DAHLIA'S POV ❦❦❦ Hawak ko ang dalawang kamay ko habang inaalis sa isipan ko ang nakita kong pagpatay ni Troian sa harap namin kanina, 'yung asul niyang mata ay sobrang nanlilisik at hindi mo makikita sa kaanyuan niya na isa siyang bata kung pano niya iturok ang mahaba at matulis na espada na iyon sa dibdib ng kalaban niya. Hanggang ngayon ay na nginginig pa rin ang mga kamay ko at halos tumatak sa isipan ko 'yung mata nung lalaki habang naghihingalo siya, mga matang gusto pa mabuhay ngunit hirap na hirap na. "Oy," Napatingin ako kay Keegan na may hawak ng isang platong pagkain, tinabihan niya ko sa pag-upo sa hagdan ng isang bahay dito sa tribo nila Ulmer at inabot sa'kin ang pagkain. "Kumain kana at magpahinga," sabi niya sabay alok sa'kin ng pagkain ngunit wala talaga akong gana kum