CHAPTER 2

1609 Words
Ngumiti siya. “No need. Hindi na siya magtatrabaho rito.” Tinalikuran niya ito para sundan si Mauve nang maramdaman niya ang paghila nito sa sleeve ng suot niyang polo. “But, Mr. Lucencio, it's okay. I even plomote hel. I tell hel it's okay,” desparadang paliwanag nito sa kanya. Hinarap niya itong muli. “Ako na ang bahala sa kanya, Mrs. Singfiao,” saad niya, pinanatili ang ngiti sa kanyang labi. “Are you leaving? Pa’no meeting niyo asawa ko?” Lalo niyang tinamisan ang pagkakangiti nito. “ Tell your husband that the deal is off, Mrs. Siangfiao. I've decided na hindi na ako mag-iinvest sa project niya.” Namutla naman ito. It made her makeup standout from her face. Para iting natatapalan ng makapal at makulay na maskara. “And one more thing,” dagdag pa niya na parang may sumagi sa isip niya. “Sasabihan ko ang mga kaibigan ko na iwasan ang lugar na ito. Amoy bulok na daga itong restaurant mo.” At dahil dun, tinalikuran niya ito at naglakad palayo sa lugar na iyon. **** ALAM ni Mauve na siya ang sinusundan ng kotseng mabagal na tumatakbo, pero hindi niya pinansin iyon. Alam din niyang si Hendrick ang nagmamaneho niyon. Natuklasan niya na hindi pa rin pala siya immuned sa presensya nito. Matalas pa rin ang pakiramdam niya kapag ang lalaki ang sangkot. Napabuntong-hininga siya, saka napailing. Ganoong-ganoon kalakas ang pakiramdam niya noong dose anyos pa lamang siya. That was the time she had a huge crush on Hendrick. Makita lamang niya ang kotse ng mga Lucencio ay bumibilis na ang t***k ng puso niya. Ganoon katindi ang pagkaka-crush niya kay Hendrick noon. Kinse anyos siya nang maging kasintahan nito ang kanyang ate, ang kinikilalang pinakamagandang dalaga sa San Carlos noong mga panahong iyon. Parang sa isang fairytale ang relasyon ng mga ito noon. Lahat ng mga taga San Carlos ay iisa ang opinyon na ang mga ito ang itinadhana, despite their backgrounds. Hindi ipinanganak na mayaman si Ate Tiffany niya. Si Hendrick naman ay ipinanganak ngang mayaman ay illegitimate naman. He was the illegitimate son of the only daughter of one of the patriarch in San Carlos. Sa lolo nitong nuknukan ng yaman ito lumaki. Ngunit ang parang fairy tale na relasyon nito at ng Ate niya ay hindi nagkaroon ng happy ending. Sumama ang Ate Tiffany niya sa ibang lalaki kung kailan malapit na itong magpakasal kay Hendrick. “Don't be such an ediot and get in, Mauve,” maawtorisadong utos ni Hendrick sa kanya. Nakababa na rin ang bintana ng kotse nito. Pinukol niya ito ng masamang tingin. “Hindi ako humihingi ng tulong sa sa ‘yo Hendrick. But thanks, anyway.” Umangat ang kilay nito. Hindi man lang natinag sa pagtataray niya. “You were such a sweet girl then, Saan naggaling ang lason?” Iniiwas niya ang tingin rito. At lalong binilisan ang paglalakad. Kinabahan siya. Ang Hendrick na kilala niya ay hindi mag-aalinlangang gawin ang sinasabi nito. He always went after what he wanted, although he did not always get it. Still he wouldn't stop trying. Iyon ang kintatakutan niya. Wala ni isa mang nakakaalam sa kanilang lugar ang tungkol kay Chin-chin. Kapag pumayag siyang magpahatid ay malalaman nito kung saan siya nakatira. Matutuklasan nito kung ano ang kalagayan niya bukod doon ay makikita nito ang bata. Hindi niya hahayaang mapatungan ng panibagong kahihiyan ang alala ng kanyang mama. Her mother had suffered enough. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. “Umalis ka na,” naiiritang utos niya rito. Nakuha niya ang gusto nitong gawin nang tanggalin nito ang seatbelt at itulak pabukas ang car door. Kumarioas naman siya ng takbo. Hinabol siya nito. Hindi pa man siya nakakalayo ay naabutan na siya nito. Hinila siya nito pabalik sa kotse nito. “Bitawan mo ako!” asik niya sa mababang boses, ayaw niyang lumikha ng eskandali. “Ano ka ba?” “Kalokohan at katangahan ang tumanggi sa tulong kung kailangang-kailangan. You are soaking wet, Mauve,” anito sa tonong parang nanenermon sa isang paslit. “ Mas gusto mo pang nakikita ka ng ibang tao sa kahiya-hiyang itsurang ‘yan kaysa tanggapin ang tulong ko?” “Oo!” Sigaw niya rito. Nakalimutan niya na ang tingkol sa eskandalo. Bakit wala ni isa sa hiniling niyang manyari sa araw na iyon ang natupad? Well, for that matter, bakit wala ni isa sa mga hinihiling niyang mangyari sana sa buhay niya ang natutupad? “Letseng mga tao ‘yan! Hindi naman nila ako matutulungan sa mga problema ko. Bakit kailangan intindihin ko pati sila?” mangiyak-ngiyak niyang sumbat. “At ikaw ang pinakahuling taong lalapitan ko para hingan ng tulong!” Inaakala niyang maapektuhan ito ng outburst niya. Ngunit nagkamali siya. Natatawang sinulyapan lang siya nito bago inalalayang makasakay sa passenger seat. “I thought were friends?” kapag-kuwan ay tanong nito sa kanya nang makaupo siya. “Pinakahuli ang pamilya ko sa ituturing mong kaibigan, Hendrick,” inis niyang paalala rito. Umangat ang isa nitong kilay sa paraang pamilyar siya. Dahilan para bumilis ang t***k ng kanyang puso. Against her will, she found herself studying his face. Gwapo pa rin ito gaya ng dati. He had a deep, dark eyes na binigyan ng mahahabang pilik-mata na kahit sinong babae ay mahuhumaling doon, matangos ang ilong, mga labing perpekto pa rin ang hugis, lower lip fuller than the upper lip. Those lips given her, her very first kiss. Lasing na lasing ito noon kaya duda siya kung naaalala pa nito iyon. Sa parte niya, mamamatay muna siya bago niya ipaalala iyon dito. May cleft chin din ito. Ayon sa matatanda, nakuha raw nito iyon sa ama nitong kastila na bumisita sa Casa Lucensio at hindi na nagbalik pa pagkatapos mabuntis ang anak na dalaga ng host nito. It was that cleft on his chin and the aristocratic nose that marked the Spanish guest as his father. “I have a soft spot for you, Mauve. Siyempre, naaalala ko pang ako ang first love mo,” nakangising tudyo nito. Nag-init ang buong mukha niya sa tinuran nito. Bubuksan sana niya ang pinto ngunit hindi niya iyon mabuksan. “Don't bother yourself. It's power-locked.” Muli itong ngumisi. “Where?” “Ibaba mo na lang ako sa 7-Eleven pagbaba ng San Joaquin” malamig niyang sabi, hindi tumitingin dito. “Hey, kahit pamilya mo ang pinakabulok na pamilyang nakilala ko sa buong buhay ko, I'm still a gentleman. Hindi ako naghahatid ng dalaga sa kanto. Laging sa front door.” “Kapag iniwan mo ang ganitong klaseng kotse sa kalye namin, hindi mo na ito mababalikan pa nang buo,” pananakot niya. “Let me decide if I'll leave the car when I get there, huh?” Arogante nitong sabi. Pinaandar nito ang sasakyan. Sinadya niyang ituon ang atensyon sa labas ng bintana habang binabaybay nila ang daan ng Brgy. Dap-Dap. Nang marating nila ang Magallanes, iginilid nito ang kotse at pinabagal ang takbo. “Saan?” tanong nito. “Diyan na lang sa drugstore.” Isinukbit niya ang kanyang bag sa kanyang balikat. “Pasensiya ka na kung nabasa ko ang upholstery ng kotse mo.” Ngunit sa halip na ihinto ang sasakyan ay nagpatuloy ito sa pagpapatakbo. “Where?” Inis na nagpakawala siya ng hininga. Sumusukong sumandal siya sa kutson ng upuan. “Diretso. Ikalawang kanto, ikatlong gate, pula.” Dire-diretso niyang saad. Sinundan nito ang nabanggit na mga direksyon. Hindi nagtagal ay itinabi na nito ang kotse sa tapat ng isang kalawanging gate na napipinturahan ng natutuklap nang pulang pintura. Pinindot nito ang button na mag-a-unlock sa pinto. “Sige, salamat,” paalam niya saka mabilis na bumaba ng sasakyan. “Wait! I'll go with you,” boluntaryo nito. Kasunod niya itong naglakad papasok. Kabadong nilingon niya ito. “Hendrick, you don't have to—” “Gusto kong mag-hello sa mama mo. So this is where you live.” Kunot-noo at puno ng dis-gusto ang anyo na pinasadahan ng tingin ang tirahan nilang magkapatid. “Wala na ang mama, Hendrick.” “Saan pumunta? Iniwan ka?” mulagat nitong tanong. Halatang hindi nito naintindihan ang sinabi niya. “Pinabayaan ka rin ng ina mo, is that it? Does your father know?” Napalunok siya bago tumango. “And like the bastard he is, pinabayaan ka rin niya. Ano bang klase ng pamilya mayroon ka?” Halos magpantay na ang mga kilay nito. “‘Wag mong idamay ang Mama,” galit niyang sambit. “She's dead,” pagtatama niya sa mali nitong akala. Mabilis na nawala ang galit sa anyo nito. Ang pumalit doon ay isang ekspresyong hindi niya mabasa. “I'm sorry. You're twenty now, ‘di ba? Walong taon ang tanda ng Ate mo sa ‘yo. Are you studying? You're supposed to be in college. Nag-aaral ka pa ba?” sunod-sunod nitong tanong. Sapat na ang hindi niya pagkibo para malaman nito ang sagot sa mga katanungan nito. “s**t! Tarantado talaga ‘yong ama mo. Paano niya navawang pabayaan ka?” Galit na itinutok nito ang mata sa kalawanging gate. “Ang Ate mo, hindi ka man lang ba tinulungan?” Tumawa ito ng mapakla. “Yeah, right. Your sister will only lift her finger for herself. Noong ipinanganak ka, natutulog siguro ang Diyos, ano? Ni hindi ka niya ipinili ng mabuting pamilya.” “Yeah, right. Na parang hindi ka minalas na tulad ko,” sarkastiko niyang saad din dito. Kahit paano ay may loyalty pa rin naman siyang nararamdaman sa taong pinagmulan niya. Tinalikuran niya ito at itinulak ang gate para makapasok siya sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD