"OH, MY gosh! You're so loko-loko talaga, friend," humahalakhak na pahayag ng labing-walong taong gulang na si Eizeleen sa biro ni Belle. Nasa mansyon siya ng mga ito. Pilit siyang isinama ng bagong kaibigan sapagkat nasisiyahan daw ito sa kakalogan niya. Nakilala niya si Belle sa Department Store ng isang sikat na mall habang namimili siya ng mga damit noong nakaraang buwan. Mag-isa lang din itong nagsa-shopping. Ito ang unang nag-approach sa kanya, nakipagkuwentuhan, hanggang sa nakapalagayang-loob niya ito.
Mula noon ay malimit na silang magkita sa labas, mag-usap at mag-chikahan sa phone. Pero ngayon ang unang beses niyang makatapak sa mansiyon ng mga ito. At masasabi niyang may kaya ang pamilya nito base na rin sa mga nakikita niyang palamuti at struktura ng bahay.
Tumawa ito nang malakas. "`Yan ang gusto ko sa `yo, girl. Kahit hindi naman masyadong nakakatawa ang sinabi ko, tawa ka pa rin nang tawa," anitong tila aliw na aliw sa kanya.
"Anong hindi nakakataw—"
"What's this, Belle? Kababae niyong tao pero kung makahagalpak kayo nang tawa, umaabot sa kabilang kalsada!" anang galit na boses na siyang nagpatigil sa kakahalakhak niya.
Awtomatiko siyang napalingon para lang mapanganga sa nasilayang angking-kaguwapuhan ng lalaking nakatayo sa pintuan ng mansyon. Halos lumuwa ang mga mata niya habang nakatitig dito. At halos pasukan din ng langaw ang bibig niya sa pagkakaawang.
'Ang pogi ni Kuya kahit mukhang masungit,' kinikilig na bulong niya sa isip habang nakatitig sa binatang nakakunot-noong nakatitig din sa kanya.
"Hey, Kuya! Mukhang aburido na naman tayo, ah!" puna ni Belle. Hindi nito pinansin ang sinabi ng bagong dating na lalaki. "Kuya, meet my new friend, Eizeleen. Eizee, my one and only handsome Kuya, Sten," masiglang pagpapakilala ni Belle.
Pabigla siyang tumayo at nilapitan ang binata. "Hi, Stem—este, Sten pala." Napabungisngis siya sa sariling kalokohan. Narinig din niya ang paghagikhik ng kaibigang si Belle. "I'm Eizeleen Lorraine Rivera, but you can call me Eizeleen for short. O, 'di kaya, Eizee na lang para mas lalong close. Oh, `di ba?" Pabiro niya itong kinindatan. "Nice meeting you." Abot-tainga ang ngiti niya sabay lahad ng sariling palad dito.
Nakakunot-noong tinitigan lamang iyon ng binata. Mukhang hindi nito nagustuhan ang pag-asta niyang 'feeling close' rito. Halos mangawit na ang braso niya sa paghihintay na makadaupang-palad ito subalit gayon na lamang ang pagkapahiya niya nang walang anu-ano'y talikuran siya nito.
"Belle, you both stop making loud noises. Hindi kayo nasa palengke o perya. Baka mamaya, hindi ako makapag-concentrate sa pagpipinta nang dahil sa walang kabuluhan ninyong ingay!" sermon nito na dere-deretsong naglakad paakyat ng hagdan. Narinig na lamang nila ang pabalibag na pagsara nito ng pinto ng mini art room na naroon.
"Eizee, pasensiya ka na sa kuya kong `yon. Talaga lang galit `yon sa mundo," hinging-paumanhin ni Belle sa inasal ng kapatid nito.
Bumalik siya sa pagkakaupo sa couch at nagkibit-balikat. "Okay lang," aniyang benalewala na lamang ang inasta ng naturang lalaki. Though, it was her first time na pinakitaan siya ng ganoong klaseng negatibong pakikitungo. "Bakit naman galit sa mundo ang kuya mo?" mayamaya'y curious niyang tanong.
Pinakatitigan siya ng kaibigan. Tila tinatantiya nito kung dapat bang sabihin sa kanya.
"Kuh, okay lang kung hindi mo sabihin." Nginitian niya ito. Hindi naman siya ganoon ka-interesado sa buhay ng kuya nito kahit pa sabihing nagka-crush siya kaagad sa binata. Oo, siya na ang madaling magka-crush. Siya na ang may talent sa pagkilatis ng mga nagguguwapuhang 'Adan' sa balat ng earth.
"I'll tell it to you, Eizee. Hindi naman `yon big deal, eh. Puwera na lang kung malaman ni Kuya na ikinuwento ko sa `yo." Saka ito napahagikhik.
Napahagikhik na rin siya sa kababawan ng bagong kaibigan.
Sumeryoso ito, saka tumikhim bago simulan ang pagkukuwento. "Pinagtaksilan kasi `yan ng long-time girlfriend niya. Nahuli niyang may ibang kalaguyo si Ate Muriel. At ang masakit pa sa lahat, mismong sariling best friend ni Kuya ang lalaking `yon."
"Ow? How sad naman." Kahit papaano'y nakaramdam siya ng awa para kay Sten.
"Hindi naman dating ganyan si Kuya, eh. Masayahin `yan at palangiti. Nagbago lang nang dahil sa ginawang kataksilan nina Ate Muriel at Kuya Lyndon," dugtong ni Belle.
"Nakakaawa pala siya, `no? Eh, `di nasira `yong pagkakaibigan nila n'ong best friend niya," nakapangalumbaba niyang turan. Tila interesado siyang malaman ang lahat ukol sa nakaraan ng crush niya. Oh, yeah! Crush agad. Crush-at-first-sight, ika nga. He-he-he!
Lihim siyang natawa sa itinatakbo ng pilya niyang kokote.
"Sinabi mo pa," tugon ni Belle. "Nagkaroon ng lamat at kahit na kailan hindi na maibabalik `gaya nang dati."
"Pero grabe `yong girl. Sariling best friend pa ng kuya mo ang pinatulan," napapailing niyang komento.
Umingos si Belle. "Malandi kasi `yon. Unang tingin ko pa lang doon hindi ko na siya gusto. Sinabihan ko nga n'on si Kuya kung ano ang palagay ko sa ex-fiancee niyang `yon pero palagi niyang `pinagtatanggol at sinasabing hindi ganoon si Muriel. Ganoon kamahal ni Kuya ang malanding `yon." Napaismid ito na siya naman niyang ikinatawa.
"Halata ngang ayaw mo sa kanya," ngingiti-ngiti niyang komento. 'Eh, ako, Belle, gusto mo para sa pogilicious mong kuya?' dugtong ng pilya niyang kokote.
"Mas gugustuhin ko pang ikaw na lang ang naging girlfriend ni Kuya." Tila narinig nito ang katanungan sa isip niya.
'Bu-wa-ha-ha! See! Botong-boto sa akin ang magiging sister-in-law ko. Mag-kisay-kisay ka, Eizeleen Lorraine. Mag-kisay-kisay ka! Oh, yeah!' natatawang saad niya sa isip then she playfully flipped her hair.
"Matagal na ba silang naghiwalay?" Umayos siya sa pagkakaupo at kunwari'y kaswal niyang tanong.
"Magtu-two years na rin, and their relationship lasted for five years," sagot nito.
Napatango-tango siya. "I see. Matagal nga ang naging relasyon nila. Eh, ilang taon na ang kuya mo ngayon?" tila nag-i-interrogate na tanong niya.
"Twenty-five. Their relationship started when he was just eighteen."
Matanda pala ng pitong-taon si Sten sa kanya. "Nasayang lang ang matagal nilang pinagsamahan. Pero mabuti na rin `yon. At least, nalaman agad ng kuya mo kung anong klaseng babae ang girlfriend niya. Mas masakit `yon kung kasal na sila tsaka pa nagloko `yong girl. I think, it was a blessing and not a curse to consider." Naks! Mukhang naka-take siya ng drugs sa mga pinagsasasabi niya. Ha-ha!
"Wow! Girl, ikaw ba `yan? Baka naman nagpalit ka ng katauhan." Humagalpak nang tawa si Belle.
"Loka! Ako `to. Sinakyan ko lang ang kadramahan mo," aniyang napahalakhak nang pagkalakas-lakas. Sinabayan niya ang malutong na pagtawa ng kaibigan.
Nahinto lamang sila nang makarinig ng kalabog sa silid na kinaroroonan ng Kuya Sten nito. Nagkatinginan sila ni Belle na pigil-pigil ang mapatawa na naman nang malakas.
"I bet, we should stop laughing out loud. Baka mamaya, tayo na ang hambalusin ng mabigat na bagay ni Kuya," anito, saka napahagikhik.
Nang dahil sa sinabi ng kaibigan ay hindi niya napigilang mapahalakhak na naman. Na-imagine kasi niya ang sinabi nito. Halos mamula na siya at maluha-luha sa katatawa. Sumasakit na rin ang tiyan niya. Oo, siya na ang mababaw ang kaligayahan. "Ikaw talaga, Belle—"
"Damn it! Will you please stop laughing there! If you just came here to flirty giggle, you better excused yourself and get pace!" galit na turan ni Sten. Nakatayo ito sa may hagdan at matalim ang tinging ipinupukol sa kanya.
Bigla siyang natahimik at natulala sa nakikitang galit sa mukha nito. Unti-unting naglaho ang ngiting nakapagkit sa kanyang mga labi sa narinig na sinabi nito. Bago pa man siya makapagsalita mabilis na itong nakabalik sa art room at pabalibag na isinara na naman ang pinto.
"Eizee, pasensiya ka na—"
"It's okay, Belle. You don't have to apologize. Hindi naman ikaw ang may gawa niyon." She tried to smile at her friend. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit ganoon katindi ang galit ng lalaki sa mundo. Kung tutuusin puwede naman itong mag-move on at kalimutan na lang ang kasawiang natamo. Kung sabagay, hindi naman siya ang nasa katayuan nito, kaya marahil madali lang iyon sabihin sa parte niya.
"Pero, kuya ko `yon."
"Nothing to worry. I understand him naman, eh. Marahil kung hindi mo naikuwento sa `kin ang pinagdaanan niya magagalit na `ko. But I won't, kasi dapat din siyang intindihin. Maybe, it's really hard for him to move on from that dreadful heart break," pahayag niya.
Ngumiti ang kaibigan. "Sana, ikaw na ang maging sister-in-law ko." Saka ito napahagikhik.
Pabiro niyang binatukan ang kaibigan. "Loka talaga `to, oh! Seryoso tayo, nagpatawa pa." Napabungisngis siya nang makitang napanguso si Belle. Marahil nasaktan ito sa pambabatok niya.
"Hindi ako nagpapatawa, `no!" anito nang makabawi. "I'm just giggling but I'm serious. Ikaw ang gusto kong maging hipag," anitong nginitian siya.
Kunwari'y pinatirik niya ang mga mata. "Hello, friend. Wake up. Bata pa kaya ako. I'm just eighteen years young, and I'm seven years his junior. Parang kuya ko na rin ang kuya mong masungit," kontra niya, but deep inside todo-kilig ang nararamdaman niya. 'Sige pa, Belle. Sige pa. Tuksuhin mo pa ako sa 'Stem' of roses ko,' she giggly uttered in mind. May bago na siyang bansag sa bago niyang crush—Stem of roses!
"Bata pa ba ang eighteen? `Goodness, Eizee! Dalaga na `yan," pagtatama nito. "And besides, age doesn't matter `cause love is all that matters," ani pa nitong inawit ang kantang iyon.
"And who told you that there's love between us?" maang-maangan niyang tanong. “Ngayon pa nga lang kami nagkita.”
Napahagikhik ito. "Umaambisyon lang ako, girl. Nangangarap na magkaroon ng something passion burning inside his and your heart," pasosyal nitong wika.
Napailing siya sa sinabi ng kaibigan, saka sumeryoso. "That's impossible."
"And why?"
"Parang hindi mo naman kilala ang kuya mo. Tingnan mo nga `yong tao at hindi pa nakakapag-move on. Paano magmamahal `yon?"
"Hindi ko naman sinabing agad-agad, eh. Siyempre, it takes time. You need first to heal the wound inside my kuya's heart bago mo siya paibigin."
"What?! Are you out of your mind, Belle?" nanlalaki ang mga matang bulalas niya. Mukhang mahihirapan na yata siyang sakyan ang kahibangan ng kaibigan dahil mas malala pa pala ang pagkasintu-sinto nito kaysa sa kanya. For Christ's sake! Crush lamang niya si Sten, at hindi love! Gusto lang niyang magpapansin dito, at hindi ang paibigin ito. "How could you possibly suggest that kind of—Hay, naku! Ewan ko sa `yo. Let's just change the topic."
Subalit hindi ito nagpatinag. "Let's say na ma-in love nga sa `yo si Kuya. Are you willing to love him back?" seryoso na nitong tanong.
Saglit muna siyang napatda. Oo, crush niya ang binata subalit hindi naman ibig sabihin niyon ay mahal na niya ito o hindi kaya'y magtutuloy-tuloy sa pag-ibig ang nadarama niyang `yon. Marami na rin kasi siyang hinangaan na nagguguwapuhang kalalakihan ngunit hanggang doon lamang iyon at hindi na lumalagpas pa.
Sinundot siya sa tagiliran ng kaibigan. "Uuuy! Natameme siya. Parang alam ko na tuloy ang sagot," tudyo nito.
She rolled her eyes. "Parang natameme lang, nag-conclude ka na agad. Hindi ko masasagot ang katanungan mong `yan. Pag-aaral muna ang iniisip ko ngayon," she answered safely. Sa totoo lang wala pa naman siyang nagiging nobyo. Gusto muna niyang makapagtapos ng pag-aaral bago ang bagay na `yon. She may be flirt in others eyes, but she's serious when it comes to her studies.
"`Pag-graduate mo, sasabihin ko kay kuya na ligawan ka," anito, saka napahagikhik na tila kinikilig.
Napailing na lamang siya sa kababawan ng bago niyang kaibigan.