Napaungol na lamang siya nang nakangising kinarga ito ni Hendrick. Iniwan niya ang mga ito at sinundan si Jhaz sa loob ng bahay.
“Hindi ka pa ba aalis? Wala ka bang ibang gagawin o pupuntahan?” hindi na nakatiis na tanong ni Mauve kay Hendrick, pagkatapos ng isang oras na pakikipaglaro nito kay Chin-chin.
Madilim na sa labas, nakapagbihis na siya ng pambahay at nakapaghanda na sila ni Jhaz ng mahahapunan. Hindi pa nagbibigay ng anumang indikasyon ang lalaki na aalis na ito..
Tumingala ito mula sa pagkakadapa sa sahig. Natanggal na ang polo nito mula sa pagkaka-tuck in sa slacks nito. Nakatupi na rin ang mga sleeves niyon hanggang siko ar nakabukas na ang ikatlong butones mula sa leeg nito. The tie was in one of his pockets.
He looked rackishly, positively, definitely handsome. All these he was able to accomplish habang idine-demonstrate ni Chin-chin ang intricacies ng pagsusuklay sa blonde na buhok ng manyika nito.
“No. May previous engagement ako pero nakansela. I'm free tonight.”
“Kulang ang sinaing naming kanin. Kamatis na may patis at nilagang itlog lang ang ulam namin. Tamang-tama lamang ang pagkain para sa aming tatlo,” sabi niya.
“That's okay. I’ll order a take out.” Inilabas nito ang cellphone sa bulsa ng slacks nito. “Anong gusto niyong kainin?”
Masama ang tingin na ipinukol niya sa cellphone nito. Interesado naman iyong tinitigan ni Chin-chin. Ibinaba nito ang suklay at manika at pilit na inabot ang cellphone.
“Toy! Toy! paulit-ulit niyong sigaw habang pilit iyong inaabot.
Natatawang iniwas ni Hendrick ang cellphone dito. “No, honey. This is a cellphone.”
“Toy!” umiiling na giit ni Chin-chin.
“Sige, sis. Sirain mo. Agawin mo at ibalibag mo sa pader,” pabulong niyang sambit.
Umiiling-iling ang katabi niyang si Jhaz.
****
NAGAWANG umorder ni Hendrick sa Jollibee para um-order ng fried chicken at kung anu-ano pa.
Si Aling Marites ang kumatok sa kanilang pinto nang dumating ang pagkain. Si Hendrick ang nagbukas ng pinto at tumanggap niyon sa gitna ng nagsilipang mga ulo bukod sa landlady niya.
Sa maliit na foldable na mesa, kahit paano ay nagawa nilang mapagkasya ang mga pagkain na sa isang tingin pa lamang ay sobra-sobra na para sa kanilang lahat.
“Sinasayang mo ang pera mo. Ni hindi nga natin mauubos ang kalahati nito dahil sa sobrang dami,” komento niya para lamang mapagtakpan ang pagkatakam niya sa pagkain.
Humalimuyak sa loob ng maliit na kwarto ang masarap na amoy ng fried chicken. Hindi niya matandaan kung kailan siya huling nakakain niyon.
“Wala kayong ref?” tanong nito. Inilibot nito ang paningin sa loob ng maliit na kwarto hanggang sa muli iyong bumalik sa kanya.
“Don't even think about it,” babala niya na nahuhulaan na ang tumatakbo sa utak nito.
“You'll be able to pay for it eventually.”
“No way!” wika niya na sinabayan ng marahas na pag-iling. “Minsan nga wala akong pambili ng yelo, ref pa kaya.”
“Bibigyan kita ng trabaho,” bale-walang sabi nito. Hinila siya nito palapit sa mesa. Ipinaghila pa siya nito ng upuan. Hindi na siya nagprotesta pa dahil talaga namang ang amoy ng fried chicken.
Kinuha ni Jhaz kay Hendrick si Chin-chin. “Ako na ang magpapakain sa kanya. Sumabay ka na sa mesa.”
Ibinigay naman agad ni Hendrick si Chin-chin kay Jhaz, pagkatapos ay naupo sa upuang katapat niya.
Kung kanian ay galit siya rito, ngayon namang malapit na ito ay nalilito na siya. Habang pinapanood ang pagsandok nito ng pagkain sa mumurahing plastik na plato ay unti-unting nanlambot ang puso niyang sinadya niyang pinatigas. Na parang pusong-bato.
Kung kanina ay parang isa iyong bato na gusto niyang tibagin, ngayon ay nagmumukha iyong tunay na tao.
Hindi niya alam kung tunay o pagkukunwari lang ang nakikita niyang kasiyahan sa itsura nito.
Noon lang niya ito nakita na ganoon kasaya.
“Why are you doing this?” usisa niya nang hindi na siya makatiis.
Narinig niya itong bumuntong-hininga bago nag-angat ng mukha at tinitigan siya. Agad niyang napansin na alam nito ang ginawa niyang pagmamasid dito.
“Let's enjoy the food, Mauve. When was the last time you ate in a feast?”
Hindi na siya nakasagot dahil hindi niya alam kung kailan pa.
“See? And when was the last time you slept without a worry in your head?”
Napatuwid siya ng upo. “Anong ibig mong sabihin? Na dahil nakakain ako ng masarap na pagkain, makakatulog na ako ng payapa at mahimbing? Ganoon ba?”
Tumatawang umiiling-ilinglang ito.
“Huwag kang umiwas sa topic!” asik niya.
“Ano ba ang topic?” natatawang tanong nito bago kumagat sa isang hita ng manok.
“Si Ate Tiffany,” tugon niyang nakatingin dito.
Hinihintay niya ang magiging reaksyon nito.
Ngunit tila balewala rito ang sinabi niya, nagpatuloy lang ito sa kampanteng pagnguya ng pagkain.
“May asawa na siya, Hendrick. She's happy. Let her go “
Nilunok nito ang nginunguya. “Oh, of course, she's married. Pagkatapos siyang mabuntis ng isang lalaki noong mga panahon na iyon ay malaki ang kinikita ng minahan habang ang present boyfriend niya ay naipatalo naman ang yaman sa sugal ng lolo, palagay mo ba’y papayag ang ama mong manatili siyang hindi kasal?” Umismid ito. “Pero mali ka sa sinasabe mong she's happy. Balita ko ay hindi masaya ang married life niya. Which make Paul a miserable man. Poor man.”
Gulat siyang napatingin dito. “Pinamanmanan mo ba ang kapatid ko?”
The last time she saw her sister, kakakasal lamang nito kay Paul. Pagkatapos ay nabalitaan niyang nakunan ito. Ang alam niya ay hindi pa nagkakaanak ang mag-asawa hanggang ngayon.
“May kaibigan akong kaibigan ng kaibigan ni Paul,” wila nito, saka muling kumagat sa hita ng manok.
Kinindatan pa siya nito habang nakangising ngumunguya.
“Stop that!” asik niyang muli. Ibinalik niya ang hawak na kutsara sa kanyang plato. Kahit anong sarap ng pagkain at kahit nagugutom siya, nawalan siya bigla ng ganang kumain.
“Akala mo talaga in love na in love ako sa ate mo noon, ‘no?” tanong nito nang malunok na ulit ang nginunguya. “What you didn't know is, hindi ko kailanman niligawan ang Ate Tiffany mo. Naging kami lang dahil nahuli kami ng papa mo sa………. sa kwarto ng Ate mo. Pero hindi niya ako napilit na pakasalan noon ang Ate mo dahil, luckily for me, your sister was two months pregnant already, gayong we've been together for only a month.”
Nahugot niya ang kanyang hininga. “You're lying!”akusa niya rito. Mukhang hindi siya naniniwala pagkatapos niyang marinig ang lahat mula rito.
Umiling ito. “Hindi anak ni Paul ang ipinagbubuntis niya noon. Ipinalaglag niya ang una niyang ipinagbubuntis. Iyon ang dahilan kung bakit hindi man lang lumobo ang tiyan niya sa isang buong taon ng relasyon namin. That incident in her room, that was the first and last I touched your sister. I didn't want to be made a fool the second time.”
“H-hindi totoo iyan,” protesta niya.
“I'm everything but a liar, Mauve. Alam mo ‘yan,” seryosong saad nito.
Alam niya iyon. But she still refused to believe him. She didn't want to believe him. It would make her see him in different light.
“At nagpapasalamat pa nga ako nang mabuntis ulit siya, this time, kay Paul na. So, you see, hindi ako gano’n ka-broken hearted noong magpakasal siya sa iba matapos kumalat na naipatalo ng Lolo ko ang kabuhayan namin sa laro ng baraha. In fact…” Ibinababa nito ang hawak na manok, kumaha ito ng tissue at pinahid doon ang kamay, saka hinawakan ang kamay niyang nanlalamig sa pagkakapatong sa mesa. “In fact, kung hindi lang mas agresibo ang pagpapakita ng affection ng Ate Tiffany mo noon, ikaw sana ang niligawan ko.”
“W-what?”
“You were so sweetly naive then, Mauve,” nakangiting wika nito. “In truth, kahit chubby ka at may gatas pa sa labi ay mas appealing ka sa tingin ko kaysa sa napakaganda mong kapatid. Except that you were only fifteen that time. And a child molester, hija, I am not.”
Naalala lamang niyang may kasama sila nang masamid si Jhaz sa iniinom na Coke pagkatapos niyang itaktak sa ulo ni Hendrick ang bandehado ng mainit pang sinaing.
Kasalukuyang pinaliliguan ni Mauve si Chin-chin nang makarinig siya ng mga katok sa pinto. Binilinan niya anv kapatid na huwag maglilikot bago tumayo para pagbuksan anv kumakatok. Napaaga yata si Jhaz.
Pero hindi si Jhaz ang nasa labas ng pinto kundi si Hendrick. Nakangiti itong nakatayo roon.
Agad na nagsalubong ang mga kilay niya pagkakita rito. “Ano na naman ang ginagawa mo rito? I thought it was clear last night na hindi ka welcome dito?” pagtataray niya rito.
Kasasabi pa lamang niya niyon nang umirit si Chin-chin mula sa loob. “Daddy!”
“Hello, sweetie!” agad na tugon ni Hendrick. Kinawayan pa nito ang bata mula sa pintuan, bago nakaangat ang kilay na binalingan siya.
Itinago niya ang pagbilis ng t***k ng puso sa pamamagitan ng pagkunot ng noo. Patuloy naman si Chin-chin sa pagtsa-chant ng “Daddy! Daddy! Gusto ko Daddy!”
Nginisian siya ni Hendrick. It's seemed to me that I'm more than welcome. Papapasukin mo ba ako o gugustuhin mong ma-disappoint ang bata?”
Pinukol niya ito ng masamang tingin bago siya umalis sa pagkakaharang sa pintuan.