HAGULHOL ang naging reaksyon ni Jhaz nang ibalita rito ni Mauve na aalis na sila ni Chin-chin para bumalik sa San Carlos.
Alam niyang nalulungkot ito dahil hindi na nito makikita araw-araw ang inaanak.
“Walanghiyang Hendrick na iyon! Kung alam ko lang na ilalayo pala niya sa akin ang inaanak ko, hindi ko na sana siya kinampihan!” pangangalaiti niya.
“Huwag kang mag-alala, malapit na naman ang sem break. Pwede mo naman kaming dalwain doon,”pagpapagaan niya ng loob nito.
Sa sinabi niya ay tumayo ito mula sa kinauupuang stool af tinulungan siya sa pag-eempake ng iilang pirasong gamit ni Chin-chin.
Napabuntong-hininga si Jhaz, ngunit hindi na ito nagsalita pa. Naiintindihan naman nito ang sitwasyon niya, ngunit hindi pa rin nito maiwasang magdamdam. Muli nitong inabot ang isa pang damit ni Chin-chin at maingat itong itinupi. Hindi ito makapaniwala na ang mga bagay na ito, na dating bahagi ng araw-araw na buhay nito, ay magiging alaala na lamang sa mga susunod na araw.
Isang malaking van ang dala ng driver ni Hendrick na si Mang Tonyo nang sunduin sila nito sa bahay bandang alas-syete ng umaga. Palibhasa kakaunti lang ang kanilang gamit na magkapatid, madaling napagkasya ang mga iyon sa loob ng van bago sila sumakay ni Chin-chin sa harap.
"Siguraduhin mong tatawag ka lagi, ha?" biglang sabi ni Jhaz, na may halong bahagyang pakiusap sa boses nito.
"Ayokong maputol ang connection ko kay Chin-chin. Tita pa rin ako niya kahit malayo."
Ngumiti siya at niyakap si Jhaz. "Oo naman, Jhaz. Hinding-hindi namin kakalimutan ang mga tulong mo, lalo na kay Chin-chin. Lagi ka naming tatawagan, at kapag nagkaroon ng pagkakataon, bumisita ka sa amini doon."
Mahigpit na niyakap siya ni Jhaz, at ramdam niya ang lungkot sa yakap ng kanyang kaibigan.
"Mag-iingat kayo doon. At kung sakaling kailangan mo ng tulong, alam mong nandito lang ako, one call away lang ako, ‘lam mo na yun."
"Salamat, Jhaz. Malaking tulong ka sa amin, hindi mo lang alam," tugon niya, habang pinapahid ang mga luhang nagbabadya sa kanyang mga mata.
Ginawa niya ang pagpapaalam sa landlady niya nang masaya.
Sa simula ng biyahe, palibhasa bagong karanasan at hindi sanay si Chin-chin ay naging alerto ang bata. Tuwang-tuwa nitong pinapanood ang mga nakakasalubong nilang sasakyan.
Pero matapos ang isang oras ay mahimbing na itong natutulog sa kanyang mga bisig.Habang mahimbing na natutulog si Chin-chin, naramdaman niya ang bahagyang pagbigat ng bata sa kanyang mga bisig. Mahina niyang hinaplos ang likod ni Chin-chin habang patuloy na umaandar ang van patungo sa Bicol.
Sa labas ng bintana, unti-unti nang nagbabago ang tanawin—mula sa mga matatayog na gusali ng Maynila, ngayon ay mga malalawak na palayan na ang kanilang nadadaanan.
Maya-maya, naramdaman niyang kumilos si Chin-chin, bahagyang nagising at muling pumikit, tila panandalian lamang nagalaw ng pag-usad ng van sa isang baku-bakong daan.
Inilapat niya ang ulo ni Chin-chin sa kanyang balikat, at hinayaan itong muling makatulog nang mahimbing. Alam niyang marami pang oras ang kanilang biyahe.
Maya-maya pa, nagsimula nang bumagal ang takbo ng van habang papalapit sila sa kanilang destinasyon.
Hanggang sa wakas ay marating nila ang bukana ng San Carlos, matapos ang labindalawang oras na biyahe, narating na nila ang Bicol. Malamig ang simoy ng hangin, at ramdam niya ang kakaibang amoy ng probinsya—ang sariwang hangin na may halong bango ng mga damo at tanim.
Mula roon ay itinuro niya kay Mang Tonyo ang direksyon patungo sa Casa Lucencio.
Nang tumutok ang headlights ng van sa malaking gate ng ancestral house ng mga Lucencio, doon siya totoong nagulat.
Tama si Hendrick, napakalaki nga ng ipinagbago ng lugar. Bagaman malinis ang paligid, the whole place had an unkempt quality.
Nakakalungkot titigan ang dating maganda at marangyang lugar sa ganoong sitwasyon.
“Kaya pala nagmamadali si Sir. Kahit abalang-abala ay talagang binigyan ito ng atensyon. Mukha nang haunted house!” sabi ni Mang Tonyo.
Nakita niyang bumukas ang front door ng bahay. Lumabas mula roon ang isang matanda. Agad niyang nakilala si Mang Dino, ang pinakamatagal na katiwala ng mga Lucencio. Mabilis itong lumapit sa gate at binuksan iyon.
Ipinasok ni Mang Tonyo ang van at ipinarada iyon sa harap ng bahay.
“Ipapasok ko na ang mga maleta para makapagbihis kayo agad at makapagpahinga na. Isusaunod ko na lang ang iba,” wika nito.
Tinapunan niya ito ng isang ngiti, nagpapasalamat. Pagod na talaga siya. Bumaba siya ng van karga si Chin-chin.
Naroon na si Mang Dino na mabilis na naisara at nai-padlock ang gate. Maliksi pa rin itong kumilos kahit matanda na.
“Marhay na banggi ho, Mang Dino.” Magandang gabi, nakangiting bati niya rito.
Sa kanyang pagtataka, isang walang ngiting tango ang natanggap niya mula rito. Kilala iyong hindi palaimik at tahimik pero hindi ito maramot magbigay ng ngiti at pagbati kahit kanino.
Ngayon, iyong tango ay parang napipilitan pa. Pagkatapos ay agad itong tumalikod at nagpatiuna aa pagpasok sa bahay.
Halatang-halata ang pagiging malamig nito, na parang hindi siya nito gustong makita.
Bumuntong-hininga siya at napapailing na sumunod dito. Walng imik na binuksan nito ang isang pinto ng isa sa mga kwarto sa unang palapag ng tatlong palapag na bahay. Saka ito tahimik na pumihit at nilampasan siya.
Malungkot na sinundan niya ito ng tingin hanggang sa mawala ito sa gawi ng kusina. Hindi niya alam kung bakit ganoon kalamig ang pakikitungo nito sa kanya.
Wala naman siyang maisip na dahilan kung bakit ganun ang pakikitungo nito. Katunayan ay isa ito at ang asawa nitong si Aling Ester na itinuturing niyang isa sa magagandang alaala ng San Carlos.
Binuhay niya ang ilaw sa silid ng makapasok roon. Nadismaya siya sa kanyang nakita sa loob ng silid.
The room was in total dissaray. Puno pa iyon ng mg alikabok at agiw. Kung tutulugan nila iyong magkapatid ay kailangan muna nila iyong linisin.
Inilabas niya si Chin-chin at inihiga sa kahit paano ay malinis na sofa sa sala. Sinilip niya ang ilang kwarto at ganoon din ang hitsura ng mga iyon.
Naipasok na nin Mang Tonyo sa loob ng bahay ang mga gamit nilang magkapatid nang bumalik siya sa sala. Base sa hitsura nito, nakita na rin nito ang kwarto.
“Maghahanap ako ngibang kwarto rito na pwede ninyong tulugan kahit ngayong gabi lang.”
“N-nagawa ko na ho,” nahihiya niyang pag-amin. “Maglilinis na lang po ako ng kwarto.”
“Tutulungan na kita, hija. Ibalik mo muna ang bata sa loob ng van at magiging mas komportable siya roon.” Utos nito sa kanya.
Walang imik na sinunod niya ang sinabi nito. Matapos masigurong komportable si Chin-chin sa backseat ay bumalik siya sa loob ng bahay para tulungan si Mang Tonyo na nagsisimula na sa paglilinis.
Matapos ang mahigit isang oras, nakilala na rin kahit paano ang dating guest room. Pagod na nagtungo siya sa para magtimpla ng kape.
Muli ay nadismaya siya sa hitsura ng kusina. Naka-odd ang ancient na two-door refrigerator at wala iyong kalaman-laman.
Nang pihitin niya ang gripo ay marumi ang tubig na lumabas doon. Marurumi ang lahat ng gamit-pangkusina dulot ng matagal na hindi pagkakagamit sa mga iyon.
Napabuntong-hininga na lamang siya. Bumalik siya sa van at kinuha ang kanyang thermos, isang malaking plastic box at ang maliit na icebox.
May laman pang mainit na tubig ang thermos. May frozen meatloaf si Chin-chin sa icebox na pabaon pa ni Jhaz. May tinapay pa rin sila sa isa pang plastic box. Makakagawa pa siya ng isang maayos na merienda sa pamamagitan ng mga iyon.
Ang mga mugs at kubyertos na ginamit niya ay iyon na ring mga baon nila. Nang lumabas si Mang Tonyo mula sa kwarto ay nakahanda na ang merienda at ang mainit nitong kape sa isang mug. Hindi na nito kailangan pang magsalita para magpasalamat nang mahawakan anv mug ng kape at ang isa sa pinalamanang tinapay.
“Pagkatapos natin, tutulungan ko kayo sa paglilinis sa isa pang kwartong matutulugan niyo.” Wika niya.
Tumawa ito ng bahagya. “Huwag na, hija. Sa van na lang ako matutulog. Sanay ako. Magpahinga ka na dahil mukhang babagsak na ang talukap ng mga mata mo.”
Napakurap siya. Tama ito. Nahihirapan na nga siyang mapanatiling nakamulat ang kanyang mga mata.
“Salamat ho sa tulong niyo, Mang Tonyo.” nakangiti niyang pasasalamat rito.
“Wala iyon.” Lumagok ito ng kape. “Ay, oo nga oala.” Ibinaba nito ang mug sa mesa. “Ipinabibigay ni Sir. Budget mo raw. Dapat kanina ko pa naiabot yan sa iyo kaya lang nawaglit sa isip ko. Pasensya ka na.” Nagpakamot ito sa batok.
“Okay lang ho, Mang Tonyo.” Tinanggap niya ang sobre at isinilid sa bulsa ng suot niyang maong pants nang hindi man lang sinisilip kung magkano ang laman niyon.
Knowing Hendrick, hindi siya nito bibigyan ng kulang.
Matapos mailigpit ang mga pinagkainan ay magkasama sila ni Mang Tonyo na lumabas ng bahay.
Nagpaiwan ito sa van nang kunin niya ang mahimbing pa ring si Chin-chin para ipasok na sa kwarto. Ang inilatag niyang kubrekama roon, apti kumot at unan ay sarili nilang mga gamit para makasigurong walang insekto na nakakapit sa tela.
Ni hindi niya naisip na maglinis pa ng katawan. Mataoos masigurong naka-lock na ang lahat ng pinto ay nahiga na siya sa tabi ni Chin-chin.
Agad naman siyang nakatulog sa tabi nito, dala ng pagod.