CHAPTER 6

2453 Words
DAHLIA'S POV ❦❦❦ Nagising ako sa gutom at tunog ng kumakalam kong sikmura. Bumangon ako at na pansin kong iba na ang kasuotan ko. Mabilis akong na patayo at kinapa bawat parte ng katawan ko. "Kumpleto pa 'yan." Banggit niya at nakahinga ako nang maluwag. "Sino nagpalit ng damit ko?" Naglakad ako papalait sa maliit na lamesa na may nakahaing pagkain. Hindi ko na inisip na baka sabihan niya kong makapal ang mukha, gutom ako ngayon at isa pa wala na kong pake sa Hari na bansot na ito. "Kumain kana d'yan at maglipat kana ng gamit mo." Napalingon ako sa kaniya, nakaupo siya at nagbabasa ng libro. Nakakatawa lang dahil 'yung mga paa niya ay hindi man lang sumayad sa sahig ng palasyo. "Nginingiti-ngiti mo d'yan?" Tanong niya at agad akong bumalik sa pagkain ko at umiling. "Wala po mahal na Hari," banggit ko at patuloy na inubos ang pagkain sa harapan ko. Sobra akong na gutom dahil sa kagabi pa ang huling kain ko at ngayon pag-gising ko ay maggagabi na naman. Napatingin ako sa Hari na nakasimangot at seryosong binabasa ang libro niya. Mamayang gabi magbabago na naman ba ang anyo niya? Magiging halimaw na naman ba siya na may mahabang sungay at may malaking itim na pakpak? Susubukan niya na naman ba kong patayin at kainin para mas maging malakas sa buong kaharian? Kinakabahan ako na baka ngayong gabi ay hindi ko na magawang umabot nang umaga. Na putol ang pag-iisip ko nang lingunin niya ko at tumaas ang isa niyang kilay. "Ano bang tinitingin-tingin mo?" Iritable niyang tanong sa'kin at umiling na lang ako. "Wala lang po mahal na Hari, iniisip ko lang na baka mamayang gabi ay tangkain n'yo na naman akong kainin," nagbuntong hininga siya at sinara ang librong hawak niya. "Kung pwede nga lang kainin na kita para mawala na 'tong sumpa na 'to sa'kin," sabi niya at sumalumbaba sa harap ko. "Hindi ko alam bakit hindi kita kayang kainin pero sobra akong na babanguhan sa amoy mo. 'Yung para akong inaakit na angkinin ka." Tumingin siya ng daretsyo sa'kin na nagbigay naman ng hiya sa buong sistema ko. Itong bata na 'to, mukha lang siyang bata sa itsura niya pero matinik siya bumanat ng mga linyahan para mahulog ka. Siguro kung makikita siya ng mga babae sa bayan ay marami na siyang concubine at kung hindi lang siya nagbabago ng anyo tuwing umaga ay pipilahan talaga siya ng mga prinsesa sa buong nasyon. "Ehem ehem." Inayos ko ang upo ko at kinalma ang sarili ko. "Pero mahal na hari gusto ko lang matanong bakit ka nagbabago ng anyo? Alam n'yo bang ang ang tingin sa inyo ng mga taong bayan ay isang Hari na sing laki ng isang puno, maskulado at puno ng bigote ang bibig," sabi ko at tinaasan niya na naman ako ng isang kilay. "Wala akong magagawa d'yan sa mga na iisip nila, wala pa namang isang mortal ang nakakakita sa'kin sa personal at isa pa hindi ko rin alam bakit ako nagkaganito." Lumapit siya sa'kin at kumuha rin ng isang mansanas. "Bata pa lang ako ay kakaiba na ko sa lahat, bukod sa pinag pala ako sa kagwapuhan ay hindi maitatangi na matalino rin ako," sabi niya at ako naman ang napataas ang kilay sa kahambugan ng isang 'to. "Ngunit sabi nga nila, hindi pwede na perpekto ka. Kaya siguro biniyayaan ako ng ganitong klaseng katawan dahil sa masyado na kong perpekto sa pagiging Loki ko." Parang humahaba ang ilong ng isang ito. "Pero sa totoo lang hindi ko talaga alam bakit nagbabago ako ng anyo, nagsimula lang ito ng tumuntong na ko sa tamang edad, tumigil na ang paglaki ko tuwing umaga at nagiging bata sa paningin ng iba," sabi niya sabay kagat ng mansanas. "Sa lahi niyo ba ay may ganito ring kaso?" Umiling siya at lumapit sa'kin. "Wala ako lang," napatango ako. "Ah ganoon po ba." bigla niya kong hinawakan sa mukha at dahil nakaupo ako ay abot na abot niya ko. "Maganda ka pala?" Sabi niya na kinamula ng mukha ko at sabay layo sa kaniya. "Sabagay lahat naman ng Thysia ay biniyayaan ng kagandahan. Pero siguro ikaw na 'yung pinaka panget sa lahat ng Thysia na nakita ko," ngumisi siya ng nakakaloka sabay bato sa'kin ng mansanas. "Lumipat kana ng kwarto at masyadong kumakalat ang amoy mo rito, kung ayaw mong may gawin ako sayo lumayo ka muna sa'kin at isa pa pala," sabi niya sabay pihit niya ng seredula ng pinto. "Tawagin mo kong mahal kong asawa simula ngayon." Ngumisi siya at ako na bato na sa kinauupuanko. "Ha? Pero teka lang mahal na hari!" Sigaw at habol ko sa kaniya ngunit sinaraduhan niya na ko ng pintuan. Napaupo ako sa sahig, masyado akong na dala sa mga sinabi niya at hindi pa ko nakakahabol sa mga kwento niya ay nilayasan niya na agad ako. Saan ako pupunta at anong aayusin ko? Wala naman akong dala na kahit anong gamit? At isa pa gagawin ba talaga namin ang pagpapanggap na mag-asawa sa harap ng buong palasyo? Iyon ba talaga ang ikabubuti ko? Kailangan kong humanap ng sagot! Agad ko siyang hinabol palabas ngunit pagbukas ko ng pinto ay nakasalubong ko si Anubis na may dalang mga damit. "Binibining Dahlia, buti't gising ka na, sasamahan na kita sa bago mong kwarto," sabi niya at napakamot ako ng ulo ko. "Ah hahaha osige samahan mo ko," iyon na lang ang na banggit ko at habol tingin sa maliit na hari na naglalakad palayo sa'kin. "Dito tayo Binibining Dahlia, o mas magandang tawagin na po kitang mahal na Reyna?" Bulong niya sa'kin habang nakatingin sa mga guardyang masama ang tingin sa'kin. "Ikaw na ang bahala Anubis, kinakabahan ako sa mga titig nila sa'kin." Ngumiti siya nang napakalambing. "Wag ka mag-alala Mahal na Reyna, walang magtatangka na saktan ka. Inanunsyo na sa buong kaharian na asawa ka na ng hari." Namula ako at hindi pa rin sanay sa mga ganitong usapan. "Wag na na'tin pag-usapan at samahan mo na lang ako sa magiging kwarto ko." Ngumiti siya at tumango saka ako sinamahan sa kwarto ko, kwarto kong napakalayo sa kwarto ng Hari. Halos nasa taas ako ng isang tore kung saan sumisikat ang araw at makikita mo ang napakalaking buwan. Hindi ko alam bakit nila ako nilagay sa pwestong ito. "Maiwan na kita dito mahal na Reyna, maaari mong tawagin ang mga guardiya sa pintuan mo kung may nais kang ipautos, at wag ka mag-alala. Kanang kamay sila ng Heneral," Bulong niya sa'kin at tumango ako. Iniwan niya ko sa kwarto ko na singlaki na ng bahay namin. Masyadong magarbo at may sarili na rin itong paliguan sa loob. Inamoy ko ang sarili ko at amoy paumbong na ko sa asim kaya naman agad kong hinubad ang damit ko at lumubog sa mainit na tubig na puno ng mga talulot ng rosas. "Hays! Salamat nakapag-isa rin," tumingala ako at napatingin sa malaking bintana sa taas ng bubong ng paliguan na ito. "Ang ganda ng buwan at bilog na bilog pa," tahimik ko itong pinagmamasdan ng may itim na balahibo ang unti-unting nahuhulog mula sa labas ng bintana. Inabot ko ito at kumunot ang noo ko. "Sa Haring bansot ba 'to?" Bulong ko sa sarili ko. "Sinong bansot?" Agad akong napatingala at nakita siyang nakasilip sa bintana ko. Kung tatamaan ka naman talaga ng lintik. "AAAAAHHHHHH—" ❦❦❦ "Haring Troian, inilagay na nga ang Thysia sa pinakamalayong parte ng palasyo para mailayo sayo ngunit ikaw pa 'tong pupuslit sa pahingahan niya!?" Sumimangot siya at naghalukipkip sabay tingin ng masama sa Heneral na ngayon ay sinisermunan siya pagtapos niya kong silipan sa paliguan ko. "Anong magagawa ko! Ang hirap pigilan ng katawan ko pag-amoy na amoy ko ang laman niya?" Napailing na lang ang Heneral. "Pano na'tin maayos ang problema mo? Nagawa mo pa siyang silipan! Hindi ka ba nahihiya isa kang Hari," napatingin ako sa kaniya at ganoon din siya sa'kin sabay iwas naming dalawa sa isa't isa. "Anong masama? Pinalabas n'yo na nga na Reyna ko siya hindi ba? Ayos lang na makita ko ang katawan niya kung asawa niya ko! At isa pa hindi naman talaga iyon ang balak ko! Gusto ko lang naman tikman ang laman niya para makita ko kung isusuka ko pa ba siya!" Para siyang bata na nagmamaktol pagtapos hindi payagan sa mga plano niya. Anyo niya lang talaga ang nagbabago ngunit ang ugali niya ay iisa lang. "Kaya ka pumuslit at sinilipan siya habang naliligo siya?" Tumingin ako sa Heneral na parang na tutuwa pa sa paninermon at pang-aasar niya sa Hari. "Ahh— bakit ba hindi ko naman sinasadya! Humahanap lang ako ng tyempo para makakuha ng laman niya!" Pulado na siya ngayon dahil sa mga ginawa niya. Manyakis na Hari. *tok tok* Sabay-sabay kaming napalingon sa pintuan kung saan pumasok si Anubis na may bitbit na isang kalatas. Tumungo siya sa Hari at sinenyasan siya nito na basahin sa harap naming tatlo. Binuksan niya ito at saglit na napatigil sabay basa sa nilalaman nito. "Mula sa Hari ng mga Ophidian— Haring Troian Hayes, ako'y nagagalak na malaman na ikinasal ka na sa Thysia, kami ay magbibigay pugay at selebrasyon ukol sa inyong pag-iisang dibdib. Mag-iintay ako ng paanyaya at kung hindi man ay ako na mismo ang bibisita sa kaharian mo. Ang iyong kasanggalang na Hari, Basil Asmodeus," itinupi ni Anubis ang kalatas at parang na balot ang buong kwarto ng katahimikan. Nagbuntong hininga ang Heneral at nagsimulang maglakad paikot-ikot sa loob ng kwarto. Samantalang ang Hari ay patuloy na kalmado at nilalaro ang balahibo ng pakpak niya. "Mahirap kung malalaman nila ang tunay na kaanyuan mo Haring Troian, mabuti pang ikansela mo ang paunlak ng Haring Basil." Umiling ang Hari. "Hindi pu-pwede dahil mas malaking kaguluhan kung mababastusan sila sa iniasal na'tin sa pagpapaunlak nila, mas maganda kung sa mismong palasyo na lang ganapin ang nais niyang selebrasyon at ganapin ito ng gabi para walang problema," sabi niya at tumango ang Heneral. "Anubis, maghanda ka ng selebrasyon para sa kasal ng Hari at Reyna, at maaring magsulat ka na rin pabalik sa Hari Basil para maiayos na ang usapan," Tumango si Anubis at umalis na ng kwarto. "Mukhang magiging totoo na ang kasal na'ting dalawa Dahlia," sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko. "Tsk, papayag ako! Pero pwede ko bang makita na nasa mabuting kalagayan ang mga magulang ko? Ayos na rin ako kung gusto mo talagang kainin ang laman ko," tapang-tapangan kong sagot dahil tingin ko pag na tapos ang selebrasyon ay mas mahihirapan akong makabalik sa mga magulang ko kaya naman, bago mangyari ang kinakatakutan ko ay mas mabuti nang naibigay ko ang kailangan ng mga magulang ko kapalit ng paghihirap ko sa palasyong 'to. "Sige ba, pero hindi ka nila maaring makita. Ipapakita ko sayo na nasa mabuti na silang kalagayan. Gusto mo ngayon na?" Kumunot ang noo ko at nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang bewang ko at buhatin ako sa bisig niya. "Teka mahal na Hari!" Sigaw ng Heneral at tumalon kami sa pinakamataas na palapag ng kaharian. "AAHHH—" napasigaw ako nang mahulog kami sa ere at agad niya ring inilabas ang malaki niyang pakpak. Itim na itim ito ay kumakalat ang balahibo niya sa hangin. "Mahal na Hari!" Sigaw ni Heneral Cerberus at narinig ko lang na tumawa ang Haring Troian. "Kukulubot agad ang noo n'yan ni Cerberus sa sakit ng ulo dahil sa'kin hahaha," tumawa siya nang napakalakas at masayang lumipad sa kalangitan. Napatulala ako, hindi sa takot o pagkabigla sa paglipad namin, kundi sa totoong tawa niya na ngayon ko lang narinig. "Tingin-tingin mo na naman?" Tanong niya at umiling ako saka pinukaw ang atensyon ko sa nakakalulang tanawin. Agad akong napayakap sa kaniya. "Ama ko! mahal na Hari wag n'yo kong bibitawan!" Sigaw ko at tumawa na naman siya. "Panong bitawa ba? ganito?" At binitawan niya ko sa ere na halos ikapanaw ng ulirat ko. "AAAAHHHH— INAY KO!" Sigaw ko at pikit matang tinatawag ang nanay ko. Hindi ko na ata sila makikita pa, siguro ang balak niya ay ihulog ako at saka kainin paglasog-lasog na ang katawan ko sa lupa. "HAHAHAHA" rinig kong tawa niya sabay salo sa'kin. "Ang saya di ba?" Tanong niya at halos maluha na ko sa inis. "Wag mo nang uulitin 'yun bansot ka!" Sigaw ko sa galit at tumaas ang kilay niya kaya kinabahan na naman ako. "Wag n'yo na pong uulitin mahal na Haring Troian ang pinakamalakas sa lahat ng mga Loki sa sanlibutan!" Sigaw ko at yakap sa braso niya. "Ha! Iyan ang gusto ko marinig," sabay turo niya sa bayan na puno ng ilaw sa madilim na gabi. Napanganga ako sa ganda ng tanawin, hindi ko aakalain na ganito pala kaganda ang tanawin ng bayan tuwing sasapit ang gabi at pag nasa taas ka ng lugar na ito. "Ituro mo kung saan ang bahay n'yo." Tumango ako at tinuro ang maliit na bahay sa ilalim namin. "Iyon po mahal na Hari." Umiling siya. "Hindi na iyan ang bahay ng mga magulang mo kundi iyon," sabay turo sa isang malaking mansyon malapit sa bundok. Tanaw na tanaw ko ang magarbong hardin at malaki mansyon. "A-amin ba-ba talaga iyan?" Nanginginig kong tanong dahil sobrang laki ng bahay na iyon. "Gusto mo makita?" Tanong niya at tumango ako. "Pakagat muna," ngisi niya at nilahad ko ang braso ko sa kaniya. "Hindi kana takot?" Umiling ako at ngumiti ng masaya sa harap niya. Kung malalaman ko naman na masaya at nakakapagpahinga ng maayos ang pamilya ko bakit hindi ako mamamatay ng masaya. "Sigurado ka? Osige sabi mo ah!" At kinagat niya ang braso ko nang madiin. Nakaramdam ako ng sakit at ng maglaon ay nawala rin ito. "Pwe! Ang sama talaga ng lasa mo!" Sabi niya at dinilat ko ang mga mata ko. Dinilaan niya ang parte na kinagatan niya at nakita kong naghihilum ito ng mabilis. "Hindi mo na ko kakainin?" Tanong ko at tumingin lang siya sa'kin at hindi ako pinansin. Siguro sobrang sama ng lasa ko kaya inayawan niya na ang katawan ko? Sana nga hindi niya na ko patayin at kainin, paglilingkuran ko na lang siya o ibibigay ang buong buhay ko sa kaniya wag niya lang bawiin ang ibinigay niya sa pamilya ko. Tumulo ang luha ko nang makita ko ang aking ama na ginagamot ng doktor at ang aking ina naman ay nakakakain ng masusustansyang pagkain. "Ano ayos ka na ba?" Tanong niya ng hindi nakatingin sa'kin. "Opo, maraming salamat mahal na Haring Troian," ngumiti ako sa kaniya pero iniwas niya lang ang mukha niya sa'kin. At nakita kong pulado ang mga tenga niya sa hiya. TO BE CONTINUED 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD