DAHLIA'S POV ❦❦❦ Hindi kami magkatinginan nila Keegan matapos siyang humagulgol ng iyak kanina noong nagising siya sa mahika ng gubat na 'to, para siyang na buhusan ng malamig na tubig noong nakita niya kung gano siya nakasubsob sa bisig ko at kung gano kasama ang tingin sa kaniya ng hari. "Kumain na po kayo d'yan," nahihiya ko na lang na sabi sa mag ama at umupo sa tabi ng apoy na nagbibigay samin ng init at liwanag sa malalim na gabi na ito. Pinagpahinga muna kasi sila ng hari at hindi na muna pinagpatuloy ang paglalakbay dahil hindi na rin namin na babalikan ng mga kabayo na na iwan namin sa gubat kahapon. "Hindi pumasok sa isip ko na ang mga usapan sa gubat na ito ay totoo at kagagawan mismo ng mga punong nabubuhay sa loob nito," sabi ni heneral Cerberus na tumapos sa katahimikan