayo ng tutuluyan sa bayan," sabi ng heneral sa dalawa at sumunod na lang ito. Nakarating sila ng ayos sa Ophidian Kingdom at tumuloy sa isang maliit na panuluyan upang doon iwan ang mga kagamitan at magplano ng gagawin nila mamayang gabi. "Pano kung may mas mataas na patong ang ulo ni binibining Dahlia? Makakaya mo ba? Kasya pa ba ang ginto na para sa pagbyahe na'tin?" Nagbikit balikat lang ito at nilabas ang mga dyamante at ginto na dala niya. "Ito kasya na ba ito?" Na gulat si Keegan nang makita ang halaga ng dala ng hari, kaya na siyang buhayin ng halaga na iyon sa mga sususnod na taon. "Parang sahod ko na 'yan sa limang taon ah! Masyadong malaki 'yan at dinadala mo lang 'yan sa loob ng iyong bag?" Binato siya ng hari ng pinakamahal na uri ng dyamante, agad niya itong sinalo na may pag-iingat "Hoy! Ang mahal ng isa na ito tas ibabato mo lang?" Hiyaw ni Keegan at inirapan lang siya ng hari. "Oo, hampas lupa." Para bang nakakabuo sila ng kidlat sa pagitan ng kanilang mga mata. "Oh, tama na 'yan! Mabuti pang pag-isipan na na'tin ang mga gagawin mamayang gabi." Sumeryoso ang dalawa saka bumalik sa kanilang pagpaplano. At sumapit na ang gabi, nagbihis nila ng mga damit na tagong tago ang kanilang pagkatao. Nakatunog sila kung saan ginaganap ang bentahan at ayon sa source ng heneral ay gaganapin ito sa under ground. Pumunta sila sa tagong lugar na iyon at bago sila papasukin ay may dalawang malalaking katawan na halimaw ang nasa harapan nila. "Ipakita niyo ang dala niyo," banggit ng isa at inilabas ni heneral Cerberus ang isang supot ng mga dyamante at ganoon din si Keegan sa isang supot ng mga ginto. Nagkatinginan ang dalawang guardiya ng pinto at tumango ito saka sila pinapasok sa loob. Mula sa labas ay hindi mo aakalain na mukhang tanghalan ang nasa loob nito, madaming pulang upuan sa harap ng isang entablado na may mga pula at gintong telang nakatakip dito. Umupo sila sa kalagitnaan at tahimik na nagmasid. Mukhang hindi pa nag uumpisa ang bentahan kaya naman tahimik silang nakiramdam sa ibang loki. Karamihan dito ay mga nakamaskara at puting damit, silang tatlo lamang ang nakabalot at tago ang mukha sa pamamagitan ng mga tela. Nang bumukas ang ilaw ay nagsipalakpakan ang mga tao kaya naman ay ginaya na lang nila ito. "Nangangati ang likod ko, hindi ko matago ang pakpak ko," bulong ng hari sa dalawa. "Pati 'yung sungay ko ay labas na labas na, hindi ba nila ako mahahalata nito?" Umuling ang Heneral, at bumulong. "Hindi ba may balot ang mga sungay mo, hindi nila makikilala iyan dahil sa takip kaya ingatan mong hindi matanggal iyan," bulong nito at naagaw ng kanilang tingin ng bumukas ang malaking pulang kurtina sa entablado. Lumabas doon ang isang lalaking may maskara at may hawak na mikropono. Masigla itong bumati na kinagalak ng lahat. "Ngayon gabi ay muli na'ting sisimulan ang bentahan! At alam niyo bang may kakaiba kaming ihahanda sa gitna ng entabladong ito? Ngunit syempre kailangan niyong abangan itong lahat!" Nagkatinginan ang tatlo at nakatunog sa mga maaaring ilabas nila sa entablado. TO BE CONTINUED 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD