PAINTINGS OF THE HEART
by Heaven Abby
“My love for you painted it. It is the color of my heart that brings justice to that portrait.”
TEASER
Eizeleen was just eighteen nang una niyang makilala si Sten—isa itong broken-hearted na pintor. Unang tingin pa lang niya sa binata ay agad na siyang nagka-crush. Kaya naman todo-papansin ang beauty niya at pilit na nakipagkaibigan sa guwapong pintor.
Ngunit sadyang mailap ito. Ang masaklap pa sa lahat, waring galit ito sa kanya. Sten sees her as flirt, liberated and a formidable playgirl one! Dagdag pang ayaw nitong makipagkaibigan siya sa kapatid nitong si Belle kasi bad influence daw siya.
Hanggang dumating ang puntong pinagsalitaan siya nito nang hindi maganda—mga katagang halos tumarak sa puso niya. Kaya't napagpasyahan niyang lumayo para matapos na ang gulo.
Makalipas ang maraming taon muli silang pinagtagpo. Ngayon ay nagbago na ang pakikitungo nito. Doon nagising ang nahihimbing lamang niyang damdamin para rito—napagtanto niyang noon pa man minahal na niya ito.
Ngunit nang mga panahong akala niya'y may pag-ibig na rin ito, saka naman niya nakita ang ebidensiyang nagpapatunay na si Muriel pa rin ang laman ng puso nito—ang babaeng dahilan ng pagiging broken-hearted nito.
Halos gumuho ang kanyang mundo nang masilayan niya ang paghahalikan ng mga ito. Gustuhin man niyang lumayo at kalimutan ito ay tila mahihirapan na siya sapagkat nagbunga ang isang gabi sa piling niya rito...