CHAPTER 6

1615 Words
Mabuti na lamang at maagap siya sa paghagilap ng tuwalya. Kung hindi ay mababasa sana si Hendrick dahil mabilis na nakatayo at nakaahon sa bathtub ang bata nang makita ang daddy nito. May inilabas na tsokolate si Hendrick at iniabot na iyon kay Chin-chin bago pa man siya makapagreklamo. Hindi naman niya magawang bawiin ang chocolate at ibalik kay Hendrick lalo at halatang tuwang-tuwa ang kapatid niya. Tinalikuran na lamang niya ng mga ito at kinuha ang inihanda niyang pamalit ni Chin-chin. Hinayaan niyang nakabalot lamang ito ng tuwalya at hinintay na makatapos ito sa pagkukwento ng kung anu-ano sa daddy nito. Hendrick noticed her and patiently whispered to the child, “Chin, mas magiging masaya kung magbibihis ka muna kasi nilalamig ka na. Go to your Mommy. Hinihintay ka na niya, oh.” Mabilis namang sumunod ang bata, handang gawin ang lahat ng sasabihin ng daddy nito. Hindi niya alam kung kanino siya maaawa, sa kapatid o sa kanyang sarili, dahil ang buong akala niya ay naibibigay niya ang lahat ng pagmamahal dito kahit na kinukulang sila sa materyal na mga bagay. Napagtanto niya nang mga sandaling iyon na may bagay siyang kailanman hindi niya maibibigay rito—ang pagmamahal at pag-aaruga ng isang ama. “May gagawin ba kayong mag-ina ngayong araw?” saad ni Hendrick. Umiling siya nang hindi tumitingin dito. “Bakit?” “I want you to come with me,” suhestiyon nito. Bigla siyang inatake ng tensyon. “B-bakit?” “Hindi ba sabi ko, bibigyan kita ng trabaho?” Muli siyang umiling. “Hindi ko kailangan ang trabaho. Salamat na lang.” “Anong hindi? You need it! Very badly. At bibigyan kita ng trabaho dahil hindi ako tanga para hindi mahalatang kailangang-kailangan mo ‘yon. Kaya if I were you, tatanggapin ko ang inaaalok sa akin. After all, hindi mo naman siguro gugustuhing tulungan kita nang walang kapalit?” “Hindi ko kailangan ang opinyon mo,” nag-iinit ang buong mukha niya habang sinasabi iyon. Gusto niya itong batuhin pero naroon si Chin-chin at palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Tinawanan lang siya nito. “Tell that to your daughter, Mauve. Anyway, siya naman ang maaapektuhan kapag biglang nagkasakit ang sinuman sa inyong dalawa at wala kang naitatabi ni pambili ng gamot sa botika.” Tila may sumundot na matulis na bagay sa dibdib niya. Agad siyang nag-iwas ng tingin. Totoo naman kasi ang mga sinabi nito. “C’mon, Mauve, stop loving your pride more than your daughter. Hindi ko maintindihan kung bakit napakatigas ng loob mo sa akin. Wala naman akong naaalalang masamang nagawa ko sa ‘yo.” “Ang pamilya ko, meron sa ‘yo,” sabi niya bago pa man niya mapigil ang sarili. “At natatakot akong baka sa main ka ni Chin-chin gumanti.” Umiling siya sa akin ng sunod-sunod. “Wala kaming pambayad, Hendrick. We're barely surviving. Nakikita mo iyon at hindi ko iyon maitatago sa iyo kahit gustuhin ko. Walang kamalay-malay si Chin-chin. Ayokong umasa siya. Ayoko siyang masaktan.” “Kung gano’n, naniniwala ka na talagang ginagawa ko ito para paghigantihan ang pamilya mo?” malumanay na tanong nito, bagaman halata sa pag-iigting ng panga nito na pinipilit lang nitong maging mahinahon. “Kung paghihiganti ang nasa isip ko, hindi sa ‘yo. Do I have to remind you na hindi ka ganoon ka importante sa aman at sa kapatid mo para masaktan ko sila sa pamamagitan mo?” Napakurap siya. Masakit pero iyon ang totoo. Kailanman ay hindi niya naramdamang minahal siya ng kanyang papa at kapatid. “Tungkol naman kay Chin-chin….” Bumuntong-hininga ito, namaywang, pagkatapos ay iniangat ang isang kamay sa noo para masahehin ang parang biglang nanakit na sentido. “I have a feeling of kindship towards her that I suppose you would understand.” Tumingin ito sa kanya ng tuwid. “Pareho kaming walang ama. Pareho kaming …..anong sinabi ng papa mo? Bastardo?” She flinched, then involuntarily wrapped her arms around Chin-chin. Umiyak ang bata bilang pagtutol nang maipit sa pagitan nila ang nilalaro nitong lagayan ng pulbos. Niluwagan niya ang pagkakayakap dito. “Look at her, Mauve. Look at your daughter,” masuyo nang sabi ni Hendrick, wala na ang pormal na kanina ay ipinalita nito. “She looks so innocent, so happy. Palibhasa wala pa siyang nararanasan na disappoinment sa buhay niya. Hindi pa niya nararamdaman ang lungkot dahil wlaa siyang ama. Hindi pa niya naiisip kung bakit iniwan siya ng kanyang ama.” Patuloy nito. Lumipat ang tingin nito sa kanya. “If I could, in any way, help in preventing cynicism from entering those eyes, I would. One less lonely child.” Nagkibit ito ng balikat. “My grandfather was a cynical man, but at least, I had the luxury of having the money. Chin-chin, on the other hand, has you. Mamahalin mo siya ng lubod, I know. But I'm providing you the chance na maibigay sa kanya ang lahat ng mga pangangailangan niyang materyal gaya ng gusto mo. Believe it or not, this makes more sense than that revenge you were talking about.” Patuloy siya sa pagtitig dito, hindi niya magawang kumurap. She wanted to see sincerity in his eyes. Natatakot siyang baka dinaramdam lang siya nito para makuha ang loob niya at ni Chin-chin. “Still.” patuloy nito. “Kung revenge din lang ang pag-uusapan, why should I hold you responsible for what your sister did to me?” Yumuko ito at unti-unting inilapit ang mukha sa kanya. Nakadama siya ng bahagyang kaba sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Parang sinasabi niyong may kasalanan siya rito. “Pero iyong kanin na itinaob mo sa ulo ko kagabi,mainit ‘yon. Masakit ‘yon. At kung iisipin ko mang gumanti, it would be because of that, honey. Hanggang ngayon ay nag-iisip pa rin ako ng sweet revenge para mabawi ko kahit paano ‘yong kahihiyan na tinamo ko kagabi sa harap ng kaibigan mo.” Lalo siyang nanliit sa pagkapahiya. Kaakibat niyon ay naramdaman niya ang pamilyar na reaksyon niya kapag napapalaput dito, nag-iinit ang mga pisngi niya, nanlalambot ang mga tuhod niya. At may kung anong naghahabulan sa loob ng dibdib niya na gustong kumawala. “So, nagi-guilty ka?” nakangising tanong nito. “You deserve it,” pagmamatigas niya. Ipinagpapa-salamat niyang ipinagkamali nito ang reaksyon niya. “Why? Mrs. Siangfiao wouldn't have any business pretty soon because she fired you. I paid your rent so your landlady will be off your back for a while. Your daughter has a brand new dad, maybe in name only, but it's obviously make her happy. I'm almost on my knees here trying to convince you to accept the job I'm offering. Why the hell am I receiving this kind of treatment?” “Dahil masyado kang arogante,” agad na sabad niya, bagaman nakatuon ang isip niya kay Mrs. Siangfiao. Masama man ay nakadama siya ng katuwaan sa ibinalita ni Hendrick tungkol sa dati niyang amo. Tinitigan siya nito ng seryoso. “I've been arrogant all my life. Na in love ka sa akin noon despite my arrogance, remember? Then last night, you glued that hot rice over my head. Mabuti na lang at hindi ako nakalbo. Anyway I see it, it still doesn't make any sense.” “T-totoo ba ang sinabi mo tungkol kay Mrs. Siangfiao?” Nagkibit-balikat ito. “I withdraw some investments and I cancelled a business deal with her husband. Some of their partners and investors heard about it. Last time I spoke to someone, everything is going down.” Napalunok siya. “S-salamat.” Umiling ito. “Hindi ganoon kadaling bayaran ang mga pabor na ibinibigay ni Hendrick Lucencio.” She groaned inwardly. “Ano ang gagawin ko para makabayad?” Tumutok ang mga mata nito sa suot niyang pambahay. “Get dressed. Lalabas tayo ni Chin-chin for lunch in a quiet restaurant para mapag-usapan ang mga detalye ng trabahong ibibigay ko sa ‘yo.” “Pero—” “Objecting. Wala ka ba talagang utang na loob?” Pinukol niya ito ng masamang tingin. Pero balewala lamanv iyon dito. Sinulyapan niya ang suot na wristwatch. “I'll be back in twenty minutes. Be ready by then. Nasa labas lang ako.” Lumabas ito ng silid. Arrogant bastard! Pero kahit nasa isip niya iyon ay, nagpalit pa rin siya ng damit-panlakad. Binihisan niya din si Chin-chin. Dinala sila ni Hendrick sa isang simpleng restaurant along San Juaqin. Tahimik at hindi crowded ang lugar. Sa isang mesa sa sulok sila pumwesto. At the course of the meal, nasaksihan ni Mauve kung gaano kagiliw si Hendrick kay Chin-chin, anticipating her needs first and acting on it bago nito asikasuhin ang sarili. Habang kumakain ay panay ang kwentuhan ng mga ito sa isang lenggwaheng hindi naman niya maunawaan at inembento lang yata ng mga ito. Magkahalong tuwa at selos ang nararamdaman niya habang nakikinig sa mga ito. Napagtanto niyang dahil sa mga gawain at alalahanin , naging kontento na lamang siyang hayaang maglaro ang bata nang nag-iisa sa isang tabi sa halip na kausapin ito kapag sila ang magkasama. “You look too skeptical for my own peace of mind.” Komento ni Hendrick nang minsang mahuli siya nitong nakatitig dito. “Hindi lang ako makapaniwala na totoo nga ang nakikita ko.” “I'm not playing acting. I genuinely like your daughter. Magka-vibes kami.” Habang nagsasalita ay sinusubuan nito ng carrot ang kapatid niya na walang reklamong nagbuka ng bibig at tinanggap ang isinusubo nito rito, hindi tulad ng mariing pagsasara at pagtatakip pa ng bibig nito kapag sinusubuan niya ito ng anumang uri ng gulay. “Hanggang kailan?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD