Hindi na siya nakabalik ng pag-aaral dahil kinailangan niya ng magtrabaho para may makain silang magkapatid. Alam niyang wala siyang matatanggap na tulong mula sa kanyang ama. Ni hindi nito tinugon ang sulat niyang nagpapaalam dito tungkol sa pagkamatay ng kanyang mama.
Hindi na niya sinabi sa sulat na nagkaanak ang mama niya sa lover nito. Hindi niya na kayang dagdagan ang kasalanan ng mama niya sa mga mata ng mga nakatira sa San Carlos.
Pinakawalan niya ang isang mahabang buntong hininga bago tinanguan si Jhaz na panay ang sulyap sa kanya.
“Jhaz, si Hendrick, isang dating … kaibigan.” Ginaya niya ang pagpapakilala nito sa kanya kanina kay Mrs. Siangfiao. “Hendrick, si Jhaz, best friend ko.”
“Hello, Jhaz,” bati ni Hendrick dito.
“Hi, please to meet you,” ganting-bati ng kaibigan niya.
Niyuko niya ang kanyang kapatid. “Chin-chin, this is Tito Hendrick, friend ng Mommy,” dahan-dahan niyang sabi para tumimo sa isip nito. “Hendrick, this is my little girl, Chin-chin,” baling niya sa lalaki pagkatapos.
“She's beautiful kid,” wika ni Hendrick. “I really wouldn't mind kung tawagin man niya akong daddy.”
Tinaasan niya ito ng kilay.
“Tama ang landlady mo. Hawig nga sa akin ang mga mata niya,”patuloy nito. “Pinaglilihian mo siguro ako no’ng ipinagbubuntis mo siya, ‘no?” biro nito.
She doesn't appreciate the joke. “Hendrick..”
Inignora siya nito. Lumuhod ito sa harapan ni Chin-chin. “How old are you, Chin-chin?”
“Three!” agad na sagot nito, sabay pakita ng tatlong daliri. Bibong bata ito. Kapag nasa mood ay magaling itong maglambing. Nahiling niya na sana may sumpong ito ngayon.
Kapag may sumpong ito, maihahagis ito ng sinumang nag-aalaga rito sa labas ng bintana.
“Tell me, gusto mo bang magkaroon ng daddy?”
“Hendrick, ano ba?” sabad niya.
“Opo!” tuwang-tuwang sagot ni Chin-chin.
“Gusto mo akong maging daddy?”
“Hendrick!” saway niya sa lalaki.
Sabay na tumingala ang mga ito sa kanya. Kay Chin-chin napako ang kanyang mga mata dahil sa unang pagkakataon ay tinitigan siya nito na parang siya ang magandang babae sa buhay nito. “Sabi mo, ‘di ko siya daddy, Mommy,” sumbat nito.
Napaawang ang kanyang bibig pero wala siyang naisagot dito.
Jhaz, of course, being the best friend that she was, came to her rescue. Mabilis nitong nilapitan ang inaanak at kinarga. “Come, Chin-chin, pasyal tayo. Magbantay ulit tayo ng van sa kalsada.”
Mabilis pa sa alas-kwatro na nailabas nito si Chin-chin sa kwarto bago pa maisip nito na iniisahan ito ng mga matatanda.
“How dare you?” galit na akusa niya kay Hendrick pagkasarang-pagkasara ng pinto.
“Why?” nakataas ang mga kilay na tanong nito habang tumatayo mula sa pagkakaluhod. Hindi niya maintindihan ngayon kung bakit kinagiliwan niya ang letseng mga kilay na iyon noon. Gusto niyang bunutin ang mga iyon isa-isa.
“Wala kang karapatan na paasahin ang ka—ang anak ko!” mariing sabi niya.
Nagkibit lamang ito ng mga balikat. “Mahilig lang talaga ako sa mga bata.”
“Wala akong pakialam. Ibang bata na lang ang kahiligan mo. Alam na alam ni Chin-chin kung ano ang ibig sabihin ng salitang daddy. Wala kang karapatan na turuan siyang tingnan ka in that light. Ni hindi ka niya pwedeng maging kaibigan!”
Nagsalubong ang mga kilay nito, parang nainsulto, pero nagsawalang-kibo lang ito.
Lalo niya iyong ikinainis. “‘Wag mong paasahin si Chin-chin na makikita ka pa niya bukas, sa makalawa, sa isang linggo. Because you won't ever be there. Masasaktan lang ang bata.” patuloy niya.
Nagkibit -balikat ito. “It was already too late then. I've already made my blunder. For the sake of the child, hindi na ako pwedeng mag-back out.”
Hindi niya kayang tanggapin ang implikasyon ng sinabi nito na pananagutan na nitong magpakita sa bata bukas, sa makalawa, at sa isang linggo. Hindi niya ito pwedeng makita araw-araw dahil baka mabaliw lang siya!
Nginisian siya nito na parang nababasa nito kung ano ang elsaktong naglalaro sa isip niya. “I can understand why you won't like that. I guess kung hindi ka mag-iingat, you’ll fall in love with me again.”
Saglit na napaawang ang bibig niya.
“Ang kapal! Tskkk! I really do admire your arrogance!” sarkastiko niyang turan ng makabawi sa pagkabigla.
At para pigilan ang sariling masakal ito ng kanyang magandang kamay, lumabas siya ng kuwarto para sjndan sina Jhaz at Chin-chin na nagmamasid sa mga nagdaraang sasakyan sa kalsada.
Kahit ramdan ni Mauve na malapit nang sumabog ang mga tanong si Jhaz, nanatili pa rin itong tahimik habang nakaupo sila sa mahabang bangko sa harap ng tindahan ni Aling Bebang. May nakapasak na lollipop sa bibig ni Chin-chin kaya tahimik ito.
“Gwapo siya, ‘no? halatang hindi na nakatiis na tanong ni Jhaz pagkaraan ng mahabang sandali.
Napangiwi siya. “Obvious nga.”
“Mukha ring very persistent. Mukhang hindi mo basta maitataboy gaya ng iba.”
Sinulyapan niya ito. “Hindi siya admirer. In fact, siya ang pinakahuling lalaking mailalagay ko sa kategoryang iyon.” Aniya.
Umiling -iling ito, mukhang hindi naniniwala. “I really can't understand why you're so insecure about yourself, Mauve. Ikaw ang laging nauunang mag-down ng sarili mo.”
Kapag nakita mo na ang Ate Tiffany ko, you'll understand., tahimik niyang bulong sa isip.
Bagaman itinuturing niya itong pinakamalapit na tao sa buhay niya, hindi pa nito nalalaman ang buong kwento tungkol sa buhay niya.
Ang alam lang nito ay ang mga nangyari sa buhay nilang mag-ina mula nang dumating ito sa buhay nila.
Ni hindi nito alam na mayaman ang pamilya niya. Siguro ay may kutob ito dahil nakita nito ang natirang mga alahas ng mama niya na isa-isa niyang naibenta noong unang mga buwan pagkamatay nito para may maipampadoktor sa masasakitin pa noong si Chin-chin.
Hindi siya noon makahanap ng permanenteng trabaho dahil kailangan niyang bantayan ang kapatid niya.
Kapag naman nasa trabaho siya ay hindi rin naman siya makakapagtrabaho ng maayos dahil sa labis na pag-aalala rito.
Isa pa, saan ba makakarating ang kakarampot na sweldo niya?
Kung hindi niya pa naitago ang mga alahas na iyon bago pa tuluyang makuha ni Edwardo—bago nito nilayasan ang mama niya ay malamang na hindi naisalba ang buhay ni Chin-chin.
Tumagal nang dalawa at kalahating taon ang perang napagbentahan niya ng mga natitirang alahas ng kanyang mama, considering na hindi pa iyon nakapangalahati sa lahat ng mga alahas at mahahalagang mga bayong nadala ng kanyang mama nang maglayas ito para makisama sa lalaking inakala nitong magmamahal dito ng totoo.
Instead, Edwardo had been her mother's doom. Nagbulag-bulagan ang kanyang mama kahit na ang lahat ng ebedinsiya ay nagtuturo na pera lamang ang habol ng lalaki rito.
Sa kadesperadahan ng mama niya na mapanghawakan si Edwardo—nang magpakita ng mga senyales ang lalaking iiwan nito ang kanyang mama ay ipinagpatuloy nito ang pagbubuntis.
Huli na nang malaman niya na buntis na pala ang mama niya ng sumama ito sa kalaguyo nito.
Pero hindi niyon napigilan si Edwardo. Lumayas din ito nang makahanap ng bagong mayaman na mabibiktima.
Ang huling balita niya rito ay nakakulong ito sa salang adultery.
Kamamatay pamang ng kanyang ina noon. Itinakas niya si Chin-chin mula sa mga social workers na gustong maglagay rito sa ampunan sa pamamagitan ng pagpapalipat-lipat ng tirahan at pagpapalabas na anak niya ang sanggol.
Si Jhaz ang naging karamay niya mula noon. Ito ang katu-katulong niya sa pag-aalaga kag Chin-chin. Ito ang nagbabantay sa kapatid niya kapag nasa trabaho siya at nagbibigay sa kanya ng pag-asa sa tuwing nasesesante siya.
“Nasisante na naman ako, Jhaz,” mahina niyang balita rito
Naaawa itong tumingin sa kanya. “Baka naman problemahin mo pa ang ibabayad mo sa akin, ha? Sabi kasing ‘wag na. Katatanggap ko lang ng allowance ko at kung kailangan mo ng pera ay may maipapahiram ako sa iyo.”
Namamasa ang mga matang napangiti siya. “Ang dami-dami na nga naming utang sa ‘yo ng inaanak mo.”
“Sus! Pwede ba? Oras na makapagtapos ako at makahanap ng magandang trabaho, aampunin ko na kayong mag-ina. Para makapag-aral ka na ulit. Ang tali-talino mo pa naman. Hindi naman pwedeng maging waitress ka na lang lagi, no!” inakbayan siya nito. “Hayaan mo may pakiramdam akong malapit mo ng malampasan ang mga problema mo,” saad nito habang naglalaro ang isang misteryosong ngiti sa mga labi nito.
Nagdududang sinulyapan naman niya ito. “Bakit?”
“Kasi andiyan na si Hendrick.”
Nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig. “Tumigil ka nga. Boyfriend yun ng Ate ko. Ipinagoalit siya ng ate ko sa ibang lalaki. Tingin ko, nadala na kaya malamang, hindi na ‘yon babalik dito pagkatapos ngayong araw.” Sana, piping dalangin niya habang naka-krus ang kanyang mga daliri sa likod.
“I don't think so. Mukha naman siyang mabait.”
Nagkibit siya ng mga balikat. “You don't know him.”
“Eh, bakit iniwan mo ro’n?”
Sumimangot siya. Naroon pa rin ang Toyota Altis ni Hendrick sa labas ng gate.
“Mag-aaway lang kami, eh. Masyado siyang arogante, masyadong mayabang. Frankly, hindi pa rin siya nagbabago.”
Hindi ito umimik kaya tumingin siya rito. Huling-huli niya itong nakangisi.
“Hindi ko siya type, ‘no! Iyo na lang kung gusto mo,” natatawa niyang sabi.
“Talaga! Magparamdam lang siya ng kaunti sa akin at susunggaban ko siya!”
“Baliw!” Hinampas niya ito sa balikat.
“Selos ka naman?”
“Sabi ko nga, sa ‘yo na lang siya, eh.”
Patuloy sila sa pagtatawanan at pag-aasaran na magkaibigan kaya sabay silang nagulat nang bigla na lamang tuwang-tuwa umirit si Chin-chin matapos iluwa ang lollipop sa bibig nito.
“Daddy!”
Sabay nilang nilingon ang lalaki. Nakasandal sa likuran nila ang nakangising si Hendrick.
“K-kanina ka pa riyan?” kinakabahan niyang tanong.
Tumayo si Jhaz. “Sandali. Babalik na ako sa bahay. May naiwan ako ro’n. Kukunin ko lang “ nagmamadaling iniwan sila nito.
“Daddy! Daddy!” paulit-ulit na sigaw ni Chin-chin, naka-extend ang mga braso na tila gustong magpakarga.