DAHLIA'S POV
❦❦❦
"Saan ba kayo galing!" Iyan ang bungad samin ng hari pagtapos namin bumalik galing sa paggagala.
"Ikaw Keegan! Kung saan-saan mo dinadala si Dahlia, at saka ano 'yang tenga at buntot mo? Kailan ko pa kayo binigyan ng pera para bumili niyan?" Dinuro-duro niya 'yung tenga ko at nagtataka pano ko nakuha iyon, para siyang matandang hukluban na nakapamewang sa anyo ng isang bata.
"Huminahon ka muna mahal na hari, hayaan mo sila magpaliwanag hindi ba Keegan?" Ipinasok ni Keegan ang hinliliit niya sa tenga at pakunrawing walang naririnig mula sa kaniyang ama.
"Umiinit ang ulo ko sa inyo, bilisan niyo na nga at mamayang gabi ay aalis na tayo." Gabi ulit kami aalis? Hindi ba mas mapanganib kung gabi kami maglalakbay. Pero sabagay mas makapangyarihan ang haring Troian pagsumapit na ang gabi.
"Dalian niyo na at maghanda pupunta tayo sa nayon ng mga uwak, magiging mahirap ang paglalakbay dahil malayo-layo ang lalakbayin na'tin." Tumango ako at naglakad na papuntang kwarto at nagbihis, isang kamisetang puti at mahabang palda ang aking sinuot.
Isinukbit ko na rin ang maliit kong bag at isinuot ang balabal na tatakip sa'king ulo.
*tok tok*
"Bukas 'yan." Banggit ko at sumilip sa pintuan ang haring Basil, ngumiti ako sa kaniya at agad na yumuko bilang pagbibigay galang.
"Maraming salamat po sa ibinigay niyong regalo." Umiling siya.
"Wala iyon, basta mag ingat ka lang sa byahe niyo at umuwi ka ng buhay at walang kulang sa katawan mo." Hindi ko alam bakit parang na tatakot ako sa mga sinasabi niya, ganun ba talaga kadelikado ang papasukin kong paglalakbay?
"Wag ka mag alala alam ko naman iingatan ka ng hari, mukha kasing hindi na pagkain ang turing niya sayo." Hinawakan niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko.
"Alam kong bawal kang hawakan pero wala ka naman sa kaharian niyo para pagbawalan ako ng hari hahaha," napatawa na lang din ako, parang hindi ko na nga nasusunod ang panuntunan na iyon.
"Gusto ko lang ibigay sayo ang huling regalo ko bago ka umalis," nagtaka naman ako dahil ang dami niya namang regalong ibibigay sa'kin.
Lumuhod siya sa harap ko at nagulat ako dahil inusal niya ang mga katagang nagpagimbal sa'kin.
"Mula sa pagiging hari ng Ophidian kingdom, ang pangalawa sa rango ng mga Loki at ang anak ni Romulus at Ingrid, ako si Basil Asmodeus ay inaalay ang aking buhay upang ikaw ay protektahan." Hindi ko alam anong iisipin ko, isang hari ang lumuhod sa harap ko at nagbigay ng pangako bilang familiar ko.
Nakaramdam ako ng mainit na sensasyon sa aking binti at nang bahagya kong itaas ang aking palda ay tumambad sa'kin ang isang pula na ahas na nakaukit sa'king balat.
"Haring Basil ano ang ginawa mo? Hindi mo ba alam na pag namatay ako ay maari ka ring mamatay? Iaalay ako sa hari at kahit anong mangyari isa lang ang kahihinatnan ko." Ngumisi siya at tumayo na.
"Kaya nga kita nilagyan ng marka na iyan para hindi ka niya makain, isipin mo na lang na pag na patay ka niya ay mamatay ako. Anong dulot nun? Gera sa dalawang kingdom." Napahawak ako sa bibig ko dahil sa gulat.
Hinawakan niya ang kamay ko at inilihis ang palda ko saka siya ngumiti ng malambing sa'kin.
"Hindi ba't maganda ang ahas na ito? Sana tinaasan pa niya ang marka hahahaha," na mula ako at kinuha ang kamay ko sa kaniya.
Medyo pilyo rin pala ang haring ito, ang lakas ng loob niyang hawakan ang palda ng Thysiang katulad ko.
"Anong kaguluhan 'to bakit ang tagal-tagal mong lumabas ng kwarto!" Na gulat ako sa pagpasok ng hari, mahaba na ang kaniyang buhok at kitang kita mo na ang kaniyang sungay at pakpak.
Agad siyang lumapit sa'kin at hinila ako papalapit sa kaniya. Seryoso ang mga tingin at pulang pula ang mga mata.
"Tsk!" Iyon lang ang lumabas sa bibig niya pagtapos niya ko tignan ng nakakatakot niyang mga mata.
"Bakit ka nasa kwarto ng reyna ko? Parang nagiging malapit ka na sa kaniya kahit alam mong kasal siya sa'kin Basil?" Ngumiti lang ang haring Basil sa harap ni haring Troian at tinuro ang binti ko.
"Anong meron sa palda niya?" Inis niyang tanong at tumingin sa'kin.
"Maghubad ka!" Nanlaki ang mata ko sabay tingin sa haring Basil at balik ulit ng tingin sa kaniya.
"Paghuhubarin mo ko sa harap ng ibang lalaki?" Tanong ko at sumama lang lalo ang tingin niya.
"Kung hindi pa siguro ako pumasok sa kwartong ito ay baka naghubad kana sa harap niya! Nagawa mo pang tumakas kasama ng heneral mo kanina!" Ramdam ko ang galit sa mga mata niya at nakakatakot ang pagtaas ng boses niya.
Pero sige kung gusto niyang makita ang binti ko na may marka ng haring Basil ay ipapakita ko sa kaniya.
Itinaas ko ang palda ko lagpas hanggang tuhod at bigla niya kong sinigawan.
"Ipapakita mo talaga ang balat mo sa iba!?" Kumunot ang noo ko, abnormal talaga ang isang 'to.
"Sabi mo ipakita ko! Ang gulo mo naman bansot ka!" Hindi ko na kinaya pa ang paninigaw niya sa'kin at nang gigil na rin sa kaniya.
Pasalamat siya mahal ko siya at tinitiis ko ang katigasan ng ulo niya pero itong panghuhusga niya sa'kin ay sumusobra na.
Nagulat silang dalawa sa pagtataas ko ng boses at galit na galit silang tinignan na dalawa.
"Iyan! Tinatakan na rin ako ng haring Basil! Wala akong magagawa kasi hindi ko naman matatanggihan ang bigla niyang pagbibigay ng buhay niya sa'kin hindi ba? Tingin mo gusto ko ito? Pag namatay ako mamatay din sila!" Hindi siya na kaimik dahil sa inis ko sa kaniya at tumingin naman ako sa haring Basil na ngayon ay tulala na sa mga nangyayari.
"At ikaw isa ka pa! Hindi ko naman sinabing ibigay mo ang buhay mo sa'kin! Pag umusbong ang gera hindi mo ba na iisip ang mga taong nasasakupan mo! Handa mo ba silang ipagpalit sa Thysia na katulad ko?" Hingal na hingal ko silang pinagalitan sa mga kapabayaan nila bilang hari, ang mga inaasta nila sa harap ko ay hindi magandang imahe para sa kanila.
"Wala sa mga nangyayari sa'kin ang ginusto ko, at ikaw Troian kung gusto mo kong ipamigay sa iba edi ipamigay mo na! Wala ka naman palang pake kung makita nila ang katawan ko di ba?" Na iinis ako, pano niya kayang gawin ito sa babaeng nagmamahal sa kaniya.
Alam ko naman na hindi niya alam ang na raramdaman ko ngunit grabe naman iyon. Babae rin ako at may pakiramdam ako, may puso ako na nasasaktan dahil 'yung taong mahal ko ay pinababayaan lang ako.
"Dalhia— hindi ko," biglang pumasok ang kutong lupang si Keegan na dahilan bakit umiinit din ang ulo ng hari.
"Anong meron bakit parang nanginginig ang mga hari?" Lumapit ako sa kaniya at hinila ang tenga niya.
"Aray! Bakit! Anong ginawa ko?" Gulong gulo siya sa mga pangyayari.
"Isa ka pa! Ikaw ang dahilan kaya nag iinit ang ulo sa'kin ng haring bansot na ito!" Napanganga siya at tinignan ang haring Troian na parang nangangatog sa takot.
"Bakit ako! Iginala lang naman kita, ahhh! Aray ang buntot ko!" Hinila ko ang buntot niya at napaluhod siya sa sakit.
"Tandaan niyong tatlo, wala akong ginusto sa mga nangyayari kayo mismo ang gumawa nun! Hindi ko hiniling!" Tumingin ako sa hari na tahimik na ngayon at nakayuko.
"Naiintindihan mo ba?" Tumango siya.
"Maayos," banggit ko at tumingin naman sa haring Basil.
"Ikaw, na iintindihan mo ba? Wag ka magbibigay agad ng bagay kung hindi naman ginusto ng pagbibigyan mo, konsensya ko pa kung mapahamak ka." Tumango rin siya sa'kin.
"At ikaw Hyena ka, ang kulit mo! Napagalitan tuloy ako!" Ngumuso siya.
"Luh ginusto mo rin naman." Tumingin ako sa kaniya ng masama, oo nga ginusto ko naman pero hindi ko naman siya pinilit na pumunta doon. Siya pa rin ang dahilan.
"Oh aalis na tayo," napatingin kaming lahat sa heneral na kakapasok lang at gulat na gulat sa senaryong na kita niya.
"Anong meron?"
❦❦❦
Tatlong oras mahigit na rin kaming naglalakbay palayo sa Ophedia Kingdom at papunta sa tribo ng mga uwak. Sa mga oras na iyon ay hindi pa rin kami nag iimikan ng bansot na hari na ito.
Ah, gabi na nga pala at hindi na siya bansot pero 'yung utak niya kasingliit pa rin ng katawan niya tuwing umaga.
"Tsk pandak," napairap ako habang nakasakay sa kabayo na pinapatakbo ng heneral ko.
"Magpahinga muna tayo at lumalalim na rin ang gabi," sabi ni heneral Cerberus at naghanap kami ng pwesto kung saan pwede magpahinga.
"Teka titignan ko." Banggit ng hari at lumipad sa himpapawid upang maghanap ng mapagpapahingahan namin.
"Doon!" Tinuro niya ang lugar at sumunod lang kami sa kaniya.
Itinali nila ang mga kabayo sa puno at nagsimulang gumawa ng apoy para sa pahingahan namin. Tumulong ako maglatag ng sapin at magluto ng pagkain namin.
"Kumakapal na ang hamog," banggit ni Keegan at para bang may na aamoy na kakaiba.
"Kilala ang Misty Forest na ito sa iba't ibang kwentong katatakutan. Kaya mag ingat kayo kasi hindi na'tin alam kung ano ang mga nagtatago sa kagubatan." Tumango ako kay heneral Cerberus at inihulog ang mga kaboteng na kuha namin sa daan.
"May malapit na ilog sa bandang kanluran." Sabi ng hari sabay tago ng kaniyang pakpak. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay namin inirapan ang isa't isa.
Anong tinitingin-tingin niya? Pagtapos niya kong ganoonin sa harap ni haring Basil siya pa may ganang magalit at magtaray? Aba sumusobra na ata siya hindi purkit hari siya ganyan na dapat ang iugali niya.
"Nabasa ang isang kumot na'tin, magtabi na lang kayo ni Dahlia your highness." Banggit ng heneral at ngumisi-ngisi si Keegan na mapangasar.
"Hu? Ayoko nga ba't ko naman tatabihan ang mangkukulam na iyan!" Sigaw at turo niya sa'kin na kinapikon ko.
"Aba bakit! Gusto ko rin ba makatabi ang unggoy na katulad mo?" Binigyan niya ko ng nanlilisik niyang mata at ginaya ko lang siya para lalo siyang mapikon.
"Isa akong Demon King hindi unggoy!" Sigaw niya at dinuro ko siya ng sandok.
"Ah oo nga pala mas mukha kang gorilla!" Halos makabuo na kami ng kidlat sa pagitan ng mga tingin namin sa isa't isa.
Nang biglang makarinig kami ng kaluskos mula sa mga halaman at puno malapit samin.
"Ssshhh—" pinatahimik kami ng heneral at nakiramdam sa paligid. Kinabahan naman ako dahil sa kwento ng heneral kanina tungkol sa gubat na ito.
Ayokong makakita ng multo kahit na sabihin pa na'tin na kung ano-anong nilalang na ang nakikita ko sa paglalakbay na ito pero iba pa rin pag di mo nahahawakan o hindi mo masasaktan!
Mamaya kami pa ang saktan nila o hindi kaya saniban! Aaah ayoko!
"Hu? Natatakot ka sa multo Dhalia?" Bulong ni Keegan.
"Ba't ka matatakot eh baka sila pa matakot sayo," bulong naman ng hari na nagpabwisit talaga sa'kin.
"Saniban ka sana!" Bulong ko naman sa kaniya at muli kaming pinatahimik ng heneral dahil sa pinapakiramdaman niya maigi ang kapaligiran.
'Yung makapal na hamog ay unti unting lumalapit samin, sobrang kapal nito na para bang usok at wala ka nang makita pa.
Nag tabi-tabi kami dahil sa wala na kaming maaninag sa lugar na ito, para naman akong inaantok dahil sa lamig at kapal ng hamog.
Natural lang bang antukin ka sa hamog? Parang hindi naman at mas nakakahilo pa nga ang usok.
Napalingon ako sa heneral at nakita kong bumagsak siya kasunod ni Keegan at biglang lumingon sa'kin ang hari ng may pag aalala sa mukha ngunit agad din siyang bumagsak at kasunod noon ay ang pag ikot ng paningin ko.
❦❦❦
"Na saan ako?" Napatingin ako sa isang malawak na bukid kung saan nag aani ng mga prutas at palay ang aking mga magulang.
Napangiti ako at tinawag sila.
"Handa na po ang tanghalian!" Masaya ko silang tinawag at lumingon sila sa'kin. Kumaway ang aking ina at naglakad naman ang aking ama papalapit sa'kin na may dalang mga prutas.
"Oh kamusta ang tulog mo?" Tanong sa'kin ng aking ina na pinagtaka ko, natulog ba ko?
Napakamot ako sa aking ulo at tumango.
"Masarap naman po ang tulog ko," ngumiti siya at pinagsandok ako ng ulam.
"Tara kumain na tayo at mamaya susunduin ka na ng iyong nobyo." Napalingon ako sa kaniya at nagtaka.
"Hu? May nobyo po ako pero hindi ba isa akong Thysia?" Tanong ko at sabay silang napalingon sa isa't isa at biglang tumawa.
"Ikaw Thysia? Hindi anak, normal na babae ka lamang sa loob ng kaharian na ito. Hindi ba may lakad pa kayo ni Cedric mamaya baka inaantok ka pa?" Tanong niya sa'kin at kumunot ang noo ko.
Totoo bang hindi na ako Thysia? Nobyo ko si Cedric? Ang kababata ko? Pero teka bakit parang may mali? Bakit parang may kulang?
"Kumain kana at mukhang gutom na gutom ka." Tumango ako saka kumain ng nasa hapagkainan.
Katulad ng sinabi ng aking ina ay mukhang nobyo ko nga si Cedric at masaya kaming magkasintahan sa mga lumipas na tatlong taon.
Pumunta kami sa bayan para mamasyal, na nood din kami ng isang musikero sa gitna ng plaza at iba pang mga salamangkero at sirkero na dumayo pa sa demon kingdom upang magtanghal.
"Hahaha napanood ko ito nung nakaraan kasama si Keegan." Sabay kagat ko ng inihaw na mais.
"Keegan? Sino iyon bago mong kaibigan?" Tanong niya at bigla akong nagtaka.
Sino nga ba si Keegan? Umiling ako at kinagat ulit ang parte ng mais kung saan madaming mantikilya.
"Tara tignan na'tin ang mga panindan doon, nais sana kita bilhan ng singsing para sa nalalapit na'ting anibersaryo." Ngumiti ako at sinukbit ang braso ko sa braso niya.
Hindi rin pala masamang maging nobyo itong si Cedric sabagay noon pa lang naman ay nais niya na kong itakas sa sumpang ito.
Napatigil ako sa paglalakad at halos umikot ang isipan ko, ano ba itong na iisip ko? Bakit tila ang gulo at halo-halo?
"Dahlia ayos ka lang ba?" Tanong niya at hinipo ang aking noo, tumango ako at iniling ang ulo ko.
"Hahaha ayos lang mukhang kulang lang ako sa tulog." Tumango siya at muli kaming nagbalik sa paglalakad papunta sa mga bilihan ng alahas.
Nagtingin-tingin ako doon at nakakita ng isang singsing na may tatak ng tatlong ulo ng asong itim. Napatingin ako sa mga daliri ko at para bang may kulang dito.
Kinalbit ko si Cedric ang tinuro ang singsing na nakatawag ng pansin ko saka siya magkamot ng ulo at napatawa.
"Kakaiba talaga ang mga gusto mong desenyo, bakit naman ang tatak pa ng heneral ang napili mo." Napalingon ako at sa kaniya at tila may mali talaga.
"Teka lang Cedric, tingin ko masama talaga ang pakiramdam ko." Banggit ko sa kaniya at mabilis na binitawan ang mga kamay niya.
Nakita ko ang pagtataka sa mukha ngunit agad akong tumakbo pabalik ng bahay namin.
Umakyat ako sa kwarto ko at hinubad ang damit ko saka tumalikod sa salamin, tama ang hinala ko wala akong ano mang marka ng pagka-Thysia ko ngunit bakit ganito?
Bakit pakiramdam ko ay kulang ang pagkatao ko? Bakit parang may hinahanap-hanap ako?
Napayuko ako at umiyak, hindi ko alam kung ano itong nangyayari sa'kin.
Maayos naman ang buhay ko, masigla ang mga magulang ko at walang sakit, malaya ako at normal na namumuhay sa maliit na baryo na ito.
May nobyo akong maintindihin at hindi mainit ang ulo katulad ng hari.
"Teka? hari? Sinong hari?" Napasabunot ako sa ulo ko at tila gulong gulo.
Sino siya? Bakit parang nanunuyot ang lalamunan ko at nais kong umiyak.
Sino ang hari? Bakit ganito, ang sakit ng puso ko at parang butas at kulang ito kahit na masaya at simple naman ang pamumuhay ko.
Na sa'kin na ang lahat ng hinihiling ko sa buhay, pero bakit parang may kulang pa rin at mali ang lahat ng nasa paligid ko.
Anong pangalan ng hari?
Sino ba siya? Bakit tila ang laki ng puwang niya sa puso ko.
TO BE CONTINUED