DAHLIA'S POV
❦❦❦
Na tapos ang kapistahan at kasiyahan sa loob ng kaharian, sumapit na ang madaling araw at lahat ng tao ay nagpahinga na sa kani-kanilang tahanan.
Humiga ako sa kama ko pagtapos nila akong bihisan ng damit pang tulog, hindi pa rin ako sanay sa paglilingkod na ginagawa nila sa'kin.
At kanina lang ay pinalitan ng mortal ang mga katulong ko at nagbibihis sa'kin, pati ang mga katulong na nagluluto ng pagkain ko ay puro mortal na rin.
Simula kasi nang sabihin ng haring Basil na amoy na amoy niya ako ay natakot ang haring Troian na baka maakit ang sino mang Loki sa amoy ng Thysia.
Sa totoo lang hindi ko alam kung anong klaseng amoy ang nalalanghap nila sa'kin, amoy mabango ba na amoy bulaklak o amoy na nakakagutom, parang pagkain?
Kinakabahan ako. Kinakabahan ako na baka mahalina sila sa amoy ko at kainin nila ang laman ko. Kaya halos lahat ng nakapaligid sa'kin ay mga mortal, mortal na mapagkakatiwalaan ng kaharian dahil wala pang nakakakita sa totoong itsura ng haring tinitingala nilang lahat.
"Kailangan ko ng makahanap ng solusyon sa sarili ko," rinig kong sabi ng haring Troian na papalapit sa kwarto ko.
Pagganap siyang Loki ang laki ng boses niya at lalaking lalaki, pero pag-umaga naman ay para siyang na ipit sa liit at tinis ng boses niya.
Napabangon ako nang wala niyang pasintabing binuksan ang pintuan ko.
"Ano pong kailangan niyo mahal na hari?" Tanong ko at salampak ulit sa higaan ko kaya tinignan niya lang ako ng masama.
"Cerberus tignan mo nga maigi iyang babae na iyan, mukha bang kaakit-akit 'yan?" Ako naman ang bumusangot sa harap niya.
Itong bansot na 'to.
"Opo siya na ang pinaka magandang Thysia na nakita ko." Sa totoo lang gaano katanda na kaya 'tong si Heneral Cerberus.
"Totoo ba? Wala ka na bang ibang nakitang babae na mas maganda sa itsura niyang hukluban na iyan?" dagdag niya pa at umiling ang Heneral.
"Ang binibining Dahlia lang ang pinakamaganda na babae ang nakita ko sa buong buhay ko." Ano ba Heneral Cerberus mababato kita ng unan! Kasi eh!
"Inuuto mo lang ang Thysia! Gusto mo ata makakain ng daliri niya!" Umiling ang Heneral sabay tawa sa kaniyang hari.
"Nagkakamali kayo diyan mahal na haring Troian, tiyak na siya na nga ang pinaka magandang babae sa kaharian." Hindi ko alam, tingin ko mamumula na ko sa hiya sa harap-harapan nilang pag-uusap tungkol sa'kin.
"Tsk! Hindi ka ba na aakit sa amoy niya?" Tumahimik ang Heneral at nag buntong hininga.
"Hindi matatanggi na nakakaakit talaga ang amoy niya, amoy bulaklak na pinangalan sa kaniya." Napatingin ako at napatayo sa higaan ko.
"Hindi ba amoy pagkain Heneral Cerberus?" Umiling siya at umupo sa gilid ng pinto.
"Para sa'kin ay amoy halimuyak ka ng mabangong bulaklak na Dahlia, hindi matatanggi na kakaakit iyang amoy mo." Umupo rin ang hari sa kama ko at sumalumbaba.
"Wala bang kasulatan sa libro kung pano maalis ang amoy ng babaeng 'to? Sakit kasi sa ulo." Nag isip ang Heneral at sumagot.
"May alam akong taong nakakaalam ng lahat ng bagay sa buong Nasyon. Ngunit ni isa sa mga lahi, Loki man o hindi ay hindi alam kung na saan siya nagtatago." Sinasabi ba nila ay ang Misteryosong Guro ng lahat ng kaalaman?
"Manlalakbay ang lalaking iyon at hindi rin naman siya nag iiwan ng marka sa bawat pupuntahan niya." Nagbuntong hininga siya at nagkamot ng ulo.
"Kung ganoon pano na'tin siya mahahanap?" Tanong ko at sumagot ang Heneral.
"Isang Uwak ang lalaking iyon, maaari tayong pumunta sa tribo niya at saka doon magtanong ng mga bagay tungkol sa kaniya." Kung hindi siya nag iiwan ng marka sa pinupuntahan niya sa loob ng malaking nasyon na ito, para kaming maghahanap ng karayom sa dayami.
"Ang tribo ng mga uwak ba kamo? Hindi ba nasa dulo ng nasyon ang lugar na iyon?" Tanong ng hari at tumugon naman ang Heneral.
"Mukhang mahaba habang hanapan ang mangyayari sa'tin para lang malaman ang mga kasagutan sa utak ko, alam niya rin kaya ang sagot sa kalagayan ko?" Tanong ng hari at tumango ang Heneral.
"Totoo, alam kong alam niya ang sagot sa kalagayan mo dahil hindi naman siya tatawaging Uwak ng kaalaman kung hindi niya alam lahat ng kasagutan." Tinignan ko ang hari na ngayon ay mukhang pursigido na para hanapin ang Misteryosong Guro na sinasabi ng lahat.
"Osige simula bukas aalis tayo para hanapin ang lalaking iyon." Umiling ang Heneral.
"Hindi mo pu-pwedeng iwan ang kaharian at ang Thysia mahal na hari." Ngumisi ng nakakaloko ang hari.
"Sino bang nagsabing iiwan ko ang kaharian at ang Thysia? Isasama ko ang Thysia at ikaw ang mamalakad sa kaharian." Umiling siya.
"Heneral mo ko at hindi mo gobernador mahal na hari, wala akong alam sa pamamalakad ng kaharian at tanging ispada lang ang hinahawakan ko hindi papel at panulat." Sumimangot ang hari.
"Wala rin akong pinagkakatiwalaan sa mga gobernador ko. Kailangan ko ng taong mapagkakatiwalaan habang wala ako." Nag isip silang dalawa at ako naman ay kabado sa gagawing paglalakbay.
"Si Anubis kaya? Kanang kamay mo naman siya bakit hindi mo siya ihalal bilang gobernador mo na hahawak ng trono mo hanggat wala ka." Nag isip nang malalim ang hari at ngumiti.
"Maari nga, kailangan niya pag-aralan ang bawat leksyon tungkol sa pamamalakad ng kaharian, hanggat nasa paglalakbay tayo ay siya muna ang magiging mata natin sa kaharian." Kung ganoon hindi ko makakasama si Anubis sa paglalakabay na ito?
"Kung ganoon kailan natin sisimulan ang paglalakbay?" Nag isip ang hari.
"Pag naihanda ko na lahat ng kailangan natin at maiwan ko ng ayos ito kay Anubis." Tumango ang Heneral at tumayo na sabay yuko sa harap namin.
"Kung ganoon maiwan ko muna kayong dalawa Mahal na hari at Reyna," sabi niya at naglakad na palabas ng pinto.
Tumingin sa'kin ang hari at napayukom ang mga palad ko, hindi ko alam ngunit kabado ako lumabas ng kaharian dahil alam kong mas mapanganib pa ang labas nito dahil hindi lang Loki ang makakasalamuha ko kung hindi iba't ibang uri pa ng mga halimaw na gusto akong kainin.
"Ayos ka lang ba?" Tanong niya at ngumiti na lang ako sa harap niya.
"Kaya mo ba? Wag ka mag-alala kasama mo naman ako at ang Heneral sa paglalakbay na iyon, malay mo may paraan pa pala para maging Loki ako at ikaw isang normal na Reyna." Na patingin ako sa kaniya ng daretsyo at na gulat sa sinabi niya.
"Ayaw mo na ba kong kainin? Maghahanap ba tayo ng sagot para makalaya sa sumpa na parehong meron tayo?" Tanong ko at bigla siyang na mula at yumuko.
"Hoy! Wag mong isipin na gusto kong makalaya ka sa sumpa! Kung sakali lang naman na may paraan pa para mas maging ganap akong Loki ng hindi kita kinakain ay mas ayos, dahil ang panget ng lasa mo! Kaya ayokong kainin ka! Tama ganoon na nga, ang pangit kasi ng lasa mo!" Na pangiti ako at hindi ko alam bakit ko hinawakan ang kamay ng hari at agad siyang lumingon sa'kin.
Ngumiti ako at na iyak sa harap niya.
"Maraming salamat mahal na hari," hindi ko alam pero sa katiting na pag-asang sinabi niya sa'kin ay masaya na ko.
Iyon na lang kasi 'yung pag-asang panghahawakan ko na baka sakaling mabago pa ang takbo ng kapalaran ko.
Na baka ako 'yung unang Thysia na maging ganap na Reyna o kahit unang Thysia man lang na nakalaya sa pagiging alay para sa hari ng mga Loki.
Masaya na kong maisip iyon na baka bumalik sa normal ang buhay ko.
❦❦❦
Ilang araw ang lumipas ng pagpasyahan ng mahal na hari ang planong hanapin ang uwak ng kaalaman, o 'yung tinatawag din na misteryosong guro na naglalakbay kung saan-saan.
Dahil walang makahanap ng sagot sa sumpang meron ang katawan niya ay siya na mismo ang hahanap ng lunas para dito.
Ilang araw ko na rin hindi siya nakikita at hindi man lang ako madalaw sa kwarto ko, hindi naman sa nais ko siyang makita pero parang nakakapanibagong wala siya lagi sa tabi ko.
Hindi ako sanay na walang nanlalait sa'kin o hindi kaya nakakasagutan ko.
Nakakatamad din dahil ilang araw na ko nasa loob ng kwarto ko at hindi makalabas, si Anubis na tangging nakakausap ko ay abala rin sa pag-aaral ng mga maiiwan ng hari.
Pursigido siyang mahanap ang sagot kung bakit tumigil ang paglaki niya at nanatiling bata tuwing umaga.
Sa pagkakaalam ko ay nasa tamang edad na siya ngunit ang katawan niya ay parang siyam na taong gulang lamang.
Pero kahit ganoon ay makikita mo kung gano siya katalino at kapursigido sa trabaho niya, siya ang pinaka batang hari na naitala pagtapos mamatay ng kaniyang ama.
Wala rin akong alam tungkol sa yumaong Reyna, wala ni isang letrato niya ang nakalabas o nakadekorasyon sa ano mang parte ng kaharian.
Parang malaking tanong kung na saan siya at kung sino siya, hindi ko rin masisisi kung ang ugali ng haring Troian ay ganito dahil na rin siguro hindi niya naranasan magkaroon ng ina at ama na gagabay sa kaniya.
Sa tinagal ko sa loob ng palasyo na pansin ko na ibang iba ang ugali niya sa harap ng mga nasasakupan niya kumpara pag nasa harap ko siya o ni Heneral Cerberus.
Nailalabas niya ang gusto niyang sabihin pag kami lang ang kaharap niya pero pag mayroong ibang tao ay babalik ang ugali niya sa seryoso at mahigpit na haring kilala ng lahat.
Ngayong araw din ay maraming nagrereklamo sa pagtatanggal niya sa mga katulong na Loki at pagpapalit niya ng mga mortal dito. Na walan sila ng trabaho na matagal na nilang ginagawa simula pa lang sa unang hari.
Kaya naman malaking pasakit sa kanila ang mawalan ng trabaho at hindi makapaglingkod sa kaharian na kung saan ay binigay na nila ang buong buhay nila sa paglilingkod.
Nagbuntong hininga ako at bumangon sa kama ko saka nag unat-unat ng katawan ko, sinilip ko ang malaking hardin mula sa bintana ko at nakita kung gano kaganda ang araw ngayon.
"Gusto kong lumabas ng palasyo," banggit ko nang may makita akong bata sa labas na masama ang tingin sa'kin.
Nagtaka naman ako at may tinaas siyang pulang bag. Pinakita niya ito sa'kin at para bang sinasabin habulin ko siya.
Tumaas ang kilay ko dahil gusto ko talaga siya hablutin, pero hindi ako makalabas sa loob ng kwartong ito.
Isa pa ano naman pake ko sa bag na iyon?
Aalis na sana ako sa tapat ng bintana ko nang ipakita niya ang nasa loob ng pulang bag at halos malaglag ang panga ko.
"Mga mamahaling kwintas ba iyon? Mag nanakaw ba siya?" Kung ninakaw niya ang mga alahas na iyon sa palasyo ay tiyak na limpak-limpak ang halaga ng mga iyon.
Hindi lang iyon dahil pag na huli siya ng mga guardiya ay tiyak na paparusahan siya ng pagkakakulong o di naman kaya kamatayan.
Nakakaawa sa edad niyang iyon kung mahuhuli siya ng mga loki na nagpapaikot-ikot sa hardin. Kailangan ko silang maunahan bago siya mahuli ng mga guardiya sa hardin.
Kaya naman agad kong binubad ang sandals ko at kinuha lahat ng kumot na meron ako sa kwarto. Tinali ko itong maige at binuhol sa kama ko. Ibinaba ko ito at dahan-dahan na kumapit dito saka bumaba ng palasyo.
Buti na lang at inilipat nila ako sa pangalawang palapag upang mabilis na mabantayan at ngayon ay mabilis din akong makakatakas.
Ayokong gawin ito pero kailangan kong mahuli ang batang iyon bago ang lahat.
Nakakatakot kung mahuli siya ng guardiya ng palasyo at hatulan ng parusa.
"Hoy, bata! Pano mo nakuha 'yan?" Sabay turo ko sa hawak niyang bag na pula, lumapit ako sa kaniya at nakita kong na nginginig ang mga kamay niya.
"Bakit ko naman sayo sasabihin! Isa pa kasalanan mo ang lahat! Sana kainin kana ng hari!" Sigaw niya at kumunot ang noo ko sabay takbo niya papalayo sa'kin.
Nawala siya sa paningin ko dahil ang hardin na ito ay dinisenyo na pa-maze, kaya naman lalong sumakit ang ulo ko.
"Pano ko na siya hahanapin ngayon!" Napakamot ako at pumasok sa loob ng maze kung saan may matataas na dingding na puno ng rosas.
Nakapaa ko siyang hinanap sa loob at rinig ko ang pagtakbo niya sa paligid ko.
"Bata! Alam ko ba kung mahuhuli ka ng mga guardiya ng palasyo ay pwede kang makulong? Pwede ka rin nila hatulan ng kamatayan pag ginalit mo ang hari!" Sigaw ko at narinig ko ang paghinto niya sa pagtakbo.
Agad akong tumakbo at hinanap siya ngunit hindi ko na pansin ang lubid na nakatago sa damuhan.
Agad akong na patid at sumalampak ang mukha ko sa lupa.
"Putik! Halika nga dito at kukutusan kita!" Sigaw ko sa kaniya at lumapit siya sa harap ko saka binato sa'kin ang pulang bag na puro alahas.
"Dahil sayo na walan ng trabaho ang ina at ate ko! Wala kaming makain at iyak nang iyak ang ina ko tuwing gabi!" Sigaw niya at bigla niya kong tinapakan sa kamay.
"Kung hindi ka dumating sa palasyo at kinain ka kaagad ng hari edi sana maayos ang buong palasyo katulad noon," nakita ko ang pagtulo ng luha niya at sa murang edad niya ramdam ko ang lungkot at desperadong mabuhay sa hirap.
Dahil sa'kin na wala ng kinabubuhay ang maraming katulong sa loob ng palasyo, natanggalan sila ng karapatan maglingkod sa mahal nilang hari, at ngayon nakakaranas sila ng gutom dahil na rin sa maling desisyon ng hari para sa'kin, hindi ko siya masisisi kung balakin niya kong saktan dahil sa galit niya.
Ayoko lang ay 'yung sa murang edad niya ay matututo siyang gumawa ng mali dahil na rin sa nangyari.
Kumuha siya ng malaking bato at umiiyak na tinignan ako ng galit, hindi ako tumayo o gumalaw.
Ngumiti na lang ako at sinabing,
"Patawarin mo sana ako, kung na wala ang kinabubuhay ng pamilya niyo dahil sa'kin. Hayaan mong humingi ako ng tawad sayo." Natigilan siya at agad kong inagaw ang bato sa kamay niya.
Nagulat siya at galit na galit akong tinignan at akmang sasaktan na ako ng kamay niya ngunit niyakap ko na lang siya nang mahigpit.
Sobrang higpit na hindi siya makapalag.
"Pasensya kana, patawarin mo sana ako kung naging Thysia ako ng kaharian niyo. Thysiang hindi rin alam kung anong maidudulot kong mabuti sa nasyon." Para kong tanga na naiiyak na rin dahil sa buong buhay ko akala ko malaki ang magiging gampanin ko para sa palasyo at sa buong nasyon ngunit ito ako ngayon, walang silbi at nakakapagdulot pa ng galit laban sa hari.
"Bakit! Bakit ka umiiyak!?" Sigaw niya sa'kin at umiyak na rin ako ng malakas.
"Eh, kasi kasalanan ko!" Nag-iiyakan kaming dalawa.
"Wag kang umiyak lalo akong na iiyak!" Sabi niya kaya na tawa naman ako, para kaming sira na umiiyak dito sa loob ng hardin.
"Naiiyak din ako kasi di ko alam pano palabas!" Sabi ko at natigilan siya sabay iyak na naman.
"Ako rin po mahal na Reyna! Waaah!"
"Hoy! Dahlia ano bang kaguluhan 'to?" Sabay kaming na palingon sa pawisan at habol hininga na hari.
Mukhang kanina niya pa ko hinahanap at dala-dala niya ang buong kawal niya sa likod niya.
"Naligaw kaming dalawa." Palusot ko at tinitigan lang ako ng batang lalaki na panay pa rin ang luha sa mata.
"Ano ba kasing ginagawa mo! At isa pa bakit yakap-yakap mo 'yang pulubi na 'yan!" Sumama ang tingin sa kaniya ng bata, mukhang hindi niya alam na ang hari na ang kaharap niya.
"Ang dami nang nakahawak sayo! Ikaw na Thysia ka sakit ka talaga sa ulo!" Sabi niya at sabay hila sa'kin at tumingin ng masama sa bata sabay tingin sa nagkalat na alahas sa damuhan.
"Dahlia, magpaliwanag ka," sabi niya at tumango ako.
Hinawakan ko nang mahigpit ang maliit niyang kamay.
"Mahal na hari, mali ang iniisip niyo." Sabi ko at mukhang pinag-iisipan niya na ng masama 'yung bata.
"Mga kawal, hulihin ang batang iyan at sentensyahan ng kamatayan." Halos manlambot ang mga tuhod ko sa narinig ko.
"Teka Mahal na haring Troian," tumingin siya sa'kin ng napakalamig na tingin at binitawan ang kamay ko.
"Ikulong n'yo ang Thysia sa kwarto niya ngayon din." Blangko na ang isip ko, nakita ko 'yung bata na hinihila ng mga guardiya habang ako hindi makapalag sa mga hawak ng kawal niya.
TO BE CONTINUED