CONGRATULATIONS!
Walang katapusan na yata ang salitang pagbati mula sa mga taga- Camp Panacan para sa magpinsang Patricia Faye at Artemeo Aguillar II.
Na-promote mula Military Captain ang huli up to Military Major. Samantalang ang dalaga ay pumalit sa dating puwesto ng pinsan.
"Sa lahat yata ng na-promote ay kayong dalawa ang hindi masaya, Major Aguillar and Captain Mondragon. Kung nagkataong ako ang nasa kalagayan ninyo, kahit pa masabihang mababaw ang kaligayahan ay matutuwa ako ng todo-todo," saad ng kapwa nila sundalo.
"Tama nga naman si brother, Major Aguillar at Lady Captain. Mas nagmukhang pasan pa nga ninyo ang mundo." Segunda pa ng isa.
Ilang taon na rin silang naka-destino sa Davao. Minsan kung saan-saan sila ipinapadala ng General. Kahit pa sabihing sa Mindanao din.
Kaya naman kahit wala sanang balak ipaalam nh magpinsan ang dahilan kung bakit sila malungkot ay mas minabuti ng binata ang nagsalita.
"Tama kayong lahat. Dapat ay magsaya tayo dahil newly promoted kami ni Bitchichay. Ngunit kasabay nang pag-angat ng rangko nating lahat ay kinailangang maghiwalay. Our new lady Captain and her men will be going home in Baguio. Sa Camp Villamor sila magta-trabaho. Samantalang tayo, I mean, ako at mga sarili kong tauhan ay mananatili rito sa Camp Panacan.'
Sa muling pagkaalala sa paghihiwalay nilang nagpinsan ay nagpakawala siya ng malalim na hininga. Sila ang tunay na magkasama simula pa noong mga bata sila. Ayon sa mga magulang nila ay araw lang ang pagitan ng kanilang kapanganakan. Kaya nga noong nagsimula silang nag-aral ay isahang lakad na hanggang sa pumasok sila sa PMA.
"Totoo ang sinabi ni Major na pinsan, brothers. Iyan ang dahilan kung bakit kami pinatawag ni General kahapon. Still, wala naman tayong nagagawa kundi sundi ang utos. Pero huwag kayong mawalan ng pag-asa. Dahil hindi ko titigilan ang Tito General namin ni pinsan sa Camp Villamor upang mapadali ang pagbalik ninyo roon."
Dali-dali ring sinang-ayunan ni Patricia Faye ang pahayag ng mahal niyang pinsan. Ah, ayaw na ayaw pa naman niya ang nalulungkot. Kahit iyon din ang nadarama niya ngunit ayaw niyang sabayan ang nagiging iyakin na pinsan.
"Masaya kami para sa iyo at ng grupo mo, Lady Captain. Ang marinig iyan mula sa iyo ay malaki na ang pasasalamat namin. Pero kung kami abg iyong tatanungin, kagaya ng tauhan mo ay susundan namin kahit hanggang kamatayan si Major Aguillar. Dahil bukod sa siya ang boss namin ay kapatid, anak at kaibigan na ang turingan ng bawat isa. Good luck to you and your team, Lady Captain."
Masayang pahayag ng pinakamatanda sa grupo ni Art Dos na sinang-ayunan ng lahat.
Dahil dito ay hindi naikubli ni Art Dos ang ngiting sumilay sa labi. Napakasuwerte pa rin niya kahit hindi pa siya makauwi sa Luzon ay napapalibutan naman siya ng mga tauhang nakapa-supportive.
"Thank you, everyone. Huwag kayong mag-alala dahil kagaya nang sinabi ng Bitchichay na ito ay susunod din tayo kahit hindi pa sa ngayon."
"Go ahead, pinsan. Alam kong marami pa kayong aasikasuhin. Mamayang gabi na ang flight ninyo pauwi sa Luzon. Alam kong barya lang ang pamasahe ninyo sa eroplano. Kaya't isabay mo silang lahat. Mondragon ka kaya't maglambing ka sa Tito Clarence mo sa Manila upang ipahatid kayo sa private chopper nila."
Mula sa seryosong pananalita ay umilag ang binatang Major sa kamao ng pinsang tumubo yata on the spot ang sungay.
"Tsk! Tsk! Okay na sana eh. Idinamay pa ang tiyuhin ko. Aba'y kung nadapa iyon, eh 'di maipahatid ba niya kami? Tsura mong Aguillar ka eh. Huwag mong sabihing papadalhan mo ng lalaki ang Ate Jillianne natin? Huwag mong itulad iyon sa iyo na mukhang naging babaero na," nakatawa nitong saad.
Tuloy!
Ang mga nalulungkot nilang tauhan dahil sa napipintong paghiwa-hiwalay ay sumabay na rin sa kanilang tawanan.
"Men, seriously speaking, take plane from Manila to Baguio. It's my treat to all of you. Kung hindi lang sana kayo uuwi sa Luzon ay dito sa barracks ang kaunting salo-salo para sa promotion namin ni pinsan. Don't worry, guys, we all know that the plane will take you to Manila, will be covered by the camp."
Muling pahayag ng binata saka iginala ang paningin sa kabuuan nilang nandoon.
"TINIK man sa aking lalamunan ang grupo ng Lady Captain na ito pero nalulungkot din ako sa kaniyang pag-alis kasama ang grupo niya," saad ng isang lalaki.
"Totoo iyan, boss. Silang magpinsan ang namumuno sa bawat peace talks sa tuwing may labanang nagaganap dito sa Mindanao." Sang-ayon ng isa.
"Well, personal grudge lang naman ang hawak natin laban sa kanila bukod doon ay wala na. Kaya't puwede rin natin silang tulungan. At isa pa ay nabibilang tayo sa iisang kampo, ang Camp Panacan." Ayaw ding patalo ng isa.
Kaya naman ay napangiti ang boss. Tama, mga militar silang lahat. They are all comrades when it comes to battlefield. Maaring inggit sila sa sunod-sunod na biyayang na natanggap ng magpinsan. Ngunit hindi pa naman sila insurgent upang katalunin ang mga bayani ng bansa like them.
"Tara, guys. Lapitan natin sila. Wala namang masama kung basbasan natin abg pag-alis ng grupo ni Lady Captain. Again, she and her team are some of the assets of our department. Kaya't halina kayo upang makausap din natin sila," aniya makalipas ng ilang sandaling pangiti-ngiti habang nakatanaw sa mga taga-Luzon.
NEVADA, USA
"SO, pasok ka na sa loob, Hija. Mag-ingat ka sa biyahe mo. Nasa iyo na kung dadaan ka muna kina Clarence sa Manila o dumiretso ka sa Baguio," pahayag ni Tristan Keith sa bunsong anak.
Silang mag-asawa ang naghatid dito. Dahil ang panganay at ballerina queen ay nasa kani-kanilang trabaho.
"Pinili mo ang economic class kaya't tiisin mo ang pakikipagsiksikan, anak. Pray for the safety of your travel," dagdag pa ni Ginang Joanna.
Samantalang napangiti si Stephanie Yvette dahil sa tinuran ng ina. Okay na sana eh kaso may idinagdag pa. Sabagay hindi naman niya ito masisisi dahil VIP talaga ang ginagamit nila sa tuwing may pinupuntahan.
"Opo, Mommy, Daddy. Sige na po, papasok na po ako," sagot na lamang niya saka nagbigay-galang isa-isa bago tumalikod at hinila ang katamtamang maleta at pumasok na sa international airport ng Nevada.
Hindi na siya lumingon dahil baka magbago pa ang isip niya. Kung hindi lang sana dahil sa salawahan niyang kasintahan este dating kasintahan ay hindi niya kailangang lisanin ang Nevada.
"Be with us throughout our journey, Papa God," sambit niya saka tuluyang lumapit sa checking area.
Samantalang hinintay ng mag-asawang Tristan Keith at Joanna na nawala sa kanilang paningin ang dalaga bago sila bumalik sa sasakyan at umuwi na rin.
"WELCOME home and congratulations, darling. Wow! You are now a Lady Captain. You deserve it, my dearest grandchild." Masayang salubong ni Grandma Lampa sa apo.
Magkakatabi ang mga bahay nila ngunit nakasanayan na ng lahat na sa kanila umuuwi bago dumiretso da kani-kanilang bahay.
"Thank you, Grandma. That's an excessive of welcoming me. At baga nakalimutan n'yong naging Major na rin po ang bff kong naiwan sa Davao?" masaya namang tugon ng dalaga.
"Oh, no, apo ko. Dahil magkakaroon tayo ng double--- ah, triple celebration pala. Double on your promotion with my heir, Art Dos and your homecoming. That's a great achievement, Patricia apo ko." Hindi naikubli ng retired General of Camp Villamor ang tuwang lumukob sa kaniyang pagkatao.
Mga apo niyang sumunod sa yapak nilang mag-asawa bilang alagad ng batas ay promoted as Lady Captain at Major from being Military Lieutenant at Military Captain.
"Dapat lang po, Grandpa. Pero kaming mga magulang na nila ang gagasto. Sigurado rin naman akong may welcome party na ihinanda si Kuya Ethan para kina Patricia Faye at Art Dos."
Tinig na nagmula sa pintuan!
Kaya naman ay nag-isang linya ang kanilang paningin. Ang dalawang set ng mag-asawa. Sina John Chester at Shiella, Braxton Keith at Samantha.
"You are all here?" Dahil wala pa naman silang sinabihan na nasa Baguio ang newly promoted lady Captain ay nagsabay ang Sablay Dulay at Lampa na nagsalita.
"Yes, Grandma. Tinawagan ako ni Kuya Ethanol este General pala. Kaya't itinawag ko na rin kay Kuya JC. Kaya po magkapanabay kaming pumarito," sagot ni Samantha.
Dahil dito ay ang mag-asawang JC at Shiella ang binalingan ni Lampa.
"JC, Shiella, tawagan n'yo ang nga magulang ninyo sa Nueva Ecija. Ang okasyong ito ay nararapat lamang na mabuo ang pamilya natin. Patricia Faye and Art Dos achieved a worthy position," pahayag ng Ginang.
"Opo, Grandma. Masusunod po. Aba'y sayang lang kasi hindi pa makauwi rito ang bunso ko. Ganoon pa man ay nararapat lang na nagsaya tayong lahat para sa kanila," masayang tugon ni JC.
But!
Deep inside of him is silently praying. Dahil sa katunayan ay itinawag na ito ng anak nila. Maaring nasa himpapawid ang pamangkin niya nang tumawag ito. Sa katunayan ay binilinan silang mag-asawa na huwag ipaalam dito ang tungkol sa operasyon na kinabibilangan nito at ang mga tauhan.
'Daddy, Mommy, alam kong nagpapahanda ng party sina Great Grandma at Grandpa para sa promotion naming dalawa ni Bitchichay. Idagdag pa ang pag-home based nito. Ayaw kong masira ang masaya ninyong atmosphere dahil sa operasyon namin sa Cotabato. Just pray for our success. I love you, Mommy, Daddy, and to my one and only sister.'
Mensahe nito matapos nilang nag-usap sa cellphone.
Dahil na rin sa masaya ang lahat ay walang nakahalata sa takot at pangamba na lumukob sa pagkatao ng mag-asawang JC at Shiella.