DAHLIA'S POV ❦❦❦ Mahimbing siyang natutulog sa tabi ko habang ramdam ko ang hirap at p*******t ng katawan niya, batang bata pa siya pero dinadanas niya na ang ganitong hirap at sakit kaya sobra akong naaawa sa kaniya at hindi ko siya magawang iwan kahit na may importante kaming kailangan gawin at puntahan. "Wala bang malapit na pagamutan dito?" tanong ko sa kanilang tatlo at nagbikit balikat lang si Keegan habang si heneral Cerberus naman ay naghahanda ng gamot para sa batang lobo na 'to. "Ano ba naman 'yan Dahlia, uunahin mo pa ba ang batang 'yan kesa sa misyon na'tin? Ilang araw na tayong nag sasayang ng oras sa paglalakbay," sabi ng hari habang iritableng nakatingin samin dalawa nung batang lobo, hindi naman ako makasagot dahil alam kong sayang naman talaga ang oras namin pero matit