CHAPTER FIVE

1639 Words
"KUMUSTA na raw ang mga bata sa Davao, Kuya? Ilang buwan na rin simula noong bumalik ang dalawa roon," salubong na tanong ni Samantha sa pinsang John Chester. "Aba'y tanong agad-agad, pinsan? Hindi pa ako nakapag-hug and kisses kina Grandpa at Grandma ah." Natawa tuloy si John Chester dahil sinalubong siya ng tanong. Kaso inismiran lang siya nito. Ganoon pa man ay hindi na lang niya ito pinatulan. Dahil iisang pamilya sila nagmula. Iyon nga lang ay talagang mas masamang magalit ang mga babae sa angkang nila. Hanggang sa kasalukuyan nga ay binabatukan pa silang mga lalaki ng mga pinsang babae. Lalong-lalo na sina Samantha at Crystal Marie. "Hindi na ako magtataka kung bakit mas maingay ang nga anak ninyong babae kaysa mga lalaki. Well, I love it. They are my heir for sure," nakatawang saad ng may edad ng si Grandma Lampa. "Natural na iyon, Lampa ko. Dahil tayo ang puno. Mga apo natin kako dahil sila-sila rin ang nagbansagan. May Bitchichay dahil b***h daw kapag magalit. Nandiyan ang mga lady priest dahil tatahi-tahimik pero kapag nagsalita ay panes ang lahat. Mayroon ding Laglag Bala dahil kahit presidente ay hindi inuurungan. Kask silang mga babae pa ang bumansag kay Art Dos ng Sablay. Saan ka pa, lampa ko." Ayaw pang magpatalo ni Grandpa Art. Wala naman silang dapat ikahiya. Dahil iyon ang kanilang tatak. Sablay at Lampa. "BUT seriously, pinsan, kaya ako nagtatanong dahil tumawag ang pamangkin ng asawa ko. Hinahanap si Bitchichay. Mukhang may ipapagawa yata kaso undetailed," ilang sandali pa ay pahayag ni Samantha. "Sino sa kanila, pinsan? Kung hindi ako nagkakamali ay pito ang mga pamangkin mo kina Tristan Keith at Clarence," tugon nito. Kaso bago pa makasagot ang tigre na pinagmanahan ng Bitchichay ay dumating naman ang isa sa mga lady priest. Sa hitsura pa lamang nito ay halatang galit na galit. Tuloy! "Ay, huwag n'yong sabihing sita-goration agad-agad? Aba'y wala na ngang magandang nangyari sa paligid ko ay dadagdagan n'yo pa po ba?" agad nitong sabi kasabay nang pagbigay ng galang sa mga ninuno at ibang nandoon. "Susme, anak, mamaya makarating sa pinsan mo ang iyong hitsura sa kasalukuyan. Aba'y i-print pa nila iyan. Tsk! Tsk! Kadarating mo nga lang subalit hindi na maipinta ng the best artist ng Tito General mo ang iyong mukha." Taas-kilay na baling ni JC sa anak. Kaso hindi iyon pinansin ng dalaga bagkus ay humarap sa tiyahin. "Mama Sam, nasaan po si Jerome? Sina Bitchichay at Art Dos sana ang hahanapin ko pero nasa Mindanao ang mga iyon. Kaya po si Jerome na lang. May ipa-shoot to kill ako sa kaniya. Ah! Pesteng nga walang magawa sa buhay! Diyan na po muna kayo at kay Tito General na lang ako lalapit!" Nganga! Nawala na ang dalagang galit na galit sa kanilang paningin ng sila ay nakahuma. Pero iisa lang ang nasa kanilang isipan. Sinagad ang pasensiya ng lady priest! "ILANG buwan na ba simula nang bumalik tayo rito, pinsan?" "Half a year na, pinsan ko. Bakit? Huwag mong sabihing namimiss mo na ang pagdidilig---Ooops! Huwag ka ngang balat-sibuyas, huh! Naturally, kasama na roon ang mga magulang natin." "Tsk! Tsk! Kung nay kasintahan ka sana ay iisipin kong may alam ka sa pagdidilig eh." Normal na iyon sa kanilang magpinsan. Minsan pa nga magugulat na lamg sila dahil mapapahalakhak ang mga tauhan nilang dalawa. Kagaya sa oras na iyon, bukod na napatawa ng malakas ang ilan sa nakarinig sa usapan nila ay nagwika pa sila. "Ay kung liligawan ko si Lt Mondragon, Captain Aguillar, papayag ka ba?" "Huwag ka ngang salawahan, Reyes. Kagagaling mo lang sa pagdidilig kahapon ah." "Tsura mo, Garcia. Aba'y nagsalita ang nakadilig. Ikaw, ilan na ba sila?" Mga ilan lamang din sa binitiwan nilang salita. Pero para sa kanila ay nagbibiruan lang din. Dahil ang rason nila ay seryoso at malayo na nga sila sa kani-kanilang pamilya ay masaydo pang tahimik. Kaya nga madalas din silang nagkukuwentuhan. Taga-Luzon naman silang grupo kaya't nagkakaunawaan sila sa katutubong salita man o tagalog. "Hmmm... kapag makaya ninyo ang tupak ng isang Bitchichay na tulad ko ay puwedeng-puwede. Pero para kayong si pinsan este Captain Aguillar na iyakin ay huwag na. Dahil baka sa sigaw ko pa lang ay sindak na kayo." Panggagatong pa ng dalagang opisyal. "Ay hindi naman tayo talo, Lt. Mondragon. Alam mo namang nagbibiruan lang tayo. Kayo naman kasi ni Captain Aguillar ay masyadong seryoso." Animo'y kriminal na nasukol ang tinawag na Reyes. "Alam ko, guys. Huwag kayong mag-alala dahil lahat tayo ay magkakapatid. Maybe not by blood but by our oats as military and Filipinos," maagap na saad ng dalaga bago humarap sa pinsang halatang malalim ang iniisip. Kaso! "Captain Aguillar, Lt. Mondragon, pinapatawag po kayo ng superior natin. Puntahan n'yo raw sa kaniyang opisina," pahayag ng kapwa nila sundalo. "Okay. Thank you for the information, Officer Ramos." Pasasalamat ni Art Dos. "Walang anuman, Sir. Sige, Sir, mauna na po ao," tugon nito bago sumaludo bilang pamamaalam na sinagot naman niya ng pagtango. Then... "Kayo na muna ang bahala rito, men. Narinig n'yo naman ang sinabi ni Officer Ramos." Baling niya sa mga kasamahan. "Yes, Captain. There is no need to worry about us," tugon ng mga ito. Kaya naman ay bumaling siya sa pinsang biglang natahimik. Samantalang bago pa dumating ang kapwa nila sundalo ay talak ito nang talak. "Himala naman yatang naging sheep ang Bitchichay kong pinsan? May problema ka ba?" pukaw niya rito. "Well, well... sa ngayon ay wala akong maisagot sa tanong mong iyan, pinsan. Napaisip lang ako lalo at nabanggit mo ang tungkol sa ilang buwan nating hindi pag-uwi sa Luzon," saad nito. Subalit hindi na siya nakasagot dahil eksakto namang natapat sila sa opisina ng heneral. NEVADA, USA "Ano ba ang dahilan mo at nagkahimala yatang gusto mong umuwi ng Pilipinas, anak?" tanong ni Joanna sa bunsong anak. "Ay, kailangan ba talagang may rason, Mommy?" balik-tanong nito. Tuloy! "Pambihira naman kayong mag-ina. Nagtanong ang isa ngunit sinagot din ng tanong. Aba'y paano kayo magkaunawaan sa lagay na iyan?" Natampal tuloy ni Tristan Keith ang noo dahil palitan ng tanong ng mag-ina niya. "Daddy, eh, hindi ko naman po alam na kailangan na pala ang rason sa pag-uwi ng bansa. Kaya nga po napatanong din ako," agad na sagot ni Stephanie Yvette. Kaso napaisip siya dahil mukhang may nais ipahiwatig ang ina. 'Di kaya't ang hayop na iyon ang tinutukoy ni Mommy? Tsk! Tsk! Kailangan ko siyang iwasan. Huwag na huwag magsangga ang landas namin dahil talagang siya ang ipabala ko sa aerial bomb ng Bitchichay na iyon!' Ngitngit niya. "See? Alam kong may dahilan ka, anak. Wala namang problema kung gusto mong umuwi sa Pilipinas. Nandoon naman ang Papa Braxton at Papa Clarence ninyo. At isa pa ay ang Lola at Lolo n'yo. Still, your reaction proves that you have a reason in going home." Tinig ng ina ang nagpabalik sa kamalayan niya. "Hija, kinakausap ka ng Mommy mo. And besides, we need to know what's the matter." Pukaw pa sa kaniya ng ama. Confirmed! Naniniguro lamang ang mga ito. Kaya't kusa na rin siyang nagwika. "Pasensiya na po kayo, Mommy, Daddy. Hindi ko naman po kasi nakuha agad ang pinupunto ninyo. Actually, nakipaghiwalay na po ako sa gagong iyon. Akalain mo bang sa mismong opisina pa ng hudas na iyon sila gumawa ng milagro? Tsk! Tsk! Sila ang magiging bala ng machine gun ni Bitchichay. Malayo pa ang daungan ng MARGARITA upang ang torpedoes sana! Those filty people don't deserve to leave!" Ayon! Dahil sa muling pagkaalala sa mga manloloko ay hindi na niya napigilan ang paglabas ng mga salitang hindi akma sa tulad nila. "Hanep ka naman, bunso. Aba'y kahit nasa malayo pa ang barko ay kayang-kaya nilang pakawalan ang torpedong armas nito. Kaso sa salita mo pa lang ay super murder na ang taong iyon," pahayag ng bagong dating na si Sylvia Keith. "Hah! Bagay lang sa kanilang mga hinayupak! Ah! Kahit sino sa mga nasa military ang gagawa ay walang problema. Mas maganda nga lang sana kung si Bitchichay. Dahil isang hablot lang ng sira-ulong iyon ay ligwak na!" Ayun! Uminit na naman ang bunbunan. Bilang magulang ng dalaga ay nauunawaan nila ito lalo at naikuwento na nito ang tungkol sa kataksilan ng kasintahan. Pero ayaw din naman nilang maging kunsintidor. Kaya't mas minabuting idaan sa magandang usapan. "Anak, nauunawaan kita sa iyong galit sa dati mong kasintahan at ang babaeng nakita mo. Ngunit mas matatanggap ko pa siguro ang mga rason mo kung hindi nakadikit ang aerial bombs, machine guns at mga pinsan mong nasa military. Dahil magiging kriminal ka na kapag magawa mo ang mga iyan. Since na kinausap mo naman ang dating kasintahan mo ng maayos ay problema na niya iyon kung ayaw tanggapin samantalang ito ang nagkasala," mahaba-haba niyang pahayag. "At isa pa, bunso, sigurado akong susunod ang pinsan nating Bitchichay sa law of protocol. Paboritong linya iyan ng pinsan naman niya sa kabila. Naturally, susundin niya ito dahil superior niya. And as Mommy said, hayaan mo na ang manloloko lalaki. Who knows, on your way home in Baguio City, makasalubong mo ang tunay na babangga sa dragona mong puso." Mula sa seryosong pahayag ni Sylvia Keith ay nauwi sa halakhak. Kaya naman ay nahawa na rin silang lahat. "Don't worry about me, Mommy, Daddy, and my dearest sister. Dahil may delikadesa pa akong tao. Ngunit talagang may kalalagyan ang hinayupak na iyon kapag ipagpatuloy ang panggugulo sa akin," ilang sandali pa ay saad ni Stephanie Yvette. Labis-labis naman ang tuwang lumukob sa puso ng mag-asawang Joanna at Tristan Keith dahil sa narinig mula sa bunsong anak. SA kabilang banda. Nagulat ang lahat dahil nagpatawag ng meeting ang heneral. Samantalang matagal-tagal na ring hindi sila sumabak sa giyera. Ngunit mas nagulat ang mga taga-Luzon o ang grupo ng magpinsang Bitchichay at Art Dos dahil sa naging dahilan ng meeting!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD