“SALAMAT po, manong. Ito ho ang bayad ko. Keep the change na lang po,” magiliw na sabi ni Eizeleen sabay abot ng isang-daang-pesong-papel sa taxi driver. Ngumiti naman ito sa kanya at nagpasalamat.
Dali-dali siyang bumaba ng sasakyan at nag-doorbell sa mansyon nina Belle. Araw iyon ng Sabado at nagpunta siya roon para humiram ng librong kakailanganin para sa gagawing Research Paper. Nag-aaral siya sa Saint Michael College, at kumukuha ng kursong Nursing. Nasa ikatlong taon na siya sa kolehiyo. Mula pa man pagkabata ay pangarap na talaga niya ang maging isang Registered Nurse balang araw. She got the passion to help those who are sick and suffering from pain and health diseases, kaya marahil iyon ang kinuha niyang kurso.
Ilang sandali rin ang hinintay niya bago niya narinig ang pagbubukas ng gate ng mansyon nina Belle. She plastered a sweetest smile on her pretty face para sa taong magbubukas niyon.
“Good morning, Kuya Sten,” masigla niyang bati nang ang binata ang mabungaran niya. “Si Belle ho?” tanong niyang bahagyang sumulyap sa loob ng mansyon. Ngunit imbes na tugunin siya ng binata ay kunot-noong sinuyod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa—pabalik.
Wala sa sariling napasulyap siya sa sariling repleksyon. She was wearing doll shoes, khaki pedal and a color black tube-blouse na binagayan niya ng ponytail na buhok kaya’t lantad ang makinis at maputi niyang leeg at mga balikat. Medyo nasisilayan din ang kanyang cleavage.
Muli ay nag-angat siya ng tingin at napatutok ang mga mata sa nakakunot-noong si Sten. Base sa nakikita niyang reaksyon sa mukha ng binata ay waring hindi nito type ang suot niya. His facial expression was as if disgusted.
‘What's wrong with my get-up?’ piping tanong niya. Wala naman kasi siyang nakikitang masama roon. As a matter-of-fact, komportable pa nga siya. It was so refreshing sapagkat napakainit ng panahon.
“Kuya, si—”
“What brought you here, Miss? If you just came here again to encourage my sister na sumama sa mga gimik mo, you better go home dahil hindi ko papayagan ang kapatid kong sumama sa `yo,” madiin nitong pahayag.
“I didn’t come here to—”
“Kay aga-aga, gusto mo nang magbulakbol. And look at your get-up.” Muli ay sinuyod siya nito ng tingin. “Hindi ka ba nahihiyang halos makita na ang kaluluwa mo sa suot mong tube na `yan?”
She smiled sweetly while peering at the handsome man in front of her. “Sanay na ako rito, Kuya. We’re living in a modern world and in modern times kaya’t natural lang `to. Mas nakakahiya naman yata kung mag-Filipiniana dress ako habang naglalakad sa daan, `di ba?” pamimilosop niya.
“Kaya marami ang nari-r**e ngayon dahil sa paraan ng pagsusuot ninyong mga kababaihan. You, ladies, are making clear motives for those guys to grab.”
“Uuuy, si Kuya, concern sa `kin,” pilya niyang tudyo na abot hanggang tainga ang pagkakangiti.
Mas lalong napakunot-noo ang binata. Tila hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. “Concern? I’m just generalizing the public and I’m not talking solely to you,” iritado nitong wika.
Bumungisngis siya. “Ganoon na rin `yon, Kuya. I’m included to that general public kaya’t kahit papaano’y concern ka rin sa `kin,” tukso niyang pabirong sinundot ito sa tagiliran. Gusto niyang makipag-close sa binata sapagkat kapatid ito ng kanyang mabait na kaibigan.
Matalim ang tinging ipinukol nito sa kanya. “I will never be concern with you, Miss. Inaalala ko lang ang kapatid ko dahil palagi kayong magkasama. Baka mamaya, madamay pa siya kung isang araw ay abangan at gawan ka ng masama ng mga kalalakihang halos akitin mo sa kalandian mo,” walang kagatol-gatol nitong pahayag.
Umasim ang mukha niya. So there it was! She already knew kung ano ang tingin nito sa kanya—at iyon ay ang malandi siya. Hindi naman siya nagtataka kung bakit gan’on ang tingin nito sa kanya dahil gan’on naman siya manamit at pumorma. She's such a happy-go-lucky-gal kaya marahil gan’on ang tingin ng mga tao sa kanya. But what made her react was the fact na ito lang ang taong nakakapagsalita ng ganoon sa kanya. Waring wala itong pakialam kahit na makasakit man ito ng damdamin ng iba—partikular na ng damdamin niya.
Ibubuka na sana niya ang bibig para ipagtanggol ang sarili nang tawagin naman siya ni Belle. Kasabay din niyon ay ang walang-paalam na pag-iwan sa kanya ng binata.
“Mukhang seryoso ang pinag-usapan niyo ni Kuya, ah,” puna ni Belle nang makalapit.
“`Gaya pa rin ng dati,” kaswal niyang tugon. Sa tuwing nagkikita kasi sila ng binata ay palagi na lamang ito nagpapakita ng kagaspangan sa kanya. Pilit lamang niya iyong benabalewala dahil gusto niya talagang kaibiganin ito.
“`Gaya ng dati na masungit siya?” paniniguro nito.
Tumango siya. Hindi na niya sinabi kay Belle kung ano ang masakit na salitang ipinatuon ng kapatid nito sa kanya. After all, hindi siya susuko sa pakikipagkaibigan kay Sten. Para kasing nacha-challenge siya rito. She’d like to bring back the Sten before—iyong Sten na sabi ni Belle ay masayahin at palangiti. She’d like to see that Sten Edmon!
———
“FEEL at home ka lang muna riyan, girl. Maghahanda lang ako ng snack natin,” wika ni Belle sa kanya nang eksaktong makaupo siya sa sala. Iniwan siya nito, saka ito nagtungo sa kusina.
Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng villa habang matiyagang naghihintay sa kaibigan.
“Eizee, buksan mo na lang pala ang TV!” mayamaya’y sigaw nito. “Nakalimutan ko kasi. Alam mo na, ulyanin na ang lola mo.” Saka ito napahalakhak.
“Oo,” tipid niyang tugon. Napangiti na lang siya sa sinabing iyon ng kaibigan. As much as possible, she doesn’t want to laugh out loud anymore sapagkat tiyak na maiirita na naman si Sten sa kanya. Nasa pamamahay siya ng mga ito kaya’t nararapat lang na sundin niya ang kagustuhan ng binata kahit hindi siya sanay sa gan’on. And besides, she wanted to befriend him kaya't nagpapa-impress siya rito kahit man lang kaonti.
Tumayo siya. Akmang isi-switch-on na niya ang TV nang mahagip ng kanyang kamay ang isang makapal na notebook. Nalaglag iyon at lumipad ang litratong nakaipit. Kunot-noong dinampot niya ang larawan. Pinakatitigan niya ang dalawang taong nasa litrato. It was a picture of Sten together with a beautiful lady. Nakayakap sa likuran ng babae ang binata. Naisip niyang marahil ay iyon si Muriel. Maganda ito, black beauty at may dimples sa magkabilang pisngi.
She intently stared at Sten’s image. Nakapagkit sa mga labi ng binata ang isang masayang ngiti. At ang mga mata nito’y nagniningning na tila kababakasan ng nag-uumapaw na kaligayan.
Napabuntong-hininga siya. Sa larawan na lamang niya nasisilayan ang Sten na iyon sapagkat ang bagong Sten na nakilala niya ngayon ay puno ng hinanakit, kalungkutan, at galit ang namamahay sa puso. Napakadilim ng mundo nito.
‘You really love her much,’ bulong ng isip niya habang nakatitig sa larawan. Hindi niya maipaliwanag ang naramdamang pinong kirot sa puso sa katotohanang iyon. Napabuntong-hininga na lamang siya para pawiin ang kakaibang damdaming `yon.
“Freak!” galit na bulalas ng tinig na nagpaigtad sa kanya. Awtomatiko nitong hinablot sa kamay niya ang larawan.
Napatunghay siya upang salubungin lang ang nagliliyab sa galit na mga mata ni Sten. Bigla siyang kinabahan. Oo, nakita na niyang nagalit ang binata pero mas grabe ang nakikita niyang poot ngayon. “K-kuya—”
Marahas na hinablot nito ang braso niya. “Next time, huwag mong pakikialaman ang gamit ng iba! Masyadong makati ang kamay mo! Huwag kang usyosera!” bulyaw nito.
“Hey! Ano’ng nangyayari rito?” kunot-noong tanong ni Belle na biglang napasugod sa kinaroroonan nila.
Marahas na binitawan ng binata ang braso niya, sanhi para `muntikan na siyang mapasadsad malapit sa couch na naroon. Binalingan nito ang kapatid. “Belle, you better tell your friend the rules and regulations when inside the house. I need manners here! Hindi `yong akala niya’y nasa sariling bahay lang siya at pakikialaman ang gusto niyang pakialaman!” babala nito, saka walang-lingon-likod na naglakad palayo.
“Pasensiya—”
“I don’t want to hear it again, Belle,” saway niya. Alam niyang hihingi na naman ito ng paumanhin sa inasal ng kuya nito. Palagi na niya iyong naririnig buhat sa kaibigan. “No need for you to apologize in behalf of him,” wika niyang pilit itong nginitian. She wanted to portray na wala lang iyon at hindi big deal ang magaspang na pakikitungo ng kapatid nito sa kanya. Ayaw niyang makonsensiya ang kaibigan at mag-alala.
Ngumiti si Belle. “Kumain na nga lang tayo at mag-enjoy. Hayaan natin ang killjoy na `yon.”
She smiled a little. But deep inside, she was silently screaming for the pain she felt. Hindi niya mawari kung bakit ganoon siya kaapektado sa pakikitungo ni Sten sa kanya.