CHAPTER 10

2259 Words
DAHLIA'S POV ❦❦❦ Hindi ako mapakali at paikot-ikot sa loob ng kwarto ko, binalik nila ako sa pinakataas na bahagi ng palasyo kung saan mahihirapan akong makalabas. Ilang beses ko rin tinangka kausapin siya ngunit hindi niya ko pinapakinggan at hindi man lang ako magawang tignan. Gusto ko magpaliwanag para maliwanagan siya at huwag gawin ang bagay na ikasasama niya, hindi niya pwede patayin ang bata na iyon. Dalawang oras na lang ay hahatulan na siya ng kamatayan sa harap ng bayan kung saan puputulin ang ulo niya sa harap ng mga tao bilang babala at halintulad na wag pagnanakawan ang kaharian. Pero nagkakamali siya, hindi iyon ang dahilan bakit niya na gawa iyon. Masyado pa siyang bata para hatulan ng kamatayan. Kailangan kong gumawa ng paraan kaya dali-dali akong humarap ulit sa pinto ko at kinalampag 'to habang sumisigaw. "Mahal na hari! Makinig ka sa'kin parang awa mo na!" Sigaw ko ngunit alam kong malayo siya sa'kin ngayon. "Mga kawal! Pakiusap tawagin niyo ang mahal na hari! Gusto niyo bang patawan ng kamatayan ang inosenteng batang iyon? Wala na ba kayong konsensya!" Sigaw ko at malakas na tinadyakan ang pinto na kinagulat nila. "Mahal na Reyna, pakiusap po maghulistili kayo dahil kung hindi ay magkakagulo ulit at kami naman ang pwedeng patayin ng hari." At tinakot niya rin ang mga mortal na ito para kumampi sa kaniya? "Sige pakisabi na lang sa hari niyo na tatalon ang Thysia niya sa bintana. Wala na siyang papakinabangan sa'kin!" Sabi ko at hinarang lahat ng mabibigat na gamit sa pintuan kaya naman hindi nila mabuksan ang pinto. "Mahal na Reyna! Parang awa niyo na po!" Sigaw ng isa at pilit nila binubuksan ang pintuan ko. "Dali! Tawagin niyo ang Heneral at ang mahal na hari!" Sigaw ng isa at naririnig ko silang nagkakatarantahan sa labas ng pintuan ko. Kailangan ko makaisip ng paraan, ilang oras na lang at hahatulan na siya ng kamatayan sa bayan. Kitang kita ko ang mga ilaw sa bayan senyales na may kaganapan sa parke, at iyon nga ay ang pagputol sa ulo ng biktima. Tumingin ako sa orasan at saktong alas syete na ng gabi, ganap na siyang Loki, siguro naman ay papakinggan niya ang sasabihin ko sa kaniya pag ginawa ko 'to. Huminga ako ng malalim at sumampa sa ibabaw ng malaking bintana sa kwarto ko. "Ang lakas ng loob mo Dahlia, pano kung hindi ka naman ganoon kaimportante sa hari? Mamatay kang durog ang katawan mo." Sinilip ko ang lalim ng tatalunan ko. Lumunok ako at kabadong sumigaw. "TROIAN IKAW NA BANSOT KA!" At halos lahat ng loki at mga kawal sa baba ay tumingin sa'kin na may takot sa mukha. Alam kong ni isa sa kanila ay walang kakayahan lumipad dahil ang hari lang at ang mga royal blood ang may kakayahan gawin iyon. Nakita ko silang nagkakagulo at nangangatog na ang tuhod ko dahil sa takot at lula sa posisyon na kinatatayuan ko. Umihip ang malakas na hangin at tinangay niyo ang tali ko sa buhok kaya naman kumakat ang kulay kahel kong buhok. "TROIAN!" Muling sigaw at dahil sa nagkalat kong buhok ay natatakpan nito ang mukha ko dahilan para hindi ko makita kung na saan siya. Inalis ko ng kamay ko ang mga buhok na nakaharang sa mukha ko at halos manginig ako dahil isang kamay ko na lang ang nakahawak sa pader ng bintana. Isang maling galaw Dahlia hindi mo na makikita pa ang mga mahal mo sa buhay. "Asan ka na bang hari ka! Kailangan mong marinig ang paliwanag ko!" Naiiyak na ko sa inis dahil ilang minuto na lang ay isasagawa na ang pagputol ng ulo ng batang iyon. "DEMON KING!" Sigaw ko at bigla akong na walan ng balanse kadahilanan para tuluyan akong mahulog sa bintana na may taas na siyam na palapag. "TROIAN!" Muling sigaw ko at saka ako pumikit sa takot na baka ilang segundo lang ay mamatay na ko. Nang biglang nakaramdam ako ng mga kamay sa bewang ko at pagbukas ng mga mata ko ay nakita ko ang itim niyang pakpak, nagkalat na balahibo at ang mukha niyang pulang pula, pulang pula sa inis dahil ba sa ginawa ko. "Ulutin mo nga 'yung sinabi mo." Sabi niya sa'kin at nagtaka ako. "Yung mag-usap tayo dahil hindi iyon ang inaakala mo?" Umiling siya at na inis sa sagot ko. "Hindi 'yon!" Sabi niya at nagtaka naman ako. "Troian?" Tanong ko at bigla siyang na mula hanggang tenga at leeg niya sabay yakap sa'kin. "Tsk! Delikado kang babae ka." Bulong niya sa'kin at hindi ko alam bakit ang bilis ng t***k ng dibdib ko. "Sige magpaliwanag ka." Sabi niya at yakap-yakap pa rin akong dinala sa lugar kung saan gaganapin ang paghatol. "Ginawa niya iyon para makausap ako mahal na hari, hindi niya ninakaw iyon binalik niya rin sa'kin pero kasi may dahilan naman siya!" Hindi ko alam kung pano ipapaliwanag sa kaniya hindi ko alam pano ko uumpisahan. "Teka nga ayusin mo hindi ko maintindihan." Huminga ako nang malalim at tumingin ng daretsyo sa kaniya. Kitang kita ko ang pulang mata niya at ang mahaba niyang sungay. "Ano dali! Malapit na tayo sa plaza." "Nagawa niya iyon dahil na wala ang trabaho ng ina at ate niyang naglilingkod sayo! Pinalitan mo ng mortal at halos madurog ang puso nila dahil matagal na nilang trabaho ang maglingkod sa palasyo!" Hingal kong sabi at tinaasan niya ko ng kilay. "Kaya dahilan 'yon para saktan at pagtangkaan ka niya patayin?" Tanong niya at na gulat ako. "Ha?" Tanong ko at ngumisi siya. "Pagtatakpan mo pa siya, umamin sa'kin 'yung bata pero hindi niya sinabi na dahil iyon sa nangyari sa ina at ate niya." Tumingin siya sa malayo at napayuko ako. "Papatayin mo pa rin ba siya? Masyado pa siyang bata at hindi niya alam ang ginagawa niya." Sumagitsit siya kaya na patingin ako sa kaniya. "Tigas ng ulo mo, masyado kang pakialamera." At binaba niya ko sa harap ng plaza na kinagulat ng mga taong na nonood. "Ha? Ang Thysia ba iyon?" Tanong ng mga tao sa bayan at gulat nang makita ako. "Yung kasama niya? Teka, iyon ba ang tunay na itsura ng hari?" Rinig kong bulungan at pagkagulat ng bawat taong makakita sa hari nila na ngayon lang nila nasilayan sa buong buhay nila. "Mahal na hari bakit kayo nasa labas ng palasyo?" Biglang lumapit si Heneral Cerberus saming dalawa at napakamot siya ng ulo. "Tsk! 'To kasing hukluban na 'to," sabi niya at sabay hila sa'kin papalapit sa kaniya. "Siya ba ang haring Troian? Hindi pala siya matanda kundi isang binatilyong napakagwapo!" Rinig kong usapan ng mga babae sa nasyon at napatingin ako sa kaniya. Tahimik lang siya at pinakita kung gano siya kaseryoso sa harap ng nasasakupan niya. "Ang haba ng itim niyang buhok, pati ng sungay niya. Siya nga ang Demon King," tinaas niya bahagya ang kamay niya at nakita ko ang batang lalaki na nagnakaw kanina sa loob ng kaharian na bitbit ng mga kawal. May takip ang ulo niya at pinaluhod siya sa harap ng maraming tao at sa harap ng mahabang ispada. "Ngayong gabi, masasaksihan niyo ang isang paghatol sa nagtangka nakawan ang kaharian." Napahawak ako sa bibig ko at gulat na tumingin sa hari. "Haring Troian!" Hinawakan ko ang manggas ng damit niya pero hindi niya ko tinignan. "Pagpasensyahan niyo na akong hari niyong lahat dahil sa ganitong paraan niyo pa ko makikita. Unang beses para sa isang paghatol." Hinawakan niya ang kamay ko at patagong inalis ang hawak ko sa damit niya. Lumakad siya sa harap ng batang hahatulan niya at hinawakan ang palakol na nasa ibabaw ng ulunan nito. "Ang batang ito ay nagnakaw at nagtangka patayin ang Thysia niyo," humarap siya sa maraming tao na ngayon ay nagbubulungan at pinag-uusapan ang krimen na ginawa ng bata. "Sang-ayon ba kayong hatulan ng kamatayan ang batang ito?" Nagbulungan sila at may isang sumigaw na sinundan ng iba pa. "Kung kagustuhan ng hari!" At lahat sila ay sumigaw din ng ganoon kahit hindi nila alam ang buong detalye ng nangyayari. Mabilis silang sumang-ayon dahil ang nagsalita sa harap nila ay isang malakas na tao at iyon ay ang hari nila. Naiyukom ko ng mahigpit ang mga kamao ko at inis na inis sa mga taong na sa harap ko, tumingin ako sa mga Loki na nanonood ng paghatol at lahat sila ay nakayuko lamang. Nag-iintay hatulan ang isang batang kalahi nila ng walang kalaban laban dahil nais din ng hari nila. "Kung ganoon, simulan na ang paghatol." Maikli niyang sagot sa harap ng mamamayan at nagsigawan sila ng katagang— "Hatulan ang magnanakaw na iyan!" "Dapat lang sayo 'yan dahil nais mong saktan ang Reyna!" Nagpintig ang tainga ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko habang nakikita kong binabato nila ang bata na ngayon ay nakaluhod at nag-iintay na lang ng kamatayan niya. "Sisimulan na ang pagbitay." Hinipan ng isang kawal ang trumpeta at umalingawngaw ang malakas na ugong nito sa buong kaharian. "Sa pangalan ng haring Troian, ikaw ay hinahatulan ng kamatayan sa tangka pagpatay sa Reyna Dahlia at sa iyong pag nanakaw sa kaharian," pagtinaas niya ang kamay niya, hudyat na iyon na ibababa na ang palakol. "Saglit!" Sigaw ko at dali-dali akong tumakbo at lumuhod sa harap ng batang puro luha ang mata. Nanginginig ang katawan niya at halos pulado na ang mata niya sa kakaiyak. "Mahal na Reyna lumayo ka sa kriminal na iyan!" Sigaw ng mga tao ngunit hinawakan ko ang dalawang pisnge niya at ngumiti sa harap niya. "Anong pangalan mo?" Tanong ko at mukhang na gulat siya. "Simon po," sagot niya habang umiiyak at halos madurog ang puso ko sa kalagayan niya. Isa lang 'tong hindi pagkakaintindihan, kailangan nila malaman ang lahat. Hindi niya kasalanan ang nangyari at masyado pa siyang bata para maging ganito ang katapusan ng buhay niya. Tumayo ako at tinignan ang hari na nakapamewang lang at inaantay ang bawat salitang lalabas sa bibig ko. Humarap ako sa buong mamamayang ng Demon's Kingdom at matapang na sumigaw. "Ako ang dahilan bakit niya na gawa ang bagay na iyon! Sa kaartihan ng Reyna niyo ay pinatanggal ko ang mga katulong kong Loki at pinalitan ng mga mortal na tiga pagsilbi, at isa doon ang ina't ate niya na na walan ng kinabubuhay nila. Hindi niyo siya masisisi kung magtatanim siya ng galit sa'kin ngunit ito ang nais kong unawain niyo. Totoong binalak niya kong patayin ngunit hindi niya tinuloy," yumuko ako at hingal na hingal sa pagsasalita ko ng malakas. Tahimik ang lahat at humarap ako kay Simon na ngayon ay hindi makaiyak, inalis ko ang pagkakatali sa mga kamay niya at ang pagkakalagay ng ulo niya sa bitayan. Muli akong tumayo ay humarap sa kanila, "Kung nais niyong patawan ng kamatayan ang batang ito, lahat kayo dumaan muna sa'kin." Matapang ko silang tinignan at wala akong narinig na kahit ano mang salita mula sa madla. Lahat sila ay nakaramdam ng hiya sa katawan dahil sa ginawa nilang agarang panghuhusga. Nakarinig ako ng malakas na pagtawa mula sa hari sabay sabing. "IYAN ANG REYNA KO!" Malakas siyang tumawa at pumalakpak ang Heneral, lahat ng mga Loki ay parang na bunutan ng tinik sa kanilang dibdib. Matapos kong palayain ang angkan nila sa hatol ng sarili nilang hari. Agad na lumapit sa'kin ang isang matanda at yumakap dito si Simon. "Inay!" Lumuhod siya sa harap ako at paulit-ulit na huminge ng pasensiya at pagpapatawad. "Mahal na Reyna, paumanhin po sa gulong ginawa ng aking anak. Patawarin niyo rin sana ang buo naming pamilya dahil alam kong alam niyong hindi kami sang-ayon sa pagtigil mo sa palasyo. Ngunit na iiba ka sa lahat ng Thysia na napaglingkuran ko. Maraming salamat Mahal na Reyna Dahlia." At lahat ng Loki sa paligid ay lumuhod sa harap ko. Malakas na kilabot ang dumaloy sa buong sistema ko at muli kong nilingon ang hari na masayang nakangiti sa'kin. Napaiyak ako, hindi ko alam kung ano itong buong na raramdaman ko, pakiramdam ko ay nakakuha ako ng malaking pag galang mula sa mga Loki na halos isumpa na ang pagkatao ko. Silang mga Loki na gustong gusto na akong mawala sa mundo dahil kailangan na ng hari ang lakas ko. Sila na itinuturing pagkain ang isang hamak na Thysiang kagaya ko, ngayon lahat sila ay nakaluhod at nagbibigay galang sa'kin. Sa'kin na akala ko ay hanggang alay lamang. Napaiyak ako at naramdaman ko ang paghawak ng malaki niyang kamay sa mga bewang ko. "Napaka iyakin mo naman talaga ano?" Tanong niya sabay ngisi at lipad sa himpapawid, buhat-buhat ako at malakas na sumigaw sa mamamayan niya. "Mag situlog na kayong lahat at tapos na ang palabas!" Tinanaw lang siya lahat ng tao na kinasasakupan niya, lahat ng mga mortal at loki ay tinitingala siya. "Ano tapos kana umiyak?" Tanong niya at suminga ako sa damit ko. "Hindi pa, akala ko talaga papatayin mo ang batang iyon." Hindi siya tumitingin sa'kin at nakangiti lang. "P-pwede ba iyon eh sinabi mo na nga ang buong dahilan." Ngumisi siya at nakaramdam ako ng kakaiba. "Eh, bakit mo pa ginawa iyon?" Tanong ko at tumawa siya ng malakas. "Para asarin ka, dahil sinubukan mong tumalon sa kwarto mo! Ano tingin mo sa sarili mo anghel? Wala kang pakpak hija," sabi niya at panay ang tawa. Sa totoo lang ngayon ko lang siya nakita tumawa ng ganito, 'yung walang pakialam kung gaano kalakas at bungisngis. Napangiti ako at napatawa na lang din dahil hindi ko mapigilan maging masaya kung ganito rin siya kasaya. TO BE CONTINUED 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD