Umiling-iling ito. “You really don't know me at all, Mauve.”
Nag-angat siya ng kilay. “Bakit? Ano pa ba ang dapat kung malaman tungkol sa iyo?”
“Hindi bumibitiw ang puso ko kapag nagmahal,” nabasa niya sa mga mata nito ang kaserysohan.
Kulang na lang ay itaas nito ang kanang kamay at manumpa.
Hindi niya napigilan na mapangiti. “Ang baduy… ew!” sabi niya bago ibinalik ang atensyon sa pagkain.
“Daddy, baduy!’ ulit ni Chin-chin. “Baduy raw, Daddy!” Humagikhik ito pagkatapos. “Eat, Daddy!” Itinuro nito ang gulay.
“Demanding itong anak mo, ‘no? Since you were never that, malamang na mana sa ama.”
Hindi siya umimik. Sinubuan na lamang niya sa Chin-chin ng gulay na itinuro nito. She was wondering kung kailan papasok sa usapan ang tungkol sa trabahong ino-offer nito sa kanya.
It came over Chin-chin ice cream and their coffee. Binuksan iyon ni Hendrick nang walang anumang premilinaries.
“May property ako sa isang probinsya na gusto kong simulan ang renovation. I need someone to stay there to keep an eye on things on days when I'm away. Iyon ang ibibigay ko sa iyong trabaho.”
Sa probinsya ng Legazpi na tumutukoy sa freah air and fresh food. Bukod doon kilala rin dito ang perfect cone ng Mayon Volcano.
Unang-unang makikinabang syempre ang kalusugan ng kapatid niya.
“I can see that you're interested. Although kahit magmatigas ka, wala ka talagang choice na tumanggi
Para ito kay Chin-chin. I'll give you ten thousand a month for a starter. Kapag nagustuhan ko ang performance mo, dadagdagan ko ‘yan ng thirty percent sa ikatlong buwan, and then fifty percent sa fifth month. Ang pagkain at lodgings, sagot ko na since you and your daughter will be staying in one romms. May dalawang tauhan ako roon na aasiste sa ‘yo sa lahat ng mga gawain. Maiipon mo ang lahat ng sweldo mo para sa kung anumang gusto mong bilhin para sa inyong mag-ina.”
“You deliberately trying to make it more appealing,” paikli niya.
Napakalaki ng ipapasahod nito sa kanya gayung magbabantay lang naman ng bahay ang gagawin niya.
Ang mga dati niyang trabaho ay hindi man lang umabot ng kalahati ng balak nitong ipasweldo sa kanya.
Isipin pang di-hamak na mas mababa ang standard of living sa probinsya at sa Maynila.
“Bakit naman kita pahihirapan pa?” tanonh nito, saka humingop ng kape.
Sumandal siya sa inuupuang silya. “What's the catch?” K
kinakabahan niyang tanong? Kahit ano ang gawin niya, may kutob siga na may dapat pa siyang malaman.
Bumuntong-hininga ito. “So, there is. Ang problema, kapag sinabi ko, baka hindi mo tanggapin ang trabaho. Though that would be the height of foolishness, believe me.”
Umangat ang kilay niya, pero hindi siya nagkomento. Hinintay na lamang niyang sabihin nito kung ano iyon.
Muli itong bumuntong-hininga. “I'm talking about Casa Lucencio, Mauve. Ang Casa Lucencio sa San Carlos.”
She was hoping against hope that it wasn't that. Hindi ang Casa Lucencio. Or rather, hindi sa San Carlos.
“Iyon lang ang nag-iisang pag-aari ng pamilya kong hindi napasama sa pustahan at nag-iisang namana ko sa angkan ng mga Lucencio. Hindi ko alam, kung anong pumasok sa utak ng Lolo ko at hindi iyon isinama sa pustahan, pero ipinagpapa-salamat kong hindi niya iyon isinama. As you well know, my Lolo Rodolfo lost everything in a stupid card game.”
Hindi na lamang siya kumibo. Hindi man malapit sa isa't-isa sina Hendrick at ang lolo nito dahil sa sobrang kaistriktuhan ng matanda, batid niyang kahit papaano ay minahal ni Hendrick ang nag-iisang nag-aruga rito, bagaman sa malamig na paraan. Dahil iyon ang itinuro rito ng matanda.
Nalalaman niya iyon dahil siya ang kasama ni Hendrick nang gabing sumabog ang lahat ng sama ng loob at sakit na nararamdaman nito sa pagkamatay ng kanyang ‘abuelo’ o lolo.
Napabayaan ang ancestral house dahil matagal bago ako nakabangon. The last time I went there, wala ng mga gamit na maisasalba pa o kung ano mang mapapakinabangan. That was a half year ago. Nakipag-usap na ako sa Engineer ko at buo na ang mga plano para sa repairs at renovations. I've been trying to find someone na mapagkakatiwalaan at maaalala pa ang dating hitsura ng casa para madaling mapagtanungan ng architect at engineer kapag wala ako roon.” mahabang paliwanag nito.
“Bakit hindi maghanap sa San Carlos?” agad naman na suhestiyon ko.
“I don't trust anyone in San Carlos anymore, Mauve. Not by choice. Tao lang ako. Na-trauma yata ako.”
Napailing siya. “Hendrick, hindi ko gustong bumalik sa San Carlos. They will all cut me in two, lalo na kapag may bitbit pa akong bata.” Huminga siya ng malalim. “At kapag nalaman ng Papa na naroroon ako, na empleyado mo pa ako, of all people, hindi nila magugustuhan —”
He interrupted. “Na mabigyan siya ng kahihiyan?” singit nito sa malamig na tinig.
“Hendrick—”
“Kung mayaman ang nakabuntis sa iyo. I'm sure he'll have you back with an open arms.,” sarkastikong wika nito.
“Hendrick —”
“It's true!” giit nito. Sandali nitong sinulyapan si Chin-chin na abala ss pagkain ng ice cream. “Where's her father, anyway? Inabandona niya ba talaga ang bata?”
Nag-iwas siya ng tingin. Tumango siya kapagkuwan ay umiling.
“Alin doon ang totoo?” seryosong tanong nito.
Muli siyang bumuntong-hininga at sinalubong ang tingin nito. “He doesn't deserve Chin-chin. Wala siyang kwentang tao.”
Umangat ang isang sulok ng labi nito. “Then, how come you fell for him?”
Mapait siyang tumawa. How ignorant of her mother. Sa simula pa man, nakaramdam na siya ng pagdududa sa gwapo at machong hardinero nila. Pero masyado pa siyang bata noon, hindi sigurado sa kanyang judgements para isipin na tama siya.
Isa pa, sa unang pagkakataonay nakita niyang. Masaya ang kanyang mama, na totoo ang mga tawa at halakhak nito. At para sa kanya, her mother deserved thag dahil sa buong buhay nito sa oiling ng kanyang papa, hindi nito naranasang sumaya.
Hindi man ito sinasaktan nang pisikal ng kanyang ama, ang pamba-balewala nito rito kapag hindi kailangan ang pandekorasyon sa mga bisita at sa mga dinadaluhang okasyon ay mas masakit pa kaysa roon.
Simpleng tao lang naman kasi ang kanyang mama., simple pati pangarap at kaligayahan. Anak ito ng isang magsasaka. Pinakasalan lamang ito ng kanyang papa dahil sa angkin nitong kagandahan. Kung wala ang gandang iyon ay wala itong silbi sa sarili nitong asawa.
Sa Ate Tiffany naman niya ay wala rin itong nakuhang suporta. Daddy’s girl ang kanyang ate. Masyado nang nalubog ang mama niya sa depresyon nang ipinanganak siya kaya hindi na nito napansin na ang anak na nagmana ng hitsura sa asawa nito ang tunay na nagmamahal dito.
“Ganun ka ba kadesperada noon para makatanggap ng
pagmamahal, Mauve., that you deliberately acted blind just for the heck of it?”
Gulat na nag-angat siya ng paningin at tinitigan ito ng tuwid nang marinig ang disappointment sa tinig nito. Kitang-kita rin niya iyon maging sa mga mata nito.
Kahit paano ay nagdiwang ang kalooban niya dahil kahit paano ay maganda pala ang tingin nito sa kanyang pagkatao.
Nainip na yata iyo sa isasagot niya sa tanong nito. Nalipat kag Chin-chin ang atensyon nito nang humikab na ang bata. “At least, you have this beautiful kid now. That's all that matters in the end naman, “di ba?”
May nasundot sa puso niya sa sinabi nito. “S-sinabi ba yon ng mother mo sa iyo bago siya namatay, Hendrick?”
Mula sa pagkakatitig kay Chin -chin ay nagbaling ito ng tingin sa kanya.
His eyes were deep pools of feelings. Hindi na nito kailangan pang sagutin ang tanong niya.
Hindi sa San Carlos ito ipinanganak. Naglayas ang ina nito nang magbuntis at nagtagk sa matandang Lucencio. Dose anyos si Hendrick ng lumapit sa lolo nito. Patay na noon ang ina nito sa sakit na cancer.
“She never ever made me feel like a bastard,” anito na mababang boses.
Napalunok siya, niyuko niya nag kapatid na nakasandal na ang ulo sa dibdib niya. Nang muli siyang mag-angat ng mukha ay namumuo na ang luha sa mga mata niya. “Gago ka talaga. Paano ko pa matatanggihan ang trabahong inaalok mo pagkatapos ng sinabi mo?” paninisi niya rito.
Ngumiti ito ng maluwag. “Once, naaalala konv tumanggap ng labada si Mama para maibili ako ng uniporme sa skwela.”
“Oo na. Tumigil ka na bago pa bumaha ng luha rito,” wika niya. Sabay tampal sa kamay nitong nakapatong sa mesa.
“So, shall I help you pack or what?”
“Ngayon na?” gulat niyang sambit.
“Kaya mo pa ba talagang tiisin si Aling Marites?”
“Sabagay…” Napangiti siya.
“May van na susundi sa inyo ngayong gabi at maghahatid sa inyo sa San Carlos. I'll follow as soon as I can wrap three important negotiations with my foreigner soon-to-be partners.Makapagba-bakasyon ako sa San Carlos for a week or two bago ako bumalik dito. You must decide now.”
Arogante talaga. Napailing siya sa naisip. Matapos ang isa pang buntong-hininga ay tumango siya. “Sige na nga.”
Sa wakas ay pumayag din siya.
Ngumisi ito nang pagkaluwang-luwang. Mabilis nitong sinenyasan ang waiter para kunin ang kanilang bill.
Matapos mabayaran ang kinain nila ay inihatid sila nito pabalik sa bahay na nirerentahan. Tinanggihan niya ang alok nitong tutulugan siya sa pag-eempake dahil alam niyang busy ito.
Patunay na maya’t mayang pagtunog ng cellphone nito.
Bago umalis ay binigyan nito ng isang masuyong halik sa noo si Chin-chin na mahimbing nang natutulog. Saka ito sisipul-sipol at nakapamulsang lumabas ng bahay.