CHAPTER 4

1071 Words
DAHLIA'S POV ❦❦❦ Napaurong ako at dahan-dahan kong nakikita ang anino ko sa simento, hudyat lang na sumikat na ang araw. Muli kong binalik ang tingin ko sa Hari na ngayon ay nakatalikod na sa'kin at nagtatago sa dilim. "Haring Troian? Ikaw ba 'yan?" Yumuko siya at galit na tumingin sa'kin. "Kasalanan mo 'to! Kung kanina pa kita na kain sana hindi mo nakita ang anyo kong ganito!" Galit na galit niya akong tinignan at kulang na lang ay isumpa niya na ang buong pagkatao ko. Pero hindi maalis ang tingin ko sa itsura niya ngayon, 'yung lalaking nakakatakot at malahalimaw ang lakas kanina ay naging ganito? 'Yung Hari na sabi nila ay singlaki ng puno, maskulado at puno ng bigote ay itong bata na ito? Isang bata na hanggang balikat ko lang at may payat na pangangatawan, itim at umikli rin ang mahaba niyang buhok at makikita mo kung gano talaga ang niliit niya kumpara sa itsura niya kanina na talagang mukha nang binata. "Wag mo kong tignan!" Sigaw niya sa'kin sabay iwas niya ng tingin sa mukha ko. 'Yung malakas na pwersa niya ngayon ay parang bula na biglang naglaho at napalitan ng hiya at takot sa harap ko. "Pero Haring Troian, naging bata ka ba talaga?" Tanong ko at mabilis siyang lumapit sa'kin at hindi ko na nagawang umilag nang bigla niyang kagatin ang braso ko. "Aray!" Sigaw ko saka niyang dinura ang dugo ko. "Pwe! Napakapangit ng lasa ano ba 'yan! Ikaw ba talaga ang Thysia?" Aba 'tong bata na 'to! Nawala nga ang talas ng pangil niya, tumalas naman ang dila niya! "Oo ako nga ang Thysia! Eh ikaw? Ikaw ba talaga ang Hari?" Tinaasan ko siya ng kilay at bigla n'yang hinila ang buhok ko. "Aray ko!!! Ikaw na bubwit ka! Ang sakit!" "Dapat lang sayo 'yan matandang babaeng makunat!" Nang laki ang butas ng ilong ko at hinila rin ang tenga niya. Nagkakasakitan na kaming dalawa nang biglang may nagsalita. "Ehem, mahal na Hari at Thysia" at sabay kaming napalingon kay Heneral Cerberus na hindi maitago ang pagtataka saming dalawa. "Mahal na Hari, maari bang bitawan n'yo na ang buhok ng Thysia?" Tanong niya at pabalang na hinagis ng Haring liit na 'to ang buhok ko. "Aba ikaw na bata ka!" Pipingutin ko sana ulit siya nang mabilis siyang tumakbo sa likod ni Heneral Cerberus. "Cerberus! Itali mo nga ang amasonang iyan at ipaluto mo sa kusinera! Napakapangit ng lasa ng laman niya!" Napatingin ang Heneral sa kaniya at mukhang nagtaka ito. "Hindi pwede mahal na Hari, isa pa alam niya na ang tunay na kaanyuan mo," sabi ng Heneral at hinila niya ang damit nito dahil sa sobrang laking Loki ng Heneral ay hanggang bewang lang siya nito. "Kaya nga hindi ba mas lalo na'tin siya kailangan tapusin para walang makaalam ng totoong anyo ko!" Umiling siya at binuhat ang hari saka ipinasan sa balikat niya. "Dahlia, maari bang makausap ka muna," na paurong ako at tinignan ang likuran ko kung may matatakbuhan pa ba ako. Nasilip ko ang matarik na tanawin mula sa pinakataas ng palasyo, pag na hulog ako dito ay siguradong patay ako. "Hindi kana makakatakas dito Dahlia, maari kitang iligtas kung makikinig ka at makikipag-ayos samin," sabi niya ng mahinahon. "Pano ako makakasiguradong totoo ang sinasabi mo? Eh halos lahat ng kawal n'yo ay hinahabol ako?" Binunot niya ang ispada niya sa bewang niya at dahan-dahan itong binaba sa sahig. Tinaas niya ang kamay niya at lumapit sa'kin, sobrang lapit na pwede kong abutin ang espada niya at iturok sa kaniya. Kaya agad kong kinuha ito at tumakbo para saksakin siya nang bigla siyang ngumiti sakin at yumuko. Napatigil ako at napatulala sa ginawa ng Heneral. "Cerberus! Ano bang ginagawa mo!?" Tanong ng Hari at yumuko lang siya sa harap ko. "Sa pangalan ng yumaong Reyna at Hari, ako si Heneral Cerberus Hartford ng Demon Kingdom ay inaalay ang buhay para pagsilbihan ang bagong Hari at ang Thysia" napanganga ako at nabitawan ang hawak kong espada. Isang mataas na tao ka kung ang isang Heneral ang yumuko at nagbigay ng pangako sayo na paglilingkuran ka habang buhay. Hindi lang iyon dahil pang apat sa pinakamataas na ranggo ng Loki si Heneral Cerberus at ito siya ngayon, nakaluhod sa harap ko. Bigla akong nakaramdam ng maiinit na pakiramdam sa hintuturo ko at nang tignan ko ito ay may nakaburda nang singsing na hugis aso na may tatlong ulo ang nakamarka sa balat ko. Simbulo na mayroon na kong familiar o tiga bantay sa buong buhay ko, may karapatan akong utusan sila at pag namatay ako ay kasama sila sa kamatayan ko. Napahawak na lang ako sa bibig ko sa pagkabigla at galit na galit naman ang Hari sa ginawa ng Heneral. "Cerberus! Pinakawalan ka ng ama ko para maging Familiar ko hindi para maging utusan ng babaeng 'yan!" Sigaw niya at ngumiti lang ang Heneral sa kaniya saka hinawakan ang kamay ng Hari. "Hindi lang sa Thysia ko inalay ang buhay ko kundi pati sayo mahal na Hari." Umiling siya at tumalikod saming dalawa matapos niyang makita ang marka niya sa kanang hintuturo niya. "Bahala kana sa buhay mo! Gawin mo na ang gusto mo pero kakainin ko pa rin 'yang babae na 'yan sa ayaw at gusto mo!" Sabi niya at padabog na bumaba papasok ng palasyo. Tumayo si Heneral Cerberus at inakay ako papasok ng Palasyo. "Pasensya kana kung hinayaan kitang habulin at pahirapan ng mga tao sa palasyo kagabi, pero dahil buhay ka pa hanggang ngayon ay masasabi kong tama ang hinala ko tungkol sayo," nakangiti niyang sabi habang tinitignan ang malaking araw na kitang kita mo sa taas ng palasyo. Wala na kong masabi at hindi ko rin naman alam kung ano pang gagawin ko, hinayaan ko na lang ang sarili ko na sundin si Heneral Cerberus na alam kong poprotektahan ako. Muli niyang nilahad ang braso niya sa'kin para akayin ako papasok sa palasyo. "Simula ngayon Mahal na Reyna Dahlia ay hindi ko na kayo iiwan at papanatilihin kong maayos ang buhay mo sa loob ng palasyo hanggat andito ako," sabi niya at napangiti ako bilang tugon ko sa Heneral. "Maraming salamat po Heneral Cerberus." Tumango siya sa'kin. "Tara na at marami pa kong ipapaliwanag sayo na patakaran ng palasyo." Ngumiti lang ulit ako bilang sagot at tinapangan ang loob ko habang papasok na naman sa empreynong magiging bahay ko. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD