CHAPTER 3

1431 Words
DAHLIA's POV   ❦❦❦ Lumingon ako sa paligid at naramdaman ang takot sa buong palasyo. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang senaryo na iniwan sa'kin ni Heneral Cerberus at bakit tinawag niya ako sa pangalan ko. Umiling ako at huminga nang malalim, ngayon araw ay kailangan ko nang masanay sa lahat ng mga bagay na makikita ko dito sa loob ng palasyo. Lumunok ako at inayos ang itsura ko, lalo akong kinabahan nang makita ko ang seredula ng pinto sa harap ko. Pagpinihit ko ito ay makikita ko na ang Hari na asawa ko. Teka, asawa ko na ba siya talaga? Hindi naman kami kinasal ah. Umiling ako at kinalma ang sarili ko, huminga ulit ako nang malalim at binanat ang mga buto ko sa kamay. Dahan-dahan akong kumatok. "Mahal na Hari? Ako po ito ang Thysia," tawag ko sa kabilang bahagi ng pinto pero walang sumasagot. Kumunot ang noo ko at kumatok ulit ng apat na beses sa pinto nang bigla itong bumukas. Sumilip ako at wala akong maaninag na kahit ano sa dilim, tanging bintana lang at liwanag ng buwan ang makikita mo sa loob ng kwarto. "Mahal na Hari?" Tanong ko at dahan-dahan na pumasok sa loob ng kwarto. Pagtapak ko sa loob ay biglang sumara ang pinto na kinagulat ko. "Ay anak ka ng tatay mo!" Hiyaw ko at napahawak ako sa bibig ko. "Malamang anak ako ng tatay ko," napalingon ako sa tinig n'yang iyon at namangha sa nakita kong malaking itim na pakpak. Mga balahibong lumilipad sa ere at ang pagtama ng liwanag ng buwan sa katawan niya. "Mahal na hari?" Hindi ko maaninag ang mukha niya, nakaupo siya sa isang upuan at natatakpan ng malalaking pakpak niya. Pero kitang kita mo sa anino ang mahaba niyang sungay at ang matatalas n'yang kuko. "Ako nga mahal kong Thysia," sagot niya at hindi ko man makita ang istura niya ay nakaramdam naman ako ng takot nang bumukas ang mga mata niya na kulay pula. Pulang pula na halos iyon na lang ang makikita mo sa madilim na kwartong ito. Napaurong ako at hinawakan ang seredula ng pinto, agad ko 'tong pinihit at mabilis na tumakbo palabas. Nakita ako ng mga gwardya at mabilis akong sinundan ng mga ito habang tumatakbo palayo sa kwartong iyon. Hindi ko alam bakit otomatiko akong lumabas sa loob ng silid na iyon noong nakita ko ang mga pula niyang mata na nakabaon ng tingin sa'kin. Diyos ko ano bang na pasok ko? Bakit parang lalamunin ako ng haring iyon. Hindi ako makahinga sa takot at kaba, isama mo pa ang pagkahingal ko sa pagtakbo nang mabilis para lang makalayo sa Haring Troian. Nagtago ako sa sulok at pinigil ang paghinga ko dahil alam kong sinusundan ako ng mga kawal sa palasyo, ngunit hindi ko maiwasang mapasinghap sa napakabahong lugar na pinagtataguan ko. Lumingon-lingon ako sa paligid ng kwartong ito ngunit tanging kadiliman lang ang na hanap ko kaya sinimulan kong kapain ang sahig at may na kapa akong baga mula dito, isa itong mahaba at matigas na bagay. Pwede ko 'tong ipanghampas sa mga guwardiyang iyon kung mahuli nila ako, dahil ayoko nang ikasal sa halimaw na iyon, ramdam na ramdam ko kasi sa katawan ko ang takot at kaba mula sa mga tingin niya. Alam kong mga Loki sila at nakakatakot talaga ang mga istura nila pero unang beses ko pa lang makakita at makasagupa ng ganoon kalakas na takot sa buong katawan ko. Parang ilang minuto lang na itagal ko sa loob ng kwarto na iyon ay mamatay na ko, para niya kong hinahalukay sa titig niyang iyon. Napalunok ako at mahigpit na hinawakan ang bagay na nakapa ko. Pasensya na itay at inay mukhang hindi ko kayo mabibigyan ng kinabukasn na maunlad. Pumikit ako at maiyak-iyak sa mga nangyayari sa'kin, pagdilat ko ay may gwardyang papalapit sa kinauupuan ko. Dahan-dahan akong umurong at may na sagi akong bagay na gumulong papunta sa pintuan kung saan may liwanag. Pagtingin ko doon ay isa itong bungo ng tao! Napahawak ako sa bibig ko at pilit na pinipigilan ang sarili ko sa pagsigaw, hinawakan ko nang mahigpit ang bagay na magiging sandata ko at nang mapatingin ako sa hawak ko ay agad akong napatayo at naibato ito. Buto ito ng tao! "Nandito siya sa tapunan!" Sigaw ng kawal at agad akong tumakbo papalayo sa kanila. "Hoy! Thysia!" Napalingon ako at nakita ko ang isang lalaking may itim na pakpak at mahabang itim na buhok. Napakalaki rin ng sungay niyang paikot na parang toro sa laki. Ngumisi siya sa'kin at mabilis akong hinabol habang lumilipad sa ere. "Mahabangin! ayoko pang mamatay!" Sigaw ko at binigay lahat ng lakas ko sa pagtakbo. "Wag mo nang pagurin ang sarili mo dahil mamatay ka rin naman!" Sigaw niya at na habol niya na ako sa paglipad niya pero hindi niya ako hinuhuli. Para niya kong pinaglalaruan sa mga palad niya at iniintay mapagod para tapusin niya. "Dahlia tama? Hayaan mo tatandaan ko ang pangalan mo pagtapos kong makain ang laman mo," ngumiti siya nang nakakaloko at lumabas ang mga pangil niya sa bibig. Mga ngiting lalong nagbigay sa'kin ng takot at kaba. "Parang awa n'yo na!" hindi ko na alam anong sasabihin dahil gulong gulo na ako sa mga sinasabi niya at sa nangyayari sa'kin ngayon. Ang alam ko lang ay pagtumigil ako sa pagtakbo ay katapusan na ng buhay ko. "Alam mo mapapagod ka lang, ayoko naman na masyado kang mahihirapan bago kita paslangin," sabi niya sa'kin at napalingon ako sa kaniya. Kakainin niya ako? Kaya ba ako magiging alay para maging pagkain ng demonyo? Saka lang bumalik sa isip ko 'yung mga narinig ko sa pasilyo kanina, ang pag-uusap nila tungkol sa amoy ko. Kaya pala lahat ng Thysia ay hindi na nakikita at nakakalabas pa, dahil pala sa nagiging alay sila para kainin ng halimaw na Hari nila. Lalo akong na paiyak at dahil sa luha ko ay hindi ko makita ang daan, dahilan ng pagkakadapa ko. Sumubsob ang braso ko at nagdugo ito, tumigil siya sa paglipad at nilapitan ako. Agad akong tumayo at tinago ang braso ko. "Tama nga ang sinasabi nila, napakabango ng dugo ng mga mortal. Pero mas mabango ang dugo ng isang Thysia," sabi niya sabay ngisi sa harap ko at akmang hahawakan ako nang bigla akong umilag. Sumimangot siya at mabilis na hinawakan ang braso ko na puno ng sugat at dugo. "Akala ko makakain kita ng walang galos, hindi ba marumi na ang parte na ito, tsk puputulin ko na lang ito at ibibigay kay Anubis," sabi niya nang kalmado at may tamad na tamad na tono. Nahalos parang araw-raw na siyang kumakain ng tao kung pano siya magsalita ng ganito sa harap ko. "Bitawan mo ko!" Hinihila ko ang braso ko pero katulad ng sabi nila, siya ang pinakamalakas na demonyo. Nakatingin lang siya sa'kin at akmang kakagatin ako nang mabilis ko siyang sinampal na kinagulat niya. Hinawakan niya ang pisnge niya at tumitig ng gulat na gulat sa'kin, ngunit na wala rin agad ito at biglang nagbago ang kulay ng mga mata niya. Mula sa asul ay bumalik ito sa pagiging pula. Hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon at mabilis na tumakbo. Hindi ko alam saan ako dadalhin ng mga paa ko basta sinusundan ko lang ang liwanag pataas ng hagdan. Pagbukas ko ng pinto ay pasikat na ang araw, kitang kita ko ang mabagal na pagsikat nito at ang kakaunting liwanag na binibigay nito, akala ko ligtas na ako matapos kong makita ang magandang senaryo na ito ngumit bigla na lang may mahigpit na humawak sa kamay ko. "Huli ka Dahlia!" At nakita ko ang hari na unti unting nagbabago. Mula sa halimaw na nakita ko kanina papaunta sa maamong mukha ng isang bata. Nagulat ako sa pagbabago niya ng anyo, lumiit siya at umikli ang mahaba niyang buhok, maging ang mga sungay niya ay na wala mula rito, umamo ang mukha niya at umurong din ang mga pangil niya sa bibig. Napahawak ako sa bibig ko dahil sa gulat. "Haring Troian?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang batang itsura niya na nakahawak nang mahigpit sa mga kamay ko. Pawang nagtataka siya sa inakto ko at nang tignan niya ang itsura niya, doon niya na pagtanto na nagpalit na siya ng anyo. Mula sa pinakamakapangyarihan na haring kilala ng lahat, papunta sa isang bata na parang walang muwang at alam sa mundong ito. "Haring Troain? Ikaw ba talaga 'yan?" Tanong ko at mabilis niyang tinakpan ang mukha niya na parang isang asong na umurong ang buntot. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD