TAHIMIK na binabaybay ni Eizeleen ang madilim na daan patungong dressing area. Nakalimutan niya kasi ang kanyang cell phone kaya’t wala sa oras na napabalik siya roon. Habang ang kanyang pamilya naman ay matiyagang naghihintay sa labas para makauwi na sila.
Habang mag-isang naglalakad ay napapangiti siya. She won the title, and it was such a blessing for her to consider. Nabasa niya sa mga mata ng kanyang mga kaibigan, kaklase at guro ang kagalakan na department nila ang nanalo. Nadarama rin niyang proud sa kanya ang pamilya niya, pati na rin ang kaibigang si Belle.
“Para mo na ring ibinenta ang katawan mo sa ginawa mo.”
Bigla siyang napahinto sa paglalakad nang marinig ang malamig na boses na iyon ng isang lalaki. Kunot-noong binalingan niya ito at pilit na inanig ang mukha nito sa dilim.
“Sabagay, no doubt. Alam ko namang sanay ka sa ganoon,” dagdag pa nito.
Doon lang niya nakilala kung sino ang may-ari ng tinig—si Sten. Nakasandal ito sa pader ng isang building doon. “B-bakit nandito ka pa? I mean, bakit nandito ka sa madilim na bahaging ito?” nagtataka niyang tanong. Hindi niya pinansin ang sinabi ng binata.
“Let’s just say that I have with me my instinct na babalik ka kaya’t inabangan kita,” he answered in a cold tone.
“W-why? May kailangan ka ba, Kuya?”
Bumaling ito sa kanya. Sa madilim na bahagi ng pasilyong iyon ay nagtama ang kanilang mga mata. “Leave my sister,” he demanded.
“But why?” naguguluhan niyang tanong. Wala naman siyang ginagawang masama.
“Sorry if I may sound scathing,” anito. “I don’t see any goodness in you. I don’t want to reach the point wherein tuluyan mo nang mahawaan ang kapatid ko.”
“What are you trying to imply? Are you insinuating something? Are you trying to pin point na bad influence ako kay Belle?” sunod-sunod niyang tanong.
“It is you who said that.”
“Because that’s how you instilled it on my mind. At ikaw pa lang ang nagsabing wala kang nakikita ni katiting na kabutihan sa akin!” inis na niyang wika. Nagsisimula na siyang makaramdam ng mumunting galit para sa binata dahil sa panghuhusga nito sa kanyang pagkatao gayong hindi pa naman siya nito lubusang kilala.
“I don’t have time para makipagdiskusyon sa `yo,” anitong tinalikuran siya. “Just leave my sister!”
“At paano kung ayaw ko? You can’t force me to follow your will. This is my life and it is my prerogative to do what I’d like to do! Leaving my friendship with Belle is the least thing I should commit! Not even you could dare force me kahit kapatid ka pa ng kaibigan ko!” nagpupuyos sa galit niyang pahayag.
Awtomatikong napalingon si Sten. Pabigla itong lumapit at hinablot ang braso niya. Napadaing siya sa sakit.
“You better stop being hard-headed, Miss Rivera! Dahil sa oras na mapariwara ang kapatid ko nang dahil sa `yo ay hindi ako mangingiming patulan ka kahit babae ka pa!” madilim ang anyong pagbabanta nito, saka padarag na binitiwan ang braso niya.
“You’re rude, Mr. Fuentebella! Mapanghusga ka rin kaya’t hindi na ako nagtataka kung bakit pinagtaksilan ka ng girlfriend mo! Masama kasi ang pag-uugali mo!” matapang niyang saad.
Bahagyang natigilan ang binata. Mayamaya’y napatiim-bagang ito. “Tsismosa ka rin pala,” mapang-uyam at walang kagatol-gatol na anito. “I wonder kung anu-ano pa ang nalaman mo tungkol sa pribadong buhay ko mula sa bibig ng kapatid ko.” Blangko ang ekspresyon nito.
She smirked. “Don’t worry. Iyon lang ang alam ko dahil hindi naman ako interesado sa buhay mo,” she uttered coldly. “At kung tatanungin mo naman kung bakit ko alam iyon. Well, Belle accidentally slipped it out of her tongue, but don’t worry I didn’t clarify more,” aniyang pagsisinungaling. Gusto niyang pagtakpan ang kaibigan dahil baka akalain pa ni Sten na dada nang dada si Belle tungkol sa pribadong buhay ng kapatid nito.
“I doubt if you’re telling the truth na wala ka ngang alam,” sabi nitong tila hindi kumbinsedo. “Mas lalo mo lang pinaigting ang kagustuhan kong ilayo ang kapatid ko sa tsismosang katulad mo.” Saka walang lingon-likod na tuluyan na siyang iniwan.
Maluha-luhang inihatid na lamang niya ito nang tanaw. Aaminin niyang nasaktan siya sa mga pinagsasabi nito. Ngunit mas nangingibabaw na ang muhi niya para sa lalaking walang pakundangan kung manghusga sa pagkatao niya.
‘I'm beginning to hate you, Sten!’
———
“PERO, Kuya! Mabait naman si Eizee. Bakit mo ba gustong layuan ko siya?”
Biglang napahinto si Eizeleen nang marinig ang tinig na iyon ni Belle. Kasalukuyan siyang nagpunta sa mansyon ng mga ito para ibalik sa kaibigan ang hiniram niyang libro. Obviously, siya ang pinag-uusapan ng magkapatid.
Maingat siyang nagtago sa mayabong na halaman. Nakapasok siya agad sa loob ng bakuran ng mga ito dahil naiwang nakabukas ang gate. Pigil-pigil niya ang kanyang hininga. Ayaw niyang makita siya ng mga ito. She was eager to hear everything na pinag-uusapan ng dalawa.
“Basta, layuan mo siya. Magmula nang maging kaibigan mo siya ay palagi ka na lang gala nang gala every weekend. Halos gabihin ka na rin sa pag-uwi.”
“Kuya, wala naman kaming masamang—”
“Anong wala?!” Sten angrily blurted. “Kababae niyong tao pero ginagabi kayo. Kung hindi ka magtitino, pababalikin kita sa States, Belle!” banta nito.
“You’re being unfair, Kuya! Ilang ulit ko bang sinabi sa `yong nagpapatulong ako sa kanya sa mga assignments, projects at thesis ko kaya’t ginagabi ako minsan.”
“And do you want me to buy that demented reasoning? Paano mo maipapaliwanag ang minsa’y amoy-alak mong hininga sa tuwing umuuwi ka rito?!”
“Kuya naman, eh! Siyempre, sideline rin `yon. Para namang hindi ka nagdaan sa ganitong edad. Ikaw nga noon—”
“Don’t ever compare me to you. Lalaki ako kaya’t ayos lang `yon. And besides, mas mababa ang nakaambang na kapahamakan sa akin kompara sa `yo. Maaari kang ma-r**e, ma-kidnap at mapatay—”
“Gosh! Kuya, ang layo-layo agad ng iniisip mo. Malayong mangyari ang sinasabi mo. Believe me.”
“Malayong mangyari kung hindi ka na makikipagkita sa Eizeleen na `yon.”
“`Goodness! You’re being pathetic,” ani Belle. “O, baka naman hindi ako ang talagang concern mo?” Narinig ni Eizeleen ang himig-panunudyo sa tinig ng kaibigan.
“What do you mean?”
Humagikhik si Belle. “Simple lang. May kinatatakutan kang mangyari.”
“What is it? Don’t keep me guessing!” Waring naiirita ang binata.
“You’re afraid of your own shadow, my dear brother. Natatakot kang palagi mong makita si Eizee, kasi hindi mo makontrol ang tumitibok-t***k mong puso kapag nandiyan siya. To cut it short, you’re afraid of falling for her,” pahayag ni Belle, saka napahalakhak.
“That’s freakin’ bullshit!” Tumataginting ang boses ng binata.
Maingat niyang hinawi ang dahon ng halamang pinagkukublihan. She had seen Sten angry at makulimlim ang mukha nito. Nang balingan niya ang kaibigan ay natameme ito. Waring natakot sa nakikitang apoy sa mga mata ng binata.
“Stop that crap. Dahil hindi ko nagustuhan `yang konklusyon mo. Just to notify you, hindi ang kaibigan mo ang magugustuhan ko. I’m definitely not a cradle snatcher para patulan siya. At lalong-lalong hindi ako magkakagusto sa babaeng katulad niya. I don’t like flirt and irresponsible women like her,” matabang na litanya ng binata.
Napatda siya sa narinig. Mula sa pinagkubublihang tanim ay tulala siyang napatitig lamang sa guwapo nitong mukhang hindi kababakasan ng anumang emosyon. Pinigilan niya ang pamumuo ng luha sa hindi maipaliwanag na kirot na kanyang nadama.
“I demand you, Belle, huwag ka nang makikipagkaibigan sa kanya kung ayaw mong pabalikin kita sa States!” panghuling pagbabanta ni Sten, saka mabibilis ang mga hakbang na pumasok ng villa.