CHAPTER 21

2138 Words
DAHLIA'S POV ❦❦❦ Inilapag ng aking ina ang isang platong pagkain sa'king harapan saka ngumiti at umupo sa katapat kong upuan, sumunod ang aking ama na may bitbit ng mangkok ng paborito kong ulam. Tinignan ko sila at masaya silang nakangiti sa'kin, masigla ang katawan at walang kahit anong sakit na iniinda sa katawan, ang sarap nilang tignan habang masayang nagsasalo sa hapagkainan. Sana lagi na lang ganito, 'yung tahimik at payak lang kaming nabubuhay na magkakasama. "Dahlia, kamusta ang gala niyong dalawa ni Cedric sa bayan?" tanong ng aking tatay habang sinasandokan ako ng sabaw. "Ahh ayos lang naman po," maikling kong sagot dahil ang totoo niyan ay kakaiba ang nararamdaman ko ngayon, kanina pa tumatakbo sa isip ko 'yung mga tanong at ganapan na umiikot sa isip ko habang nag gagala kami sa bayan. Para bang puno ng ibang memorya ang bawat imahe na nakikita ko sa bayan, parang may mga bagay ako na nakakalimutan at mga taong imortante sa'kin kahit na kasama ko na naman ang pamilya ko at masaya kami ngayon. Ito 'yung pangarap ko sa buhay ko eh, pero ang tanong bakit parang may kulang pa rin? "Pero bakit tila malungkot ka? Nag-away ba kayo ni Cedric? Naku, sabi ko naman kasi sa inyo na payag na ko sa pagpapakasal niyo tutal nasa tamang edad na naman kayo," dadag na sabi ni tatay at muntikan ko na maibuga ang sabaw na hinihigop ko. "Ikasal? kay Cedric? Kababata ko lang siya tay!" sabi ko at para bang nag iba ang timpla ng mga mukha nila sa harapan ko, 'yung masaya at maaliwalas nilang mukha ay napalitan ng pagtataka at mga katanungan ngayon. Saka lang pumasok sa isip ko ang mga sinabi ko. Hindi ba't kasintahan ko na si Cedric? pero bakit ganito ako mag-isip at umasta eh kung tutuosin ay magtatatlong taon na kami magkasintahan. "Dahlia ayos ka lang ba?" tanong ng aking ina na may pag-aalala. "Ahhm, sa totoo lang po naguguluhan ako. Siguro dahil lang sa pagod sa paglalakad sa bayan," palusot ko at napakamot na lang sa ulo saka bumalik sa pagkain ng hapunan namin. "Sigurado ka ba d'yan anak?" muling tanong ni itay at para bang gusto ko matanong at magkwento sa mga tumatakbo sa isip ko. "Hindi ko rin po alam, may pakiramdam sa'kin na hindi ako mapakali na parang may nakakalimutan akong imortante sa'kin." "'Yung parang nasa loob ka ng panaginip at hindi mo na matandaan ang panaginip mo matapos mo magising?" Tanong niya sa'kin na nabigay ng lalong pagtataka sa isip ko. "Panaginip?" Tanong ko sa sarili ko at bigla na lang ako na patayo sa kinauupusan ko at tumakbo palabas ng bahay namin. "Dahlia! Saan ka pupunta gabi na!" Rinig kong sigaw ng aking ama at habol ng tawag sa'kin ng aking ina, napahinto ako sa pagtakbo at hindi ko alam kung lilingunin ko ba sila dahil lahat ay tanda ko na. Tama, nasa paglalakbay kami ng hari at nila heneral Cerberus at Keegan nung balutin kami nang makapal na hamog at mahulog sa magandang panaginip na ito, panaginip na tila gugustuhin mo na lang na hindi magising. Paghinanap ko ang hari ay sigurado akong hindi na ko makakabalik sa simpleng pamumuhay na ito at muling babalik sa mahirap na paglalakbay na ginagawa namin ngayon. Babalik ako sa pagiging Thysia ko at magiging alay ulit sa hari. Hindi ko na muli makakasama ang mga magulang ko o makikita sila sa araw-araw, ngunit ang lahat ng ito ay hindi naman totoo, wala sa lahat ng bagay na ito ang totoo. Kaya kahit masakit na iwan ang mga mgulang ko at ang panagrap kong simpleng buhay na ito ay gagawin ko dahil alam kong ito ang tama, alam kong kahit mahirap ang haharapin ko sa totoong buhay ay mas pipiliin ko iyon dahil iyong ang katotohanan kesa sa magandang panaginip na ito na hindi ko alam kung kailan tatagal. "Pasensya na po, aalis na po ako at hahanapin ang hari ko," bulong ko sa sarili ko at naglakad na palayo sa mga magulang ko. "Dahlia! Anak wag mo kaming iwan! saan ka pupunta?" Rinig kong iyak ng aking ina at habol sa'kin pero ni isang lingon ay hindi ko ginawa dahil alam kong pag nakita ko ang mukha at luha ng aking magulang ay baka tuluyan na kong mahulog sa magandang panaginip na 'to at hindi na makabalik sa totoong magulang ko na iniintay ako. Kaya mabilis akong tumakbo papunta sa kaharian ng haring Troian at agad siyang hinanap ngunit katulad ng realidad ay ganun din kahirap makapasok sa loob ng kahiran niya miske sa panaginip ko. Siguro dahil noon pa lamang ay alam ko nang mahirap talaga makalapit sa hari kaya miske sa sarili kong panaginip ay hirap akong makita siya, "Anong ginagawa mo sa harap ng palasyo mortal?" Tanong ng isang bantay na Loki sa'kin at mabilis na iniharang ang espada niya sa dadaanan ko, pero hindi ako nagpatinag at tinapangan ang sarili ko. "Kailangan kong makita ang haring Troian," mariin kong sabi at nagkatingan lang sila ng kasama niyang bantay sa tarangkahan ng kaharian. "Ano? nahihibang ka na ba? wala pang mortal ang nakakakita sa hari at tingin mo ay na iiba ka?" tanong niya at napahawak na lang ako sa sintido ko habang hinihilot ang noo ko. Pano nga ba ako makakapasok sa kahariin kung hindi ako ang Thysia sa loob ng panaginip ko? Ni hindi ko rin alam pano ako makakalabas sa loob ng mismong isip ko? Hindi ba't dapat ako ang masusunod dito dahil ako ang may ari ng panaginip na 'to? Isip Dahlia, mag-isip ka at gamitin mo ang maliit mong kokote sa sitwasyon na 'to. Huminga ako nang malalim at tumingin ng daretsyo sa mga kawal ng kaharian "Ako ang Thysia," malumanay kong sabi at kumunot na ang mga noo nila sa pagtataka. "Ipakita mo ang tanda ng pagiging Thysia mo kung ikaw ng ang Thysia," mabilis na sagot ng kawal na nagpatigil sa'kin ngunit agad din akong nakahanap ng sagot at umiling sa kaniya. "Tanging hari lamang ang pwedeng makakita ng balat at marka ng Thysia, nais niyo bang kunin ng hari ang inyong mga mata?" seryoso kong tanong na nagpatigil sa kanila. "Anong gagawin na'tin?" rinig kong tanong nung isa sa kasama niya at para bang naghahanapan sila ng sagot sa kung ano ang gagawin nila sa'kin. "Kung hindi kayo nagtitiwala o naniniwala sa mga sinasabi ko ay mabuting pababain niyo na lang ang heneral Cerberus at siya na ang kakausapin ko," sabi ko sa kanila at tumango silang dalawa sa isa't isa, umalis 'yung isang kawal sa harap namin samantalang ang isa naman ay patuloy akong binabantayan. Mahigpit kong hawak ang bawat kamay ko dahil sa kaba, iniisip ko kung makakatulong nga ba kung makikita ko ang heneral o ang hari sa sitwayson ko ngayon, pano kung isa rin sila sa mga tauhan sa panaginip ko at hindi rin nila alam ang tunay na nangyayari? Pano kung wala sa pagkikita namin ang sagot? Pano nga ba nagigising ang isang tao mula sa bangungot? "Narito na ang heneral," pag aanunsyo ng kawal at napasilip na lang ako sa pagdating ng heneral habang suot ang kaniyang uniporme at ang makapal niyang balabal na kulay puti. Napalunok ako sa kaba dahil ibang iba ang itsura at ekspresyon ng kaniyang mukha sa taong hindi niya kilala, para bang ilang sandali lang ay itatarak niya na sa puso ko ang mahabang espada na nakatago sa makapal niyang balabal. "Anong ginagawa mo dito sa palasyo sa dis-oras ng gabi mortal?" malamig niyang sabi sa'kin at tama nga ang hula ko, hindi ako kilala ng heneral sa loob ng panaginip na 'to. Napalunok ako at kabadong napaurong sa kinatatayuan ko habang papalapit siya nang papalapit sa'kin dala-dala ang malamig at matalas niyang mga tingin. "Nagpakilala po siya bilang Thysia," bulong ng isang kawal at muling binaling ng heneral ang mga mata niya sa'kin. "Totoo ba ang sinabi ng kawal na 'to?" tanong niya sa'kin at napatango na lang ako sa kaba at takot sa heneral, hindi ko akalain na ganito pala nakakatakot ang ang heneral sa panaginip ko. "Kung ganoong samahan niyo siya sa isang silid sa loob ng palasyo at intayin niyo kami ng hari doon, wag niyo iaalis ang mga mata niyo sa kaniya," sabi ng heneral at lumapit sa'kin sabay bulong ng— "Amoy mortal ka lang at alam kong hindi ikaw ang Thysia," mga katagang nagpatigil sa paghinga ko, sa tanang buhay ko hindi ko maiisip na sana ay Thysia na lang ako sa mga oras na 'to. 'Yung bagay na pinaka-inaayawan ko ay ngayon ay ang bagay na hinihiling ko sa mga oras na 'to. ❦❦❦ Inikot ko ang paningin ko sa loob ng magarbong silid na ito, panay kulay pula at ginto ang makikita mo na desenyo sa loob ng kwarto, mahahaling pigurin at iba't ibang palamuti, mga bagay na noon pa lang ay inaasahan ko nang makikita ko sa loob ng palasyo. Ngunit ang hindi ko maisip ay gaano pa ba katagal ang panaginip na 'to? at kung gaanong katagal naman ako sisiputin ng haring bansot na iyon. Tumayo ako sa kina-uupuan ko na nagbigay ng alerto sa mga kawal na nagbabantay sa'kin, umikot lang ako sa kinatatayuan ko at ini-isip kung pano ba ako makakalabas sa panaginip na 'to. Kailangan ba na may kusang gigising sa'kin? eh pano kung pare-pareho kaming nakatulog sa makapal na hamog na iyon? Pano kung ako pa lang pala ang may alam na isang ilusyon at panaginip lang ang lahat na dulot ng hamog na iyon? "Pano ba ko magigising sa sarili kong panaginip?" bulalas ko at bigla na lang may nagsalita mula sa labas nang malaking bintana sa terrace ng kwartong ito. "Edi mahulog ka sa bangin o hindi kaya dapat magulat ka," napalingon ako sa kaniya pati ang mga kawal at niluwa nito si Keegan na my hawak-hawak na mansanas. "Keegan?" gulat kong tanong sa kaniya na siyang kinagulat niya rin. "Alam mo ang pangalan ko?" tanong niya at napahawak ako sa bibig ko. "Anong ginagawa niyo rito sir Hartford?" Tanong ng isang kawal sa kaniya at inilibot niya lang ang paningin niya sa silid. "Na amoy ko kasi ang heneral dito, akala ko ay makikita ko siya ngunit mukhang amoy niya lang pala ang na aamoy ko at ang isang amoy ng mortal," muli siyang bumalik ng tingin sa'kin at napatakip na lang ako ng mukha. Hindi ko alam kung kilala niya ba ko o hindi pero mukhang hindi dahil sa pagtawag niya sa'kin ng mortal. Lumapit siya sa'kin at tinignan maige ang mukha ko kahit na iniiwas ko na sa kaniya ito saka muling nagtanong. "Bakit kailangna mong magising sa panaginip?" tanong niya sa'kin at muling bumalik sa isip ko 'yung mga sinabi niya kanina. Napahawak ako sa bibig ko at na pagtanto na tama siya, kadalasan kasi ay nagigising ako sa isang panaginip tuwing natatapilok ako o 'yung pakiramdam na para akong mahuhulog. "Salamat Keegan hulog ka talaga ng langit," sabi ko sa kaniya at mabilis na tumakbo sa beranda ng silid at akmang tatalon ngunit nang makita ko ang taas ng huhulugan ko ay nalula at napalunok ako sa takot. "Teka-teka anong gagawin mo? nahihibang ka na ba?" tanong niya at dahan-dahan na lumapit sa'kin, nataranta naman ang mga kawal dahil sa akmang pagtalon ko at mukhang tatawagin na nila ang hari o hindi naman kaya ang heneral. "Kailangan kong tumalon para magising sa panaginip na 'to," sagot ko sa kaniya at umiling lang siya sa harap ko. "Nahihibang ka na ba? gising na gising ka!" sigaw niya sa'kin at napatawa na lang ako sabay iling ng ulo ko sa kaniya. "Kung gising ako dapat hindi ka ganyan makatingin sa'kin, ang kilala kong Keegan ay pilyo sa harap ko at madalas akong sagutin ng sarkastiko," sagot ko sa kaniya na nagpatameme sa kaniya. Tinaas ko bahagya ang paldang suot ko at umakyat sa harang ng berandang nasa harap ko, lumunok ako at maimpit na pinikit ang mga mata ko. Kung pagtapos ng pagtalon kong ito ay nasa loob pa rin ako ng panaginip ko ay pilay na ko ay hindi ko na alam kung anng gagawin ko. "Bahala na, kaya mo 'to Dahlia!" sabi ko sa sarili ko at marahan na inalis ang mga paa ko sa pagkaka-apak ko sa harang ng beranda at na rinig ko na lang si Keegan at ang mga kawal na nagulat sa ginawa kong pagtalon. Nakaramdam ako ng para bang nahuhulog ako sa ere at pakiramdam ko ay totoo ang lahat ng ito, napamulat ako saglit at nakita ang hari sa harap ko, may mahaba siyang buhok at napaitim na pakpak. Nakangiti lang siya sa'kin habang pinapanood ang pagbagsak ko at bigla na lang malakas na tumama ang katawan ko sa lupa. TO BE CONTINUED 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD