DAHLIA's POV
❦❦❦
Inikot ko ang katawan ko at tinignan ang suot kong magarbong bistida, kulay puti ito na napapalamutian ng iba't ibang uri ng bulaklak sa kaharian.
Nakapusod din ang aking buhok at may suot na koronang gawa sa bulaklak at dahil na rin sa nakataas ang buhok ko ay kitang kita ang marka ng bulaklak sa likod ko, marka ng pagiging Thysia ko.
Isa itong uri ng bulaklak na ang pangalan ay Dahlia, dito rin nila kinuha ang pangalan ko.
"Dahlia anak," tumingin siya sa'kin at maluha-luhang nilapitan ako.
"Mapapagamot na kita tay, bukas na bukas din ay mag-uutos ako na ipagamot ka." Umiling siya at hinawakan ang mga kamay ko na may suot na puting gwantes.
"Kung maari lang na hindi ikaw ang Thysia anak, ayos lang sa akin kung mamatay ako sa ganitong edad wag ka lang makulong sa kaharian," sabi niya habang mahigpit na hawak ang kamay ko.
Tinignan ko siya at kitang kita sa itsura ng aking ama ang katandaan at kahinaan ng kaniyang katawan.
Umiling ako at hinawakan din ang kamay niya saka ngumiti sa harap niya.
"Tay, magiging ayos lang ako doon, hindi naman nila ako sasaktan at baka malay n'yo mapakiusapan ko silang madalaw kayo kahit isang beses sa isang taon." Inilabas ko ang pinakamatamis kong ngiti, ngiting maipapabaon ko sa'king ama, dahil alam ko ito na ang huli naming pagkikita.
"Ipangako mo sa'king magiging malusog ka, wag ka magpapa-api at kahit anong mangyari anak ay sana sumaya ka sa piling ng Hari," tumango ako sa kaniya at pinigilan ang pagtakas ng mga luha ko sa mata.
Ayoko makita ng aking ama na malungkot ako at hindi pa handa sa bagay na ito, ayokong isipin niya na hindi ako magiging masaya.
Dahil gagawin ko ang lahat ng ito para lang sa ikabubuti nila, kahit natatakot din ako at hindi ko alam ang kahihinatnan ko sa loob ng palasyo.
*tok tok*
Sabay kaming napalingon sa pinto at pagbukas niyo ay pumasok ang isang Loki, may kulay ginto itong buhok at matatalas na tingin sa mata, mga matang akala mo ay tigre kung titignan ngunit mahahalata mo na rin sa kaniya ang katandaan, sa pagkakaalam ko siya si Heneral Cerberus ang pang-apat sa pinakamalakas na Loki sa buong kontinente.
Tumango siya samin mag ama at yumuko sa harap ko, binitawan ko ang kamay ng aking ama habang nakangiti sa kaniya at kinuha ang braso ng Heneral.
"Nag-iintay na ang mga bisita mahal na Thysia," sabi niya at tumango na lang ako.
Habang kabado akong naglalakad papunta sa harap ng mga taong bayan ay nilingon ko ang aking ama na umiiyak habang nakikita niyang papalayo ako sa kaniya.
Lumapit sa kaniya ang aking ina at kumaway sila sa'kin habang nakangiti at may luha sa mata.
Ngumiti rin ako sa kanila at hindi ko na napigilan pa ang pag-iyak, inabutan ako ni Heneral Cerberus ng panyo at pinunas ito sa aking mata.
Pagtungtong ko sa taas ng entablado ay agad na bumungad sa'kin ang napakadaming tao na nagpupugay sa pagiging Reyna ko.
"Mabuhay ang Thysia! Mabuhay ang Reyna!" Sigaw nila at halos halo-halo na ang pumapasok sa isip ko.
Tuwa, pagkamangha, takot at pangungulila.
Lahat ng tao na ito na nasa harap ko, sumisigaw at nagbubunyi sa pagiging Reyna ko. Lahat sila ngayon ay nasa balikat ko at pasan-pasan ko, kung hindi ako magiging Thysia nila at Reyna, ano nang mangyayari sa kanila at sa buong angkan ng mga mortal?
Kaya ngumiti ako at lakas loob na hinarap sila saka tinaas ang kanang kamay ko para kumaway sa harap nila.
"MABUHAY ANG BAGONG REYNA!" Sigaw nila at panay tawag sa Thysia nilang lahat.
Matapos noon ay pinalakad nila ako sa mas mataas na parte ng entablado at hinayaan magsalita.
"Ah, maraming salamat sa n'yong lahat," hindi ko alam pano sila haharapin dahil hanggang ngayon ay hind ko akalain na ganito kabigat ang dadalhin ko at ang papuri nilang lahat sa'kin.
"DAHLIA! MABUHAY ANG THYSIA!" Napalingon ako sa malakas na pagsigaw niya at nakita ko ang kababata kong si Cedric na may luha sa mata.
Ngumiti ako at tumungo sa harap nilang lahat.
"Gagawin ko ang lahat upang maging maunlad ang bayan at magampanan ko ang pagiging Reyna ko! Maraming salamat sa suporta niyong lahat!" Sigaw ko habang nakayuko at nagpapasalamat sa lahat ng taong naniniwala sa'kin.
Lalong lumakas ang sigawan nila at umalingawngaw ito sa buong kaharian. Natapos ang pagpapakilala sa'kin ngunit hindi ko pa rin nakikita ang Hari.
Nagkaroon ng kapistahan pagtapos ng seremonya, nakaupo ako sa harap nang lahat ng tao at mga loki.
Lahat sila ay nagsasayawan at nagkakantahan, puro kasiyahan ang nagaganap at masaya rin akong panoorin sila mula sa taas.
Inilapag nila ang pinakamasarap na putahe sa buong kaharian na ngayon ko lang matitikman.
Kaya naman ay hindi ko na pinigilan ang sarili ko at nagpakabusog sa mga inihanda nilang pagkain na ngayon ko lang malalasahan.
"Para naman akong bibitayin pagtapos ko kumain nito, sobrang dami." nabanggit ko at halos lahat ng Opisyal ay napalingon sa'kin.
Napatigil ako sa pagkain at ngumiti sa kanila.
"Hinay-hinay lang mahal na Reyna, at baka mahirapan kayong matulog mamaya niyan," banggit ni Heneral Cerberus at ngumiti rin siya sa'kin nang malambing.
Tumango ako at marahan na kumain, kahit gusto kong lunukin lahat ng nasa harap ko ay bawal.
Nakakahiya naman kasi at baka mamaya pag nakita ako ng Hari ay magulat siya dahil malaki na agad ang tiyan ko.
"Oo nga pala na saan ang Hari?" Tanong ko sa kanila at isang opisyal naman ang sumagot sa'kin.
"Mahal na Reyna ako po si Anubis," sabi niya at yumuko sa harapan ko.
"Paumanhin mahal na Reyna kung wala ang Hari ngayon sa koronasyon mo, isang linggo na kasing may sakit ang Hari. Maaari mo siyang dalawin mamaya sa kaniyang kwarto." Sabi niya at at tumango ako.
"Osige maraming salamat ginuong Anubis." Ngumiti siya nang bahagya at yumuko ulit saka umalis sa tabi ko at bumalik sa kaniyang pwesto.
Mga ilang oras pa ay na tapos na ang kasiyahan.
"Paumanhin, pupuntahan na ba na'tin ang Hari?" Tanong ko at tumango siya.
Sinamahan niya ako pumunta sa kwarto ng hari at habang binabaybay namin ang mahabang pasilyo ay lahat ng madaanan namin ay yumuyuko at binabati akong Reyna nila.
Halos hindi pa rin ako makapaniwala na isa na kong Reyna, 'yung yuyuko at babatiin ka nila ng may pag galang at takot sa mga mata.
"Napakabango ng Thysia," napalingon ako sa isang lalaki na bumubulong sa katabi niya.
"Mukhang masarap ang laman niya." Nagpintig ang tainga ko at bago ko pa sila harapin ay nakita ko na ang katawan niyang nakahandusay sa sahig.
Napatakip ako ng bibig habang binubunot ni Heneral Cerberus ang ispada niya sa dibdib ng lalaki.
"Pasensya kana Mahal na Reyna kung sa unang gabi mo pa lang sa palasyo ay may narinig ka na agad na ganoong bagay, " sabi niya at inakay ako maglakad papalayo.
Sinenyasan niya rin ang ibang katulong na linisin ang krimen na ginawa niya.
"Bakit niyo na gawa 'yun?" Tanong ko at tumingin siya sa'kin saka tinuro ang malaking pinto na nasa harap namin.
"Pasensya na Dahlia ang bagong Thysia." At yumuko silang dalawa ni Anubis sa harap ko saka ako iniwan sa harap ng malaking pinto sa madilim na pasilyo.
Puno ng pagtataka at mga katanungan ang isip ko, idagdag mo pa ang pagpatay na naganap sa harapan ko kani-kanina lamang.
Hahabulin ko sana ang heneral sa paglalakad niya palayo ngunit hindi ko naman magawa dahil sa mismong katawan ko na ang ayaw kumilos at walang boses na lumalabas sa bibig ko para humingi ng tulong.
Napalunok ako at muling tumingin sa mataas na pintuan na nasa harap ko, ito na ang pintuan na magbabago sa buong buhay ko.
Pagpumasok ako rito at nakilala ang hari ay wala nang urungan ito, magiging ganap na Thysia na ako at mababago ko na ang pamumuhay at paghihirap ng mga magulang ko.
Napalunok ako at kinalma ang sarili ko saka kumatok ng ilang beses sa kwarto ng Hari.
TO BE CONTINUED