DAHLIA'S POV
❦❦❦
Pumasok ako sa loob ng kwarto pagtapos ng pag-uusap namin nung lalaki sa beranda, nakalimutan kong tanungin kung anong pangalan niya at magpasalamat na rin sa impormasyong binigay niya.
Umupo ako sa kama sabay hilata dito, nakakapagod ang araw na ito, sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako byumahe ng ganito kalayo.
"Hoy Dahlia!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa malakas niyang pagkalampag sa pintuan.
Agad akong tumakbo para buksan 'to at nakita ko si Keegan na buhat-buhat ang heneral at ang haring Troian. Mukhang lasing silang tatlo ngunit mas malakas ata ang tama ng dalawa kesa kay Keegan.
"Dalian mo, buhatin mo na ang asawa mo," biglang na mula ang mukha ko at mabilis na kinuha ang haring Troian.
"Ikaw na bahala diyan, medyo madaming na inum ang isang iyan." Kumaway si Keegan at pagewang-gewang na binuhat at inalalayan ang kaniyang ama.
"Shining lhashing?" Tanong ng hari kay Keegan na pawang walang na ririnig. Na pailing na lang ako at binuhat ang napakabigat na hari.
Minsan gugustuhin ko na lang na nasa bata siya ng kaanyuan kesa sa ganito siya, mas matigas pa ang ulo niya kumpara sa batang Troian.
Pagewng-gewang din kaming naglakad papuntang kama at mabilig siyang inihiga.
"Bakit andito na ako? Kaya ko pa! Asan 'yung alak ko!" Napakamot na lang ako ng ulo sa kakulitan niya ngayon, sasabihin niyang kaya niya pa ngunit hindi na siya makabangon sa pagkakalasing niya.
Minsan na isip ko, 'yung pinakamalakas na Loki sa kaharian ay may tama sa alak at hindi makalakad. Totoo bang siya ang nasa unang ranggo? Itong bansot na ito.
"Bhat mo ko tinititigan ng ganyan?" Napabalikwas ako at mabilis na iniwas ang ulo ko sa kaniya.
"Hindi kita tinititigan, bilisan mo na at matulog kana." Bahagya siyang umupo at tinukod ang isa niyang siko sa kama, sumenyas siya sa'kin na lumapit ako sa kaniya kaya naman humakbang ako papalapit sa kaniya nang bigla niya kong hilahin sa bisig niya.
'Yung t***k ng puso ko ayaw kumalma.
"Ang bango-bango mo talaga, nakakaadik ka," Bulong niya sa tainga ko na nagbigay ng malamig na pakiramdam sa sistema ko.
"pwede ba kitang kagatin?" Napalingon ako sa kaniya at nakita ko ang mga mata niyang pulang pula na parang dugo.
Umiling ako ngunit ngumisi siya at dahan-dahan na nilihis ang damit ko.
"Osige hindi na kagat," hindi na ko nakagalaw o nakapalag nang bigla niyang halikan ang balikat ko.
'Yung sistema ko parang tumigil at nabato sa pakiramdam na iyon, umakyat pa ang mga halik na iyon papuntang leeg ko hanggang sa hawak niya na ang mukha ko.
"Haring Troain?" Habol hininga ko dahil sa sobrang kaba ay kinakapos na ko sa hininga.
"Troian." Madiin niyang sagot sa'kin at akmang hahalikan na ang labi ko saka ko mabilis at mariin na pinikit ang mga mata ko.
Ngunit ilang saglit pa ay nakaramdam ako ng paghalik sa aking noo, tinaas niya ang unting hibla ng buhok ko at muling hinalikan ito ng paulit-ulit.
"Hindi ko alam kung gusto ba kitang kainin, sa paraan ng mga Loki o sa paraan ng mga mortal," umikot ang paningin ko at nahilo sa gusto niyang iparating.
Anong kakainina niya ko sa paraan ng mga mortal? Hindi naman kami na kain ng kapwa tao namin.
"Aah— ang sakit ng ulo ko, gusto ko pa halikan ang mukha mo." Hinawakan niya ang mukha niya at kitang kita ko ang pamumula ng tainga niya.
Natulala ako at hindi alam anong gagawin o iisipin sa mga kinilos niya, dulot ba ito ng alak? Dahil ba sa lasing siya? Tumingin ulit ako sa kaniya at inalis niya ang kamay niya sa mukha niya. Nagtama ang mga mata namin at bigla siyang ngumisi ng nakakaloko.
"Halikan mo naman ako, para lang mawala ang sakit ng ulo ko." Ngumuso siya na parang bata at tinuro ang noo niya.
"Ha? Sumasakit ba ang ulo ng mga Loki?" Ngumuso ulit siya at hinampas ang kama na parang bata na ngumangawa.
"Oo naman nasasaktan din kami," sabi niya sabay bangon at lapit ulit sa mukha ko.
"Dali na isa lang," para siyang batang nanghihingi ng matamis at atensyon sa kaniyang ina.
Napabuntong hininga ako at kahit kabado ako ay hinawakan ko ang mukha niya ng dalawang kamay ko at hinalikan ang noo niya.
"Sakit-sakit mawala kana sa ulo ng hari." At ngumiti na lang ako sa harap niya at ganoon din siya sa'kin. Parang bata na humiga sa binti ko at ilang segundo lang ay tulog na agad siya.
"Kung ganyan ka matutulog pano naman ako?" Napakamot na lang ako ng ulo at sumandal sa pader, pilit na pinapakalma ang sarili at humihiling na sana hindi niya marinig ang malakas na t***k ng puso ko na siya ang dahilan.
❦❦❦
Pagmulat ko ng aking mata ay wala na siya sa binti ko at maayos na akong nakahiga sa kama. Nakaayos na rin ang mga gamit namin sa gilid ng pinto.
"Bangon na at baka maiwan tayo ng barko," tumango ako at namumulang yumuko. Bakit ako lang ang mukhang nahihiya? Bakit parang wala lang sa kaniya? Hindi niya ba natatandaan ang nangyari kagabi? Kung ganoon siguro mabuti na rin iyon dahil nakakahiya talaga.
Hinawakan ko ang ulo ko dahil nahihilo ako at kulang sa tulog nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hilahin ako papalapit sa kaniya.
Napayuko ako para abutin ang maliit na berson niya saka niya hinawi ang mga buhok ko sa noo at sinabing.
"Sakit-sakit mawala kana sa ulo ng Thysia!" Hinalikan niya ang noo ko at halos manlambot ang tuhod ko sa ginawa niya.
Napahawak ako sa bibig ko malakas siyang tumawa.
"Natatandaan mo?" Tanong ko at tumango siya saka pumamewang at sa harap ko ng may nakakalokong ngite sa mukha.
"Magandang umaga Dahlia." Sinamaan ko siya ng tingin at tuwang tuwa siyang naglakad palabas ng pinto.
"Dalian mo at aalis na tayo! Pupunta tayo sa piyer, kailangan limang minuto naka-ayos kana." Napanganga ako at inis na inis na binato siya ng unan, tumama ito sa mukha niya at mabilis na nag bago ang kaniyang mukha.
"Sana ginising mo ako?" Takot kong tanong dahil iba na ang ekresyon na binibigay ng kaniyang mukha. "Ikaw 'tong tulog mantika!" Binato niya rin ako ng unan pero mabilis ko itong na iwasan.
Inis siyang lumapit sa'kin at mabilis akong tumakbo sa loob ng paliguan.
"Dahlia!"
❦❦❦
Agad kaming byumahe papuntang daungan at sumakay sa isang barko na sobrang laki, mukhang kasabay namin ang iba't ibang produkto na ihahatid sa Ophidian Kingdom.
Madami ring mga pasahero na kasabay namin at mukhang lahat kami ay na mangha sa kagandahan ng kapaligiran, asul na asul na karagatan, bughaw na langit at preskong hangin mula sa dagat.
"Pano mo pala nalaman na nasa Ophidian kingdom siya?" Tanong ko sa hari na ngayon ay hindi mapakali sa maputlang kulay itim niyang buhok.
"Syempre may binibentang mga gamot doon at nagkakaubusan na daw kaya kung ako siya pupunta rin agad ako sa lugar na iyon." Hinawi niya ang buhok niya at sumalampak sa sahig.
"Hindi ka ba sanay sa bagong kulay ng buhok mo mahal na hari?" Sinamaan niya ko ng tingin at nilagay ang hintuturo niya sa kaniya bibig.
"Ssshh— wag mo na kong tawaging hari, madaming tao baka marinig ka nila." Yumuko ako upang mapantayan siya at nagtanong.
"Ano pala itatawag ko sayo? Bansot?" Nakita ko ang matalas niyang mga ngipin kaya naman mabilis akong lumayo sa kaniya.
"Gusto mo ihulog kita dito sa barko? Kahit ano wag lang pang-asar." Nag-isip ako kaso wala akong maisip at umupo na lang sa tabi niya.
"Ayos na siguro ang Troian tutal wala naman maniniwala na ikaw ang hari, sabihin na lang na'tin na tiga hanga ka o ang ina mo ng hari kaya iyon ang pinangalan sayo." Nagbuntong hininga siya at sumalumbaba.
"Bahala kana kung ano gusto mong gawin," nakakainis naman ang isang ito, alam kong nabuburyo na rin siya sa mahabang byahe namin pero wag niya naman ipahalata sa'kin dahil nakakahawa 'yung kaburyuan niya.
Sumalampak na lang din ako at sumalumbaba, sabay kaming nagbuntong hininga at natawa na lang ang heneral sa'kin.
"Nahihilo ba kayo mahal na— ah Troian?" Napalingon ako sa kaniya.
"Nahihilo ka?" Hindi siya sumagot at tumalikod lang ng harap sa'kin.
Tignan mo nga naman ang pinakamalakas na Loki ang haring Troian ay nahihilo sa paglalayag sa dagat. Natawa na lang ako at inasar siya.
"Kung gusto mo sumuka bubuhatin kita para daretsyo na lang sa dagat." Humarap siya sa'kin at bigla akong kinagat sa braso.
"Aray ko!" Lahat ng loki ay napalingon samin at mabilis niyang dinilaan ang dugo na lumabas sa sugat ko.
"Muntikan na nilang maamoy ang dugo ko! Gusto mo bang mapahamak tayo?" Bulong at iritado kong sabi sa kaniya. Sumandal siya sa'kin na parang walang na ririnig at pinatong ang kaniyang braso sa mukha niya.
"Wag ka nga maingay, oo na! nahihilo ako kaya wag kana madaldal lalong sumasama pakiramdam ko." Komportable siyang sumandal sa'kin at tinikom ko na lang ang bibig ko para makapagpahinga siya.
Dahil sa hindi kami maaaring makilala ng mga loki habang naglalakbay ay kailangan namin makisalamuha sa kanila katulad ng normal na pamumuhay nila. Kaya naman hindi kami sumakay sa isang prestihiyosong barko na maaring makahatak ng atensyon nila, at dahil doon ay hindi kami makapagpahinga ng ayos.
Tatlo lang ang kwarto sa loob ng barko na ito, at lahat iyon ay puno na ng mga kagamitan at produkto na ihahatid sa kaharian. Kaya naman lahat ng mga loki ay sama-sama sa taas at dito rin kami matutulog mamayang gabi.
Ang prinoproblema ko lang ay ang paggamit ng paliguan, ang hirap lalo na't iisa lang iyon at kailangan ko lagi maglagay ng pabango upang maitago ko ang amoy ng pagiging Thysia ko.
Baka abutin pa kami ng kinabukasan sa dagat at mga katanghalian na makadaong sa piyer. Buti na lang at hindi tirik na tirik ang araw at may nag iikot upang magbenta ng pagkain dito.
Inikot ko ang paningin ko, hindi ko kasi makita si Keegan kanina pa. Tumingala ako sa heneral na malayo ang tingin at kinalbit siya.
"Heneral Cerberus, asan po si Keegan?" Bulong ko sa kaniya at tinuro niya ang taas ng barko kung saan nakatali ang malaking tela na hinihipan ng hangin.
"Hindi siya komportable sa madaming tao katulad nito." Muli akong tumingala upang tanawin siya.
Siguro kasi madalas siyang husgahan dahil galing siya sa Hyena clan, ang tribo na gumawa ng pag-aalsa sa kaharian ng Demon King.
"Wag ka mag-alala, mas masaya siya pag walang umiistorbo sa kaniya kaya hayaan na lang na'tin siyang mapag-isa." Tumango ako at pinikit na lang din ang mata ko.
Sumapit ang gabi at nagsalo-salo lahat ng mga loki na nasa barko, hapunan na at sabay-sabay kaming kumain. May nagkakantahan at may sumasayaw pa, parang may kapista sa sobrang ingay at saya ng mga loki sa loob ng barko.
"Ganito ba talaga kaingay pag nasa pangkaraniwan kang barko?" Bumusangot siya at hindi pa rin umaalis sa kinauupuan niya.
"Kumain ka na lang kaya, hindi ba't masaya kung makikisalo tayo." Kinagat ko ang mansanas na panghimagas ko inalok siya kaso umiling lang siya at pumikit na lang ulit.
"Pakiramdam ko pagkumain ako ay susuka na talaga ako," sabi niya kaya hinayaan ko na lang siya dahil mukhang nilalambot na talaga siya. Aabutin pa kami ng tanghali kinabukasan, kakayanin niya pa ba ang byahe?
"Osige magpahinga ka na lang d'yan, iikot muna ako para bigyan ng pagkain si Keegan at ang Heneral." Tumango siya at inayos ko ang suot kong balabal para takpan ang peke kong mga tainga.
Inikot ko ang barko upang hanapin ang mag-ama ngunit unti-unting binalot ng makapal na hamog ang paligid.
"Ang kapal naman ng hamog na ito, anong oras na ba?" Mukhang masyadong napahaba ang pagsasaya ng mga loki at karamihan sa kanila ay bagsak na dahil sa alak. Ala-una na ng madaling araw at halos tahimik na ang paligid ngunit kahit anong ikot ko ay hindi ko mahanap ang heneral at si Keegan.
Nagpasya akong bumalik na lang sa pwesto namin nang may marinig akong kalabog malapit sa kinatatayuan ko, mabilis na tumibok ang puso ko sa kaba dahil sa hindi ko makita kung ano 'yung narinig ko.
"Ssshhh—" napalingon ako sa likod ko at may mabilis na tumakip sa bibig ko. Isang panyo na may kakaibang amoy.
Sobrang tapang ng amoy nito at para bang umiikot ang paningin ko. Hindi ako makasigaw o makapalag dahil sa panlalambot ng tuhod ko.
"Wag ka mag-alala, hindi kita sasaktan." Bulong nito sa tainga ko, boses ng isang lalaki at sigurado akong hindi sa tatlong kasama ko ang boses na ito.
Kailangan ko gumawa ng paraan, mabilis akong kumapa ng gamit na pwede kong ipanghampas sa kaniya ngunit mabilis niya ring tinalian ang mga kamay ko patalikod.
"Wag kana pumalag pa, saka kana sumigaw pagbinenta na kita." At bigla akong nakaramdam ng malakas na paghampas sa aking batok.
Unti-unting nagdilim ang paningin ko at ang huli ko na lang nakita ay ang malaking ngiti sa mukha ng lalaking dumakip sa'kin.
TO BE CONTINUED