DAHLIA'S POV
❦❦❦
"Kinagagalak kitang makita ulit mahal na Reyna Dahlia," lahat kami ay na windang dahil sa ginawa niya.
Hindi lang dahil sa hinawakan niya ko, kundi dahil sa hinalikan niya pa ko!
Idagdag pa kung bakit na sa kaniya ang dilaw na panyo ko? Hindi ba't ginamit ko iyon sa ahas na nadaganan ko sa hardin ng palasyo.
Naputol ang pag-iisip ko nang tabigin ni haring Troian ang kamay ng hari na nasa harap ko.
"Haring Basil ng Ophidian Clan, hindi ba itinuro sayo na bawal hawakan ang Thysia ng kahit sino bukod sa haring Troian?" Nakita ko ang pagbabago ng mukha ni haring Troian, kahit bata ang itsura niya ay sobrang nakakatakot naman ito pag nagseryoso.
'Yung mga mata niya ay nanlilisik sa galit at inis, matapang niya ring tinindigan ang haring Basil kahit na hanggang bewang lang siya nito.
"Teka, sino ka ba? At isa pa ang Reyna ang unang humawak sa'kin," napatulala ako.
Ha? Kailan? Ngayon ko nga lang nakita ang napakagandang lalaking 'to.
Ngumiti siya sa'kin at tinabig ang hari na walang magawa sa sitwasyon niya ngayon.
"Ginamot mo ko, tanda mo ba?" Tinaas niya ang kanang kamay niya kung saan nakatali ang dilaw kong panyo at matamis na ngumiti sa'kin.
Nagsimula na ang mga usap-usapan sa loob ng bulwagan at halos lahat ay hindi alam kung anong nangyayari.
"Pe-pero ang natatandaan ko isa 'yung ahas na kulay pula?" Tumingin sa'kin ng masama ang haring Troian sabay bulong ng—
"Katanga-tanga mo talagang babae ka," na ngiwi ako sa at napakamot ng ulo ko.
"Bakit? Hindi ko naman alam na 'yung sinasabi nilang haring Basil eh isang maliit na ahas." sumama ang tingin niya sa'kin at tumingin sa hari.
"Mabuti pang mamaya na po nating ito pag-usapan, hayaan n'yo munang magsaya ang bawat sarili na'tin sa kasiyahan. Isang oras na lang ay darating na ang pinakamalakas at pinakagwapong si haring Troian," tumaas ang isang kilay ko sa batang 'to.
Aba, sariling proklamasyon ang isang 'to.
"Ganoon ba maliit na ginuo? Osige kung iyan ang nais mo, ngunit nais ko lang linawin ang lahat," malakas na sabi ng haring Basil.
"Ang Thysia ay walang kasalanan sa nangyari, hindi niya alam na nag-anyong ahas ako para masilayan siya saglit, kaya sana wag niyo siyang huhusgahan," sabi niya na nagbigay linaw sa mga bisita sa loob ng bulwagan.
Sari-sari na kasi ang usapan na tungkol sa'kin dahil sa nahawakan ako ng dalawang hari, mahigpit na pinagbabawal ang bagay na iyon lalo na kung ang isang hari ay pinili na pakasalanan ang Thysia.
Ngunit walang nakakaalam sa kanila na hindi talaga kami kasal ng haring Troian at lahat ng ito ay palabas lang.
Pano kaya kung kainin niya na ko balang araw? May magtataka kaya kung bakit wala na ko sa kaharian?
Itong Reyna nila na pinapalakpakan nila dahil sa yaman at kapangyarihan.
Mapatao o halimaw ay talagang nasisilaw sa kayamanan.
"Ayos ka lang ba mahal na Reyna?" Tanong ng haring Basil at tumango ako.
"Opo, maraming salamat po sa paglilinis ng pangalan ko," yumuko ako at binigay ang paggalang ko sa kaniya.
Napakamot siya ng mukha sa hiya at nakita kong na mula ang mga pisngi niya.
"Walang ano man, lahat ay para sayo mahal na Reyna," ngumiti ako at ganoon din siya sa'kin.
Ba't parang ang gwapo ng haring ito at mas mabait kesa sa bansot na katabi ko na kanina pa inaapakan ang paa ko.
Tumingin ako sa kaniya ng masama at siya naman ay pangisi-ngisi lang sa'kin, habang pinatapakan ang paa ko sa loob ng mahabang bistida ko.
"Mauna na kami haring Basil," tugon niya sa hari at yumuko na rin ako at sumunod sa haring bansot.
Pagpasok namin sa kwarto para magpahinga ay agad niya na kong binungangaan.
"Para saan 'yun Dahlia? Ikaw na Thysia ka ang dami mong sakit sa ulo na binibigay sa'kin!" Umupo ako sa kama ay inalis ang sandals na suot ko.
"Hindi ko naman alam mahal na hari, katulad ng sinabi ko isa siyang ahas na maliit nung nakita ko siya. Maliit oh, parang ganito," sinukat ko ito sa braso ko at inirapan niya lang ako sabay hubad ng damit niya.
Agad kong inalis ang tingin ko sa kaniya na nagpapalit na ng kasuotan.
Pwede ba, kung maghuhubad ka sabihan mo man lang ako, nakikita ko kaya 'yang katawan mo.
"Bakit kasi hindi ka nag-iingat at saka wala ka bang takot sa mga ahas?" Tanong niya.
Tumakikod ako at humalukipkip sa inis.
"Katulad ng sabi ko hindi ko nga po alam, at saka na daganan ko siya kaya akala ko ay na patay ko na iyong ahas," isa pa hindi talaga ako takot sa mga ganoong kaliit na ahas dahil kadalasan ay inuulam pa namin ang mga ganoong kalaki noon.
"Na daganan mo pa siya?" Tumango ako at bigla niya kong hinawakan sa mukha.
Na bigla ako sa mabilis niyang paglipad sa harap ko, bukas ang polo niya sa pangatlong botones at halatang hindi na tapos ang pagbibihis niya.
Namula ako dahil kitang kita ko ang katawan niya ngayon.
"Ikaw nga Dahlia mag-ingat ka sa ginagawa mo, dahil hindi lahat ng makakasalamuha mo ay ituturing kang Reyna, isipin mo na lang bakit siya nag-anyong ahas at pumuslit sa loob ng kaharian sa mga panahon na malayo pa ang selebrasyon? Pano kung kinagat ka niya? Pag ang isang halimaw, loki man o ophidian, kahit anong lahi pa 'yan. Magkakandarapa sila sa laman at dugo mo. Para kang droga sa panlasa nilang lahat. Kaya mag-iingat ka, hindi buong oras nasa tabi mo ko o ang Heneral." Seryoso niyang sabi sa'kin habang hindi inaalis ang mga tingin niya sa'kin.
Asul ang mga mata niya na may halong pula sa gitna, ngayon ko lang nakita ng ganito kalapit ang mga mata niya.
Mga matang seryoso sa pagbabanta sa'kin.
Tumango ako at hinawakan ang dalawa niyang kamay.
"Pasensya na po mahal na hari, hindi na mauulit. Sa sususnod ay pupunta na ko lagi sa tabi n'yo at hindi na aalis pa." Tumaas ang dalawa niyang kilay at na tawa.
"Hoy, baka isipin mong nag-aalala ako sa iyo ah, iniisip ko lang ang buong kaharian. Pag ibang hari pa ang nakakain sa laman mo, malamang mag-aaklas sila sa kaharian natin kaya iniingatan din kita dahil gusto ko pang pamunuan ang buong nasyon na ito." Tumango ako.
Hindi ko rin naman iniisip na mahalaga ang buhay ko sa bawat isa sa kanila, alam ko namang isa akong bagay na kailangan nila para mapalakas pa ang kaharian ng mga Loki.
Kailangan ko ring isipin na pagkain ang turing nilang lahat sa'kin, hindi tao, hindi loki kundi Thysia, ang alay sa demon king.
❦❦❦
Sumapit na ang dilim at mabilis na nakapagpalit anyo ang hari mula sa pagiging bata papunta sa pagiging ganap na Loki.
Suot niya ngayon ang isang pulang pormal na damit panglalaki at pantalong itim, may mahaba rin siyang kapa sa na kulay pula at puti.
Suot niya ang kaniyang korona habang nakalabas dito ang dalawa niyang mahahabang sungay.
Lumakad siya pababa ng hagdan habang kasabay at inaalalayan ako, na ulit ang senaryo kanina ngunit ngayon ay nasa ganap na siyang kaanyuan.
Mas madaming nagpugay sa pagdating niya at halos lahat sila ay malakas na nagsisipalakpakan.
"Mabuhay ang haring Troian!" Sigaw ng bawat bisita at panay lang ang kaway at tugon niya dito.
Nabalik kami sa mga pagbati katulad ng kanina at parang ibang-ibang tao siya ngayon kumpara kanina.
Kanina kasi ay hindi siya nagsasalita at panay lang ang turo sa mga gagawin ko, ngayon makikita mo ang autoridad sa bawat galaw ng hari.
Parang lahat ng mga makakasalubong niya ay luluhod at handang magpugay sa kaniya.
Iba talaga ang lakas at karisma ng hari, sa totoo lang wala pang mortal ang nakakakita sa hari kung hindi puro Loki at iba't ibang angkan lamang.
Bakit hindi siya magpugay at batiin ang kinasasakupan niya? Takot ba siya sa mga mortal?
Lumayo siya at padami nang padami ang mga loki sa paligid niya kaya naman dinistansya ko ang sarili ko.
At hindi ko na mamalayang nasa tapat na pala ako ng hapagkainan, pero syempre alam kong dito ako dadalhin ng mga paa ko dahil kanina ko pa nakikita at na aamoy ang masasarap na pagkaing ito.
Nang silipin ko ang mga nakahain sa malaki't mahabang lamesa ay muntikan na akong masuka.
"Ano 'to? Bakit may mga hilaw na pagkain dito?" Agad na may tumawag sa pangalan ko at nakita ko si Anubis na seryosong nakatingin sa'kin sabay iling.
"Mahal na Reyna hindi ka diyan dapat kumuha ng pagkain," sabi niya at na pansin kong karamihan ng mga bisita na malapit samin ay nakatingin sa'kin at nagbubulungan.
"Nandidiri ba siya sa paraan ng paghahain ng pagkain sa'ting mga halimaw?" Dinig kong bangit ng isa kaya agad akong sumunod kay Anubis at umalis sa lugar na iyon.
"Hindi ko sinasadya, gusto ko lang kumuha ng makakain pero hindi ko naman alam na may mga hilaw at buhay na hayop doon," iniisip ko pa lang ay na susuka na ko.
"Mukhang na bastusan ang ibang bisita sa pagtingin mo sa mga pagkain nila," sabi niya sabay abot sa'kin ng maiinum at pinaupo ako malapit sa beranda ng bulwagan.
"Di ko sinasadya Anubis," tumango siya sa'kin at ngumiti.
"Hayaan mo na mahal na Reyna, dito ka lang at ipahahatid ko ang mga pagkain ng mortal para sayo." Tumango ako at umalis siya sa tabi ko.
Tinanaw ko ang hari na aligaga sa pag-iintindi niya ng mga bisita, inikot ko naman ang tingin ko sa lugar at na kita ang haring Basil na papalapit sa kinauupuan ko.
Ano na naman kaya ang nais ng isang 'to?
"Maaari ba kong tumabi sayo mahal na Reyna?" Hindi ko alam ang isasagot ko, tama bang umoo ako o humindi sa kaniya?
"Ah, sige po mahal na hari," inilahad ko na lang ang bangko na malapit sa'kin para upuan niya at ngumiti siya at masayang umupo sa tabi ko.
"Masaya ka naman ba sa pagtitipong ito?" Tanong niya at tumango ako bilang tugon habang iniinum pa rin ang tubig ko.
Nagugutom na kasi ako.
"Ganoon ba? Ngunit bakit hindi ko yata nakitang kumakain ka ngayon? Samantalang ng makita kita sa hardin ay daig mo pa ang mga asong lobo sa pagkain ng inihanda sayo." Tumawa siya na kinamula ko.
Nakita niya pala ang pagkain ko habang nasa hardin ako, hindi pa pala siya umaalis noon?
"Pasensiya ka na kung hindi ako nakapagpakilala ng maayos at baka isipin mo pang nag-iispiya ako sa kaharian niyo dahil sa pagpuslit ko," umiling ako.
"Hindi ko iisipin iyon mahal na hari, malaking kaguluhan iyon kung sakali at isa pa alam kong matibay ang samahan ng dalawang kaharian noong unang siglo pa." Tumango siya at lumapit samin ang mga katulong na may dalang mga pagkain na nagpagutom sa'kin.
Akala ko makakain ko na ito ng walang nakatingin, lamon na sana ang gagawin ko.
"Sige lang mahal na Reyna, wag mo pigilan ang sarili mo kung nagugutom ka, gusto mo bang umalis na ako para makakain ka?" Tanong niya at hindi ko alam ang isasagot ko.
Pipiliin ko bang kumain ng madami o hahayaan ko siyang dumaldal dito?
"Maaari mo na siyang iwan sa pagkain niya haring Basil," sabay kaming napalingon sa haring Troian na may hawak-hawak na alak sa kaniyang kamay.
"Ganoon ba? Pero nais ko pa sana pasalamatan ang Reyna." Pasalamatan? Sana kanina mo pa sinabi.
"Alam niya na na nagpapasalamat ka sa kabutihang ginawa ng ASAWA ko kaya pwede ka nang umalis haring Basil," ngumiti siya at tinignan lang ang hari.
"Asawa mo?" Tanong din sa kaniya ng haring Basil na nagpakaba sa'kin at tingin ko pati sa haring Troian.
"Kinikwesyon mo ba ang kasal naming dalawa ng Thysia?" Umiling si haring Basil at ngumiti ngunit hindi pa rin ito tumatayo sa kinauupuan niya.
"Hindi naman ngunit wala kasing nakapagsasabi na talagang nakitang kinasal na kayong dalawa, at isa pa," tumigil siya saglit at tumitig ng matagal sa'kin.
"Amoy na amoy ko pa sa dugo niya ang pagkabirhen niya." Napalunok ako sa mga sinabi niya.
Muntikan ko ng maibuga ang iniinum ko dahil sa mga katagang iyon.
Na aamoy niya ba ko? Diyos ko po.
"Masyadong bata pa ang Thysia para sa bagay na iyon at isa pa hindi pa kami handa magkaroon ng Prinsepe o prinsesa sa kaharian." Sagot ng haring Troian at seryosong tinitigan ng haring Basil.
Umupo rin siya sa katabi kong bangko at sumalumbaba sa harap naming dalawa.
"Masyadong masarap ang amoy ng asawa ko, ayoko pang magbago ang amoy na iyon kaya gusto ko muna siyang lalong mahubog, alam mo 'yon haring Basil, mas masarap ang prutas paghinog na hinog ang mga ito." Tumayo ang haring Basil at yumuko bahagya sa harap namin.
"Ipagpaumanhin n'yo mahal na hari at Reyna." At umalis na siya sa harap namin at biglang na payukom ang kamao ng haring Troian sa galit.
Kitang kita sa mga mata niya ang inis at pagkapikon sa haring Basil.
"Bakit ba kasi kailangang maging masyado kang mabango?"
TO BE CONTINUED