DAHLIA'S POV
❦❦❦
Dumating ang hari at ang heneral Cerberus matapos magtanong at maghanap ng impormasyon tungkol sa hinahanap naming guro. Ngunit base sa mga itsura nila ay mukhang wala na ang loking hinahanap namin sa lugar na ito.
"Tapos na ang bentahan ng mga halamang gamot, mukhang wala na rin siya dito dahil ayon sa ibang saksi ay umalis na agad ito matapos makakuha ng mga kailangan niya," banggit ng heneral sabay buntong hininga.
"Paano na 'yan? Wala tayong ibang maisip kung saan siya susunod na pupunta." Lahat kami ay tahimik lang at nag-iisip.
"Hindi ba't mas maganda kung dumaretsyo na lang tayo sa tribo niya at doon siya intayin?" Banggit ni Keegan na kanina pa kumakain ng mga prutas sa kwarto ko.
"Maari ngunit ubod ng layo ng tribo nila, baka mas matagalan tayo sa pagbalik sa palasyo. Hindi na'tin alam anong pwedeng mangyari pagtumagal pa tayo na wala sa Demon Kingdom." Tama ang hari lalo na't ngayon ay alam na ni haring Basil ang sikreto niya. Hindi naman lingid samin na maaring pagkatiwalaan ang haring Basil ngunit hindi rin maitatanggi na maraming maaring mangyari kung wala siya sa kaharian.
Muli ko tuloy naisip 'yung sinabi sa'kin ng hari noong umaga, hindi ko maiwasan kabahan sa ideyang ibinigay niya.
"Maari na tayong umalis bukas nang umaga para maglakbay sa karatig bayan ng Ophidian kingdom, maaring doon siya pumunta upang bumalik sa tribo niya." Sa pagkakatanda ko ay gala ang uwak na iyon at hindi pumipirme sa isang lugar. Kung ganoon ay mas mahirap pa pala ang paglalakbay na ito sa na iisip ko.
"Ihanda niyo na ang sarili niyo, at isa pa Dahlia wag ka nang lalayo samin naintindihan mo ba?" Tumango ako at paulit-ulit na iniisip ang mga bagay na umiikot sa isip ko.
"Hindi ba't pabigat na ko sa paglalakbay niyo?" Tanong ko at sabay-sabay silang tumingin sa'kin.
"Sobrang pabigat," sabi ng bansot na hari na ito na kinainis ko ngunit hindi rin ako makapalag dahil sa totoo naman ito.
"Pero hindi ka namin pwedeng iwan," dugtong niya at napanguso na lang ako.
"Bukas tayo ng tanghali aalis, kaya may isang gabi pa tayo para magpahinga muli at magsaya. Tutal may inihandang kapistahan ang haring Basil dahil sa na huli na ang mga pirata sa karagatan nila." Napalingon ako sa heneral at kuminang na ang mata ko sa saya.
"At may inihanda daw na regalo sayo ang hari, mukhang pabor siya sayo binibini," napataas ang kilay ko sa pagtatanong.
Anong klaseng regalo naman kaya iyon?
"Ayos lang bang tumanggap ako ng regalo?" Lumingon ako sa hari na mukhang iritable ngunit hindi umiimik.
Lumapit sa'kin si Keegan at may binulong.
"Wala siyang magagawa, kailan mo rin kasi mahal na Reyna." Kumunot ang noo ko, minsan hindi ko maiwasang mag-isip bakit kailan pa nila maging malihim sa'kin ng ganito kung malalaman ko rin naman mamaya?
*tok tok*
"Pinapatawag na po ang mahal na Reyna Dahlia sa Mana room." Tumango ang hari at hinayaan niya kami ni Keegan umalis ng kwarto.
Inihatid kami ng mga kawal papunta sa sinasabi nilang mana room, pinagbuksan ng pinto at tumambad samin ang isang kwarto na puno ng mga makabagong teknolohiya.
Madaming mga magician at alchemist ang nasa loob ng iisang kwarto, puno ng kung ano anong materyales pang eksperemento ang nasa loob nito. Pinaliligiran ng mga libro ang bawat pader ng kwarto na halos ikalula ko.
"Mahal na Reyna Dalhia hindi po ba?" Bigla kong na sara ang bibig ng may lumapit na isang babaeng may mahabang buhok na kulay rosas.
Nakasuot siya ng puting coat na hanggang tuhod at may nakaipit ng dalawang libro sa kaniyang braso.
"Ah, opo ako nga." Tumango siya sa'kin at inaya kaming sumunod sa kaniya, bawat madaanan namin ay lilingunin kami.
Siguro na aamoy nila ako ngunit hindi naman nila ako pwedeng kantiin dahil Reyna ako ng Demon Kingdom at isa pa halos matunaw na sila sa mga binibigay na tingin ni Keegan.
"Dito po your highness," tumango ako at pumasok sa isang silid, hawak-hawak ko ang damit ni Keegan dahil sa kaba na may mangyari na naman sa'kin at syempre hindi mawala sa utak ko ang mga salitang binitawan ni haring Basil kaya naman may parte sa'kin na nag-iingat sa mga kilos na gagawin ko.
"Maaari na po kayong maupo rito," bangit niya at sinunod ko naman ito, tumalikod siya samin habang may kinukuhang gamot sa mga gamit niya.
Hawak niya ang isang bote na may lamang kulay pula na likido, parang dugo kung titignan ngunit nung inalog at inikot niya ang bote ay nagkaroon ito ng kinang.
Parang may maliit na bituin sa loob ng bote na nahalo sa tubig, ang ganda tignan ngunit nakakatakot kung iinumin.
"Humingi ng tulong sa'kin ang haring Basil upang maitago daw ang pagkamortal mo habang nasa paglalakabay ka, kaya naman nais kong ibigay sayo ang potion na ito," inabot niya sa'kin ang lalagyan at napatingin na lang ako kay Keegan, parang nagkaintindihan naman kami at siya na ang nagsalita para sa'kin.
"Pano kami makakasiguradong hindi makakasama iyan sa Reyna? Maaari mo bang tikman ang laman ng boteng iyan?" Agad naman siyang tumango at iniabot ko sa kaniya ang bote saka niya binuksan at sinalin sa maliit na baso.
"Makakatulong po itong magkaroon ng buntot at tainga ang Reyna, ipapakita ko po sa inyo," sabi niya at nilagok ang isang baso ng potion na iyon.
"Maaring intayin niyo po ng ilang minuto at makikita niyo po ang taingang lalabas sa ulo ko." Tumango kaming dalawa at nag intay ng isang minuto bago namin nakita ang biglaang paglabas ng kaniyang tenga at buntot, na kasing kulay ng buhok niya.
Napahanga ako at ganoon din si Keegan, hinawakan niya ang buntot at sinuri maigi ang iinumin ko.
"Pagkatapos, kung nais niyo naman bumalik sa normal ay inumin niyo lang itong asul na potion, maaaring alugin muna hanggang sa tumingkad ang kulay nito." Inalog niya ulit ang pangalawang bote at isinalin sa maliit na baso saka ininum.
Mabilis na nawala ang kaniyang tenga na parang bula at ngumiti saming dalawa.
"Nais po kayong tulungan ng aming hari, sana po ay matanggap niyo ang maliit na regalong ito upang mailayo kayo sa ano mang kapahamakan," tumango ako at tinanggap ang mga boteng binigay niya.
Kinuha ko ang isa pang baso saka sinalin ang kakaunting laman nun saka ininum, medyo kabado ako dahil hindi ko alam kung ano ang epekto nito sa tao ngunit hindi naman siguro ako ipapahamak ng haring Basil.
"Woah! binibining Dahlia may tainga at buntot kana," bati ni Keegan pagtapos lumipas ang isang minuto.
Humarap ako sa salamin at nakita ang maliit na tainga at mahabang buntot sa aking katawan, ang balahibo nito ay halos kakulay ng aking buhok na akala mo ay natural lang na mayroon ako.
Mukha na kong loki na nakikita ko sa bayan, 'yung mga loki na lagi ko nakakasalubong habang nakatakip ang mga mukha ko.
Nagningning ang mga mata ko at ngumiti sa tuwa, dahil sa itsura ko ngayon ay malayo na kong paghinalaan ng mga makakasalamuha ko sa paglalakbay.
Hindi lang ang itsura ko pati daw ang amoy ko ay unti unting nagbabago, pakiramdam ko tuloy ay isa lang ako sa kanila at kalahi ko sila. Pakiramdam ko rin na mas malalayo ako sa kapahamakan sa itsurang ito, mas maayos kaming makakapaglakbay.
"Pakisabi sa hari na utang na loob ko ito sa kaniya," tumango ako at nagpasalamat din siya.
Siguro ito na lang ang paraan ng haring Basil upang maprotektahan ako, 'yung kahit tinaggihan ko ang nais niya ay gumawa pa rin siya ng paraan para tulungan at bantayan ako.
Sa paraang ito siguro naman malalayo na ko sa mga kaguluhan at malilimitahan na ang panganib na nakaabang sa'kin.
"Your highness, nais mo bang subukan ang potion na iyan?" Tanong ni Keegan na may nakakalokong ngiti.
"Ha?" Tumawa lang siya at mabilis akong hinila palabas ng pinto.
"Ah, teka— ay! Maraming salamat po," tumango na lang sa'kin 'yung babae na hindi ko man lang na laman ang pangalan niya at mabilis na hinabol ang paglalakad ni Keegan.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko habang hinihingal at bigla niya kong binuhat.
"Sa kapistahan!" Umakyat siya sa malaking bintana at halos maiwan ang kaluluwa ko sa ere nang tumalon siya pababa mula sa limang palapag ng palasyo.
Pakirambam ko mapapanawan ako ng ulirat.
❦❦❦
Puno ng iba't ibang palamuti at mga paninda ang buong bayan ng Ophidian Kingdom.
Sari-sari ang pwede mong bilhin mula sa mga pagkain, alahas, mga sandata at halamang gamot na matatagpuan mo lang sa bayan na ito.
Sobra dami ring mga tao na nagtipon-tipon para ipagdiwang ang kapitahan, malaking tulong ang pagkakakulong ng mga pirata sa dagat ng kaharian nila dahil muli na silang makakapamalaot ng walang iniisip na kapahamakan.
Ang kaharian na ito ay mayaman sa mga lamang dagat at mga halamang gamot kaya naman dito madalas nagpupunta ang iba't ibang mga manggagamot para sa mga kailangan nilang halaman.
Dito rin ang sentro ng mga gamot sa buong mundo, dito ginagawa at nang gagaling ang mga gamot sa iba't ibang sakit kaya mayaman ang kaharian na ito dahil sa likas na yaman na kanilang ginagawang mga produkto.
Namangha ako sa ganda at sigla ng bayan, ang dami ring mga salamangkero at mga bagong tayong sirko na magpapalabas ng kanilang talento.
Gusto ko sana manood kaso aalis na kami bukas at isa pa wala akong dalang pera.
"Binibining Dahlia," napatingin ako kay Keegan na nakangiti sa harap ko at nilahad ang kamay niya sa'kin.
"Sigurado akong mapapatay ako ng hari kung hahawakan ko ang kamay mo pero baka maligaw ka kasi at mahiwalay sa'kin, hindi na ko papayag sa pangalawang beses na mangyari iyon," na patawa ako at kinuha ang kamay niya.
"Hindi rin naman alam ng bansot na tumakas tayo ngayon." Tumawa siya at inaya ako maglibot-libot.
"Tara na po?" Tanong niya at tumango ako saka kami naglakad lakad sa bayan.
Bawat pagkain na dinadaanan namin ay binibilhan niya, para siyang hindi na bubusog at na uubusan ng pera ngunit ako ay hindi na makahinga kakanguya ng mga inaabot niyang pagkain sa'kin.
"Ito binibini masarap ang pritong pusit nila dito," inabot niya sa'kin ang malaking pusit na parang nayupi at tuyot na tuyot.
Napatingin ako sa kaniya dahil hindi ko alam pano kainin ito at unang beses ko lang kakain ng pusit na ganito ang itsura, sabagay hindi rin naman talaga kami nakakatikim ng lamang dagat noon dahil wala kaming pera pambili.
"Dalian mo masarap 'yan habang mainit," kahit busog na ko ay pinilit ko pa rin itong tikman at hindi naman ako nagsisi dahil sa sarap nito.
Malutong na ito at hindi mo maamoy ang lansa dahil sa pritong prito na siya, isinawsaw namin siya sa suka na madaming sili at pipino na talaga namang bagay na bagay sa lasa.
"Ang sarap nito Keegan! Ibili mo pa ko babayaran kita mamaya." Ngumisi siya sabay bulong sa'kin.
"Ang laki na ng tiyan mo mahal na reyna, kakain ka pa ba?" Sumama ang tingin ko sa kaniya dahil sa pangangasar niya ngunit hindi ko mapigilan maglaway kahit sa amoy pa lang ng pusit na piniprito nila.
"Sige na please huli na ito," hila ko sa damit niya at tumawa siya ng malakas.
"Kanina lang sabi mo hindi ka na makahinga sa sobrang busog? Bakit ngayon gusto mo pa kumain nito?" Pang aasar niya na kinatawa ng ibang bumibili.
"Bakit hindi mo pa ibili ang nobya mo kung nais niya pa kumain, parang wala naman magbabago sa kaniya kahit tumaba siya ay maganda pa rin," sabi ng isang ginoong bumibili rin ng pusit.
Sabay kaming nagkatingin at sumagot ng—
"Hindi ko po siya nobyo,"
"Hindi ko siya nobya," nagtawanan sila at tumango-tango na lang samin.
"Mga kabataan talaga ngayon mahilig tumanggi," habol pa ng matanda sabay bigay ng bayad niya sa tindero.
"Balik po kayo," banggit nito at tumingin saming dalawa ni Keegan.
"Ano bibili pa ba kayo?" Tanong kiya habang nagluluto pa ng ilan para sa ibang mamimili niya.
Napakamot ng ulo si Keegan at bumili pa ng dalawa, tumingin ako sa kaniya ng may ningning sa mata na kinatawa niya.
"Hahaha bayaran mo 'to ah," tumango ako at masayang inabot ang binili naming pusit.
Habang naglalakad at naglilibot sa bayan ay kumakain din kami at panay ang tingin sa mga paninda.
Napadaan kami sa isang tindera ng mga alahas, ang mga binibenta niya ay hindi mga gawa sa ginto o dyamante ngunit ang gaganda ng desenyo na nagustuhan ko.
Nagtingin-tingin ako ng mga bracelet na gawa sa sinulid at makukulay na shells.
"Bagay sa iyo 'yan binibini," banggit ng tendera.
"Bilhin mo na mura lang iyan," sabi niya at binitawan ko na ito sabay iling.
"Ah pasensya na po na gandahan lang ako at wala po akong dalang pera," banggit ko at inaya na si Keegan lumipat ng pwesto.
Naglakad kami sa gitna ng plaza kung sana may kumpulan ng mga loki na naglalaro sa isang intablado.
"At may bago na po tayong kampiyon! Sinong hahamon ay magtatamo ng limpak-limpak na salapi!" Tinaas ni Keegan ang kaniyang kamay na kinagulat ko.
"Aba mukha ng may bagong kalahok," sabi ng lalaki na nasa intablado.
"Binibining Dahlia d'yan ka lang wag kang aalis d'yan ah." Sabi niya at tumalon na sa loob ng intablado na kinagulat nilang lahat.
"Hindi ba galing sa Hyena clan ang ganiyang kulay ng tenga at buntot?" Bulungan ng mga tao sa buong paligid.
"Ang mga traydor ng kaharian ng Demon Kingdom." Nagsimula silang sumigaw ng mga salitang panget sa pandinig ni Keegan.
Panay sigawan ng panghuhusga at mga pangmamaliit sa kaniya. Napahawak ako sa dalawang kamay ko habang nakatingin lang sa mga ngiti ni Keegan habang masayang nag aantay sa tira ng kalaban.
Huminga ako ng malalim at sumigaw ng malakas.
"KAYA MO YAN KEEGAN!" Sigaw ko na nagpatahimik sa kanilang lahat at nagpatulala sa mukha ni Keegan.
"Hahaha binibini wag ka mag alala sandali lang ito!" Banggit niya na kinaasar ng kaniyang kalaban at sumugod ito ng mabilis sa kaniyang harapan.
Ngunit nagkakamali siya kung akala niya mahuhuli niya ang Loki na nasa harap niya, si Keegan ang pinakamabilis na Loki na kilala ko bukod sa hari ng demon kingdom.
Walang panama ang malaking katawan at lakas ng kaniyang kalaban sa bilis at liksi ng kaniyang katawan.
Hindi siya malapitan ng kaniyang kalaban na kinagulat ng lahat at halos hindi na namin masundan ang galaw niya sa loob ng entablado.
"Wag kang tumakbo! Sumugod ka!" Sigaw ng lalaking may malaking katawan at mahabang bigote na siyang kalaban ni Keegan ngayon.
"Sinong nag sabing tinatakbuhan kita," bulong niya sa lalaki dahil ngayon ay nakasampa na siya sa balikat nito at marahas na inilot ang ulo ng kaniyang kalaban.
Lahat kami ay napasigaw sa bilis ng pangyayari at bigla na lang bumagsak ang malaking lalaki habang walang malay. Natahimik kami at walang nagsasalita, tumingin si Keegan sa lalaking may hawak ng mikropono at nagtanong.
"Di mo pa ba siya bibilangan?" Tanong niya at namadali ang lalaki na yumuko at binilangan ito para bumangon.
"Isa! Dalawa! Tatlo!" Walang paggalaw sa lalaking nakahandusay sa sahig at pagtapos nun ay napasigaw ako dahil nanalo si Keegan ng wala pang dalawang minuto.
"AHHHHH ANG GALING TALAGA NG HENERAL KO!" Sigaw ko at nagsigawan na rin ang mga tao sa paligid namin para magbunyi.
Kinaway ni Keegan ang kamay niya habang bitbit ang salaping na ipanalo niya. Tumalon siya pababa ng intablado at ngumiti sa harap ko.
"Ang galing mo naman sumigaw mahal na reyna," bulong niya sa'kin na kinamula ko.
"Aba syempre," tumawa kaming dalawa at nagpasya nang maglakad-lakad ulit sa bayan.
Matapos ang nakakapagod na paglalakad ay umupo muna kami para magpahinga habang kumakain ng mansanas na may cocoa sa ibabaw.
"Mahal na Reyna akin na ang kamay mo," nagtaka naman ako ngunit iniabot din ito sa kaniya.
May binunot siya sa kaniyang bulsa at masusing ikinabit sa pulso ko. Pagkabitaw niya ng kamay ko ay tumambad sa'kin ang isang magandang bracelet na may desenyong gusto ko.
"Ito 'yung kanina," hindi ko alam ang sasabihin ko, pano niya nalaman na gusto ko ito eh alam ko abala rin siya sa pagtingin ng mga sandata kanina.
"Syempre kailangan alam ko lahat ang tungkol sa Reyna ko, dahil simula ngayon ipinapangako ko na hindi ko na iaalis ang mga tingin ko sa iyo, ayoko na maulit 'yung kapabayaan ko noon." Yumuko siya at hinawakan ko lang ang kamay niya.
"Maraming salamat sa regalo Keegan." Ngumiti lang siya.
❦❦❦
"Walang anuman your highness," pareho silang nagpakasaya sa kapistahan habang hindi na mamalayan na nagwawala na pala ang hari sa loob ng palasyo ni haring Basil.
"Hanapin niyo si Dahlia at si Keegan! Malilintikan talaga sa'kin ang dalawang iyan!" Sigaw ng hari.
TO BE CONTINUED