CHAPTER 10

1545 Words

Napabuntong-hininga siya. “Nagkaroon ho ba ng komprontasyon sina Papa at Señor Rodolfo bago namatay ang matanda, Aling Ester? Hindi pa ba sapat na nalaman na ng buong San Carlos na pinagtaksilan ng Ate ko si Hendrick? Diyos ko?” May awa sa mga mata ni Aling Ester nang muli siya nitong titigan. “Ay, hija, minalas ka talaga sa pamilyang napuntahan mo, ano?” Nakagat niya ang ibabang labi. Narinig niya iyon kay Hendrick pero sa nagbibiro paraan., hindi tulad ni Aling Ester na nakikisimpatya. “Tiyak na hindi matutuwa sina Papa kapag nalaman nilang naririto ako.” “Nasaan ba ang Mama mo? tanong nito na parang noon lang naalala ang bagay na iyon. “Bakit hindi mo kasama?” “P-patay na ho ang Mama. M-mahigit dalawang taon na.” “At alam ba ito ng Papa mo?” “Nagpadala ako ng sulat noon pero wala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD