I was ten years old nang mamasukan bilang kasambahay si Nanay sa bahay nila, or I must say… mansion. Noong una ay parehas kaming mailap sa isa’t isa pero kalaunan ay naging magkaibigan din kami…
“Michaela, papasok ka na rin ba sa eskwelahan?” tanong ni Sir Giovan. Boss siya ni Nanay.
Tumango ako sa kanya bilang sagot.
“Edi sumabay ka na lang sa’min ni Gael tutal dadaanan naman namin yung school mo bago kami makarating sa eskwelahan niya,” aniya.
Hawak-hawak ko ang strap ng bag ko’t hindi alam kung anong isasagot. Sa totoo lang ay nahihiya ako sa kanila lalo na kay Ma’am Cassandra. Minsan kasi ay napapansin ko siyang sinusungitan ang ibang mga kasambahay na nandito kaya sa tingin ko hindi siya ganoon kabait.
Ilang saglit pa ay dumating na si Nanay. “Ay, Sir Giovan, huwag na po. Ihahatid ko naman ho si Michaela. Nakapagpaalam na rin ho ako kay Ma’am Cassandra.”
“Sige pero puwede kayong sumabay sa amin para makatipid na rin kayo ng pamasahe,” pag-aalok pa rin ni Sir Giovan.
Napakamot naman ng ulo si Nanay – tila wala ng magawa kundi tanggapin ang alok nito.
“Sige ho, Sir. Maraming salamat po!”
Bumaling ang atensyon ni Nanay sa’kin. “Anak, hindi na muna sasabay si Nanay sa’yo, ha? Alam mo naman na nahihilo ako ‘pag nasa loob ng sasakyan. Nakakahiya at baka masuka ako sa byahe. Ayos lang ba sa’yo na hindi muna kita masasamahan?” pabulong na tanong niya.
“Ayos lang po, ‘Nay. Mabait naman po si Sir Giovan, hindi niya naman ako pababayaan.”
Nginitian niya ako saka hinalikan sa noo.
“Ah, Sir… Ayos lang ho ba kung iiwan ko na lang si Michaela sa inyo? A-Ah, may nakalimutan pa pala akong gawin.”
Bahagya namang kumunot ang noo ni Sir Giovan. “Sige. Ako na ang bahala sa anak mo, Linda.” Dumako ang tingin niya sa’kin. “Halika na. Baka ma-late pa tayo,” aniya nang nakangiti.
Niyakap ko na si Nanay bago ako pumasok sa loob ng sasakyan. Pagbukas ni Sir Giovan ng pinto sa likod ay nandoon rin pala si Gael, ang kaisa-isang anak nila. Tahimik lang ito habang nakatutok sa kanyang cellphone. Ni hindi niya inalis ang kanyang atensyon do’n hanggang sa makasakay ako.
Nang maisarado ni Sir Giovan ang pinto ay nanahimik na lamang ako.
“Hi.”
Nagulat ako nang bigla siyang nagsalita. Dahan-dahan ko siyang sinulyapan para siguraduhin na ako nga ang kausap niya, at hindi nga ako nagkakamali dahil sa’kin siya nakatingin.
“I’m Gael Dela Vega. What’s your name?”
“M-Michaela Isidro,” nahihiyang sagot ko.
Ngumit siya sa’kin at inalok ang kanyang kamay para makipag-kamayan sa’kin.
Nginitian ko naman siya pabalik at tinanggap iyon.
“It’s nice to meet you, Michaela.”
That was the first time we talked to each other. I thought he was the spoiled bratt kind of kid but I was wrong. Mula no’ng araw na’yon, naging magkaibigan na kami ni Gale. We get along. Naglalaro kami, minsan ay tinutulungan niya ako sa mga assignments ko lalo na sa Math. He treated me as a friend. I never felt different when I’m with him. Minsan nga nakakalimutan ko na magkaiba nga pala kami ng estado ng buhay. His family is wealthy, habang ako ay anak ng isa sa kasambahay nila. But our life status was never a hinder to our friendship.
When I turned eighteen, my mom died of cardiac arrest. Naglalaba lang siya non sa laundry area at doon siya mismo inatake. I was at the school at that moment, and Gael was the first person who comforted me.
“Ba’t tayo nasa ospital, Gael?”
Kanina ko pa napapansin sa sasakyan na parang malalim ang kanyang iniisip. Nagulat nga ako nang bigla nila akong sunduin sa school kahit may pasok pa ako nang hapon. Ang sabi niya lang ay may importante kaming pupuntahan pero bakit dito sa ospital?
Nang hindi siya makasagot ay muli akong nagtanong, “Ayos ka lang ba? Masama ba pakiramdam mo?” Nilapitan ko pa siya’t hinawakan sa noo para i-check kung may lagnat siya pero hindi naman siya mainit.
“I’m really sorry, Cai. I’m sorry,” biglang sabi niya saka niya ako niyakap. He’s crying.
Unti-unti na akong nakaramdam ng kaba. Ano ba ang nangyayari? May sakit ba siya? May nangyari ba sa—
“Gael, anong nangyari?” kinakabahang tanong ko habang nakayakap pa rin siya sa’kin.
Nang kumalas siya sa pagkakayakap ay hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at hinarap ako sa kanya. Diretso siyang tumingin sa mga mata ko.
Huminga pa siya nang malalim bago nagsalita, “W-Wala na si Ate Linda.”
“H-Huh? Sino? Ba’t kapangalan ni Nanay?”
Bago pa man siya makasagot ay bigla na lamang sumulpot sa harapan namin si Sir Giovan.
“Michaela, buti at nandito ka na,” ramdam ko ang lungkot ng kanyang pananalita.
“Sir, nasaan po si Nanay? A-Ano po ang nangyari sa kanya?”
Lalong lumungkot ang kanyang mga mata. Bahagya pa siyang umiling, “Wala na ang Nanay mo, Michaela. She died from cardiac arrest.”
Biglang bumuhos ang luha ko nang marinig ko iyon. Ramdam ko ang paglambot ng mga tuhod ko at ang panlalamig ng mga kamay ko. “H-Hindi totoo ‘yan. Buhay ang Nanay ko! Buhay siya!” sigaw ko habang walang-tigil ang pag-agos ng luha ko.
“I’m sorry, Mi–”
Marahan akong umiling. “Hindi, Sir. Hindi mo kailangan mag-sorry dahil hindi pa patay ang Nanay ko!”
“Cai…” Bigla akong niyakap ni Gael. “I’m sorry for your loss. Nandito lang ako para damayan ka. You will never be alone, Cai. Ako ang magiging sandalan mo sa tuwing manghihina ka.”
Tinupad niya ang sinabi niya no’n. He never made me feel alone. Lagi siyang nandyan para sa’kin. He offered his shoulder for me to cry on. He was only twenty that time, but he was so mature. He did everything he can para sumaya ako ulit. He even convinced his parents na doon na ako manunuluyan sa kanila. I stopped studying high school dahil ayoko na rin maging pabigat sa mga magulang ni Gael. At dahil malaki ang utang na loob ko sa kanila, pinili kong magtrabaho bilang kasambahay nila. Hindi sang-ayon si Gael no’n pero hindi niya rin ako napigilan sa naging desisyon ko.
As we grow as teenagers, lalo ko lamang siya nakikilala. I was nineteen years old when I started admiring him. Aside from being handsome, ang pinakanagustuhan ko sa kanya ay ang ugali niya. He was so genuine, so caring, so gentle, and humble. Plus the fact that he’s really smart. Hindi siya basagulero because he has dreams.
“Cai, can I ask something?”
Kasalukuyan kaming nasa pool area ngayon. Nakababad ang mga paa namin sa tubig habang pinagmamasdan ang pag-iiba ng kulay ng ilaw sa tubig ng pool. Ito na kasi madalas ang tambayan namin tuwing gabi. Presko kasi ang hangin dito at tahimik.
“Oo naman. Ano ‘yon?”
“If you were given the opportunity na makapag-aral ulit, will you grab it?” he asked.
“Oo naman, syempre!” sagot ko habang tumatango. “Sino ba naman ang tatanggi sa ganoong alok, ‘di ba? Alam mo, pangarap ko talaga maging flight stewardees. Pero alam ko rin at tanggap ko naman na hanggang pangarap na lang talaga ‘yon.” Malungkot akong ngumiti sa kanya.
“Hindi mo ba itatanong kung anong pangarap ko?”
Natawa ako sa tanong niya. Nilingon ko si Gael na ngayon ay nakatingin sa mga bituin sa langit.
“Anong pangarap mo, Gael?” tanong ko nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya.
Biglang sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. “I want to be as rich as my parents. I want to have my own money para tulungan ka na matupad ang pangarap mo,” sagot niya.
It was at that moment that I knew, I’m already falling in love with Gael.