NAGMAMADALING pumasok sa pinto ng maliit na kwartong nirerentahan ni Mauve ang kaibigan niyang si Jhaz—short for Jazzel.
“Naku! Sorry, Mauve, Sinubukan ko namang bilisan pero sobrang traffic talaga. Bumaba na nga lang ako ng jeep at naglakad pauwi,” mabilis na paliwanag nito.
Habang nakikinig sa paliwanag nito ay isinusokbit niya ang kanyang bag sa kanyang balikat.
Male-late na siya sa trabaho. Masungit pa naman ang amo niyang intsik. Hinalikan niya ang tatlong gulang na kapatid na si Chin-chin bago hinarap si Jhaz.
“Okay lang ‘yon. Sige, ikaw na ang bahala kay Chin-chin.” Hindi na niya hinintay na makasagot ang kaibigan.. Lumabas siya ng kwarto at nagtuloy-tuloy hanggang sa makarating sa labasan.
Pinilit niyang burahin ang mga iniisip niya habang naghihintay ng jeep. Alam niya kung patuloy lang niyang iisipin ang mga ‘yon ay maaapektuhan lang ang trabaho niya.
Kailangan niyang magtrabaho ng mabuti para may makain ang kanyang mga kapatid at may maipangbayad sa upa ng bahay.
Magtatatlong buwan na silang hindi nakakapagbayad ng renta at pabalik-balik na rin si Aling Marites sa bahay para singilin sila.
Nagbabanta na rin ito na palalayasin na sila kapag hindi pa siya nakapagbayad sa loob ng linggong iyon.
Namasa ang mata niya dahil sa namumuong luha roon. Ikinurap-kurap niya ang mga iyon. Para sa kapakanan ni Chin-chin, ay hindi siya pwedeng mawalan ng pag-asa.
Iyon ang paulit-ulitniyang itinatak sa isip niya. Nag-aabang siya ng jeep papuntang trabaho niya.
Sobra nga ang traffic.
Kalahating oras na nga siyang late nang bumaba siya ng jeep may ilang metro pa ang layo sa Chinese Restaurant na pinagtatrabahuan niya sa BGC.
Kinakabahang tinakbo na niya ang natitirang distansya, hindi alintana ang aspaltadong kalsada.
Nagulat siya nang makarinig ng malakas na busina mula sa likuran niya. Nawalan siya ng balanse, dahilan para matumba siya.
Sindak na hinintay niya ang pagbagsak niya sa sanaw. Suot niya pa man din ang kaisa-isahang uniporme sa pagwe-waitress.
Napapikit na lamang siya nang unti-unting tumagos ang basa sa kanyang underwear!
Mula sa peripheral vision niya ay huminto ang kotseng bumusina sa kanya. Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng car door pati ang mabilis na pagbaba ng lalaki mula roon. Lumapit iyon sa kanya para tulungan siyang makatayo. Hinawakan siya nito sa braso ngunit hinaklit niya iyon muka rito.
“Ano ba? Kaya kong tumayo.” inis niyang wika dito. “s**t!” Napa mura siya nang mapilitan siyang itukod ang mga kamay sa kalsada para makatayo.
Napamura ulit siya nang malaman na basa rin pati ang ilalim ng kanyang bag.
Tatlong beses pa siyang napa-mura nang hindi sinasadyang mapatingin siya sa pinagtatrabahuan na restaurant at makitang nakatayo sa harapan niyon ang may-ari na si Mrs. Singfiao.
Nakapamaywang ito at kahit sa malayong distansya nila ay halata ang mataray at masungit nitong awra. Ang pagkadis-gusto sa kanya.
Biglang nawala ang kahihiyang nararamdaman niya sa pagkakadulas sa harapan ng maraming tao. Sigurado siyang sa mga sandaling iyon ay wala na siyang trabaho.
“It's not my fault, you know. Basta ka na lang kasi sumulpot sa harapan ng sasakyan,” paliwanag ng lalaking nasa likod niya..
Kahit puno ng sama ng loob ang kanyang dibdib ay hindi niya ugaling manisi ng kasalanan sa iba. Hindi niya ugaling magturo ng daliri. Pero may kung ano sa tono ng lalaki na hindi nagustuhan ng pandinig niya.
Inis na humarap siya para sipatin ito. Nakadagdag pa sa inis niya ang natuklasan na matangkad pala ito sa kanya.
Inis siyang tumingala. “For your information, hindi kita sinisi…..” Napaawang ang bibig niya nang makita ang mukha nito.
Ang bahagyang ngiting nakaguhit sa mukha nito ay nagjng abot tainga. “Sinasabi ko na nga bang you look familiar. Mauve, I never taught, I’d see you again,” masayang wika nito.
Nanatili siyang nakatulala rito. Nahahati ang puso niya nang mga sandaling iyon sa matinding emosyon—excitement at pagkadismaya.
Mas lamang nga lang ang pagkadismaya.
Kung bakit kasi kung kailan minamalas siya, saka naman nagkrus ang mga landas nila ni Hendrick. Kung maari lang ay hinihiling niya na lamunin na siya ng lupa.
Hindi niya pinansin ang pag-iinit ng kanyang pisngi. “Hendrick,” tipid niyang pagkilala rito.
Wala siyang pakialam kung mapansin nito sa tono ng boses niya na mas gusgustuhin niya pang makita si Poncio Pilato kaysa rito.
Pinsadahan nito ng tingin ang suot niyang uniporme. “Anong ginagawa mo rito?” tanong nito, wala na ang ngiti sa mga labi.
Her heart sank. Batid niyang nahulaan nito ang sadya niya sa lugar na iyon. “I’m on my way to work,” she replied in a dull voice.
“Waitress ka sa restaurant na iyan?” Nahalata niya sa tinig nito ang magkahalong pagkadismaya at di-makapaniwala. “Anong nangyari sa pamilya mo?” Na-bankrupt ba kayo? Minalas na ba sa wakas ang gagong ama mo?”
Hindi siya nag-react sa sinabi nito. Nag-iwas na lamang siya ng tingin. Wala siyang balak na sagutin isa man sa mga tanong nito tungkol sa kanyang pamilya, lalo na iyong tungkol sa ama niya na matagal niyang ng hindi nakakausap o nakikita man lang.
“Late na ako. S-sige.”
“Hindi ka pwedeng pumasok ng trabaho na ganyan ang itsura mo,” pagpapaalala nito sa itsura niya.
Noon niya naalalang basa nga pala pati ang pang-upo niya. Noon lang din niya napansin ang mga taong nagdaraanan at nakatingin sa pwesto nila. Nakatingin ito sa kanila habang tumatawa kaoag napapasulyao sa kanya.
Dahil sa ayaw niyang matapakan ang pride niya ay nagawa niyang iangat ang kanyang baba at sinalubong ang titig ni Hendrick. “This is my problem, anyway.”
“Suit yourself,” kibit-balikat nitong sabi. Naglakad ito pabalik sa kotse.
Mabilis na nilapitan naman siya ni Mrs. Singfiao kahit na ninety percent na siyang sigurado na wala na siyang trabaho.
Ngunit umaasa pa siyang baka mapakiusapan pa niya ito. Baka naman pakinggan siya ng Diyos ngayong araw na ito at palambutin nito ang puso ng masungit niyang amo.
She would wish anything, hope for anything, para kay Chin-chin.
Ngunit nang tuluyan na siyang makalapit dito, alam na niyang wala na siyang aasahan pa. “Ikaw sesante ko,” nakapamaywang na sabi nito. “Alam mo na sigulo ‘yun nuh? Ang kapal ng mukha mo. Alam mo malami ka ng offense, nag-palate ka pa kulang isang olas.”
“A-alam ko ho, Mrs. Singfiao. P-pasensya na ho ka—”
“Wala pase-pasensya!” Putol nito sa pagpapaliwanag niya. “Umalis ka na.Tingnan mo salili mo. Suot mo oa uniform dito. Baka mawalan ako ng customels dahil sa ‘yo.” Pinasadahan siya nito ng disgustong tingin.
“Mrs. Singfiao, may kalahating buwan pa ho akong sasahurin dapat bu—”
“Ano suweldo?” Nanlilisik ang mga matang tanong nito sa kanya. “Patakalan ko na kapag hindi kumoleto telmino, wala sweldo. Ano pa sinisingil mo?”
“Pero maawa na po kayo, Ma’am. Kailangan ko ng perang panggastos sa paghahanap ng bagong trabaho. Iyon na lang ho ang inaasahan ko. At wala na kaming pambili ng pagkain—”
“Wag mo ako dlama! Kapag di ka pa umalis ngayon na ipapadampot kita sa pulis.” Itinaas nito ang kamay at itinuro ang hintuturo nito sa pintuan ng restaurant. “Get out!” talak nito, labas pati ngala-ngala. “ Get out!”
Gustong-gusto niyang maiyak sa labis na awa sa sarili . Pakiramdam niya ay isa siyang pulubing namamalimos kung ipagtabuyan ng kanyang amo.
“Mauve?”
Napapikit siya ng mariin nang mabosesan ang tinig ng nasa likuran niya. Hindi pala umalis si Hendrick gaya ng inaasahan niya. He had to stay and watched her humiliation.
“You know hel, Mr. Lucencio?” tanong dito ni Mrs. Singfiao.
Lalo siyang napahiya dahil sa maling akala niya. Kilala nito si Mrs. Singfiao. Kung ganoon ay doon talaga ang punta nito.”
*****
NAPATIIM-BAGANG si Hendrick habang sinusundan ng tingin nag papalayong si Mauve. He noticed that her back was slender, hindi na ito mataba kagaya noong teenager pa lamang ito. She had square shoulder, too, pero maninipis. Laglag ang mga iyon ng sandaling iyon, parang pasan nito ang buong mundo sa balikat nito.
Base sa nasaksihan niya, marami nang nabago rito. Hindi lamang sa pisikal na anyo nito, though she sure had grown a lot. Maamo pa rin ang mata nito, ngunit hindi maikakaila ang kalungkutan at kapaguran doon kapag masinsinang tinitigan.
What did she had to put up with ever since he last saw her? Ano ang naging buhay nito sa piling ng mama nito? Miserable ang buhay nito noong nasa San Carlos pa ito, sa piling ng mga magulang nito.
Kung titingnan ito, miserable rin ang naging buhay nito sa Maynila. Kung hindi ba naman ito babagsak sa pagiging isang waitress.
He had always regarded her as different from her family. No, everybody regarded her different from her social climbing family.
Naaawa siya rito pero hindi niya iyon pwedeng ipakita rito. Masasaktan ito. She had more pride than that lousy family of hers put altogether.
“Mr. Lucencio? Mr. Lucencio?”
Tumingin siya ng tuwid kay Mrs. Siangfao na agad na ngumiti ng makaharap niya. It didn't help to soften her cruel face that much. At ngayon, hindi lang nasa mukha nito, kundi maging sa pagkatao nito.
“Kung alam ko kilala mo pala siya, hindi ko sana siya sinesante. I thought she has annoyed you ng bigla na lang siyang humalang sa halapan ng kotse mo. It was a tellible mistake. Pasusundan ko siya at pababalikin—”