CHAPTER FOUR

2032 Words
"HOY, EIZEE!" pukaw ni Belle sa pananahimik niya habang naglilibot sila sa Mall of Asia. "H-ha? May sinasabi ka, friend?" tanong ni Eizeleen. Hindi niya masyadong narinig ang ikinukuwento ng kaibigan sapagkat lumilipad ang diwa niya. Pinatirik nito ang mga mata. "Kanina pa ako dada nang dada rito, hindi ka naman pala nakikinig." Humaba ang nguso nito. "Sorry na, friend. May iniisip lang ako," hingi niya ng paumanhin, sabay lagok ng canned Coke na hawak. "Ano ba kasi ang iniisip mo?" tanong nito, sabay hila sa kanya sa upuang naroon. "Kasi naman, ako ang napili ng majority of students and teachers sa department namin to represent such goddamn beauty pageant." She grimaced. Tumawa si Belle. "Then, what's wrong? I don't see any wrong joining such beauty contest." "Para sa ‘yo, wala. Pero para sa akin, malaki. 'Goodness! Hindi ko afford na ibalandra ang katawan ko na naka-two-piece o kahit pa one-piece sa harapan ng napakaraming tao," aniyang nakangiwi. Napahalakhak na naman ito. "Hindi ka pa ba sanay doon? Masyado ka ngang hot at liberated manamit, eh," prangka nitong pahayag. Inirapan niya ang kaibigan. "Kahit ganito ako manamit ay hindi ibig sabihin n'on na kaya ko nang magsuot ng swimsuit, 'no!" nakalabi niyang saad. Hindi pa niya nasusubukang mag-one-piece sapagkat para sa kanya'y kalabisan nang ipakita ang halos hubad nang katawan sa publiko. "Kaya mo 'yan, girl. Tingnan ko lang kung hindi lumuwa ang mga mata ng mga kalalakihan sa campus niyo. At tingnan ko lang din kung hindi maging tunay na lalaki ang mga kapederasyon 'pag masilayan ang magandang hubog ng katawan mo," wika nitong napabungisngis. She rolled her eyes. "Puro ka naman biro, eh," maktol niya. Napahagikhik ito. "Okay, okay! Siseryoso na po. Join the pageant. Kaya nga ikaw ang napili ng majority of students and professors sa department niyo kasi nakikitaan ka nila ng potential. Iignorahin mo ba iyon?" seryosong pahayag nito. "If I were on your shoe, I'd surely call it a privilege, dahil ako ang pinagkatiwalaan nila to win the crown. Think well, friend. Remember, to reject an offer is an insult." "But what if I can't bring home the bacon?" she asked hesitantly. "At least, you've tried your best. That's already enough to make those teachers and students happy. Pero alam ko naman na mananalo ka, eh. I can feel it. Ikaw pa! Nahawa ka kaya sa kagandahan ko," biro nito na sinabayan ng hagikhik. Natawa siya sa biro nitong may katotohanan. Totoong maganda si Belle. Sa katunayan ay ito ang female version ni Sten. She deeply sighed upon remembering that guy na alam niyang hinuhusgahan ang pagkatao niya. Sa pagsali niya ng beauty contest ay tiyak lang na lalong iinit ang dugo n'on sa kanya. 'So what?! I don't need to impress you just to make you like me, Sten!' Nang dahil sa naisip na iyon ay naging determinado siyang sumali sa beauty pageant. To hell with Sten Edmon Fuentebella's misjudgment on her personality. "So, ano na ang desisyon mo?" mayamaya'y tanong ni Belle. She delightfully smiled. "I will accept the given challenge of my school department. And surely, I will be crowned as Miss SMC!" she uttered full of confidence. Siya ang hihirangin bilang new beauty titlist ng Saint Michael College! ——— "ANG GANDA naman ng anak ko," puno ng paghangang wika ng mommy Rowena ni Eizeleen sa kanya habang bumababa siya ng hagdan. "Siyempre! 'Mana yata ako sa inyo, mother dear," nakangiti niyang saad. "Sige, magbulahan pa kayong mag-ina," singit ng kanyang daddy Rosauro. Nakangiti rin ito habang pinagmamasdan siya. "Kontrabida talaga itong si Dad. Palibhasa, hindi pa nakakasali sa men's pageant ang paborito niyang anak. Kahit nga bodybuilding contest ay walang kumukuha kay kuya," biro niyang napahalakhak nang pagkalakas-lakas. Pati ang mommy niya ay natawa rin. "Aba! At bakit ako nasali sa usapan?" tanong ng kuya niyang hindi mailarawan ang mukha. Hindi niya alam kung nainis ba talaga ito o nag-iinis-inisan lang. "Eh, sa gusto kong isali ka. Bakit may angal?!" tila astig niyang turan. Umakto at nagboses lalaki siya na siyang ikinahagalpak ng tawa ng tatlo. Marahil ay natawa ang mga ito sa hitsura niya—babaeng-babae ang suot pero lalaki kung umasta. "May sayad din 'tong kapatid ko, oh!" tawa nang tawang pangbubuska ng kuya niya. "Saan pa ba ako magmamana kundi sa 'yo," nakangising pang-aasar niya. "Ah, gan'on?" Akmang pipingutin nito ang tainga niya ngunit pabigla siyang umiwas. "Mommy, oh! Si Kuya, pasaway," tila musmos na sumbong niya. "Masisira ang beauty ko nito, eh. Mamaya niyan, hindi pa ako manalo," kunwari'y maktol niya. "O, siya, sige na. Tama na 'yang kalokohan ninyo," saway ng kanilang ama. "Halina kayo. Baka ma-late pa tayo," ani pa nitong nagpatiunang lumabas ng mansyon. Nakangiting sumunod silang tatlo ng mommy at kuya niya. Marahil kahit hindi siya manalo sa gaganaping pageant ay ayos lang sa kanya. Basta't naramdaman niya ang grabeng suporta at pagmamahal na ibinibigay ng kanyang pamilya. Crown for her isn't just winning the pageant, instead, it lies more on how her beloved family supports in everything she does. ——— "KUYA, talaga bang ayaw mong sumama? May extra ticket pa ako rito," sabi ni Belle sa kanya. Paulit-ulit nitong tinatanong kung sasama ba siya sa school pageant na sinalihan ng kaibigan nitong si Eizeleen. "Hindi nga ako sasama," matabang na tugon ni Sten habang nakatutok ang mga mata sa TV. "Wala akong kahilig-hilig sa mga bagay na ganyan." "Sumama ka na lang kasi," pangungulit nitong tinabihan siya. "It's for your own benefit din naman, Kuya. Mag-i-enjoy ka pa doon. Hindi tulad ngayon na mag-isa ka na namang nagmumukmok dito," ani pa nitong umabrisiyete sa kanya. Alam niyang nilalambing siya ng kapatid para kumbinsehen. "Nandito naman si Manang Inda," kaswal niyang tugon. Ang tinutukoy niya ay ang kaisa-isa nilang kasambahay. Hindi sila kumuha ng maraming katulong sapagkat kahit papaano'y may alam naman sila ni Belle sa mga gawaing-bahay. Mula pa kasi pagkabata ay sinanay na sila ng kanilang magulang na huwag maging dependente at umasa lang sa mga katulong. Tinuruan silang tumayo sa sarili nilang mga paa. "Gosh, Kuya! Para namang nag-uusap kayo ni Manang. Matutulog na rin 'yon pagkatapos ng gawain niya." "Kaya nga. That's the point there, Belle. Matutulog na rin ako kapag makaramdam ng antok. It's as simple as that. Sleep when boredom strikes." Pinatirik ni Belle ang mga mata. "Gosh! You have a boring life. Mag-enjoy ka naman paminsan-minsan." "I'd rather paint than stroll around for nothing." "Kuya, this isn't for nothing. It's worth for a view! I assure you that you will absolutely like seeing Eizeleen in—" "Crap! I'm not interested!" Kumulimlim ang mukha niya. "That Muriel caused you that," mapait na wika ni Belle. Marahil ay naaawa ito sa pagbabago ng personalidad niya magmula nang pagtaksilan siya ng kanyang long-time fiancee. "Huwag mo siyang idamay sa usapan. Wala siyang kinalaman dito," mahina niyang turan. "Ha! Really, Kuya? Wala siyang kinalaman? Siya lang naman ang dahilan ng pagkakaganyan—" "Stop it," mahinahon niyang saway. Hindi nagpatinag si Belle. "Siya ang dahilan ng pagkakaganyan mo. Siya ang dahilan kung bakit nagbago ka na. Wala na ang dating kuya na nakilala ko. Puno ka na ng pait ngayon. Move on! That Muriel is not worth remembering. She's nothing compared to any other woman who's worthy enough for your affection and love. She's nothing compared to Eizeleen who's—" "Cut that crap, Belle! Will you?!" he angrily blurted. Ayaw niyang masali-sali sa usapan ang Eizeleen Rivera na iyon. Nakapagpapakulo lang ng dugo niya ang babaeng iyon. Marahas na tumayo si Belle. Nainis na rin ito sa kanya. "Diyan ka na nga! Ang hirap kausapin ng taong makitid ang utak!" wika nitong derederetsong naglakad. Nasa may pintuan na ito nang biglang huminto at bumalik sa kinaroroonan niya. May kinuha ito sa clutch na dala. "Here's the ticket, in case na magbago ang isip mo," nakaismid nitong wika, sabay lapag ng ticket sa glass-table. Wala na ang kapatid ngunit nakatitig pa rin siya sa munting papel na iniwan nito. Maya'tmaya'y tututok ang paningin niya sa TV, ngunit bigla ring nagagawi sa ticket na nakalapag. He couldn't understand, but there was a part of him na nag-uudyok para panoorin ang pageant na iyon. He sighed. "Why should I be there? There's no reason for me to get there," usal niyang pilit na pinaglalabanan ang mumunting kagustuhang masilayang rumampa ang dalagitang si Eizeleen. ——— "EIZEE, good luck!" panabay na bulalas ng mga kaibigan, kaklase at supporters ni Eizeleen nang mapadaan siya sa mga ito. "Thank you," nakangiti niyang pasasalamat. Akmang papasok na siya sa dressing room nang may tumawag sa pangalan niya. Awtomatiko siyang napalingon. It was Belle. "Good luck, girl," anito nang makalapit sa kanya. "Thanks, Belle." "I'm one hundred percent sure na ikaw ang mananalo. You've got it all—body, beauty and brain," saad nito. "Hopefully, manalo ako. Nandito kasi ang family ko. Regalo na ring maituturing para sa kanila if I could bring home the bacon." "You will absolutely bring home the bacon, girl. I'm pretty sure of that. Tingnan mo nga, ang ganda-ganda mo! Kawalan lang ni Kuya kasi hindi ka niya makikitang rumampa." Napaismid ito nang mabanggit ang kapatid. "Oh, bakit biglang sumama yata ang timplada ng mukha mo?" puna niya. "Nakakainis kasi si Kuya, eh. Ilang ulit ko siyang pinilit na sumama pero ayaw talaga. Kaya hayon, nag-away tuloy kami bago ako umalis. Killjoy kasi ang masungit na 'yon," maktol nito. "Para 'yon lang? Hindi mo na kasi dapat pang pinilit 'yong tao. Alam mo namang allergic 'yon sa outside world. At lalong-lalo nang allergic 'yon sa akin," biro niya. Subalit tila may parte ng pagkatao niya ang hungkag sa katotohanang walang kaamor-amor na nadarama si Sten sa kanya. "Huwag na nga lang natin pag-usapan si Kuya," mayamaya'y anito. "Baka masira lang din ang beauty mo." Saka ito napahagikhik. Sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Akmang tutugon siya nang marinig ang pagtawag ni Peachy sa pangalan niya. Ito ang bading na nakatukang mag-make up sa kanya. Si Peachy rin ang nagturo sa kanya kung paano ang tamang pagrampa. "Paano, Belle. Papasok na ako sa dressing room. Tinatawag na ako ni Peachy Pie," pamamaalam niyang nakipagbeso-beso pa sa kaibigan bago tuluyang pumasok. ——— HALOS mabingi si Eizeleen sa malakas na hiyawan ng mga audience. Nasa swim wear portion na kaya't halos lahat ng naroon ay nakatutok sa entablado, lalong-lalo na ang mga kalalakihang nanonood. Wala sa sariling napa-sign of the cross siya nang turno na niya sa paglabas. This would be the first time she'd ramp almost naked in front of many people. Though, their swim wear was considered to be a conservative style sapagkat one-piece lamang iyon, ngunit para sa kanya ay nakakahiya pa ring suotin iyon. Napabuga siya ng hangin. 'This is the most excruciating part of every pageant. More excruciating than the question and answer portion. I do hate this one!' piping bulalas niya sa isip bago tuluyang rumampa palabas. Mas lalong naghiyawan ang mga tao—a sign na marami talaga siyang supporters. At kung sa audience impact lang ay paniguradong mananalo na siya. She managed to ramp like an expert. As if though, nag-uumapaw ang self-confidence niya. She will never portray na nahihiya siyang ibalandra ang katawan sa publiko. Habang papalakas nang papalakas ang hiyawan ay unti-unti namang nababawasan ang discomfort na kanyang nararamdaman, kaya naman todo-ngiti ang ibinigay niya sa mga judges at audience. Subalit mayamaya'y saglit siyang natigilan nang mahagip ng kanyang paningin ang guwapong mukha ni Sten. She automatically gazed again on where the area she'd seen him sitting. Gayon na lamang ang pagrigodon ng kanyang puso nang mapagtantong hindi siya namalikmata lamang. It was indeed Sten who was currently looking at her—his brows crossed, portrayed a disgusted facial expression. Nang dahil sa nabasang ekspresyon sa mukha nito ay mas lalo niya itong inasar. She ramped expertly on that genre of modelling. 'To hell I care kung ano ang tingin mo sa akin ngayon, Sten Edmon!' sigaw ng isip niya habang patuloy sa pagrampa. But deep inside her heart ay nakaramdam siya ng mumunting galak na naroon ang ultimate crush niya at pinanonood siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD