DAHLIA'S POV ❦❦❦ Luha at mahigpit na yakap ang pinabaon sa'kin ni Ulmer at ni Sunny dahil ngayon ay aalis na kami at lilisanin ang tahimik at masayaang tribo nila, 'yung tatlong araw na inilagi ko dito ay parang sobrang bilis dahil sa mga kaganapan at sa saya. Sabi nga nila pag masaya ka ay hindi mo namamalayan ang oras at magugulat ka na lang na tapos na pala ang mga sandali na ito, kaya naman hindi ko mapigilan umiyak habang mahigpit na yakap ni Ulmer ang mga bewang ko at si Sunny naman ay ang balikat ko. "Hindi ba na iipit ang unanong lobo na 'yan? tama na oy kailan pa ba kayo titigil sa pagpapaalam at iyakan niyo d'yan?" masungit na sabi ng bansot na haring ito, kala mo naman talaga maka-unano siya kay Ulmer eh siya ngayon nasa anyong bansot. Pinunasan ko ang mga luha ko sa mata a