CHAPTER SIX

1534 Words
NAPAHALAKHAK nang pagkalakas-lakas si Eizeleen habang nag-uusap sila ni Belle sa terasa ng bahay ng mga ito. Few minutes later, matapos niyang marinig ang pag-uusap ng magkapatid ay lumabas siya sa pinagkukublihang halaman at umakto na parang walang narinig. “Sshh... Huwag kang maingay, Eizee. Nandiyan si Kuya. Mamaya niyan, pagalitan ka na naman n’on,” saway ng kaibigan. Pinipigilan nito ang mapahalakhak sa mga kalokohan nila. “So? To hell I care!” She’ll give a dose of his own medicine! Kung gusto nito ng away, puwes ay iyon ang ibibigay niya. “Hindi ka na takot kay kuya, friend? Noon ay halos magpa-impress ka sa kanya at magpa-cute,” manghang saad ni Belle. She smirked. “That was before. Dati kasi, I was just trying to use my charm to captivate his aloof personality. Pero nakakasawa rin pala. Nakakasawang makipagkaibigan sa taong makitid ang utak!” Nilakasan niya ang boses para marinig iyon ng binatang nasa loob ng art room. “And I won’t be afraid of him. Siya lang? Kakatakutan ko? Never! Marami na rin akong inakit na mga kalahi niya. And so far, they had done me no wrong, kaya’t nasisiguro kong hindi rin ako gagawan ng hindi kaaya-aya ng kuya mo kahit paulit-ulit pa akong maging prangka at kahit paulit-ulit ko pa siyang landiin. Malandi ako—” Natigilan siya sa pagsasalita nang biglang kumalabog sa ingay ang art room. Awtomatiko silang napabaling doon ni Belle. “See!” bulalas niya. “Sa mga walang kinalamang bagay lang niya naibubuhos ang inis niya, ang galit niya. Kawawa naman ang napagdidiskitahan niya,” sarkastiko niyang pahayag. Nang balingan niya ang kaibigan ay titig na titig ito sa kanya. “Narinig mo ang pinag-usapan namin ni Kuya, right?” Waring inaarok ni Belle ang nakapaloob sa mga mata niya. Nag-iwas siya ng tingin. “This has nothing to do with what I’ve heard,” aniyang napatutok sa kawalan. “Sometimes, despite of one’s eagerness to befriend someone ay napapagod din ito. Lalong-lalo na kung ang taong gusto nitong maging kaibigan ay hinuhusgahan ang pagkatao ng gustong makipagkaibigan dito,” makahulugan niyang turan, then smiled bitterly. “The only constant thing in this world is change. Ayoko nang makipagkaibigan sa kuya mo.”   ———   “BELLE naman, eh! Bakit ka ba kasi nagpakalasing?” sermon ni Eizeleen sa kaibigan habang inaalalayan niya ito papasok ng villa. “L-loko-loko kasi ang Chris na `yon. Napag-alaman kong may n-nililigawan siya,” tonong-lasing na tugon nito. Ang tinutukoy ng kaibigan ay ang lalaking palihim nitong iniibig. “Wala naman kayong relasyon para mag-alburuto ka at magselos.” “But I love him,” usal nitong maluha-luha. Nakaramdam siya ng habag sa kaibigan. Kalog mang maituturing si Belle ay grabe naman ito kung magmahal. Ilang ulit din niyang pinagsabihan itong ibaling na lamang sa iba ang pag-ibig nito. Subalit talagang stick-to-one ang puso nitong tapat kung umibig sa binatang hindi naman ito napapansin. Niyakap niya ang umiiyak na kaibigan. `Buti na lang at tinawagan niya ito kaya’t napag-alaman niyang mag-isa itong naglalasing sa isang sikat na bar. Nang puntahan niya ito ay gayon na lamang ang pagpapasalamat niyang hindi pa siya nahuli sapagkat may mga kalalakihang umaali-aligid dito. In other words, those guys were flirting to the drunk Belle. “Belle, sana ay huwag mo nang uulitin ito,” sambit niya. “Huwag ka nang magpakalasing dahil ikaw rin ang mapapahamak niyan. Paano na lang kung hindi ako dumating? Baka kung napaano ka na.” Hindi ito tumugon. Patuloy pa rin ito sa pagluha. Mayamaya’y bigla itong kumalas sa kanya at nagduduwal. Siya nama'y panay ang hagod sa likod nito. “Belle, ikukuha kita ng tubig—” “What the heck is happening here?!”   ———   “S-STEN,” kinakabahang usal ni Eizeleen. Pakaladkad siya nitong dinala sa madilim na bahagi ng bakuran matapos nilang maiayos sa kama ang nawalan nang malay na si Belle. “There! Stay put!” Pabigla siya nitong binitiwan. Mangiyak-ngiyak niyang hinimas ang nasaktang braso habang nakatungo. “You know what, lady? Magmula nang maging kaibigan ka ni Belle ay pulos negatibong bagay na ang pinaggagagawa niya. I wasn’t wrong when I said na bad influence ka sa kanya!” madilim ang anyong sumbat nito. Awtomatiko siyang napatunghay sa binata. “Ako pa ang bad influence ngayon? Gayong ako itong—” “Yeah! Ikaw itong nagsama sa kapatid ko sa kung saang bar man kayo gumimik! At hindi ako nagtataka kung bakit siya lang ang nalasing. Hindi gaanong sanay uminom si Belle kompara sa `yo na tila tubig na lang kung laklakin ang alak!” Umasim ang mukha niya. “You don’t know me that much to judge my personality!” bulyaw niya. “Yes. I don't know you so well. But that's how I look at you because that’s how you portrayed yourself to be!” “That’s how a narrow-minded person depicted me to be. So far, ikaw pa lang ang nagsabi sa akin niyan,” she uttered in a frost tone. Napatiim-bagang ang binata. Marahil ay nasapol ito sa pasaring niya. “Don’t play safe and act like a harmless-innocent gal, Miss Rivera. Dahil kahit ano pa’ng sabihin mo ay ikaw pa rin ang dahilan ng pagkakaganito ng kapatid ko. You’re one-hell of a bad influence to my sister!” panghuhusga nito. Hindi siya umimik. She just stared blankly at Sten’s furious eyes. She no longer wanted to correct his wrong belief about her character. “Get off me!” inis niyang piksi. Hinawakan siya ng binata nang akmang tatalikuran niya ito. “Then, don’t turn your back on me habang kinakausap pa kita!” “Kung ayaw mong talikuran ka ng kausap mo, be sure to hold your murky tongue against those foul words na lumalabas sa bibig mo! You’re insulting me!” Hindi niya itinago ang galit para sa lalaki. The right corner of Sten’s lips lifted as he offered her a humorless smile that was close to a smirk. “Why, Miss Rivera? Nasasaktan ka pa ba sa mga ganoong salita? When in fact, pawang katotohanan lang ang sinasabi ko? I wonder, sa murang edad mong `yan kung ilang mga kalalakihan na ang nagdaan sa `yo at nagpasasa sa katawan—” Lumagapak ang malambot niyang palad sa mukha nito. Mangiyak-ngiyak siyang nakipagtitigan sa mga mata ng binatang unti-unting naniningkit sa galit. She swore, puno ng poot ang puso niya para sa lalaki. Wala na itong ginawa kundi saktan at insultuhin ang pagkatao niya. “Wala pang babaeng nakakasampal sa akin maliban sa `yo.” “Eh, ano ngayon? Gusto mong manginig ako sa takot?” palaban niyang turan, kahit pa sa totoo lang ay gusto na niyang kumaripas nang takbo sa nakikitang galit sa mga mata nito. “Dapat lang, para madala ka. And I know something worth the verdict.” Pagkawika niyon ay pabigla siya nitong kinabig at sinibasib ng mapagparusang halik. ‘No!’ tutol ng isip niya. It was her first kiss. Yet, to her dismay, it was a kind of kiss she didn’t expect to be in, dahil puno iyon ng galit. All her life, she was longing and yearning for a first kiss full of passion and sweetness, subalit taliwas ang kasalukuyan niyang natitikman. Halos kagatin na nito ang mga labi niya. Tila doon ibinubuhos ng binata ang nadarama nitong inis sa ginawa niyang p********l. Pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Pilit siyang nagpumiglas sa mala-bakal nitong mga brasong nakayapos sa kanya. She was continuously shedding tears nang mayamaya’y maramdamang niyang tila natigilan ang binata. Ang buong akala niya’y pakakawalan na siya nito. Ngunit tulalang napatitig na lamang siya sa naggagandahang bituin sa kalangitan nang unti-unting magbago ang paraan ng paghalik nito. Sten kissed her tenderly and gently. She felt his arms embracing her more tightly—leaving no traces of distance between their bodies. Nang ipikit ng binata ang mga mata ay kusang napapikit na rin siya. Before she could probe what’s going on ay buong-puso na niyang tinugon ang mga halik ni Sten. She had never wanted anything that badly. She could feel his heart beat in the same rhythm with hers. Saglit na waring tumigil ang pag-inog ng mundo, at iyon ay nakasentro lamang sa dalawang nilalang na patuloy na naghahalikan. They were kissing under the moonlight night, under the twinkling stars, who, at some point, became the witness of that magical and enchanting kiss they’re sharing into. She slowly opened her eyes nang maramdaman ang dahan-dahang paghiwalay ng mga labi ng binata. Nasilayan niya ang waring pagkatuliro nito. Nakakunot-noo itong nakatitig lamang sa kanya. Later, she heard him gasped for a vast breathe, kasabay nang pag-iwas nito ng tingin sa kanya. “Forget that kiss. That was nothing. Huwag ka na ring magpapakita pa. Leave my sister alone,” he blankly muttered, saka walang paalam na iniwan siya nito. The magical spell was cut off. Natauhan siya kasabay nang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Patakbo niyang nilisan ang lugar na iyon—bearing in mind na hinding-hindi na siya magpapakita pa rito. Hindi na siya magpapakita pa sa binatang nagturo sa kanya ng kanyang unang halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD