CHAPTER SEVEN

1200 Words
After Seven Years...   “AT LAST! Home sweet home!” masiglang bulalas ni Eizeleen nang eksaktong maitapak niya ang mga paa sa tinubuang lupa—ang Pilipinas. Nakangiti siyang naglakad patungong arrival area ng NAIA kung saan naghihintay ang pamilya niya na siyang susundo sa kanya. Agad niyang nasilayan ang mga ito. Excited siyang kumaway at nagmamadaling nilapitan ang mga ito. “Anak, mas lalo ka yatang gumanda sa Singapore.” Pabigla siyang niyapos ng kanyang ina nang makalapit na siya. Halata sa higpit ng yakap nito na na-miss siya. Napahalakhak siya at ginantihan ang yakap ng ina. “Siyempre, hiyang ako roon, eh.” “Tiyak na magkakandarapa na naman ang mga manliligaw mo nito,” nakangiting sabad ng Kuya Reggie niya. Karga nito ang ang tatlong-taong gulang na anak. “Ang cute-cute naman ng pamangkin kong si Yesha. Parang ako,” biro niyang ikinatawa ng kanyang pamilya, saka binulungan niya ang kapatid. “Dinespatsa ko na silang lahat, Kuya. Wala na akong manliligaw rito.” Napahagikhik siya na marahang ikinatawa naman ng kanyang kapatid. “Nasaan pala si Ate Ynez?” tanong niya nang mapansing wala roon ang hipag. Si Ate Ynez ay asawa ng kuya niya. Ito ang ina ni Yesha. “Nasa Leyte. Susunduin ang mga magulang niya para dito na rin sa Maynila manirahan,” pagpapaliwanag ng Kuya Reggie niya. “I see.” Napatango-tango siya. “Anak, sigurado ka na bang hindi ka na babalik ng Singapore? Baka mamaya, magbago ang isip mo,” singit ng kanyang daddy. Nakangiting umabrisiyete siya sa ama. “Yes, Dad. My decision is fixed. Dito na po ako sa atin magtatrabaho bilang nurse.” She worked as a nurse sa Singapore. Ngayon ay nagbalik na siya and she decided to work in the Philippines. “That’s great. Mas mainam na dumito ka na para maihanap ka namin ng mommy mo ng magiging boyfriend,” saad ng ama. Humaba ang nguso niya. “Daddy naman, eh! Wala pa sa isip ko `yan.” "Dios Mio, Eizeleen Lorraine!” sabad ng kanyang ina. “Anong wala pa sa isip mo? You’re already twenty-five, yet until now ay wala ka pa ring nagiging boyfriend. Ikaw lang yata ang kilala kong beauty queen na hindi man lang nagka-nobyo.” Pinatirik niya ang mga mata. “Are we going to stay here for good? Mukha kasing wala na kayong balak na umuwi sa atin,” pagbibiro na lamang niya para hindi na humaba pa ang usapan. Napatampal ng sariling noo ang kanyang ina. “Oo nga pala. We’re just eager to share lots of conversations with you, anak,” anito, saka kinuha sa pagkakakarga ng kanyang Kuya Reggie si Yesha. “So, let’s go.” Nagpatiuna na itong maglakad palabas ng arrival area. Natatawang napasunod na lamang siya rito habang magkatulong naman na binuhat ng kanyang ama at kapatid ang mga gamit niya. ——— MAG-ISANG nagpapahangin si Eizeleen sa terasa ng bahay nila. Mahigit isang linggo na siyang nasa Pilipinas. Sa loob ng isang linggong iyon ay wala siyang ginawa kundi ang gumala sa mga lugar na na-miss niya. “I really missed my native land,” nakangiti niyang sambit habang nilalanghap ang samyo ng preskong hangin sa kinaroroonan niyang terasa. “Hija, nandito ang kaibigan mo,” pukaw ng kanyang mommy sa pagmumuni-muni niya. Nakatayo ito sa may hagdan. Napalingon siya. “Sino—Belle?!” Namilog ang mga mata niya nang masilayan ang nakangiting kaibigan. “Yeah, girl. This is me. Loka ka! Hindi mo man lang ako binisita. Sobra isang linggo ka na pala rito,” pagtatampo nito. Nilapitan niya ito at inakay na maupo sa rattan sofa. “Pasensiya na, Belle. Dadalawin na sana kita kaso naunahan mo ako,” palusot niya. Dati rin ay bigla na lamang siyang hindi nagpakita rito matapos ang namagitan sa kanila ng kapatid nito. “Kumusta na pala? Balita ko ay naka-move on ka na kay Chris.” Ngumiti ito. “Tama ang nabalitaan mo, girl. I’ve totally moved on from him. Na-realize kong hindi ko naman pala siya mahal.” Bumungisngis ito. She simply smiled upon seeing her friend giggling. Alam niyang nagsasabi ito ng totoo sapagkat wala siyang mabasa ni katiting na hinanakit o kirot sa mga mata nito. “Eh, ikaw?” mayamaya’y tanong ni Belle. “Anong ako? Teka, maghahanda lang ako ng snack natin,” aniyang napatayo. “Huwag na,” pigil nitong hinawakan siya sa braso. “Busog pa ‘ko. Katatapos ko palang kumain sa labas,” anito, saka binitiwan siya. “Kumusta ka na? Who’s the lucky guy na nakasungkit sa former Miss St. Michael?” excited nitong pakiusyoso. Tumawa siya at umupo ulit. “Hindi pa ako nagkaka-boyfriend. Marahil ay takot ang mga lalaki sa akin,” wika niyang napabungisngis. “Takot ka diyan! Ang sabihin mo, pihikan ka lang talaga. O, baka naman...magpahanggang-ngayon ay may hinihintay ka pa rin?” Nasa tono nito ang panunudyo. Kumunot ang noo niya. “Sino naman kaya ang hihintayin ko?” “Never mind what I’ve said,” ngingiti-ngiti nitong turan, saka biglang namilog ang mga mata. “Gusto mo, i-blind date kita? Tutal, wala ka namang boyfriend, eh.” “What?!” nanlalaki ang mga matang bulalas niya. “Belle naman, eh. Alam mo namang wala akong hilig sa mga ganyan,” nakanguso niyang pahayag. Napahalakhak ito. “I just tried kung papasa ba ang suggestion ko. But since, ayaw mo. Eh, hindi kita pipilitin,” anito. She sighed for a relief. Mukhang nabawas-bawasan na ang pagkamakulit ng kaibigan niyang ito. Hindi na ito katulad nang dati na masyado siyang kinukunsume sa mga ipinagpipilitan nitong bagay-bagay. “By the way, sa katapusan ay birthday ko na. You’re definitely invited,” mayamaya’y sabi nito. “Sige ba,” tugon niya. Subalit bigla ring natigilan. Kung pupunta siya roon ay tiyak na magku-krus ang mga landas nila ng lalaking ayaw na niyang makita pa. “B-Belle, I’m not sure pala kung makakapunta ako kasi—” “Ops, wala nang bawian. Sinabi mo nang pupunta ka.” “B-belle, kasi...m-mag-uumpisa na ako sa shift ko sa ospital.” Pinatirik nito ang mga mata. “Asus, palusot ka pa diyan. Tita Rowena told me, by mid of next month pa raw ang start mo.” Napakagat-labi siya. Naikuwento pala ng kanyang mommy rito ang tungkol doon. Wala na siyang kawala. “I’ll expect you on my birthday, Eizee. Don’t worry, mag-i-enjoy ka r’on. Maraming invited na papalicious hunk at nagtitigasang mga abs kaya’t marami kang mapagpipilian,” wika nitong napahagikhik. Napailing na lamang siya sa kababawan ng kaibigan. Wala na siyang interes sa mga sinasabi nitong papalicious hunk at nagtitigasang mga abs. Ewan ba niya, ngunit magmula nang gabing pinagsalitaan siya ng hindi maganda ng kapatid nito ay tila nawala na ang dating “Eizeleen” na madaling magkagusto sa mga nagguguwapuhang ‘Adan.’ At some point ay may naitulong din sa kanya ang gabing iyon sapagkat naging matured na siya ngayon. Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung ano ang maaaring maganap sa muling pagtatagpo nila ni Sten makalipas ang napakahabang panahon. Marami pa silang napagkuwentuhan ng kaibigan bago nito napagpasyahang magpaalam na sa kanya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD