DAHLIA'S POV ❦❦❦ Mahabang mesa na puno ng mga pagkain at iba't ibang prutas, madilim na kalangitan na puno ng mga bituin kasabay nang malamig na simoy ng hangin sa gabi at masasayang kantahan at sayawan sa paligid. Iyan ang ganap ngayon sa tribo ng mga lobo, isang kasiyahan pagtapos ng pinagdaanan nilang gulo, wala na rin ang mga preso na kaninang umaga lang ay nakakulong pa dahil nagpadala na ng kawal ang haring Basil kanina noong nasa bayan kami nila Ulmer at Sunny upang kunin at hulihin ang mga ito. Hindi naman ako na abutan ni haring Basil at sabi nila maagang pinauwi ni Troian ang mga ito at hindi na na intay pa ang pagdating ko, nais ko sana ulit magpasalamat sa hari at humingi rin ng paumanhin noong pinagalitan ko sila bago pakami lumisan sa kaharian niya. Kaso itong bansot na