CHAPTER 3

1492 Words
Tyempo naman na palabas ng bahay si Aling Marites. Pagkakita rito, alam niyang matagal na itong naroon sa loob. Walang mintis, nakilatis na nito si Hendrick at nakita na nito ang magara at mamahaling kotse ng lalaki. Bumagsak ang loob niya. Nahuhulaan niya na kung ano ang iniisip nito. “Oh, Mauve, may pambayad ka na ba?” malakas nitong tanong, sadyang ipinaparinig sa kanyang kasama. “Wala pa ho, Aling Marites.” Kumunot ang noo nito. “Aba’y hindi na ako makakapaghintay. Biro mong binigyan na kita ng palugit na tatlong buwan sa kuwartong nirerentahan mo dahil sa sobrang awa ko sa anak mo. Maganda nga ang kawanggawa, pero kailangan ko rin namang kumain,” nagbait-baitan pa nitong turan. Napapikit na lamang siya ng mariin. Naglaho na ang anumang pag-asa niyang maitatago si Chin-chin kay Hendrick. “Magkano ang kailangang bayaran ni Mauve, Misis?” tanong ni Hendrick mula sa kanyang likuran. Ibig sabihin pumasok na ito sa gate at sumunod sa kanya papasok. “Tatlong libo,” agad na sagot ng matanda, sabay lahad ng isang palad dito na parang natatakot na anumang oras na kapag pabagal-bagal pa ito ay mawawala si Hendrick na parang bula. “Tatlong libo lang naman.” Inulit pa nito ang halaga na parang natatakot na matawaran. Nagmulat siya ng mga mata at umikot paharap kay Hendrick. Huli na para pigilan niya ito dahil nahablot na ni Aling Marites ang pera mula sa kamay nito. “Bless you,” ngiti-ngiting wika rito ng matanda. “Pero, Hendrick….” “It's okay, sweetheart. Barya lang ‘yon,” anito habang isinisilid ang wallet nito sa back pocket ng suot nitong slacks. “Hijo, alam mo bang hawig na hawig sa ‘yo ang mga mata ng anak ni Mauve?” tanong ni Aling Marites na hindi na naman umalis. Tumabi lamang ito habang pinagmamasdan sila. At parang wala pa talagang balak na umalis. Gulat siyang napatitig sa matandang babae. Agad niyang nahulaan ang tinutukoy nito. Napagkamalan nitong ama ni Chin-chin si Hendrick! Ang lalaki naman ay nakangisi, tila proud na proud na napagkamalang ama ni Chin-chin. Bumuka ang bibig niya para itama ang maling akala nito, pero walang anumang lumabas mula roon. “Nakita mo na ba ang bata?Kailan mo ba siya huling nabisita?” patuloy ni Aling Marites, bagay talaga rito ang pangalan nito dahil sa pagiging madaldal. “Aling Marites, hindi ba’t may mahjong kayo kapag ganitong oras?” Sa wakas ay nakabawi siya sa pagkabigla. Hinila niya si Hendrick papasok sa bahay bago pa man may masabing iba ang landlady. Sa likod niya, nararamdaman niya ang katuwaan ni Hendrick habang naglalakad sila patungo sa gilid ng dati ay sala pero tambayan na ngayon ng mga boarders. Mabuti na lamang at wala pang tao roon ngayon. Binitiwan niya lang ang kamay nito nang nasa tapat na sila ng pinto ng silid nilang magkapatid. “May anak ka?” natatawa nitong tanong. “Tumahimik ka.” inis niyang saway rito. “So when you fell, you did it in one big splash. Ito ba ang dahilan kung bakit inabandona ka ng pamilya mo, Mauve?” Nakagat niya nang mariin ang ibabang labi. Masakit iyon. After all, she had been through, ang sakit-sakit niyon sa pandinig niya. Bago pa ito may masabing makakasakit pang lalo sa kanyang damdamin ay pinihit niya na ang doorknob at itinulak pabukas ang pinto. Kitang-kita ni Mauve nang rumehistrio ang pagkagulat sa mukha ni Jhaz nang mag-angat ng mukha mula sa pakikipaglaro kay Chin-chin sa sahig. Saglit itong sumulyap kay Hendrick bago bumalik ang tingin sa kanya. Nagtatanong ang mga mata nito. She mouthed the word “later” to silence her. Yumuko ito para bulungan ang batang buhos na buhos ang atensyon sa paglalaro at hindi namalayan ang pagdating niya. Nag-angat ng mukha ang bata at nang makita siya ay tuwang-tuwang tumakbo ito papalapit sa kanya. “Mommy!” Sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap. “Mommy” ang tawag nito sa kanya. Hindi na kasi nito nakilala ang kanyang mama na namatay ilang buwan pagkapanganak dito. Iyon ang dahilan kung bakit lahat ng nakakasalamuha nilang tao ay nag-aakala na anak niya ito. At kung kinunsinti niya ito roon—tinuruan pa nga na iyon ang itawag sa kanya ngunit may dahilan siya. Iyon lang ang alam niyang paraan para mapanatili ito sa kanya. Mamamatay muna siya bago niya isuko si Chin-chin sa walang kuwenta nitong ama o maging sa DSWD. Wala man siyang kapabilidad na ibigay rito ang lahat ng pangangailangan nitong materyal, kayang-kaya niyang ibigay rito ang lahat ng pagmamahal at pag-aaruga niya. Pumikit siya nang mariin. Naramdaman niya ang pag-iinit ng sulok ng mata niya. Malinaw pa rin niyang naaalala kung paano ang lumaki nang hindi naramdaman ang pagmamahal at pag-aaruga ng isang magulang. Ibinuhos ng papa niya ang buong pagmamahal na kaya nitong ibigay sa napakaganda niyang kapatid. Wala itong itinira para sa kanya. Hindi ito naniniwalang ang bunso nitong anak na mataba, asiwa at mahiyain ay makakakuha ng tamang asawa para mapabilang na ito sa wakas sa elite world ng San Carlos. Ang mama naman niya ay masyadong nalubog sa kamiserablehan bilang asawa ng ambisyoso niyang ama para mapansin pa ang kalungkutan ng bunso nitong anak na naghihintay lamang ng atensyon mula rito. Hindi niya gustong maranasan ni Chin-chin ang naranasan niya. Mamahalin niya ito nang lubos. Ibinabalik nito iyon sa kanya sa pamamagitan ng walang kondisyon. Wala silang masasandalan ni Chin-chin kundi ang isa't-isa. Kaya nang salubungin niya ang titig ni Hendrick, punong-puno ng paghamon ang titig niya. He could judge her for all the world he wanted. Hindi niya ipagpapalit sa anuman ang buhay na mayroon siya ngayon sa buhay niya dati. At least ngayon ay may nagmamahal sa kanya. Noon ay wala. Kung bakit kasi nag-krus pang muli ang landas nila. Hindi niya kailanman inisip na magkikita pa uli sila nito. Worse, ang magkakaroon pa siya ng utang na loob rito. Pinutol niya ang titigan nila ni Hendrick para pahirin ang kanyang mga luha bago pa iyon makita ni Chin-chin. Sensitibo ang kapatid niya. Tiyak na mag-uusisa ito kapag nakita siya nitong umiiyak. Pagkatapos ay tumingin siyang muli rito. “Naiistorbo na kitang masyado. Sabihin mo lang kung saan ko ipadadala ang bayad ko sa utang ko. Babayaran kita as soon as I can.” “Hindi ako naniningil, Mauve. You can take your time,” wika nito. Hinintay niya itong magpaalam. Pero hindi pamamaalam ang lumabas sa bibig nito nang magsalita itong muli. “Hindi mo man alng ako ipapakilala sa anak mo?” nakangiting tanong nito na kay Chin-chin nakatingin . Nang sulyapan niya si Chin-chin, nakita niyang dito rin nakatingin ang bata. “Ikaw daddy ko?” It took two seconds for her to realize what Chin-chin said. Nag-init ang buong mukha niya. “Chin-chin!” Wari ay hindi nito narinig ang pagsita sa tinig niya. Nakangiting bumaling ito sa kanya. “Daddy ko, Mommy?” Sa sulok ng mga mata niya ay nakita niya si Jhaz na natatawang tinakpan ng kamay ang bibig. Pinandilatan niya ito bago binalingan si Chin-chin. “Hindio siya daddy, Chin-chin. Kaibigan siya ni Mommy. Friend, hindi daddy!” marahan niyang paliwanag. Evidently, mas gusto nito ang daddy kaysa friend dahil agad itong lumabi. “Daddy, Mommy, Daddy!” giit nito. Umubo si Jhaz. Namumula ang mga mata nito sa kakapigil na humalakhak. Alam nito ang totoong isturya ni Chin-chin. Naroroon ito nang ipanganak ng kanyang mama ang kanyang kapatid. Magkaklase silang dalawa sa BU o Bicol University hanggang sa kinailangan niyang tumigil dahil ilang beses na niyang nauwian ang sanggol na nag-iisa sa kama, basang-basa sa ihi, dumi at pawis habang panay ang iyak dahil nagugutom. Ang mama niya ay naroroon lang at nakatingin lang sa bintana, di alintana ang anak na umiiyak. Nang mamatay ang kanyang mama na ayon sa doktor ay wala namang karamdaman. Basta sumuko na lang daw ito sa buhay. Hindi kinaya ng sarili nito ang dahil sa postpartum. Ang postpartum depression ay isang uri ng depresyon na nangyayari pagkatapos ng panganganak tulad ng mama niya. Nakakaapekto ito ng hanggang 15% ng mga tao. Ang mga taong may postpartum depression ay nakakaranas ng mga emosyonal na pagtaas at pagbaba, madalas na pag-iyak, pagkapagod, guilt, pagkabalisa at maaaring magkaroon ng problema sa pag-aalaga sa kanilang anak o sanggol ayon sa doktor. Kasama sa mga sintomas ang depressed mood, pagkawala ng interes, pagbabago sa mga pattern ng pagtulog, pagbabago sa ganang kumain, pakiramdam ng kawalang-halaga, kawalan ng kakayahang mag-concentrate, at ideyang magpakamatay o suicide. At tingin niya iyon ang dahilan ng pagkamatay ng mama niya dahil hindi nito nakayanan ang anxiety. Bukod sa hiwalay ito ng ama niya na dapat iyon ang katuwang nito pagkatapos manganak, ito ang kailangan ng mama niya ngunit wala ito sa tabi nila. At dahil sa pag-iisip ng kanyang ina ay tuluyan na nitong hindi kinaya ang problema at sumuko ng tuluyan ang katawan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD