FLASHBACK ........ “Nasaan ho ang mga paintings dito, Aling Ester?” tanong niya nang mapansin niyang wala na ang mga dating nakasabit na mamahaling paintings sa dingding sa kabila ng railing ng grand staircase. “Ipinagbili ni Sir Hendrick noon. Iyong napagbilhan, ginamit niyang pandagdag na puhunan sa mga negosyo na binuksan niya. Kung tama ang pagkakaalala ko, una niyang pinuhunan sa mga parte ng sasakyan, tapos sunod ay sa mga computer. Tuloy-tuloy na ang pag-usbong ng mga negosyo niya mula noon,” sagot ni Aling Ester na may halong pagmamalaki. "Napakatalino talaga ni Hendrick para mapalago ang kanyang mga negosyo, Aling Ester," sabi niya na puno ng paghanga. Sumulyap si Aling Ester sa kanya, tila may iniisip bago nagsalita muli. “Huwag mong sabihing hindi mo rin alam ang isang bagay