CHAPTER 18

2395 Words
❦❦❦ Lumipas ang oras at isa isang inihanda sa entablado ang mga binibentang loki at mortal. May mga kakaibang bagay din ang inilalabas nila dito katulad ng mga mamahaling espada at mga hayop. Mga nilalang na kakaiba o hindi naman kaya ay may kapangyarihan, mga bagay na hindi mo makikita sa normal mong buhay sa loob ng kaharian. Ngunit karamihan dito ay mga babae na binibenta upang maging katuwaan o hindi naman kaya ay pagkain ng mga Loki. Sabi nila ay swerte ka na kung gawin ka pang katulong ng magiging amo mo o ng makabili sa iyo. Kaya naman panay ang dasal ni Dahlia habang nasa loob ng malaking hawla, halos lahat ng kasama niya ay na tawag na sa loob ng entablado ngunit siya ay nananatiling nakatago doon. "At ito na ang pinakainiintay niyong lahat, ang pinakamahal sa araw na ito dahil siya ay tinatawag na S class. Minsan lang tayo makakita ng ganitong uri ng Loki dahil sa mukha siyang mortal at malay niyo madami pa siyang lihim na itinatago," nakaramdam siya ng paggalaw sa kinalalagyan niya. Unti-unti siya nakarinig ng mga palakpakan at sigawan saka hinila ang nakataklob na tela sa kaniyang hawla at pati na rin ang kaniyang piring sa mata. Napanganga si Dahlia at halos manginig ang tuhod niya, puno ng iba't ibang uri ng Loki ang lugar na iyon at halos pag piestahan siya ng mga mata nilang tuwang tuwa makita ang kaniyang laman. "Maaring na aamoy niyo na rin ang halimuyak niya, hindi ba't kaamoy siya ng Demon king?" Tanong ng lalaki sa tabi niya na may maskara at hawak na mikropono. Halos maguluhan siya at hindi alam kung anong gagawin, panay lingat sa paligid at hanap sa hari. Samantalang gulat na gulat naman ang tatlo nang makita nila si Dahlia sa loob ng hawla, alam nilang maaring andito nga siya ngunit hindi nila matiis kung paano ito tratuhin ng mga tiga black market. "Tsk, ni hindi ko nga 'yan kinukulong sa palasyo tapos tinatrato nilang parang daga sa loob ng hawla?" bulong ng hari na nagtitimpi. "Alam niyo bang peke ang mga tainga at buntot ng Loki na ito," banggit ng lalaki sa entablado saka nila hinila ang suot ni Dahlia na tainga at buntot ng Loki. Halos lahat sila ay na gimbal kasama na siya dahil palaisipan sa kaniya pano nila na laman na peke ang mga ito. "Hindi ba't nakakapagtaka? Isa siyang mortal na may amoy ng Demon King? Siguro nakawala ang isang ito sa piling ng hari at itinatago naman siya ng hari dahil sa taglay niyang kagandahan." Nag sigawan ang mga tao sa loob. "Mukhang sinasarili niya ang isang ito!" "Pinapataba niya siguro bago kainin!" Sigawan ng mga loki sa loob na kinataranta ni Dahlia, hindi siya makapagsalita o maipaglaban man lang ang kaniyang sarili. Litong lito na siya sa mga kaganapan at kabado na baka hindi na siya matagpuan pa ng hari. Tumakas ang mga luha niya sa mata na hindi alintana sa iba, parang sanay na sila makakita ng isang babaeng mortal na umiiyak sa loob ng hawla. "Kung ganoon! Simulan na na'tin ang presyohan!" Tinaas ng lalaki ang kamay niya at nagsisunod naman ang iba. Tumayo ang isang lalaki at sinabi ang halaga na nais niya upang bilhin si Dahlia. "100 gen," banggit nito, halaga na ito ng isang mansyon sa pagkakaalam ni Dahlia. Kabado siya na baka doon na siya mapunta dahil sa laki ng halaga na ipinatong nito sa umpisa pa lang. Ngunit tamad na tamad ang hari na pinakikinggan ang batayan ng halaga sa pagbili kay Dahlia. "500 Gen," banggit ng lalaking nakataklob ang buong mukha, lahat ng tao ay na gimbal dahil pangalawang halaga pa lang ito ay sobrang laki na. "550 Gen," banggit ng isa at napangisi lang ang misteryosong lalaki. "1000 Gen," halos lahat sila ay hindi na makaimik at ang mga loki sa likod ng entablado ay tuwang tuwa dahil sa taas ng halaga na makukuha nila dahil kay Dahlia. "Wala na bang lalaban sa ating misteryosong panauhin?" Tahimik ang lahat at nakikiramdam. "Mukhang wala na—" "5000 Gen," sigaw ng hari at halos lahat sila ay napalingon sa dereksyon nito. Nakangisi siyang humarap sa mga tao at pati ang misteryosong lalaki ay na gulat dito. "Ah, hahaha mukhang may lalaban pa? May itataas pa ba sa 5000 Gen?" Hindi makapaniwala si Dahlia, pu-pwede na siya makabili ng isang buong isla sa halaga na iyon. "7000 Gen," huling banggit ng misteryosong lalaki sa hari sabay ngisi rin dito. "HAHAHAH hampas lupa? 10,000 Gen!" Sigaw ng hari na halos ikagimbal ng lahat. Umupo na ang lalaking humahamon sa hari at tinawag naman siya sa entablado. "Mukhang ito na ang pinakamalaking halaga sa loob ng ilang taon kong pagtatrabaho dito. Maaari niyo na pong kunin ang inyong premyo," banggit nito at pinakawalan nila si Dahlia na hanggang ngayon ay na nginginig pa. Hinawakan siya ng hari at nang magtama ang mga mata nila ay halos mapahagulgol na lang siya ng iyak dahil alam niyang ligtas na siya nang makita niya ang mga pulang mata na iyon na nagtatago sa isang maskara. "At dahil sa kinawawa niyo ang asawa ko, paparusahan ko kayo!" Sigaw niya sabay labas ng kaniyang itim na pakpak, na gimbal naman ang lahat ng nasa loob ng bentahan na nakakita sa itim na pakpak ng hari ng Demon Kingdom. Tumayo na rin ang heneral Cerberus at si Keegan, lahat ng Loki ay nag sitakbuhan ngunit wala na silang malabasan dahil sa pinaliligiran na sila ng mga kawal ng Ophidian Kingdom. Tinanggal din ng misteryosong lalaki ang nakatakip sa kaniyang mukha at sumagitsit na lang ang hari nang makita ang mukha ni haring Basil. "Sabi ko na nga ba hampas lupa!" Sigaw niya dito at agad niya itong sinamaan ng tingin. "Ako si haring Basil! Hinahatulan kayong lahat ng pagkakakulong!" At isa isang hinuli lahat ng tauhan sa loob ng black market kasama ng mga loking tumatangkilik dito. Nang matapos ang sinagawang pagsalakay sa kampo ng mga pirata at black market ay dumaretsyo sila sa kaharian ni haring Basil upang makapagpahinga. Halos tulala pa rin si Dahlia at hindi makausap ng ayos, pawang naglalayag pa rin ang isip at takot na takot. "Hoy, wala naman silang ibang ginawa sayo?" Tanong ng hari sa kaniyang Reyna na nagpapahinga sa kama. Tumango ito at mahigpit na hinawakan ang kamay ng hari. "Nakakatakot lang mahiwalay ulit sayo," tumingin ang hari kay Dahlia at hinahod ang mahabang buhok nito. "Umpisa pa lang ng paglalakbay, tandaan mo madami pang pwede mangyari kaya dapat handa ka." Tumango siya at umupo sa tabi ng hari. "Pasensya na kung unang araw pa lang ay pabigat na ko sayo," nagbuntong hininga si Troian at pinitik ang noo ni Dahlia. "Gusto mo ilagay na lang kita sa bulsa ko? O gusto mo sa tiyan ko?" Ngumiti ng mapait si Dahlia at muli na naman napaiyak. Hindi naman alam ng hari ang gagawin dahil sa biglaan nitong pag-iyak. "Alam mo ba ilang beses ko na isip 'yan noong andoon ako. Iniisip ko na sana kung mamamatay lang din ako, sana sa kamay mo na lang. Na sana kinain mo na lang ako para ikaw ang makinabang sa'kin kesa iba." Nabato ang hari sa sinabi ni Dahlia. Halata ang takot sa mga mata nito at panginginig ng buong katawan nito. Hindi niya na pigilan ang sarili at niyakap ang kaniyang Reyna. "Kaya nga tayo nasa paglalakbay na ito para hanapan ng paraan ang pagiging Thysia mo at ang sumpa ko, hindi kita pwedeng kainin hindi ba? Alam mo ba sa mga yakap mo pakiramdam ko mas nagiging malakas ako. Pano na lang pagwala kana at kinain na kita, manghihina ako Dahlia, literal na magiging mahina ako pag nawala ka." Napatingala siya habang umiiyak at tinitigan ang mukha ng hari na pulado at hiyang hiya sa mga inamin niya sa Reyna. ❦❦❦ DAHLIA'S POV Para bang rinig na rinig ko ang t***k ng puso naming dalawa, unt-unting lumalapit sa'kin ang hari at hindi ko alam bakit hindi maputol ang mga tingin ko sa mga mata niya. Parang gusto ko pumikit at intayin ang paglapat ng mga labi niya nang biglang bumukas ang pinto at agad kaming naghiwalay na dalawa. "Hindi ka ba marunong kumatok Keegan?" Tanong niya habang iritableng tumayo at kinamot ang batok niya. "Matulog kana! At Keegan sa labas ka ng pinto magbantay hindi sa mismong loob ng kwarto ng Reyna!" Sigaw nito at halatang iritable, napatawa na lang ako dahil sa na putol naming momento ngunit ang hindi ko malaman ay kung hahalikan na ba niya ko o umamin na ba talaga siya? Umakyat ang hiya sa buong sistema ko na pinagtaka naman ni Keegan, lumapit siya sa'kin at tinitigan lang ako sa mukha sabay ngisi at talikod sa'kin. "Puladong pulado ka mahal na Reyna, pasensya na hindi ko alam na may ginagawa pala kayong kakaiba," banggit nito na lalong nagpamula sa mukha ko. "Pu-pwede ba Keegan wag kana mang-asar!" Tumawa lang ito at lumabas na ng kwarto ko, napahiga ako sabay takip sa mukha kong sing pula na ng mansanas. Ano ba 'tong ginagawa ko? Kinakain na ko ng sistema kung saan na iisip ko na baka matutunan niya kong mahalin bilang ako at hindi bilang isang alay o Thysia. Pinikit ko ang mga mata ko at kinampante ang sarili ko, hindi pa ko ulit na kakatulog ng ayos simula ng gabi na umalis kami sa bayan, maaring bawiin ko na ang tulog ko hanggat andito kami sa palasyo ng haring Basil. Lumipas ang oras at sumapit na agad ang umaga, hindi ko na malayan na umaga na agad, parang bitin pa ang tulog ko at nais ko pang mahiga sa malambot na higaan na ito. *tok tok* "Pasok," sabi ko sa kabilang pinto at pumasok ang mga katulong na may dalang pagkain at damit. "Magandang umaga po mahal na Reyna, inihanda po namin ang pinakamasarap na pagkain ng mga mortal at isang maayos na damit para sa inyong pamalit." Tumango ako at pumasok ang ibang katulong sa loob ng banyo upang ihanda naman ang paliguan ko. Agad kong kinain ang nakahanda sa harap ko na sobrang sarap, hindi ko napigilan ang sarili ko dahil sa gutom at sa sarap ng inihain nila sa'kin. "Mukhang maganda ang gising mo mahal na Reyna," punong puno ang loob ng aking bibig noong pumasok siya sa loob ng kwarto ko. Hindi ba marunong kumatok ang mga loking ito? "Maraming salamat sa pagpapaunlak niyo sa inyong palasyo mahal na hari Basil," tumayo ako at nag bigay ng galang habang ngumunguya ng pagkain na natira sa'king bibig. "Hahaha— lunukin mo muna 'yan reyna Dahlia, ikinagagalak kong nasa mabuting kalagayan ka at hindi napahamak sa mga nangyari kagabi. Nagulat din ako nang makita kita sa entablado." Tumango ako at uminum ng tubig. "Hindi ko rin aakalain na daranasin ko ang bagay na iyon, mabuti na lang at iningatan nila ako na parang pagkain hahaha." Sarkastiko kong tugon dahil kung hindi talaga ako isang thysia ay baka pinag malupitan na rin nila ako bago ibenta. "Mukhang nakita nila ang kagandahan mo sobrang laki ng halaga sa bentahan ngayon, akala ko na ubos ko na ang mga hangal ang kaluluwa sa kinasasakupan ko ngunit ayaw nila tumigil at nagtayo pa ng Balck market, sana ay walang masamang ala-ala ang tumatak sayo mula sa insedenteng iyon." Umiling ako at nagpasalamat sa kaniya. "Kung wala kayo ng gabing iyon baka hindi niyo na talaga ako na hanap dahil sa na iluto na nila ako hahaha," sumeryoso ang mga tingin niya sa'kin at umupo sa kaharap ko ng bangko. Sumalumbaba siya doon at tinitigan lang ako sa mata na para bang may nais iparating. "Kung nais mo, habang naglalakbay ang haring Troian ay dito ka muna sa kaharian ko," napayuko ako. Ibig sabihin ba nito ay alam na niya na naghahanap kami ng sulusyon sa sumpa ng hari? "Hindi ako ang magpapasiya niyan haring Basil, kundi ang hari ko." Ngumiti siya ng mapait at tumingin sa'kin. "Iniisip mo ba kung alam ko na ang nangyayari sa inyo at sa paglalakbay niyo?" Tumango ako, ano pa bang itatanggi ko eh mukhang alam niya na naman ang lahat. "Handa ka bang mamatay pagtapos niyo malaman ang lahat?" Tumango ako dahil sa umpisa pa lang ay alam ko na na ganito ang kahihinatnan ko. "Bakit? Pwede ka naman mag iba ng landas na tatahakin." Umiling ako. "At katulad naman ng ano? Alam ko na ang totoo na ang pagiging Thysia ay ang pagiging alay upang maging pinakamalakas ang hari ng mga loki." Umiling siya at hinawakan ang mga kamay ko na kinagulat ko. "Bakit hindi ka na lang pumarito? Sa puder ko aalagaan kita, tatanggapin kita bilang mismong reyna ko." Na bigla ako sa mga salitang binitawan niya. Totoo ba ito? Pu-pwede pa ba akong pumili ng ibang landas upang hindi ko sapitin ang katapusan ko? Pupwede ba kong mabuhay ng normal sa puder ng haring ito? "Pero haring Basil, alam niyo ang mangyayari kung ipipilit niyo ang ideya na 'yan. Kaguluhan lang at digmaan, hindi naman papayag ang hari sa nais ko o nais niyo," nagbuntong hininga siya at tumingin lang sa'kin ng seryoso. "Ngayon na alam ko na ang kahinaan ng unang ranggo ng mga Loki ay hindi ba't madali na lang ang bagay na iyon? Sa umaga tayo susugod kung nais niya kong patumbahin at kung nais ka niyang bawiin." Nagulat ako sa mga planong na bubuo niya sa kaniya isipan. Kinakabahan ako dahil parang may iba siyang binabalak at mukhang hindi tama na nalaman niya ang sekreto ng haring Troian. Umiling ako at inalis ang mga kamay ko sa pagkakahawak niya. "Ngunit mahal ko ang bayan ko, andoon ang mga magulang ko at sa maniwala ka man o sa hindi, gusto kong protektahan ang hari ko, kaya pasensya na po haring Basil. Alam kong nais niyo lang ako tulungan ngunit hindi ako sang-ayon sa gulong nais niyo mangyari," ngumisi siya at tumayo sa pagkakaupo niya. "Ang swerte naman ng bansot na iyon dahil nakilala ka niya, sobrang manghihinayang ako pagnaisipan niyang kainin ka balang araw," ngumiti na lang ako ng malungkot sa harap niya, hindi ko matago ang mga ideya na tama siya. Miske ako manghihinayang sa mga bagay na pinagsamahan namin kung sakaling dumating na ang oras ng kamatayan ko. TO BE CONTINUED 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD