DAHLIA’S POV
❦❦❦
Pagpasok ko pa lang sa loob ng kaharian ay nakatanggap na agad ako ng maiinit na tingin at mga bulungan mula sa mga Loki sa loob ng palasyo.
"Bakit buhay pa rin ang thysia? Pangalawang araw n'ya na ito sa kaharian, hindi maaari ito!"
"Tsk, katulad din siya ng kaniyang ama."
"Hihina na naman ang angkan na'ting mga Loki at hindi magtatagal ay masasakop din ang kaharian." nagtaka naman ako sa mga naririnig kong bulungan tungkol sa hari kaya sumilip ako ng tingin sa kaniya at mukhang patay malisya siya sa lahat ng mga naririnig niya.
"Dito muna kayo sa loob ng kwarto ng hari at intayin n'yo ako, walang lalabas at higit sa lahat Haring Troian wala kang gagawin sa Thysia," sabi ni Heneral Cerberus at inirapan lang siya ng bansot na ito.
"Tsk para namang may magagawa ako," sagot niya nang pabalang at tumalon pahiga sa malaki at magarbo niyang kama.
Parang sukat na iyon ng dalawang banig namin sa bahay ah.
"Dahlia sumigaw ka kung may gagawin sayo ang hari," Tumango ako sa kaniya at sinara niya na ang pintuan.
Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto at ngayon ko lang nakita ang ganda nito. Mayroon itong magarbong mga palamuti at napapalibutan kami ng kulay puti, itim at pulang dingding.
Mukhang mamahalin din ang mga nakadekorasyong letrato at mga pigurin. Magkano kaya ito pagbinenta sa merkado.
"Hoy! baka mahilo ka kakaikot mo sa kwarto." napalingon ako sa bansot na nakahiga at tamad na tamad ang itsura.
"Wala kang pakialam." Pagtataray ko at parang hindi hari ang nasa harapan ko at kausap ko.
"Aba't wala kang galang sa hari mo!" Sigaw niya sa harap ko sabay bato sa'kin ng unan.
"Walang hari sa ganiyang edad, mukhang hindi mo nga kayang bumuhat ng espada." Pang-aasar ko sa bubwit at na pabangon siya sa inis.
"Talaga lang ah! Mamaya ka sa'kin pagsumapit na ang dilim!" Napalingon ako sa kaniya at umakyat ang takot ko sa katawan.
"Oh, mukhang kinabahan ka," ngumisi siya ng nakakaloko at ang sarap niyang tirisin.
"Wag mong sabihin sa'kin na ganiyan ang itsura mo tuwing umaga at pag gabi naman ay isa kang ganap na Loki?" Tumango-tango siya at hinawakan ang baba niya sabay ngisi sa'kin.
Mukhang nagyayabang ang isang ito.
"Kung hindi mo natatanong ay isa ako sa pinakamalakas na Loki sa nasyon," sabi niya sabay tayo at lapit sa'kin.
Napatingin ako sa kaniya habang dahan-dahan siyang naglalakad patungo sa direksyon ko, kahit sabihin na'ting may kaliitn siya at anyong bata ang pinapakita niya sa harap ko ay hindi ko maiwasang matakot sa matatalas na tingin na binibigay niya at mga pilyong ngiti niya sa labi.
Nang nasa harap ko na siya ay tumigil siya at humalukipkip sabay sabing— "at pag na kain ko na ang laman ng Thysia ay dodoble pa ito at magiging ganap na demonyo na ko." binigyan niya ko ng isang ngiti na imbes na matakot ako ay parang napakalma pa ng ngiting iyon ang takot ko sa kaniya kanina.
Hindi ko mapigilan mag-isip na ang liit-liit niya at ang sarap niyang buhatin, para siyang isang puting kuting na nag-iintay na may mag alaga at yayakap sa kaniya.
Kaya hindi ko rin na isip na kinukurot ko na pala ang pisnge niya.
"Aray ko! Ano bang ginagawa mo!" Ang lambot ng dalawang pisnge niya na parang tinapay.
"Wag mo nga ako hawakan!" Bigla niyang tinabig ang kamay ko at napanguso ako, ang sarap pisilin ng pisnge niya parang puwet ng bata.
Inayos niya ang kwelyo niya at hinawakan ang dalawa niyang pisnge na pulado sa pagpisil ko dito.
"Sa susunod na hawakan mo ang mga pisnge ko ipapapatay ko ang mga magulang mo!" Napaurong ako at muling bumalik ang ideya na hindi ko na mabibigyan ng yaman ang buong pamilya ko.
Dahil sa hindi nila ako na patay o nakain, ibig sabihin din ba noon ay walang kabayaran ang buhay ko at patuloy na maghihirap ang ama't ina ko?
"Teka lang po, hindi ko na uulitin mahal na hari. Masyado lang akong na dala sa malambot n'yong pisnge na nakakagigil." Pilit akong ngumiti sa kaniya at sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Tingin mo anong halaga mo kung hindi ka magiging alay? Anong silbi mo kung di kita makakain?" Tanong niya sa'kin at masama pa rin akong tinititigan habang nakatingala sa'kin.
Itong bansot na 'to! Tingin mo anong silbi mo sa gan'yang kaanyuan? Kayang kaya kitang sipain at ihagis sa bintana kung papayagan nila ako! Pero syempre hindi ako pwede sumagot sa kaniya dahil siya pa rin ang hari ng kaharian na ito.
"Pu-pwede akong maging kasambahay mo, magaling ako magluto at maglinis ng bahay!" Ngiting ngiti ako at panay ang kuskos ng mga palad ko na pawang humihiling sa isang genie.
"Ayoko nga! Ang ingay ingay mo at mukhang hindi ka magaling magluto!" Sabi niya at naglakad na papalayo sa'kin at sumalampak nang upo saka pumuwesto ng nakadekwarto.
"Pero wala ka nang magagawa mahal na hari, ako na ang Reyna mo at isa pa hindi mo na kong pwedeng gawing pagkain dahil sa pagpinatay mo ko ay mamamatay din ang heneral." Pagkumbinsi ko sa kaniya para palayain niya na ko at wag nang kainin pa.
"Pwede mo naman siyang palayain sa kontrata na ginawa niya, at pagtapos ipapaluto na kita sa kusinera namin," ngumisi siya nang nakakaloko at bahagyang lumabas ang isa niyang pangil.
"Ayoko nga! Sa ayaw mo at sa hindi ay nakatali na ko sayo!" Parang kahapon lang ayokong ipakasal sa bansot na 'to pero ngayon ako na ang nagpupumilit sa kaniya para lang hindi niya ako patayin at kainin.
"Hindi pa tayo kasal! Hindi naman totoo ang lahat ng mga seremonyas na iyon, para lang 'yun sa Henosis pero ang totoo ay pag-aalay ang seremonya na iyo." Sumalumbaba siya sa upuan niya at nagpakawala ng napakahabang buntong hininga.
"Bakit ba kasi naging gan'to, hindi ko rin alam bakit ayaw ka pang ipapatay ni Cerberus, halos lahat naman ng Thysia ay gan'to ang kapalaran, alay naman talaga kayo para maging pagkain ng Demon King." Bakit ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito at ito ba talaga ang totoong ibig sabihin ng ginagawa naming tradisyon.
"Lahat ba ng mga Loki ay alam ang tungkol doon?" Tumango siya at tumingin sa'kin ng daretsyo.
"Ilang siglo ng ginagawa ang Henosis— ang Thysia ay inaalay sa Hari para mas maging malakas ito at magtamo ng pambihirang kapangyarihan. Kapalit ng pagbibigay ng alay ng mga mortal ay ang pagprotekta naman sa kanila ng mga Loki laban sa mga iba pang halimaw na nais silang gambalain at saktan." Kaya pala payapa ang mga taong nabubuhay sa loob ng kaharian dahil pinoprotektahan sila ng mga Loki at kabayaran naman nito ay ang pag-aalay nila ng paboritong pagkain ng lahat ng mga halimaw.
Ang Thysia.
Napayuko ako at nahabag sa sarili ko, buong buhay ko akala ko itinakda akong maging Reyna, 'yung babaeng pinili upang iahon ang pamilya niya sa hirap at magbigay ng proteksyon at koneksyon sa buong nasyon.
Pero hindi pala iyon ang totoong ibig sabihin ng pagiging Thysia mo, pagkapanganak palang sayo ay alam na ng lahat ng Loki na ikaw ang magiging pagkain ng susunod na magiging Hari.
Ikaw 'yung pagkain nila na kailangan nilang palakihin at alagaan sa pinaka mabuting paraan para paghinain kana at inalay sa Hari ay maibibigay mo ang sarap at lakas na matagal niya ng iniintay.
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko na kumawala sa aking mata, ito ba talaga ang kapalaran ko? Puro kasinungalingan lang ba lahat ng mga itinatak nila sa utak ko.
Hindi ako na rito para maging Reyna nila, na rito ako para maging alay nila. Maging alay sa mga taong takot at kailangan ng proteksyon mula sa mga demonyo.
❦❦❦
Hindi ko napigilan ang paghagulgol ko na kinataranta ng Hari.
"Hoy! Wag ka maingay baka ano akalain ni Cerberus! Baka isipin niya inaway kita o hindi kaya ay sinaktan kita, kaya tumigil kana sa kakaiyak mo d'yan! Ssshhh—" tinakpan niya ang ang bibig ko gamit ang kamay niya at nagulat ako dahil sobrang lapit niya sa mukha ko.
Nagkatinginan kaming dalawa at pareho kaming namula sa hiya, agad niyang tinanggal ang kamay niya sa bibig ko at lumayo sa'kin.
Pinunasan ko ang luha ko at inalis din ang tingin sa kaniya, kung tutuusin ay binata na talaga siya sa loob ng bata niyang katawan, kaya kailangan ko rin mag ingat sa bansot na ito.
"Tsk— ito punasan mo ang sipon mo!" Sabi niya sabay lahad ng panyong nasa bulsa niya.
Agad ko 'tong kinuha at pinunas sa uhog ko at luha ko sa mukha, kadiri para akong hindi dalaga.
"Wag kana umiyak hindi naman kita sasaktan hanggat nasa iyo ang markang 'yan," sabay turo niya sa marka ng kontrata namin ng heneral.
"Hindi mo na ko kakainin?" Tanong ko at tinaasan niya ko ng kilay.
"Kakainin pa rin kita, kailangan ko lang malaman kung pano tatanggalin ang marka sayo ni Cerberus at pwede na kitang ipaluto sa kusinera ko!" Sabi niya habang nagtataray pero halata mong nahihiya pa rin humarap sa'kin habang pulado ang magkabila niyang tenga.
Patago akong napangiti at nagpigil ng tawa.
"Oh, kamusta na?" Sabay kaming napalingon sa pagbukas ng pinto at niluwa nito ang Heneral kasama ang isa pang Loki na may takip ang bibig.
"Magandang umaga mahal na Hari at Thysia," bati niya sabay yuko sa harap naming dalawa.
"Bakit ang tagal mong dumating Anubis? Kagabi pa kita hinahanap at dapat ay nakain ko na ang Thysia na 'to!" Tumawa ang lalaki sabay hawi niya ng takip niya sa bibig.
"Ah—ikaw 'yung lalaki kagabi!" Sabay turo ko sa kaniya na kinagulat niya.
"Ako nga po Aming Thysia." Kumunot ang noo ko, simula ng malaman ko ang totoo tungkol sa pagiging Thysia ko ay ayoko nang marinig o tawagin ako sa bansag na iyon.
"Pwede bang wala nang tatawag saking Thysia?" Tanong ko sa kanila at kumunot ang noo ng hari.
"Anong gusto mong itawag namin sayo? Mahal na Reyna?" Sarkastiko niyang sabi at kulang na lang ay ihagis ko na talaga siya sa bintana dahil sa pagkapikon ko sa kaniya.
"May pangalan ako! Dahlia na lang ang itawag n'yo sa'kin o kaya kung ayaw n'yo mortal na lang!" Sagot ko sa kaniya at napangiti naman ang Heneral.
"Kung ganun ay sige, tatawagin kitang Dahlia." Ngumiti ako sa Heneral, siya lang talaga ang kakampi ko sa palasyo na 'to.
"Kung iyon ang gusto niyo ay susundin ko, binibining Dahlia," ngumiti rin siya ng napakalambing at parang mas mukha pang Prinsipe ang isang 'to kesa sa bansot na Haring 'to.
"Binibini? Maaring amasona na lang?" Pang-aasar niya at inirapan ko siya na kinatawa naman ng dalawa niyang tigasunod.
"Mabuti pang itigil n'yo na ang pag-aaway dahil simula ngayon ay pareho na kayong titira sa palasyo bilang mag-asawa," sabi ng Heneral na kinagulat naming dalawa.
"Hindi pu-pwede 'yon!" Sabay naming sagot, nagkatinginan kaming dalawa at inis na inis sa isa't isa.
"Hindi ako papayag! Bakit hindi pa na'tin siya patayin at kainin para matapos na ang sumpa sa katawan ko at maging ganap na Loki!" Sigaw niya sa Heneral at kinalma naman siya ng kanyang alalay na si Anubis.
"Nakapagpulong na kaming lahat ng Opisyal, at dahil itinatanggi ng katawan mo ang dugo ng Thysia ay pinagbuti na muna namin na pag-aralan ang sitwasyon mo mahal na Hari."
"Pero bakit ganito? Sabi n'yo ay gagaling na ko sa sumpa na 'to kung mapapasakin ang Thysia? Pero bakit itinatanggi ko ang lasa n'ya?" Umiling ang Heneral at mukhang hindi rin alam ang dahilan.
"Pag-aaralan pa ng mga iskolar ng kaharian ang kasagutan d'yan at habang ginagawa iyon ay pinalabas na muna namin sa iba pang nasyon na kayong dalawa ng Thysia ay kasal na at nakatali na sa isa't isa, ito ang nakita naming sulosyon para maiwasan ang pagtatangka nilang agawin sayo ang Thysia." Wala ng nagawa ang Hari at napaupo na lang sa kaniyang upuan at panay ang isip.
"Thysia tara nga dito," sabi n'ya at nag dalawang isip ako kung lalapit ba ako sa kaniya.
"Hindi kita papatayin, sasaktan oo. Kaya tara dito at patikim ng dugo mo." Muli niyang sabi at lumapit na lang ako sa tabi niya kahit puno ng takot ang katawan ko.
Kinuha niya ang kamay ko at mabilis na kinagat ang hintuturo ko.
Unang lasa pa lang niya sa dugo ko ay dinura niya na ito at napahawak siya sa kaniyang leeg.
"Aah— ang init sa lalamunan!" Nataranta ang Heneral at si Anubis, agad nilang inabutan ng maiinum ang Hari at kumalma ito.
Napatingin silang tatlo sa'kin at umakyat na naman ang takot sa buong katawan ko.
"Dahlia, ikaw ba talaga ang Thysia?" Tanong ng Heneral at tumango ako.
Agad naman na lumapit ang hari sa'kin at marahas na hinila ang damit ko.
"Aahh— ano ba!" Sigaw ko at hinanap niya ang marka ng pagiging Thysia ko.
Hanggang sa makita niya ang marka ng bulaklak sa likod ko at napaluhod siya.
"Siya talaga ang Thysia Cerberus, ako ang may problema sa sitwasyon na 'to." Tumingin siya nang malungkot sa Heneral at nabalot ng katahimikan ang buong kwarto.
"Mabuti pa at magpahinga muna kayong dalawa, magpapadala rin ako ng makakain n'yo sa mga katulong," tumango ako sa Heneral.
"Magpapadala rin ako ng damit mo pamalit Dahlia." Tumango lang ulit ako at nilisan na nila ang kwarto.
Na iwan kaming dalawa dito at hindi pa rin umiimik ang Hari, nakaupo lang siya sa gilid ng kama at hindi kumikibo.
Gusto ko magsaya dahil sa hindi niya ko kayang kainin at dahilan iyon na hindi niya na kong maaring patayin. Pero hindi ko alam bakit nakakaramdam din ako ng awa sa kaniya, lalo na sa itsura niya na mukhang bata na dismayado sa sarili niya.
"Mahal na Hari," tawag ko pero hindi niya ko nililingon.
"Wag mo muna akong kausapin, kung gusto mo magpahinga pwede kang mahiga sa gilid ng kama ko," sabi niya at hindi ko na tinangka na lapitan pa siya.
Tumayo ako at umupo sa gilid ng kama niya. Para kaming may malaking harang sa isa't isa, isang linya na humahati sa malaking kwarto na ito sa dalawa.
Magiging maayos ba ang buhay ko dito? Makakatagal ba ko sa palasyo na 'to?
Nilingon ko ulit ang Hari at na isip na.
Magiging ganap na hari pa rin ba siya ng Demon Kingdom?
TO BE CONTINUED