Bumuntong-hininga siya. "Nang bumalik ako rito, inakala kong maayos ang pagsasama ninyo. Ikaw na lang ang nag-iisang mabuti sa buhay ng kapatid ko at parang hindi ko gustong isipin na mawawala ka pa sa kanya dahil sa obsession niya kay Hendrick." Mapait itong ngumiti. "Isa sa mga dahilan kung bakit mahal na mahal ko ang Ate mo, maaaring siya ay napakaganda ngunit siya ay medyo bulag at walang alam sa mga bagay-bagay. Gusto kong ako ang magturo sa kanya tungkol sa mga bagay na iyon. Gusto kong maging part ng life niya para hubugin siya sa kung ano ang alam kong kaya niya," Malungkot itong ngumiti. "It seems na ako yata ang nagbubulag-bulagan." "Kuya Paul, please hold on," pagpapalakas niya sa loob nito. “Naiintindihan ko ang nararamdaman mo pero baka magbago pa ang Ate.” Tinitigan siya n