DAHLIA'S POV ❦❦❦ Maaga kaming nagising dahil sa ingay ng mga tiga baryo na nag-aayos ng mga kabahayan at kagamitan nila na nasira dulot ng nangyai nung nakaraan. Puno ng ingay at tunog ng pagkukumpuni at muling pagsiboy ng mga tawanan ng mga bata sa laabas. Maririnig mo rin ang mga huni ng ibon mula sa labas ng bintana pati na rin ang maligamgam na pakiramdam ng sikat ng araw na tumatagos sa kurtina at humahalo sa lamig ng hangin sa labas, ayoko pa bumangon at sobrang sarap sa pakiramdam ng ganitong pagsapit ng umaga. Pakiramdam ko ay nasa demon kingdom lang ako at natutulog sa kwarto ko sa maliit namin bahay at mamaya-maya ay tatawagin na ko ng aking ina para mag umagahan at para makatulong sa kaniya sa sakahan. Napangiti na lang ako sabay unat ng katawan ko sa kama at hikab, kinap