❦❦❦ Nakahanda sila sa ano mang bagay o pangyayare na maaring sumalubong sa kanila sa ano mang oras, ngunit alam ng hari na hindi niya makakaya ang mga ito ng siya lamang mag-isa lalo na sa kaanyuan niyang taglay ngayon. Iniisip na kung gabi lang sana ngayon ay wala siyang problema sa pakikipaglaban sa mga pipityugin na mga kawatan na ito, hindi naman kasi lingid na mas malakas ang hari ngunit sa sitwasyon nila ngayon ay maaaring mapahamak si Dahlia dahil wala sa tabi nila sila heneral Cerberus at si Keegan, isama mo pa ang sugatan na batang lobo na buhat niya rin ang kapalaran. "Troian, wala ka bang ibang sandata katulad ng palaso o kahit anong pwede kong magamit?" tanong ng reyna sa kaniyang hari na hindi makapag-isip nang ayos sa sitwasyon nila ngayon, umiling lang ang hari at tumingi